MAY mga bagay talaga sa buhay na akala mong kaya mong i-handle-hanggang sa andiyan na siya sa harap mo, six-foot-one, naka-white shirt, at may titig na parang gusto kang ipatapon sa disyerto.
Good morning nga pala, asawa ko na raw ngayon si Damon Monteverde. Technically. Kasi kahit na pumirma na ako ng kontrata, at kahit pa nasa penthouse na ako ng taong 'to, isa lang ang malinaw sa akin-wala akong pwedeng gawin na ikaiinis niya, kundi yari ako. "Yung rules natin, klaro, 'di ba?" tanong niya habang nakaupo sa harap ng high-glass table sa may kitchen. As usual, mukhang bagong ligo sa perfume na milyon ang halaga. Ako? Mukhang bagong gising pa rin sa kaba. "Yes, Sir... I mean, Damon. Klaro po." "You can call me Damon. Don't add anything extra. No 'po,' no 'sir.' You're supposed to be my wife. Make it believable." Ang hirap mong mahalin, alam mo ba? Napangiti ako nang pilit. "Copy, Damon. Believable as hell." Napataas siya ng kilay. "You're sarcastic." "Hmm... depends. Sometimes charming," sagot ko sabay kuha ng orange juice sa fridge. "Gusto mo rin?" "No thanks. I don't drink sugar." Okay, Mr. No-Sugar. Pa-healthy masyado. HABANG umiinom ako, napansin kong nakatitig siya. Hindi romantic ha-kundi 'yung tipo ng titig na parang sinusukat niya ako kung bagay ba akong maging fake wife niya sa mata ng mundo. I mean, mukha ba akong pang-bilyonaryo? Hindi ko alam kung pang-Cannes Film Festival ang performance ko kahapon, pero mukhang pasado naman ako sa audition. "We have a dinner party tomorrow night," bigla niyang sabi. "Business partners. You need to come with me." Pucha. Party agad? One day pa lang ako dito! "Ano pong... I mean, anong klaseng party 'to?" "Formal. Business crowd. You'll be introduced as my wife." Napakunot ang noo ko. "Wife agad? Like... publicly?" "Yes. The whole point is to make people believe we're married. That includes everyone-my board, investors, even my grandfather." Ngek. Lolo niya? Baka masungit din yun gaya niya. "Do I have to talk? Smile? Sabay-pose?" "You just need to look good and shut up." Napatingin ako sa kanya. Naka-deadpan talaga. "Wow. Romantic. Where do I sign for the honeymoon?" Napahinto siya sa pagkain ng eggs niya. Tumigil. Tumingin. "Leah..." boses niya malamig. "This is not a game. You're here because I need a wife for a year. One year lang. In exchange, I'll give you what you asked for. Enough money, security for your family, and a clean exit." Napalunok ako. Sh*t. Totoo na talaga 'to. Pero kahit gano'n, hindi ko maialis ang inis sa tono niya. Hindi man lang siya marunong ngumiti o kahit magpakita ng konting appreciation? Hello? Nagbenta ako ng kaluluwa ko just to save my family! "Understood," bulong ko. "A year. No feelings. No games. Just contracts." "Good." Tumayo siya. Kinuha ang coat sa upuan at tinapik ang relo. "May stylist na darating mamaya. Let her handle everything. You'll be prepped for the party." "Okay." "And Leah," dagdag niya habang papalabas na ng pinto, "don't flirt with me. I'm not the type you can charm." Ngumisi ako. "Don't worry. You're not even my type." Well... maybe a little. Pero hindi ko 'yon aaminin sa kanya. Never. HINDI ko alam kung dapat ba akong matuwa o ma-pressure. Kasi ang sabi lang ni Damon, "may stylist na darating." Akala ko stylist na tulad ng nasa mall-magbibigay lang ng bagong damit, tapos ayos na. Pero hindi pala. Dumating siya sakay ng isang black luxury van na may logo ng Monteverde Corporation sa gilid. Naka-all black, may dalang dalawang rolling racks ng designer clothes, may makeup kit na parang kasing laki ng ref, at mukhang ready siyang baguhin ang buong pagkatao ko. "Good afternoon, Miss Leah," bati ng babaeng sosyal na sosyal ang aura. "I'm Marga. I handle image transformations for Monteverde's top-tier profiles. And right now, that includes you." Teka, image transformation? Anong akala n'yong itsura ko, barangay queen? "Uhm, nice to meet you po, Miss Marga." She gave me a quick look-over. Mabilis. Matalim. Tapos ngumiti siya nang plastic. "Okay. We have work to do." Sinimulan niya akong sukat-sukatin gamit ang tape measure, parang hinuhubaran ako gamit lang ang tingin. Inilabas niya ang phone niya, tinext ang assistant niya, at in a matter of minutes may dumating pang extra staff-dalawa, tatlo... lima? Para akong contestant sa Project Runway: Billionaire Wife Edition. "Madam, gusto ko lang po sana ng simpleng dress-" "No," putol niya agad. "You're not here to wear 'simple.' You're Damon Monteverde's wife now, sweetheart. You need to look the part. Glamorous. Poised. Expensive-looking. Intimidating, if necessary." Pucha. Ako, intimidating? Mukha nga akong tindera sa palengke 'pag walang ayos. ILANG beses nila akong pinaikot-ikot sa harap ng salamin. Pina-upo, tinayuan, pinasayaw-lahat. As in full-on makeover. Pinagpilian ang Chanel, Dior, Alexander McQueen. May Louboutins din na parang di ko kayang lakaran. Habang sinusuot ko ang navy blue silk gown na parang kay Angelica Panganiban sa awards night, napatitig ako sa salamin. Sino 'tong babae sa harap ko? Ang eyes ko, sharp na dahil sa makeup. Yung lips ko, pulang-pula at plump. Yung hair ko, naka-volume at wavy. Tapos yung katawan ko, parang model na kinuha sa magazine. "Holy... crap," bulong ko. "You're stunning," sabi ni Marga. "Even Damon will choke." Napatawa ako. "Or choke me." She laughed. "Well, make sure it's the good kind." Omg, bakit parang ang dumi ng dating no'n? AFTER two hours, tapos na ang transformation. Tinuro nila ang jewelry na dapat kong suotin bukas, paano lumakad na hindi sumisigaw ng 'probinsyana,' at paano ngumiti nang sosyal pero hindi OA. Pero habang papasok na ulit ako sa guest room ko sa penthouse, may narinig akong mahinang tunog mula sa hallway. Tila galing sa private office ni Damon. Curious, lumapit ako. Baka may kailangan siya. "Damon?" tawag ko softly habang nakatayo sa tapat ng double doors. Wala siyang sagot. Ipinikit ko ang mata ko at nagbuntong-hininga. I shouldn't intrude. Pero bago pa ako makatalikod, bumukas ang pinto. At ayun siya. Nakaupo sa leather chair, walang coat, sleeves rolled up, holding a glass of what looked like scotch. Pero ang mas napansin ko ay yung itsura niya-malalim ang mata, at pagod na pagod. Ngayon lang, ngayon lang, nakita ko si Damon Monteverde hindi bilang beast o galit na boss. Kundi bilang tao. "What are you doing here?" tanong niya, pero hindi galit. Parang... curious lang. "I-uh, nothing. I just... I heard something. Thought you needed anything." He stared for a moment. Then, he nodded toward the seat across from him. "Sit." "Huh?" "Sit down. You look like you've been through hell with Marga." Napangiti ako. "Feel ko nga po parang sinapian ako ni Heart Evangelista." "No 'po,' remember?" "Oops. Sorry. Old habit." Tahimik kami for a minute habang umiinom siya. Ako naman, pinagmasdan ko lang siya. May gusto akong itanong... something deeper. "Can I ask you something?" I whispered. He raised a brow. "Why me? Bakit hindi ka na lang kumuha ng socialite? Or actress? Yung sanay na sa ganitong mundo?" Tahimik siya sandali. Then he said, "Because they don't know struggle. They'd take the money and run. You? You have something to lose. You'll stay." Napatigil ako. "You're desperate," he added, like it was a compliment. "That's what makes you useful." Sobrang sakit pakinggan. Pero ang mas nakakagulat? Tama siya. Sabi nila, first impressions last.Biglang bumukas ang pinto. "Sir Monteverde," sabi ng private guard ni Damon. "The car's ready. The safehouse is secured. Helicopter is standing by kung gusto niyo pong mag-airlift instead." Napalingon si Damon. "Prepare both. We leave in thirty minutes. No one else knows about this move, understood?" "Yes, sir." Nang makalabas ang guard, bumaling siya ulit sa'kin. "We're leaving, Leah. Now." Gusto kong tumutol. Gusto kong sabihin na ayokong tumakas, ayokong magtago... pero anong laban ko? Pati best friend ko pala... traydor. Pati simpleng buhay ko noon, wasak na. "Leah, you have to trust me. Please," bulong niya, mariin, halos pakiusap. Napatingin ako sa kanya. Sa lalaking ito na ilang linggo ko nang pinagdududahan... pero siya rin pala ang nag-iisang nagtatanggol sa'kin ngayon. Ako ba ang tanga noon... o ngayon pa lang nagiging totoo ang lahat? Huminga ako nang malalim. "Tara na." Tumango siya. Tumayo. Tinulungan akong bumangon mula sa kama, dahan-dahan.
Pero wala akong boses. Nanginginig ang buong katawan ko. Paulit-ulit ang mga salitang 'yun sa isip ko. I'll start... with your beloved wife. Ako ang target. Ako ang uunahin niya. "Leah, listen to me." Hinawakan ni Damon ang pisngi ko, pilit akong pinapakalma. "Hindi siya makakalapit sa'yo. I'll make sure of that. Kahit dumaan siya sa impyerno, hindi niya mararating ang pintuan mo. Hindi habang humihinga ako." Pero kahit gaano kalakas ang salita niya... hindi 'nun kayang tanggalin ang takot sa dibdib ko. "Kailangan ko makita 'yung CCTV," mahina kong sabi. "No," mariing sambit niya. "Ayokong makita mo 'yun. Baka lalo ka lang matakot-" "Gusto ko makita. Please, Damon. Kailangan ko malaman kung sino ang kasama niya." Nanginginig pa rin ang boses ko pero pursigido. "Baka kilala ko siya. Baka may clue ako na hindi mo alam." Natahimik si Damon. Nag-aalangan. "Please..." pakiusap ko. Isang malalim na buntong-hininga. Kinuha niya ang tablet sa side table. "Okay... but pre
"Si William... nasa ICU. Tinamaan siya para iligtas ka. Hindi pa rin siya gising hanggang ngayon." Napapikit siya, mariing pinigil ang galit. "Ethan escaped. Hindi namin siya nahuli. Pero hahanapin ko siya... kahit saan siya magtago."Nanlaki ang mata ko."Escaped? Paano-""May kasabwat siya. Isa sa mga guard ng mansion... pinapasok siya. Kasalukuyan pa naming iniimbestigahan kung sino pa ang kasama niya. Pero Leah... hindi ka na pwedeng bumalik doon. Delikado."Napaluha ako. Putang ina. Lahat ng ito... totoo pala."H-he almost killed me..." mahina kong sabi.Humawak si Damon sa mukha ko, marahang hinaplos ang pisngi ko. May takot sa mata niya, pero may halong galit-sa sarili niya."I'm sorry. Sorry kung nadamay ka. Sorry kung... kung nagtiwala ako sa maling tao. Sorry kung pinasok ka sa buhay kong puno ng panganib. Pero Leah..." tumigil siya, nanginginig ang labi, "hindi ko na kayang mawala ka."Napapikit ako. Tangina. Bakit ngayon niya sinasabi 'to?"Damon..." bulong ko, hinawakan a
“Leah, come with me. Now. Sa back exit. I can keep you safe—” “Lies!” sumigaw si Damon, hindi na napigilang pigilan si William sa braso. “Ikaw ang may pakana nito, gago! Ikaw ang nagpadala ng text—” “Are you insane?! Gusto mong maniwala siya sa’yo? Ikaw ang manipulative!” ganti ni William. “STOP!” sigaw ko, nanginginig ang boses. “Wala na akong alam kung sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo—pero may mas malaking problema tayo ngayon!” Biglang BLAG! ulit. Mas malakas. Tumigil ang mundo. Dahan-dahang bumukas ang pinto mula sa basement. May aninong lumitaw. Matangkad. Naka-hood. Hindi ko makita ang mukha. May hawak na… baril. “Oh God…” bulong ko. “Leah, behind me!” hinila ako ni Damon, tinakpan ng katawan niya. Si William? Umatras. Halatang takot na takot. “Don’t move,” malamig na boses ng lalaki. British accent. Pamilyar. Parang… “Ethan?” bulong ni Damon, gulat. Kumunot ang noo ko. Sino si Ethan? Tinanggal ng lalaki ang hood niya. Gwapo, singkit ang mata, balbasin. Pero puno
HINDI ko na kaya. “PUTANG INA NIYO LAHAT!” sigaw ko, hawak ang kumakabog kong dibdib. “WALA NA BANG TOTOO SA MUNDO KO?!” Nanlaki ang mga mata nina Damon at William. “Leah—” sabay nilang sabi. “WAG! Huwag n’yo kong kausapin. Pareho kayong sinungaling. Pareho kayong may tinatago. Gusto n’yo akong gawin laruan sa gulo n’yo—tangina!” Nagsimula nang bumagsak ang luha ko, mainit sa pisngi ko. Lumapit si Damon, dahan-dahan. Para bang binabakuran ako. “Leah, please. Pakinggan mo lang ako. Kaya ko ipaliwanag lahat—” “Explain?!” Tumingin ako sa kanya, galit na galit. “Ano pang ie-explain mo? Na may iba kang contract wives before me? Na hindi ako special? Na ako lang ang bagong project mo?!” Humigpit ang panga niya. “They meant nothing to me.” “Pero ako? Ano ako sa’yo?” Puno ng luha ang boses ko. “Asawa? O alila na pinalitan ng bagong version kasi sawa ka na sa luma?!”
“Leah, makinig ka sa’kin—” Damon took a step forward.Pero ako? Hindi ko alam kung paatras ba ‘ko o mananatili sa lugar ko. Ang puso ko, parang pinipiga. Ang utak ko, litong-lito.William... Damon... sino ang nagsasabi ng totoo?“Don’t touch me!” pasigaw kong sabi kay Damon, sabay atras. “Pare-pareho kayong mga sinungaling! Ginamit mo ‘ko! Ginawa mo kong kontrata, produkto—hindi asawa!”Humigpit ang panga ni Damon. Kita sa mukha niya ang pagpipigil ng galit, o baka ng sakit? Hindi ko alam.“Hindi kita ginamit, Leah,” mariin niyang sabi. “Totoo lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko ginusto ‘tong simula—pero iba ka. Ikaw ang gusto ko.”Tumawa si William. Mapait.“Oh, come on, boss. Ganyan ka rin dati sa iba, remember? Yung dalawa bago siya? Sweet words, soft touches... hanggang makuha mo ang gusto mo.”Napatigil ako.Ano raw?“William...” banta ni Damon, mababa ang tono. “Tama na.”Pero hin