Share

Foolish Heart
Foolish Heart
Author: Latte

Unang Kabanata

"Attention, everyone! may mga bago tayong trainees ngayon, kaya turuan niyo sila ng mga standards natin dito at kung puwede lang ay pakitaan niyo sila ng mga skills niyo, hindi yung puro kalokohan lang ang ituturo niyo sa kanila. Winawarningan ko kayong lahat kapag may nabalitaan ako mula sa kanila na tinuturuan niyo sila ng mga labag sa rules ng store owtomatik may tig-iisa kayong report sheet. Nagkakaitindihan ba tayo ro'n?" ani ng head store manager nila.

"Yes ma'am." Ang tinugon naman ng mga old crews nila roon.

"By the way, nasaan nga pala yung back up boys niyo?" usisa ng ginang kay Marcelo Andrada, isang team leader at inatasang mamuno sa mga crews na nagtatrabaho roon.

"Absent po si Rico, ma'am. Kaya yung isa pong nakarest day ngayon yung tinawagan ko para magduty." Ang tinugon naman ng binata sa kaniya.

"Bakit, ilan ba ang naka-off sa kanila ngayon?" muling tanong nito sa kaniya.

"Dalawa po," mabilis niyang tinugon.

"So, sino sa kanilang dalawa ang tinawagan mo?" nakapamewang na usisa ng ginang sa kaniya.

"Si—" nahinto ito bigla sa pagsasalita nang mahagip ng kaniyang tingin ang taong tinutukoy niya sa ginang.

"Andito na po pala siya," ang dinugtong na lamang niya sabay turo niya sa likuran nito, kung saan kasalukuyang naglalakad ang misteryosong binata sa likuran ng ginang habang nagsusuot ito ng hair net sa kaniyang buhok.

Hindi lang si Ginang Olivia, (ang pangalan ng head manager ng store nila) ang napalingon sa kaniya, pati na rin ang mga bagong empleyadong kasama nito at katabi niya.

Nahinto at natigilan naman bigla sa paglalakad ang binata nang umangat ang kaniyang tingin at napansing nakatingin pala ang lahat sa kaniya.

Tumaas ang isang kilay niya at may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha. Lumingon siya saglit sa likuran niya upang tiyakin kung siya ba ang tinitignan ng mga ito o yung ibang tao ba sa likuran niya. Ngunit laking pagtataka na lamang niya nang mapansing wala namang ibang tao roon maliban na lang sa kaniya. Kaya muli niyang binalingan ng tingin ang kinaroroonan ng ginang at tinuturo ang kaniyang sarili.

Ako ba ang tinitignan nila? bakit ganiyan sila makatingin sa akin? may dumi ba ako sa mukha? usisa ng binatilyo sa kaniyang isipan.

"Hoy, Aziz! ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan? halika na rito." Ani ni Marcelo sa kaniya. Umiling lang ng isang beses sa ulo ang binatilyo at tsaka apurahang lumapit sa kinaroroonan nila.

"Naku tamang-tama lang pala yung pinapasok mo, Marcelo. Kailangang-kailangan natin si Aziz ngayon." Nakangiting saad ni Ginang Olivia habang nakatingin siya kay Aziz.

Namilog naman ang mga mata ni Aziz sa gulat nang marinig niya ang sinabi ng ginang at kasabay non ang pagtataka mula sa kaniyang isipan.

Bakit parang kinukutuban yata ako ng masama sa ngiti niyang 'yan sa labi? paniguradong may ipapagawa na naman siya sa akin na ayaw niyang gawin o kaya naman ay tinatamad lang siyang gawin. At tsaka, sinu-sino ba ang mga taong 'to na nasa harapan namin ngayon? mga baguhan ba sila? Ang paglalayag sa isipan niya.

"Nga pala, Aziz. Ipapakilala ko sa'yo yung mga bagong trainees natin, baka sakaling may makursunadahan ka." Pabirong saad pa ng ginang sa kaniya. Sapilitan na lang siyang ngumiti sa kaniyang labi kahit parang nawiwirduhan siya sa mga sinasabi nito sa kaniya.

Lumapit naman si Marcelo sa kaniya at inakbayan siya sa balikat niya na may ngiting aso sa labi na para bang iniinsulto pa siya nito.

Inirapan niya ito sa mata at tinaboy ang braso nitong nakapatong sa balikat niya.

"O siya, magpakilala na kayo sa kanila isa-isa at siyaka dapat may talent." Ani ng ginang sa mga bagong trainess na kasama niya.

"Po?" biglang sambit naman ng dalagang si Sasha Edmonia at halatang nagulat ito sa sinabi ng ginang.

Nang dahil sa nakakabigla niyang reaksyon ay napunta ang lahat ng atensyon nila sa kaniya. Maging si Aziz ay napatingin sa kaniya at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

May itsura ang isang 'to. Pero bakit napunta siya sa kitchen area? tingin ko mas bagay siya sa labas (sa dining area.) Bulong ni Aziz sa kaniyang isipan habang nakatitig pa rin siya sa dalaga. Madalas kasing nilalagay sa sala o dining area ang mga empleyadong may taglay na kagandahan at kagwapuhan para kaakit-akit tignan sa mga mata ng kostumer. Bagamat tutol ang ilan sa kanila tungkol sa hindi magandang patakaran ng dining manager doon ay pinili na lamang nila na tanggapin ang posisyon na inatasan sa kanila, kahit parang hindi ito patas para sa kanila at sa panlabas na anyo lamang ito bumabase ng posisyong ibibigay sa kanila. Mas maigi na raw iyon kesa naman sa wala silang mahanap na ibang magandang trabaho na kagaya non.

"Hinay-hinay lang, Aziz. Baka matunaw siya sa kakatitig mo sa kaniya." Pabirong saad ng ginang sa kaniya nang mapansin nitong titig na titig siya sa dalaga.

Pagkatapos namang marinig ni Sasha, ang sinabi ng ginang sa binata ay bigla naman nalipat ang tingin niya kay Aziz, dahilan para magtama ang mga tinginan nila sa isa't-isa at mas lalo silang kutyawin ng mga kasamahan nila.

"Uy, Aziz ah. Unang araw palang niya rito pero pinagnanasaan mo na siya kaagad." Ang iginiit na pa ni Marcelo sa kaniya na mas lalo niyang ikinainis.

"Huwag ka nga! hindi ko siya— (tumingin muna siya saglit kay Sasha at pinagmasdan muli ito mula ulo hanggang paa, pabalik) hindi siya ang tipo ko." Pagkasabi ay tumalikod na siya at tumungo sa istasyon niya, kung saan ang istasyon nila ang may pinakamaraming gawain sa loob ng kusina. Kumbaga sila ang pinaka-katawan ng kusina at kung wala sila o kung walang magdu-duty sa kanila ay mapipilay ang operasyon ng kitchen area at mahihirapan silang magtrabaho.

Napangiti at natawa na lang sila sa sinabi ng binata sa kaniya. Kahit si Sasha ay nasapilitan na lamang ngumiti sa kaniyang labi kahit parang nainsulto siya sa sinabi ni Aziz, tungkol sa kaniya.

"Naku, Sahsa. Pagpasensyahan mo na lang 'yan si Aziz. Medyo may pagkamasungit lang talaga pero sa totoo lang mabait 'yon, lalo na 'pag nakasundo mo siya." Ang sinabi na lamang ni Mrs. Olivia sa kaniya upang pagaanin ang kalooban niya kahit parang hindi pa rin iyon naging sapat sa kaniya, upang palampasin ang pang-iinsultong sinabi nito sa kaniya.

"Ayos lang naman po 'yon, Ma'am. Sanay na rin po ako at tsaka, hindi ko rin naman po siya type e. Wala po sa kaniya ang tipo ko sa isang lalaki." Ang tinugon niya na ikinabigla nilang lahat, lalo na si Aziz na biglang napalingon sa kaniya na may guhit ng kunot sa kaniyang noo.

Tila napansin niya na hindi ito tumawa sa biro niya at parang nabigla silang lahat sa itinugon niya, kung kaya't binawi niya kaagad ang kaniyang sinabi at pasimpleng kumamot sa likod ng kaniyang ulo na may pilit na ngiti sa kaniyang labi.

"Bi-biro lang po 'yon." Aniya kaya muling nagsitawanan at nagsingitian ang mga kasama nila roon sa loob ng kusina.

Napangisi na lang si Aziz sa narinig niya mula sa dalaga. Umiling siya ng tatlong beses sa kaniyang ulo at muli itong tinalikuran.

Kung tutuusin isa si Aziz sa pinakamatagal nilang empleyadong nagtatrabaho roon. Kung kaya't hasang-hasa na niya ang lahat ng mga gawain doon at saulo na niya ang bawat pasikot-sikot ng kanilang store. Nagtatrabaho nga pala siya sa isang kilala at sikat na fast food chain, kaya ganoon na lamang silang kahigpit at kaselan lalo na pagdating sa standard. Kaunting pagkakamali lang kasi ay maaaring masira ang reputasyon ng store management at maging ang pangalan ng kumpanyang humahawak nito.

Gayunpaman ay hindi pa naman sila nakakaranas ng malubhang reklamo mula sa mga nagiging customer nila. Palagi kasi itong pinapanatiling maayos at malinis ng dalawang team leader nila na si Marcelo at Logan. Pero kung pagbabasehan lang din naman sa pagiging standard o maayos magtrabaho ay wala pa ring makakapantay at makakalamang kay Aziz, ang palaging nagagawaran bilang best employee of the year.

Pero balewala lamang iyon sa kaniya at parang nasanay na rin siya na madalas siyang purihin at gawaran ng mga managers nila. Kulang na nga lang daw ay mapromote siya bilang supervisor ng store, pero tangging siya lang daw ang may ayaw at tumatanggi.

At madalas niyang dinadahilan na hindi kailanman sumagi sa isipan niya ang magkaroon ng mataas na posisyon sa trabaho, gayong mas komportable siya sa pagiging ordinaryong empleyado roon.

Sa tagal na niyang pagtatrabaho roon ay halos nasanay na rin siya na paiba-iba ang mga taong nakakatrabaho niya at nakakasama. Naniniwala siya na wala ng mas titibay pa sa kaniya at matiyagang magtitiis sa maliit na pasahod. Pero para kasi sa kaniya ay parang naging everyday routine na ito sa kaniya. Ang gumising sa umaga upang magtrabaho at uuwi ng bahay upang magpahinga.

Hindi rin kasi siya pagala o palibot na tao. Mas sanay siya na nasa bahay lang, habang nanunuod ng mga anime o korean nobelas. Hindi rin siya mahilig sa mga family gatherings, mas gugustuhin pa nga raw niya ang manatili na lang sa loob ng bahay nila at gumuguhit ng kung anu-anong mga larawan sa sketch book niya.

Matalino si Aziz at may talento sa pagguhit o pag-drawing ng iba't-ibang klase ng mga larawan. Tao man o hayop, bagay at kung anu-ano pa. Mahilig din siyang kumuha ng mga litrato at pangarap din niya ang maging mahusay na photographer. Ngunit dala ng kahirapan ay hindi niya naituloy ang kursong gusto sana niyang pasukin sa kolehiyo. Mas tinuonan na lamang niya ng atensyon ang kaniyang pamilya, gayung siya lang din ang inaasahan ng mga magulang niya at panganay pa siya sa tatlong magkakapatid. 

Kaya nagsasariling sikap na lamang siya at paunti-unting pinag-aaralan ang bawat elemento sa pagiging isang propesyal na photographer. Kung minsan ay parang napaghihinaan na rin siya ng loob dahil hindi madali yung gusto niyang mangyari at marating sa buhay, pero hindi kailanman sumagi sa isipan niya ang sumuko na lang. Lalo na't nakahanap siya ng inspirasyon na magiging tulay sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap at ang babaeng gusto niyang makasama hanggang sa kaniyang pagtanda. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status