Share

Chapter 2

MR.ARROGANT MEETS THE FEARLESS

Halos humiwalay ang kaluluwa ni Vincent sa lakas ng pagkakasampal ng babae sa kanya. All throughout his life, wala pang nakakasampal sa kanya. Though Grace threw a divorce paper at his face, hindi siya nito kailanman napagbuhatan ng kamay. But this little woman had the audacity to slap him? Ang bigat pa talaga ng kamay. Animo bakal sa tigas!

"D—did you just slap me? For real?" Paninigurado niya. Baka kasi lasing lang siya kaya ganun yung naramdaman niya.

"Yes!" Walang gatol nitong sagot. "Kung tutuusin nga kulang pa yan eh! Napakamanyak mo kung makatingin. Di kaba nakatikim ng babae buong buhay mo?!"

Umusok ang ilong niya sa galit. Napakatapang ng babaeng ito kahit na may kaliitan. Ang sarap tirisin! "Hoy, Miss hindi ka ganun kaganda para pagnasahan ko. I don't do cheap prostitutes like you. You even damage my car," turo niya sa gasgas sa gilid ng kanyang Panamera. "Kahit buong buhay mo hindi mo kayang bayaran yan. Sinampal mo pa ako, alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginawa mo!" Pananakot niya rito.

Unti unti namang lumambot ang itsura ng babae. Naramdaman niyang may humarang sa kanya. It was Tristan.

"Enough dude. You're drunk. You even hit her. Tingnan mo at nasugatan pa yung babae," anito sa kanya dahilan para muling mapadako ang tingin niya sa tuhod nito.

Nang muli niya itong tinitigan sa mukha bumalik na ng matapang nitong awra at nakamamatay na tingin. Marahil nakahanap ito ng kakampi sa katauhan ni Tristan.

"Ikaw na nga nakabangga ikaw pa ang galit! Ganyan talaga kayong mga mayayaman ano? Di lang mayabang, arrogante at matapobre pa!"

Mariin siyang napapikit. Ayaw na niyang makipagtalo pa rito. Nakakuha narin sila ng atensyon sa mga iilang naroon. Humugot na lang siya ng malalim na hininga. "Okay, I won't argue anymore but nextime have some manners Miss. Hindi yung basta basta ka na lang nananampal."

"Nah, manners are for those who have it at kita ko naman na wala ka nun so you don't deserve it at all! Arrogant jerk!"

Fuck! Malapit na talaga nitong masagad ang pasensiya niya. "Magkano ang kailangan mo para matapos na tayo.

"Sayo na yang pera mo Mister. Hindi ko kailangan yan. Kung gusto mo, i*****k mo yan sa baga mo," anito bago siya tinalikuran at mabilis na naglakad paalis.

Natanaw niya itong papasok sa pinakamalapit na club. She must be working there. Naiinis siyang tumingala sa langit. Bakit ba kasi ang malas-malas niya sa mga araw na'to. Inaya na lang niya ang mga kaibigan na umalis na para makapagpahinga na sila. He already had so much for today.

…..

Labis na inis ang naramdaman ni Mari habang pabalik siya sa pinagtatrabahuan niyang club. Hindi parin siya kumakalma hanggang sa ngayon. Napakaarogante at mapanghamak ng lalaking iyon! Daig pa nito ang babae kung makapanlait. Oo, nagtatrabaho siya sa club pero hindi bilang prostitute kundi bilang waitress.

God! Sana hindi na niya ito makita pang muli!

"Dalawang beer sa table three Mari," utos ng manager.

Agad naman siyang tumalima sa order ng customer. Tiningnan niya ang orasan at nakita niyang alas tres na pala ng madaling araw. Oras na ng kanyang out. Magana siyang naglalakad patungo sa counter at hinubad ang apron na suot.

"Out the ako Maam Lanie," aniya sa manager na siya ring may ari ng club.

"Ah, oo nga pala, alas tres na," anito at kinuha ang kanyang sahod. "Ingat ka sa daan ha, marami pa namang loko loko ngayon " paalala nito.

"Naku! Subukan lang nila at nang masapak ko sila sa pagmumukha," aniya at umamba pa ng suntok.

Tumawa naman ang kanyang manager at nakangiti niyang tinanggap ang kanyang sahod. "Thank you Ma'am."

"Ay sus, para namang ngayon pa tayo eh, sige na at nang makauwi ka na. Alam kong naghihintay na sayo ang little bossing mo," tukoy nito sa kanyang anak na ikinatawa niya.

Matapos magpaalam sa mga kasamahan ay lumabas na siya at sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Sobrang dami ng nagbago sa loob ng mahigit anim na taon, nag asawa at bumukod na si Betty samantalang siya naman ay ganun pa rin, patuloy na nakikipagbuno sa buhay.

It's been four years mula ng makapasok siya bilang waitress sa club na pinagtatrabahuhan niya ngayon. Sa una ay hindi naging madali, maraming bastos na customer ang nanghihipo na akala mo isa siyang prostitute gaya ng sabi noong mayabang na lalaki pero tiniis niya dahil sa kahirapan. Mabuti na lang at mabait ang kanyang amo, pumayag ito na araw araw niyang kunin ang kanyang sahod para sa pantustos ng kanyang pangangailangan. Sa araw naman, pumapasok siya sa bakery di kalayuan sa inuupahan niya.

Naglakad siya patungo sa isang stall na nagtitinda ng fried chicken at isaw. Bumili siya ng ilang pirasong manok bago tumawid sa kabilang kalsada at doon naghintay ng traysikel na masasakyan patungo sa kanyang apartment.

Tulog pa ang mga tao nang dumating siya. Sabagay ganito naman talaga ang eksena sa kanyang pang-araw araw na buhay. Inilapag niya sa plastic na lalagyan ang chickenjoy na nabili upang hindi makain ng mga naglilipanang daga  sa paligid at dumiretso sa kanyang silid.

Napangiti siya ng mapagmasdan ang munting anghel na mahimbing na natutulog sa kanilang sahig. Kreios, ang kanyang limang taong gulang na anak at ang kanyang little bossing. Ito ang numero unong dahilan ng kanyang pagsisikap na kumita ng pera sapagkat dalawa lamang sila sa buhay.

Tanging manipis at lumang kutson lamang ang kinahihigaan nito. Sa murang edad ay matalino si Kreios. Madali itong makaintindi lalo na sa sitwasyon nilang dalawa kung saan madalas niya itong naiiwang mag isa o minsan ay kay Betty. Sa umaga, nag aaral ito sa kindergarten at sumasabay lang sa kapitbahay pauwi, samantalang siya ay nagtatrabaho sa bakery o minsan naglalabada pa. Sa gabi naman pinapatulog niya muna ito bago siya umaalis patungong club.

Matapos magbihis ay humiga siya sa tabi nito at hinalikan ang pisngi ng bata. "Goodnight baby ko, may biniling chickenjoy si Mama para sayo bukas," bulong niya bago napagpasyahang pumikit.

Kumunot ang kanyang noo nang mapansin ang pag ungol ng anak. Nang magmulat siya ng mata ay bakas sa ekspresyon ng mukha nito ang dinaramdam na sakit. Dali daling dinama ni Mari ang noo ni Kreios, nanlaki ang kanyang mata nang makumpirma na inaapoy ito ng lagnat.

"Dyos ko Kreios, baby… gising. Baby, naririnig mo ba si Mama?" nag aalala niyang tanong.

Humikbi si Kreios habang animo namimilipit sa sakit. "M—mama, ang shakit pooo."

"Saan banda anak?"

"Dito…" anito sabay turo sa parte ng dibdib.

Nagsimula ng pumatak ang kanyang luha habang hinahaplos ang umiiyak na si Kreios. "I'm sorry, I'm sorry baby, di alam ni Mama na may sakit ka pala," alo niya sa bata at dali dali itong binuhat para dalhin sa pinakamalapit na ospital.

Habang kasalukuyang ini eksamin ang bata, halos hindi mapakali si Mari sa kanyang kinaroroonan. Labis ang kanyang pag aalala na baka nadengue ito dahil sa dumi ng kanilang mumurahing apartment na inuupahan. Napansin niya ang madalas na lagnat nito noong mga nakaraan pero nawawala din naman agad kaya akala niya ay normal lang iyon pero parang iba ang sitwasyon ngayon.

Maya maya pa dumating na si Betty. Sinalubong niya ito at humagulgol ng iyak. Naging matapang man siya sa hamon ng buhay, ganun naman siya kahina pagdating sa kanyang anak.

"Kumusta? Nasaan na ang inaanak ko?"

"Kasalukuyan pang ineexamine ng doctor Betty," humihikbi niyang anas. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Bet."

"Shhh… kumalma ka Mari. Alalahanin mong kailangan ka ng anak mo."

Lumabas ang doktor na nag asikaso kay Kreios, base sa itsura nito parang hindi talaga maganda ang lagay ng kanyang anak.

"Ikaw ba ang nanay ng bata?"

"Yes doc, kumusta po ang anak ko?"

"Follow me in my office," anito at nagpatiuna na sa paglalakad.

Agad silang sumunod ni Betty at inanyayahan ng doctor na maupo sa visitor's chair. Iniharap ng doctor sa kanila ang monitor nito.

"We've run a test on your son Miss Fallorina and found out he is suffering from neuroblastoma," panimula nito. "This spot is where the immature nerve cells have developed," turo nito sa bandang dibdib ni Kreios.

"Ano po ang maaari kong gawin doc? May mga gamot ba akong dapat bilhin?"

Bumuntong hininga ang doctor bago nagsalita. "Sadly, the cancers that develop in your son's chest are considered as high risk neuroblastoma. The patient is required to undergo a surgery followed by a  high dose of chemotherapies and needs a stem cell transplant right after but the chance of survival is low to be honest."

"P—po?" Animo binagsakan siya ng langit at lupa sa narinig. Natutop niya ang kanyang bibig at tahimik na umiyak. God please, not her precious Kreios. Hindi niya kakayanin kung may masamang mangyayari sa anak niya.

"And since the hospital doesn't have the right facility for the disease, I'll refer you to a bigger and more efficient one pero kailangan niyo talagang paghandaan ang gastos kung sakaling tutuloy kayo sa pagpapagamot."

"Magkano naman doc?" Nanghihina niyang tanong.

"I'll be honest with you, you need to prepare hundreds of thousands to millions since the treatment may last for less than a year or more."

Mas lalo siyang nanghina sa narinig. Saan naman kaya siya kukuha ng ganun kalaking halaga ng pera gayong mahirap lang sila?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status