Share

Chapter 3

MR.ARROGANT MEETS LITTLE FEARLESS

Wala sa sarili siyang lumabas sa opisina ng doktor. Kung hindi pa nakaalalay si Betty sa kanya, baka nabuwal na siya dahil sa kawalang lakas ng kanyang mga binti. Nang makapasok siya sa silid ni Kreios, dahan dahan siyang naglakad papalapit sa kanyang anak. Hinaplos niya ang mga pisngi nito habang mahimbing na natutulog.

"Huwag kang mag alala anak. Gagawin ni Mama ang lahat para gumaling ka, kaya kailangan lakasan mo ang loob mo ha, lalaban tayong dalawa okay?" Aniya sa nanginginig na boses. Kahit anong pigil niya ay kusa paring umaagos ang kanyang mga luha.

"Mahal na mahal ka ni mama anak…"

Kinabukasan agad na inilipat si Kreios sa mas malaking hospital. Doble kayod naman ang ginawa ni Mari para sa anak. Lahat ng klase ng pangungutang ay papasukin niya, mapagkasya lang ang perang pampagamot dito. Hinding hindi niya susukuan ang nag-iisang nilalang na nagbibigay sa kanya ng ibayong lakas para lumaban.

"Mari pinapatawag ka ni Boss sa opisina," pukaw ni Ana, isa mga kasamahan niya sa bakery sa kanyang atensyon.

Napangiwi siya sa narinig. Dahil nasa main branch siya nakaassign ay madali lang mapansin ng boss nila kung sakaling late o may anomalya sa loob ng bakery. Simula din ng magbago ang management at pumalit na ang anak ng dating may ari, palagi siyang pinag iinitan nito sa hindi malamang kadahilanan. Kahit na wala naman siyang ginagawang masama hinahanapan talaga siya nito ng kasalanan.

Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pinihit ang pintuan. Pagkapasok niya sa loob ay sumalubong sa kanya ang istriktong mukha ng kanyang amo.

Si Sir Kyle.

Matanda ito sa kanya ng sampung taon at may pamilya na rin. Umupo siya sa silyang iminuwestra nito sa harapan ng sariling mesa.

"You're late again Mari. Balita ko maysakit ang anak mo, yun ba ang idadahilan mo ngayon?" Masungit nitong tanong.

"Pasensiya na po Sir," tanging nasabi niya. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng trabaho ay hindi siya magtitiis sa lugar na to. At isa pa, malaki ang utang na loob niya sa pamilya ng lalaki dahil dito siya nagsimulang magtrabaho noong buntis pa siya at ang ina pa nito ang namamahala sa buong bakeshop.

"I let you work here because that's what my mother wants pero kung ako lang ay matagal na kitang sinesante," dagdag pa nito.

"Sorry po Sir.." ulit niya.

Malakas itong napabuntong hininga. "Hindi lahat nadadaan sa sorry Mari pero dahil madalas ka namang late baka magustuhan mo ang offer ko sayo."

Nag angat siya ng tingin sa boss niya. Bakas sa mukha nito ang mapaglarong ngiti sa labi, bagay na nagpangilabot sa kanya.

"A—ano pong offer Sir?"

"Be my mistress, Mari. I don't care kung kasal na ako basta gusto kitang maangkin at hindi na bago sayo ang mga bagay na ito, wala kang ibang gagawin kundi paligayahin ako. Hindi ba nagtatrabaho ka sa club? Imposibleng hindi ka lumalabas kasama ang mga customer ninyo?" Nakangisi nitong pahayag.

Agad na sumulak ang galit sa kanyang dibdib. Bakit ba ganun na lang kababa ang tingin sa kanya ng lahat? "Hindi po ako ganung klase ng babae Sir Kyle," may diin niyang tugon.

"Really?" Anito at inismiran siya. "Kaya pala nabuntis ka sa mura mong edad kasi hindi ka ganung klase ng babae," pang iinsulto ng lalaki.

Ipinikit niya ang kanyang mata. Hindi siya pwedeng basta basta na lang sumabog dahil siguradong matatanggal siya sa trabaho at mawawalan siya ng sideline. Kailangan pa naman niya ng pera ngayon.

"Kung wala na po kayong iba pang sasabihin ay aalis napo ako," aniya at tumayo na pero agad siyang pinigilan ng lalaki at hinablot palapit dito.

"C'mon! Pakipot ka pa e. Magkano bang kailangan mo ha," nakangising saad ni Kyle at pinisil ang kanyang pang upo.

Dahil sa galit ay hindi siya nag atubiling sampalin ang boss niya. Wala na siyang pakialam kahit pa sisantehin siya ng lalaki, ang importante ay ang dignidad niya bilang babae.

Nagtaas baba ang kanyang dibdib habang hinahamig ang sarili. Naka tiim bagang naman ang kanyang boss dahil sa natamo nito mula sa kanya.

"Iisipin ko pong hindi niyo sinasadya ang nangyari Sir Kyle. Wag na wag nyo na pong uulitin to kung hindi ay idedemanda ko kayo.." banta niya at agad na lumabas ng opisina.

"Ayos ka lang ba Mari?" Nag aalalang tanong ni Ana.

Tumango lang siya at ngumiti para hindi mag alala ang kasama. 'Tiis-tiis lang muna, Mari. Kaya mo yan' aniya sa kayang sarili.

……

Agad na napasugod sa Gonzales Medical Hospital si Vincent nang mabalitaan niya na nagkamild heart attack ang kanyang ina na si Charlotte. Nang makapasok siya sa loob ng building, dumiresto siya sa VIP ward kung saan naroon ang kanyang mommy.

Habang naglalakad siya, tumunog ang kanyang cellphone kaya sandali siyang tumigil at sinagot iyon lalo na ng makita niyang ang secretary niya ang tumatawag. Matapos niya itong kausapin na icancel ang kanyang meeting, pumihit na siya paharap at eksakto namang may bumangga sa kanyang binti.

"Ouch!" D***g ng isang maliit na tinig.

"What the fuck!" Mura niya dahil sa labis na gulat.

Nang dumako ang kanyang mata sa paanan ay nakita niyang nakaupo sa sahig ang isang napakagwapong batang lalaki na may matalim na mga mata habang nakatitig sa kanya. If those hawk like eyes could kill, kanina pa siya bumulagta sa sahig. Speaking of hawk like eyes, he think he saw those eyes somewhere. Imbis na maawa ay napikon siya sa klase ng tingin ng bata.

Yumukod siya upang magpantay ang kanilang mukha. "Why are you glaring at me like that?" Sita niya at pinanlakihan ng mata ang kaharap.

Subalit mas lalo lang tumalim ang mata nito kaysa umiyak at nakipagsukatan pa talaga ng tingin sa kanya kaya mas lalo siyang ginanahan na tuksuhin ang bulilit.

"Di kaba tinuruan ng nanay mo ng manners kaya ganyan ka makatingin? Lower your eyes or else I will pull your eyeballs out!" Pananakot niya dito.

Mas lalo pang sumimangot ang bata sa kanyang sinabi. "Tinuruan ako ng Mama ko ng manners ikaw yata ang hindi! You cursed me!" Asik nito.

"Aba at sumasagot ka pa talaga no, ikaw na nga ang nakabangga sakin ikaw pa ang galit," aniya at sinubukang pisilin ang matangos nitong ilong pero tinampal ng bata ang kanyang kamay.

Nagulat siya ng bahagya. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito. How can a little creature like this be so arrogant and fearless towards an adult? Saan kaya nagmana ang batang to? At nasaan ba ang mga magulang nito't hinayaan itong pagala-gala sa paligid?

"My Mama said that manners are for those who have it. I see that you don't have some of it so you don't deserve it either. Arrogant jerk!" Anas nito at inikutan siya ng mata.

Wow! Did he just heard the same words that the annoying woman told her last night? Damn! Now he sees a resemblance of the two. Hindi pa nakuntento ang bata, binelatan pa siya nito bago patakbong umalis ng VIP ward.

Naiwan siyang natulala habang tinatanaw ito palayo. He can't believe it. Nakikipag-away na siya sa isang bata?

Naiiling niyang binuksan ang pinto sa silid ng kanyang Mommy pero hindi pa man iyon tuluyang bumukas, lumipad na ang unan sa may pintuan. Sa gulat niya ay mabilis pa siyang umatras para hindi matamaan. Damn! Why are women so violent these days? Is this a new love language?

Muli siyang pumasok sa loob at naabutan ang nakasimangot niyang ina. He can't believe na nagkamild heart attack ito sa tapang na ipinapakita nito ngayon.

"Kilala mo pa pala ako Vincent?" Panimula nito.

Alam niyang galit ang mommy niya sa kanya dahil madalang na lang siyang umuwi at bumisita sa ginang to avoid arguments. His mother doesn't like his wife that she keeps on nagging him to break up with her. And it will end them up fighting.

"I'm sorry Mom. I was busy with my business these days kaya—"

"Yeah, you're busy chasing that self centered bitch narcissistic wife of yours!"

"Mommy! Stop calling my wife like that. She has a name," pagtatanggol niya.

His mother rolled her eyeballs on him. "I really don't understand your taste of woman! Kung gaano ka katalino sa negosyo mo ay ganun ka rin kabobo sa pag ibig! Minsan nagdududa na ako kung anak ba talaga kita!"

"You need to rest Mom, mas lalo ka lang magkakasakit niyan. Let's not talk about it, okay?"

"Aba'y hindi talaga! Your wife will be my death. Call Percy right now," tukoy nito sa sarili nitong secretary. "Tell her na bantayan ako and you, get the hell outta here. Kumukulo ang dugo ko sa katangahan mo Vincent. Huwag kang magpapakita sakin hanggat kasal pa kayo ng babaeng yun!"

Wala na siyang nagawa kundi sundin ang gusto ng ina. Bagsak ang balikat niyang nilisan ang ospital at bumalik sa opisina.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status