Share

Chapter 1

MARRIAGE ON THE ROCKS

Pinarada ni Vincent ang kanyang Porsche Panamera sa garahe at galit na bumaba habang nilalamukos ang dyaryo niyang dala. Pagkapasok niya sa sala ay siya namang paglabas ni Grace Wyatt—ang kanyang asawa, dala ang mga maleta nito.

"What's the meaning of this?" Naiirita niyang tanong. "Kararating mo lang tapos ngayon aalis ka ulit?"

Umikot ang mga mata nito at mataray siyang tiningnan. Grace was a very beautiful and sophisticated woman. She has a creamy white skin and a slender sexy body. Her beauty is extravagant that made her become every man's dream girl. And he hates it. Kung siya lang ang masusunod ay ipagdadamot niya ang asawa niya.

"Since when did I stay Vincent? You do know my line of work before we get married, don't you? And you agreed to my terms as long as I marry you. What are you making a fuss about?"

Initsa niya ang newspaper sa coffee table kung saan kita ang mukha ng kanyang asawa na nakipaghalikan sa co-star nito sa isang exclusive party.

"Are you leaving because of this?" Pagak siyang tumawa. "Is that part of the script too?"

"That was just nothing. Pinagbigyan lang namin ang mga fans na naroon, you know you need to play the mind of people. Para namang hindi ka rin miyembro ng showbiz society," balewalang wika nito.

"At hanggang kelan tayo ganito?"

"Could you stop nagging me about every single things like that," asik ng babae sa naaalibadbaran na tono.

"You want me to stop? Then stop doing things like you're a single lady ready to mingle too and start behaving like a wife! We are goddamn married at pagod na ako sa mga laro mo Grace," pagal niyang saad.

"Pagod kana? Ako din pagod na sa pagiging clingy mo! Palayain mo na nga ako. I'm leaving and you can't stop me! I'll do what I want to do. Sign this divorce paper and let's end this fucking relationship!" Bulayaw nito at itinapon pa sa kanyang mukha ang isang folder bago siya nilampasan.

…..

"Did you just invite us here para lang makita kang magpakalasing buong gabi Vincent?" Nayayamot na wika ni Zeus habang nakatingin sa kaibigan na kanina pa walang patid kakainom.

"C'mon man…Just keep me in company," ani Vincent at muling tinungga ang isang shot glass na kakalapag lang sa harapan niya.

Damn it! Nais niyang lunurin sa alak ang kanyang sarili ngayong gabi. He was so damn hurt tonight na kahit ilang baso pa yata ang tutunggain niya, hindi nito maiibsan ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Ano ba kasing problema mo at nagkakaganyan ka, ha?" Tanong ni Zeus.

Inawat na rin nito ang bartender na nagbibigay sa kanya ng order. Nakita naman niyang papalapit na sa gawi niya ang may-ari ng Club Inferno kung nasaan siya ngayon—si Tristan Liu.

"Mukhang may celebration yata ngayon at panay ang inom mo Vincent," bungad nito bago umupo sa katabi niyang stool.

Celebration my ass! Baka funeral ang ibig nitong sabihin. Mamatay na yata siya sa sakit ng kanyang dibdib.

"Ewan ko dyan sa kaibigan natin kung bakit nagkakaganyan. Kanina pa ako tanong ng tanong dito tapos ayaw naman niyang sabihin yung proble—"

"Grace is breaking up with me!" Putol niya sa iba pang sasabihin ni Zeus.

His wife, Grace Wyatt Lee was breaking up with him. Not just breaking up but divorcing him. Fuck! Hindi niya maintindihan kung ano pa ba ang kulang sa kanya. He was Vincent Veda Lee—one of the most successful businessmen in the entertainment industry. Nagmamay-ari lang naman siya ng sikat na TV station sa buong bansa—ang FLVN Station. Siya din ang nagmamay-ari ng VL A-List Waves na siyang pinakamalaking modelling agency sa Pilipinas.

Lahat ng iyon itinatag niya sa tulong ng kanyang yumaong ama nang makilala niya ang kanyang girlfriend noong college na si Grace. He wanted to support her dreams and career in life to become an actress and a model which what he is doing until now but he ended up being a fucking secret husband.

He didn't understand at all. Takot itong masira ang career kapag nalaman ng lahat na mag-asawa sila gayong sa tingin niya mas lalo pa itong magpapausbong ng career ng babae. Mas inaalagaan pa nito ang relasyon ng mga nakakaloveteam nito kesa sa kanya.

This is so fuck up!

"Again? Ano pa bang bago d'yan Vincent?" Balewala namang tugon ni Zeus.

"This is different, man! She slapped me a divorce paper in my face because she doesn't want me anymore! Ano bang mali sakin, huh? I did everything to satisfy all her wants and needs! I love her with all my heart, damn it!" Frustrated niyang pahayag.

"Tss. Bakit ba kasi mahal na mahal mo yun eh halata namang hindi yun inlove sayo! Ginagamit ka lang nun para sa karera niya!" Ani Zeus na ikinainit ng ulo niya.

Kinuwelyuhan niya ang lalaki at pinukol ito ng masamang tingin. "Hindi ganyan ang asawa ko Zeus. One more insulting words coming from you, baka makakalimutan kong magkaibigan tayo!"

"Sige lang Vincent, magpakatanga ka pa. Dyan ka naman magaling," dagdag pang-inis pa nito.

Pumagitna naman sa kanilang dalawa si Tristan. "Enough! Wag kayo dito mag-away sa bar ko. Dun kayo sa labas!"

Binitiwan niya ang kwelyo ni Zeus at muling nilagok ang alak na dapat sana ay para kay Tristan.

"Alam mo Vince, why don't you try to make your wife jealous para naman maiba. Lagi kasing ikaw yung naghahabol. Lagi mo siyang sinusunod sa gusto niya kaya ganyan siya katapang," biglang saad ni Zeus habang inaayos nito ang polo shirt na nagulo niya.

Iling-iling naman siya. "And how can I make that happen? She already flew out of the country, dude."

"Hire a mistress…"

Pareho silang nabilaukan ni Tristan sa narinig. "Are you on drugs? Hirap na hirap na nga akong kuhanin ang atensyon niya tapos hahanap pa ako ng dagdag sakit sa ulo?"

"Baliw talaga. Eh di mas lalo siyang iiwanan ni Grace kapag nagkataon," ani naman ni Tristan.

Napatango siya dahil sang-ayon siya dito.

"You don't get my point. She enjoys Vincent's love and attention kaya siya ganyan. Your wife is narcissistic to be honest, dude. Try making her feel a little abandoned. Yung tipong may bago ka ng pahahalagahan. I'm sure she will come back running into your arms again."

Sa sinabi nito ay napaisip siya. Is that really effective if ever? "Paano kung hindi gumana Zeus?" Pag-aalala niya.

"Idiot! Ano pa bang mawawala sayo? Hihiwalayan ka na nga diba?"

"Saan naman tayo makakahanap ng babae na papayag sa set-up na yan? And what if that woman will end up falling in love with our friend, Zeus? Panibagong problema na naman?" Sabat ni Tristan.

"We'll hire someone and pay her with money. Papipirmahin din natin ng kontrata. Ano bang silbi ng pinag-aralan ni Zion kung hindi natin magagamit," tukoy nito sa kaibigan nilang abogado.

Hanggang sa pauwi na siya, laman parin ng isip niya ang mga sinabi ni Zeus. Nagdadalawang isip siya kung papatusin ba niya ang offer ng kaibigan o kakalimutan na lang niya ang sinabi nito at maghintay ng himala na muling bumalik ang pagtingin sa kanya ng asawa.

Dahil maraming laman ang utak niya at medyo lango narin siya sa alak kaya hindi niya agad napansin na nabundol niya pala ang isang bisikleta sa may gilid ng kalsada.

Maayos niyang ipinarada ang kanyang sasakyan bago bumaba, maging ganun din si Zeus at Tristan na nakaconvoy sa kanya. Sa kalapit ng bisikleta, nakita niyang tumayo ang isang babae. Naglakad siya patungo sa gawi nito para kausapin. She was wearing a black  fitted short skirt. Siya ba ang may-ari ng bike? Did she rode on it while wearing that piece of cloth?

Weird.

Napadako ang tingin niya sa nasugatan nitong mga tuhod. Wow! She had a nice pair of legs. Umangat ang kanyang tingin sa maliit nitong bewang hanggang sa umabot siya sa bandang dibdib. Masikip ang suot nitong longsleeves kaya halata niyang may maipagmamalaki ang babae.

He doesn't know what's gotten into him for thinking like that. Maybe he was too drunk. Marami naman siyang nakitang ganun pero wala naman iyong epek sa kanya. He was just stating the facts of what he saw and meant no harm at all. Dumako ang tingin niya sa mukha nito. The woman got a hawk like eyes that threw daggers at him at bago pa siya makapagsalita, dumako na sa kanyang pisngi ang isang malutong na sampal.

"Pervert!!!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status