Leah Corpuz POV KUNG may medalya sa pag-aapply ng trabaho at pagiging rejected, malamang may koleksyon na ako ng gold, silver, at bronze. Paulit-ulit. Araw-araw. Resume dito, lakad doon, interview everywhere. Pero sa huli, laging may "We'll call you" na hanggang ngayon ay never pa rin nangyari."Leah, hindi ka pa ba bababa? Kakain na tayo oh!" sigaw ni Mama mula sa kusina."Sandali lang po, Ma! Nag-aapply lang po ulit ako!" sagot ko habang nakapulupot ang tuwalya sa buhok ko, hawak ang cellphone at nakasandal sa pader ng kwarto namin.Hindi ko alam kung anong mas nakakapagod-yung pag-aapply o yung pag-asa. Pero kahit ilang rejection pa ang abutin ko, hindi ko puwedeng sukuan 'to. Kasi kapag sumuko ako, sinong aasahan nila Mama?Ang pag-aaral ng kambal? Ako.Pambili ng gamot ni Mama? Ako.Bayad sa kuryente, tubig, renta? Ako.Ako lang.So kahit masakit na, kahit nakakahiya nang ipasa yung iisang resume sa limang kumpanya sa parehong araw, push pa rin. Baka lang, baka lang talaga may m
Last Updated : 2025-06-06 Read more