Share

Flirting With Fury (Billionaire Series #1)
Flirting With Fury (Billionaire Series #1)
Author: MissLovelyTales

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-06-06 10:28:21

Leah Corpuz POV

KUNG may medalya sa pag-aapply ng trabaho at pagiging rejected, malamang may koleksyon na ako ng gold, silver, at bronze. Paulit-ulit. Araw-araw. Resume dito, lakad doon, interview everywhere. Pero sa huli, laging may "We'll call you" na hanggang ngayon ay never pa rin nangyari.

"Leah, hindi ka pa ba bababa? Kakain na tayo oh!" sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Sandali lang po, Ma! Nag-aapply lang po ulit ako!" sagot ko habang nakapulupot ang tuwalya sa buhok ko, hawak ang cellphone at nakasandal sa pader ng kwarto namin.

Hindi ko alam kung anong mas nakakapagod-yung pag-aapply o yung pag-asa. Pero kahit ilang rejection pa ang abutin ko, hindi ko puwedeng sukuan 'to. Kasi kapag sumuko ako, sinong aasahan nila Mama?

Ang pag-aaral ng kambal? Ako.

Pambili ng gamot ni Mama? Ako.

Bayad sa kuryente, tubig, renta? Ako.

Ako lang.

So kahit masakit na, kahit nakakahiya nang ipasa yung iisang resume sa limang kumpanya sa parehong araw, push pa rin. Baka lang, baka lang talaga may magbukas na pinto.

Kaya ayun ako, scroll sa F******k, LinkedIn, kahit mga job group sa Messenger, hanggang sa isang sponsored post ang lumitaw sa feed ko-

"A CEO is looking for a contract wife. No strings attached. Serious applicants only."

Napakunot-noo ako.

What the hell?

Akala ko una, prank lang or scam. Pero nung kinlik ko, dinala ako sa isang private website na ang linis ng design, parang legit talaga.

Monteverde Corporation: Personal Proposal

At doon ako napatigil.

"I am Damon Monteverde. Thirty-one. CEO of Monteverde Corporation. I need a wife for one year-either to bear a child or fulfill legal requirements. In return, I will cover all your living expenses and pay ₱5 million upon successful completion of the contract. Terms and conditions apply."

"Putcha..." bulong ko.

Natawa ako sa sarili ko. What kind of rich guy announces he needs a wife online?

Pero habang tumatagal akong nakatitig sa screen, napalunok ako.

₱5 million.

Sapat na para mapaopera si Mama.

Sapat na para mapag-aral si Gab at Lianne hanggang college.

Sapat na para makapagsimula kami ng panibagong buhay.

Biglang tumahimik ang mundo ko.

My thumb hovered over the Apply Now button.

Baliw ba ako kung i-click ko 'to?

Yes.

Pero mas baliw akong pabayaan si Mama habang may option sa harap ko.

So I clicked.

Application Form

Name: Leah May Corpuz

Age: 27

Occupation: Currently unemployed

Height: 5'5

Health Condition: No known illnesses

Willing to relocate: Yes

Open to bearing a child within the year: I took a deep breath and clicked "Yes."

Brief Statement (Why should you be chosen?):

Because I'm not here to fall in love or be your fairy tale. I just want to save my family. And maybe you're not looking for love either. Maybe we both just need to survive.

I hit Submit and stared at the screen for a full minute.

A week passed.

No email. No call. No anything.

Until one afternoon, habang naglalaba ako ng bedsheets, may dumating na email na may subject na:

"Monteverde Corp - Application Review Result"

Nanlamig ang kamay ko. Binuksan ko agad.

Congratulations. You've been selected for a personal interview with Mr. Damon Monteverde.

The interview will be held at Monteverde Tower, 45th floor, this Wednesday at 2:00PM.

Please dress appropriately.

Kind regards,

Allison Cruz

Executive Secretary to Mr. Monteverde

KINABUKASAN, para akong naglilinis ng kasalanan.

Nilabhan ko ang pinaka-maayos kong damit. Pinlantsa. Pinunasan ang sapatos. Naligo ng dalawang beses. At habang nasa jeep ako pauwi, dala-dala ang confirmation ng interview, ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Leah," sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa reflection ko sa salamin ng FX.

"This is either the biggest mistake of your life... or the only miracle you've been waiting for."

Pagkababa ko ng taxi sa tapat ng Monteverde Tower, para akong kinain ng lupa sa kaba. Taas-baba ang dibdib ko habang nakatingala sa matayog at mukhang intimidating na building. Ilang beses akong lumunok habang pinapanood ang mga taong naka-blazer, naka-heels, at parang laging may lakad sa Forbes Park.

Ako lang ata ang naka-ukay-ukay na blouse at borrowed slacks.

Pero bahala na.

I walked in, steadying my breath, acting like I belonged even though every nerve in my body was screaming, You don't. Pero hindi ako puwedeng umatras. Hindi ngayon. Hindi sa panahong hawak ko na ang posibilidad na maiahon ang pamilya ko sa hirap.

"Miss, saan po kayo papunta?" tanong ng receptionist sa lobby.

"Interview po. With... Mr. Damon Monteverde."

Parang may biglang nagpalamig ng hangin. Yung mga tao sa paligid, bahagyang napatingin.

Damn, am I already doing something wrong?

"Name, please?"

"Leah Corpuz."

Nagtype siya sa computer at tumango.

"You're scheduled. Take the private elevator to the 45th floor. They're expecting you."

They?

Sino sila? Yung board of directors? Yung mafia? Si Lucifer?

Nang makapasok ako sa private elevator, parang may sariling mundo yung loob. Tahimik. Mabango. At walang ibang tao. Parang isang prelude sa isang something na hindi ko mawari kung opportunity ba o kapahamakan.

Ding.

The doors slid open.

Isang hallway na parang straight out of a luxury hotel ang bumungad sa akin. Mahahabang paintings. Tiled marble floor. Walls na kulay champagne. Tapos sa dulo, isang glass double door with the words:

MONTEVERDE - EXECUTIVE OFFICE

Lunok, Leah. This is it.

Huminga ako nang malalim, saka tinulak ang pinto.

Isang babae agad ang tumingin sa akin mula sa receptionist desk sa loob. Slim, classy, and fierce-looking.

"You must be Miss Corpuz," she said, matamis pero walang emosyon ang boses. "Mr. Monteverde is expecting you. Please, follow me."

Sinundan ko siya sa loob ng isa pang pinto-mas malaki, mas tahimik, at mas malamig. Parang aircon na galing sa Antartica. At doon, sa dulo ng kwarto, nakatalikod sa amin ang isang lalaki. Matangkad. Broad shoulders. Nakasuot ng crisp white dress shirt, tucked neatly sa navy blue slacks. Nakaharap siya sa glass window, tanaw ang skyline ng Makati.

"Sir, the applicant is here," sabi ng secretary, then umalis na siya, iniwang kaming dalawa.

Napakagat ako sa labi.

Tahimik.

Walang imik.

Parang eksena sa pelikula.

Tapos bigla siyang nagsalita, malamig, mababa, at parang walang kahit anong emosyon:

"You answered yes to the child-bearing clause. Why?"

Biglang nag-turn siya, at doon ko siya unang nasilayan nang buo.

Holy. Shit.

Hazel eyes that looked more like they belonged in some fantasy novel. Tisoy. Pero hindi yung boy-next-door na kind. Mas mukha siyang villain na CEO sa isang dark romance book. Sharp jawline. Expressionless face. And an energy that screamed don't mess with me.

"I... need the money," I answered honestly.

"Everyone needs money."

"True. But not everyone has a dying mother and two siblings who'll stop going to school if I don't get this job."

Tumango siya, slowly walking to his desk. He took a seat and folded his hands together.

"I don't want drama. I want results. My grandfather created this condition in his will to challenge me. Either I get married, or I produce an heir. Or else, I lose the company I've spent ten years growing."

He stared straight at me.

"I don't care about love. I don't care about passion. This is a contract, not a fairy tale."

Napakagat ako sa loob ng pisngi. His words were like knives-sharp and unapologetic.

"I understand," I replied. "I'm not here to fall in love either. Just give me the contract. I'll sign it."

He raised an eyebrow, as if amused.

"You're bold."

"I don't have time to be shy."

A slight smirk crossed his lips. First sign of life sa mukha niya.

"Fine. Then here are my conditions," sabay abot ng isang folder.

Binuksan ko agad.

CONTRACT OF MARRIAGE AGREEMENT

Between Damon Monteverde and Leah Corpuz

Duration: 1 year

Clause 1: Live-in arrangement required.

Clause 2: Public image must be maintained as husband and wife.

Clause 3: Intimacy optional but encouraged for clause fulfillment.

Clause 4: No emotional attachment.

Clause 5: Five million pesos shall be paid upon completion.

Clause 6: Immediate annulment after the term.

"Walang sabit?" tanong ko, pilit na hindi kinakabahan.

"None. My lawyers are excellent."

I stared at him. This man is serious.

"How soon can you move in?" tanong niya.

"Give me three days."

"You have one."

My heart skipped a beat.

He wasn't just cold. He was a fucking storm.

"One day lang?" halos mapasigaw ako pagkasara ng pinto ng elevator.

Tumingin ang secretary ni Mr. Monteverde sa akin habang hawak pa ang clipboard niya.

"He's very particular about time."

"Wala na bang extension?"

"Nope," she answered calmly. "He already found a girl before who wasted his time. He doesn't give second chances."

Wow. May nauna na pala.

NAPABUNTONG-HININGA ako habang pababa ng building, parang hindi pa rin ako makapaniwala sa pinasok ko. Ang totoo, hindi pa nga nagsi-sink in ang lahat. Para akong lumulutang. Gusto kong matawa, gusto kong maiyak. Gusto ko na ring matulog at magising na lang sa panaginip na 'to.

Pero hindi. Totoo 'to.

May isang araw ako para iwan ang buhay ko-ang nanay kong may sakit, ang kambal, ang lumang kama ko, pati na rin ang basag na salamin sa banyo namin. Sa isang araw, kailangan ko nang lumipat sa mundo ng isang lalaking mukhang literal na hindi marunong ngumiti.

Pagkauwi ko, wala pa ring kuryente. Naputulan na pala kami kahapon. Ang tanging ilaw lang sa bahay ay ang cellphone ko na naka-flashlight habang nag-iimpake ako ng iilang gamit.

"Leah, anong ginagawa mo?" tanong ni Mama habang nakahiga sa banig, pagod at parang lutang na rin.

Napatingin ako sa kaniya. Wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin ang totoo.

"May trabaho na ako, Ma," ngumiti ako. Pilit. Pero totoo.

"Talaga anak? Anong trabaho?"

"Contract job po. Biglaan. Kailangan ko raw lumipat bukas."

"Anak... safe ba 'yan?" bakas ang pag-aalala sa boses niya.

Tumango ako. "Oo naman po. Wala po kayong aalalahanin. May matitirhan po kayo. May pambayad na tayo sa gamot. Sa tuition nina Gab at Lianne."

Umiyak si Mama. Ako rin.

Pero pinunasan ko agad, kasi kailangan kong maging matatag. Ito ang desisyon ko. Ito ang paraan ko. At kahit ilang beses pa akong tanungin kung tama ba 'to... lagi kong babalik-balikan ang tanong:

Hanggang kailan kami maghihirap kung hindi ko to susubukan?

The Next Day - Monteverde Tower, 7:00 AM

May naghihintay nang black SUV sa kanto pa lang ng kalsada namin. Iba talaga kapag mayaman. Hindi ko pa nga officially natutulog sa bahay niya, may assigned car service na ako.

Pagdating ko sa Monteverde Tower, may staff na agad na sumalubong.

"Miss Corpuz, right? Follow me."

Diretso kami sa elevator, pero hindi sa executive floor kundi sa penthouse suite. Pagbukas ng pinto, literal akong napanganga.

High ceilings, black marble tiles, modern kitchen, glass walls with a 360-degree view of the city, and a staircase that screamed rich people things.

"Sir Damon isn't here yet. You'll be staying here. Welcome to your new home," sabi ng babae habang inaabot ang tablet.

"Please sign the digital NDA and contract confirmation."

Pinirmahan ko habang nanginginig ang kamay ko.

This was real.

I was really here.

8:45 AM

I heard footsteps. Mabigat. Confident.

Then a voice.

"Don't leave your things on the floor."

Napalingon ako.

Doon siya. Suot ulit ang signature niyang white shirt at slacks, mukhang fresh-out-of-a-billionaire-magazine. Hazel eyes staring at me like I was some... mild inconvenience.

"Good morning..." sabi ko, sinusubukan maging magaan ang boses ko.

"Don't make it a habit. We live together, not play house."

Ouch.

Noted.

"Okay. Got it," I said calmly.

"You'll be assigned a room. The far end. I don't want disturbances."

"Copy."

"You'll have your own staff access. But when we're in public, remember the role. You're my wife. Smile when needed. Speak only when asked. We need to appear convincing enough."

"Understood, boss-uh... I mean, husband."

Napatingin siya. Sharp.

I smirked.

"Just trying the role," I whispered.

Sa loob-loob ko, kung ganito ka-bitter tong taong 'to sa marriage, malamang may pinaghuhugutan. At mukhang mahaba-habang hugot 'yon.

Pero kahit gano'n siya ka-cold... hindi ko maikakaila.

Hot siya. Literal.

Yung tipong kahit suplado, pag lumapit, para kang matutunaw.

And maybe... just maybe... that's going to be a bigger problem than I thought.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 35

    Biglang bumukas ang pinto. "Sir Monteverde," sabi ng private guard ni Damon. "The car's ready. The safehouse is secured. Helicopter is standing by kung gusto niyo pong mag-airlift instead." Napalingon si Damon. "Prepare both. We leave in thirty minutes. No one else knows about this move, understood?" "Yes, sir." Nang makalabas ang guard, bumaling siya ulit sa'kin. "We're leaving, Leah. Now." Gusto kong tumutol. Gusto kong sabihin na ayokong tumakas, ayokong magtago... pero anong laban ko? Pati best friend ko pala... traydor. Pati simpleng buhay ko noon, wasak na. "Leah, you have to trust me. Please," bulong niya, mariin, halos pakiusap. Napatingin ako sa kanya. Sa lalaking ito na ilang linggo ko nang pinagdududahan... pero siya rin pala ang nag-iisang nagtatanggol sa'kin ngayon. Ako ba ang tanga noon... o ngayon pa lang nagiging totoo ang lahat? Huminga ako nang malalim. "Tara na." Tumango siya. Tumayo. Tinulungan akong bumangon mula sa kama, dahan-dahan.

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 34

    Pero wala akong boses. Nanginginig ang buong katawan ko. Paulit-ulit ang mga salitang 'yun sa isip ko. I'll start... with your beloved wife. Ako ang target. Ako ang uunahin niya. "Leah, listen to me." Hinawakan ni Damon ang pisngi ko, pilit akong pinapakalma. "Hindi siya makakalapit sa'yo. I'll make sure of that. Kahit dumaan siya sa impyerno, hindi niya mararating ang pintuan mo. Hindi habang humihinga ako." Pero kahit gaano kalakas ang salita niya... hindi 'nun kayang tanggalin ang takot sa dibdib ko. "Kailangan ko makita 'yung CCTV," mahina kong sabi. "No," mariing sambit niya. "Ayokong makita mo 'yun. Baka lalo ka lang matakot-" "Gusto ko makita. Please, Damon. Kailangan ko malaman kung sino ang kasama niya." Nanginginig pa rin ang boses ko pero pursigido. "Baka kilala ko siya. Baka may clue ako na hindi mo alam." Natahimik si Damon. Nag-aalangan. "Please..." pakiusap ko. Isang malalim na buntong-hininga. Kinuha niya ang tablet sa side table. "Okay... but pre

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 33

    "Si William... nasa ICU. Tinamaan siya para iligtas ka. Hindi pa rin siya gising hanggang ngayon." Napapikit siya, mariing pinigil ang galit. "Ethan escaped. Hindi namin siya nahuli. Pero hahanapin ko siya... kahit saan siya magtago."Nanlaki ang mata ko."Escaped? Paano-""May kasabwat siya. Isa sa mga guard ng mansion... pinapasok siya. Kasalukuyan pa naming iniimbestigahan kung sino pa ang kasama niya. Pero Leah... hindi ka na pwedeng bumalik doon. Delikado."Napaluha ako. Putang ina. Lahat ng ito... totoo pala."H-he almost killed me..." mahina kong sabi.Humawak si Damon sa mukha ko, marahang hinaplos ang pisngi ko. May takot sa mata niya, pero may halong galit-sa sarili niya."I'm sorry. Sorry kung nadamay ka. Sorry kung... kung nagtiwala ako sa maling tao. Sorry kung pinasok ka sa buhay kong puno ng panganib. Pero Leah..." tumigil siya, nanginginig ang labi, "hindi ko na kayang mawala ka."Napapikit ako. Tangina. Bakit ngayon niya sinasabi 'to?"Damon..." bulong ko, hinawakan a

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 32

    “Leah, come with me. Now. Sa back exit. I can keep you safe—” “Lies!” sumigaw si Damon, hindi na napigilang pigilan si William sa braso. “Ikaw ang may pakana nito, gago! Ikaw ang nagpadala ng text—” “Are you insane?! Gusto mong maniwala siya sa’yo? Ikaw ang manipulative!” ganti ni William. “STOP!” sigaw ko, nanginginig ang boses. “Wala na akong alam kung sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo—pero may mas malaking problema tayo ngayon!” Biglang BLAG! ulit. Mas malakas. Tumigil ang mundo. Dahan-dahang bumukas ang pinto mula sa basement. May aninong lumitaw. Matangkad. Naka-hood. Hindi ko makita ang mukha. May hawak na… baril. “Oh God…” bulong ko. “Leah, behind me!” hinila ako ni Damon, tinakpan ng katawan niya. Si William? Umatras. Halatang takot na takot. “Don’t move,” malamig na boses ng lalaki. British accent. Pamilyar. Parang… “Ethan?” bulong ni Damon, gulat. Kumunot ang noo ko. Sino si Ethan? Tinanggal ng lalaki ang hood niya. Gwapo, singkit ang mata, balbasin. Pero puno

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 31

    HINDI ko na kaya. “PUTANG INA NIYO LAHAT!” sigaw ko, hawak ang kumakabog kong dibdib. “WALA NA BANG TOTOO SA MUNDO KO?!” Nanlaki ang mga mata nina Damon at William. “Leah—” sabay nilang sabi. “WAG! Huwag n’yo kong kausapin. Pareho kayong sinungaling. Pareho kayong may tinatago. Gusto n’yo akong gawin laruan sa gulo n’yo—tangina!” Nagsimula nang bumagsak ang luha ko, mainit sa pisngi ko. Lumapit si Damon, dahan-dahan. Para bang binabakuran ako. “Leah, please. Pakinggan mo lang ako. Kaya ko ipaliwanag lahat—” “Explain?!” Tumingin ako sa kanya, galit na galit. “Ano pang ie-explain mo? Na may iba kang contract wives before me? Na hindi ako special? Na ako lang ang bagong project mo?!” Humigpit ang panga niya. “They meant nothing to me.” “Pero ako? Ano ako sa’yo?” Puno ng luha ang boses ko. “Asawa? O alila na pinalitan ng bagong version kasi sawa ka na sa luma?!”

  • Flirting With Fury (Billionaire Series #1)    Chapter 30

    “Leah, makinig ka sa’kin—” Damon took a step forward.Pero ako? Hindi ko alam kung paatras ba ‘ko o mananatili sa lugar ko. Ang puso ko, parang pinipiga. Ang utak ko, litong-lito.William... Damon... sino ang nagsasabi ng totoo?“Don’t touch me!” pasigaw kong sabi kay Damon, sabay atras. “Pare-pareho kayong mga sinungaling! Ginamit mo ‘ko! Ginawa mo kong kontrata, produkto—hindi asawa!”Humigpit ang panga ni Damon. Kita sa mukha niya ang pagpipigil ng galit, o baka ng sakit? Hindi ko alam.“Hindi kita ginamit, Leah,” mariin niyang sabi. “Totoo lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko ginusto ‘tong simula—pero iba ka. Ikaw ang gusto ko.”Tumawa si William. Mapait.“Oh, come on, boss. Ganyan ka rin dati sa iba, remember? Yung dalawa bago siya? Sweet words, soft touches... hanggang makuha mo ang gusto mo.”Napatigil ako.Ano raw?“William...” banta ni Damon, mababa ang tono. “Tama na.”Pero hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status