Share

For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE
For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE
Penulis: I'mUrHappyEnding

Simula

Late na ng magising si Ysabela, ayaw pa sana niyang bumangon subalit parang hinahalukay ang kanyang sikmura. Dali dali siyang tumayo at patakbong pumunta ng banyo.

Halos maubos ang kanyang lakas sa pagduduwal pero puro laway lang ang kanyang isinuka. Pinahid niya ang kanyang luha sa pisngi at tumingala subalit ganun na lang ang pagkagimbal niya nang makita ang kanyang inang si Avenida sa bukana ng pinto.

"What is this?" Tanong nito sa kanya habang hawak ang isang kulay puti at maliit na bagay.

Pinanlamigan siya nang napagtanto kung ano ang hawak nito.

"M—ma…"

"This is not yours right?" Paninigurado nito.

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nilamukos ang laylayan ng kanyang damit upang doon kumuha ng lakas. Yumuko si Ysabela sa takot na makita ang galit sa mukha ng kanyang ina.

She came from a conservative family and her father was the current mayor in their small town here in Baguio. Isa pa she was still a graduating highschool student in the next few days. Ayaw ng kanyang mga magulang na mabahiran ng kung anu anong isyu ang kanilang apelyido kaya ngayon pa lang ay dama na niya ang takot sa maaaring mangyari sa kanya.

"Answer me Ysabela," may diing utos ni Avenida.

Nanatili siyang nakayuko at walang imik habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang luha.

"Answer me estupida!" Bulyaw nito.

Napapitlag siya sa kanyang kinaroroonan. Agad namang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanyang paningin ang istriktong mukha ni Manolo, ang kanyang ama.

"Ano bang sinisigaw sigaw mo Avenida? Can't you just talk calmly so you won't bother the other people in this house?" Asik nito.

"Talk calmly? Then tell me to talk calmly pagkatapos kong makita ang bagay na ito sa mga gamit ng butihin mong anak," galit nitong pahayag at pabagsak na inilagay ang pregnancy test kit sa palad ni Manolo.

Unti unting kumunot ang noo ng kanyang ama at matalim ang mga matang bumaling sa kanya. "What's the meaning of this? Is this yours Mari Ysabela?"

Ang lamig ng boses nito ang mas lalong tumakot sa kanya.

"P—pa I can… I can e—explain," mahina at pautal utal niyang saad.

"Explain? What will you explain? Na lumandi ka sa edad na disisyete?!"

"Pa hindi! H—hindi sa ganun, wala po akong kasalanan," aniya habang nakaluhod sa paanan ni Manolo.

Mas lalo lang tumigas ang ekspresyon sa mukha nito. "Alam mo ba kung gaano kalaking eskandalo sa pangalan ko itong ginawa mo?" Anito at hinablot ang kanyang buhok sabay kaladkad sa kanya palabas ng silid.

Napasigaw siya at nagmakaawa pero hindi nakinig si Manolo at pabalibag siyang binitiwan sa sahig. Nakasunod lang ang kanyang ina na parang walang pakialam kung nasasaktan man siya o hindi.

"Nakakahiya ka! Hindi kita pinalaki para lang lumandi sa mura mong edad! Isa kang salot sa pamilya natin!" Sigaw nito.

Kahit takot at umiiyak ay sinubukan niya paring magpaliwanag.

"I—I was rape! I was rape. Hindi ko alam kung sino, maniwala ka sakin Pa, hindi ko sinasadya na ipahiya kayo. Ginahasa po ako," humagulgol niyang saad.

"W—what? Mahinang tanong nito at napaatras sa gulat dahil sa kanyang rebelasyon.

Nagtaas baba ang dibdib ni Manolo dahil sa kanyang narinig. Hinaplos naman ni Avenida ang balikat nito upang pakalmahin.

"Pero bakit hindi mo sinabi? We could have a solution ready right away when you get pregnant! Kung sinabi mo lang ng maaga eh di sana madali kaming makahanap ng abortionist ng palihim!"

Nagimbal siya sa narinig mula sa bibig ng kanyang ama. "A—abortionist?" Halos hindi makapaniwala niyang tanong. "Pa… apo niyo rin ito, hindi niyo po ba naiisip yun? Paano n'yo po naaatim na sabihin yan."

"I don't care about that child! Sisirain ng batang iyan ang pangalan ko! Ang dignidad ng pamilya natin! Ano sa tingin mo ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang ginahasa at nabuntis ang anak ko? Hah! Mayor ako dito Ysabela, pagtatawanan ako ng kalaban ko sa pulitika!"

"What is this commotion all about dad?" Tanong ng bagong dating. Si Veronica at Jewel, ang kanyang dalawang nakakatandang kapatid.

Nabuhayan ng loob si Ysabela ng makita ang kanyang ate Veronica. Ito ang bukod tanging napagsabihan niya sa nangyari sa kanya subalit sinabi nito na ilihim na lamang ang nangyari para walang gulo.

"Ate Veron.. Tulungan mo ako," aniya at patakbong pumunta sa gilid ng kanyang ate.

"You knew?"

Napalunok si Veronica sa tanong ni Manolo at ang mas hindi inaasahan ni Ysabela ay ang mga katagang sunod na binitawan ng ate niya.

"A—ang alam ko lang Dad ay… ay kaya siya late umuuwi dahil may kinikita siyang iba't ibang lalaki. Sorry po Dad na hindi ko sinabi sa inyo dahil natatakot po ako na pati ako pagalitan niyo," anito at nagsimula ng umiyak.

Bumitaw si Ysabela sa pagkakahawak sa ate niya at hindi makapaniwala na nakatingin dito. Paano nito naatim na pagsalitaan siya ng hindi maganda sa kalagayan niya ngayon. Tiningnan niya si Jewel at nakita niya ang mapang uyam nitong tingin.

"Napakawalang hiya mo talaga," sinugod siya ng kanyang ina ng isang malakas na sampal. "Lahat binigay namin sayo pero anong iginanti mo! Nagpabuntis kapa talaga! Malandi!"

"Call my secretary Jewel, and tell him to book an appointment with Dr.Dizon. Kailangang mawala ng batang iyan!" Maawtoridad nitong utos.

"No!" Sigaw niya. Binalot ng takot ang kanyang buong pagkatao. Kahit pa bunga ng kasamaan ang kanyang anak ay hindi niya magagawang ipalaglag ang bata dahil wala naman itong kasalanan sa nangyari sa kanya.

Kung may dapat mang sisihin ay walang iba kung hindi ang lalaking lumapastangan sa kanya.

"Ayaw mo? Then choose Ysabela, stay here with us and have a luxurious life or have that child and leave this house with nothing," galit na turan ni Manolo.

Hilam sa luha ang mga mata niyang tiningala ang kanyang ama. Ang lalaking nagpalaki sa kanya, masakit man sa kanyang kalooban pero pipiliin niya ang bagay na siyang tama sa paningin niya.

At sa desisyon niyang iyon ay alam niyang hindi niya ito pagsisisihan kahit kailanman.

Lumuwas siya ng Maynila na wala ni isang kusing na pera mula sa kanyang pamilya. Ayon sa kanyang ama ay sa oras na pinili niya ang bata, hindi na siya nito ituturing pa na isa sa kanyang mga anak. Mabuti na lang at may kaunting halaga ng pera pa siyang naipon habang nag aaral siya.

Masama ang kanyang loob lalo na sa dalawa niyang kapatid. Noon pa man ay bakas na ang disgusto ng mga ito sa kanya sa hindi malamang kadahilanan pero inintindi niya. Ang hindi niya inaasahan ay umabot sila sa ganito.

Hinaplos niya ang kanyang tiyan at malungkot na ngumiti sa labas ng bintana. Lulan siya ngayon ng bus patungong syudad.

"Hayaan mo anak, kulang man sa kaalaman tungkol sa pakikipagsapalaran ang magiging mama mo, pinapangako ko naman na gagawin ko ang lahat mapaayos lang ang buhay mo," kausap niya sa kanyang anak bagama't hindi pa siya nito naririnig.

"Bagong salta ka rito?" Tanong ng kanyang katabi.

Mula sa pagkakatanaw sa labas ay napalingon siya sa kabilang bahagi. Isang babae na may katabaan at morenang kutis ang kanyang katabi. Nahihiya siyang tumango bilang tugon sa tanong nito.

"May kakilala ka ba dito?"

"W—wala nga eh."

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. "Dyos ko! Pumunta ka ng Maynila ng walang kasiguraduhan? Maraming masasamang loob ang maaring manamantala sayo dito. Sobrang ganda mo pa naman," nag aalala nitong turan.

Kinabahan siya sa sinabi nito. Hindi siya sanay sa buhay Maynila. Wala siyang matutuluyan, walang trabaho, walang kakilala at kaibigan. Walang ideya kung paano sisimulan ang buhay niya.

"Ako nga pala si Betty dela Cruz, ikaw?"

Nag isip siya ng pangalan na sasabihin dito. Gusto niyang huwag siyang tawagin sa pangalang nakasanayan niya dahil mas lalo lang siyang malulungkot.

"Mari…Mari Fallorina."

Ngumiti ang babae sa kanya at nakipagkamay. Tumingin ito sa kanyang kamay na nakahawak sa kanyang tiyan.

"Buntis ka?"

Tumango si Mari.

"Kaya ka siguro naglayas ano? Di bale, gusto mo bang sumama sakin?"

"Saan naman?"

"Ipapasok kita sa bakery na pinagtatrabahuhan ko. Sa tutuluyan naman, nangungupahan ako ng apartment kaya share nalang muna tayo sa ngayon kung okay lang sayo."

Naging mahirap ang kanyang simula sa pagtatrabaho. Kasabay ng kanyang pagod ang kanyang paglilihi. Minsan ay kinakapos pa siya sa pagkain pero mabuti na lang at laging nariyan si Betty na nakaalalay sa kanya. Dahil matagal na itong namalagi sa Maynila ay alam na nito ang halos lahat ng diskarte para mabuhay sila.

"Ang laki na ng tiyan mo Mari ah, mukhang kabuwanan mo na," puna ni Betty.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang kanyang tiyan. "Oo nga no, baka sa susunod na mga linggo eh manganganak na ako."

"Naku excited na akong makita ang magiging inaanak ko!" Masiglang anas nito.

Siya man ay napangiti rin. Hindi niya pa alam kung ano ang kasarian nito dahil kapos na siya sa perang pang ultrasound.

"Tingin mo ba Betty kakayanin ko to?"

"Ano ka ba. Kaya mo yan. Kaya natin yan. Ngayon pa ba tayo susuko. Maraming teenage mom ngayon Mari, hindi ka nag iisa at tsaka nandito naman ako. Kinaya nga natin dati ngayon pa kaya."

Niyakap niya si Betty. Sobrang laki ng utang na loob niya sa kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kung wala ito.

"Ano bang ipapangalan mo dyan sa baby mo Mari?"

Sandali siyang nag isip ng mga magagandang pangalan. "Uh, if babae Trinity tapos kapag lalaki naman ay Kreios."

"Feeling ko lalaki yan."

"Talaga? Paano mo nasabi?"

"Mukhang basketball yung tyan mo eh," anito na ikinatawa nilang dalawa.

Makalipas ang mahigit dalawang linggo ay isinugod siya sa ospital. Doble ang nararamdaman niyang sakit habang naglalabor. Halos isumpa na niya ang taong nanggahasa sa sa kanya dahil sa sakit pero lahat ng iyon ay napawi nang magsilang siya ng isang gwapo at malusog na sanggol na lalaki.

Kreios Ashton Fallorina…

I'mUrHappyEnding

This story contains less bed scenes because I'm making a light K-drama vibes. Happy Reading Habibis:)

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status