Share

Chapter 108

last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-13 19:33:53

Zain POV

Nasa opisina ako habang nakaupo sa harap ng desk habang tinitingnan ang ilang reports ng operations sa mall. Maayos naman ang takbo ng araw, this time wala ng trip si Tahlia, totoong work na talaga ito. Wala namang malaking problema, mga minor na issue lang sa ilang tindahan at isang sirang escalator na inaayos na rin. Pero sa kabila ng pagiging abala ko, hindi ko maiwasang mapansin ang sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko.

Nakita kong si Boyong pala ang tumatawag.

Tumayo ako at lumabas ng opisina. Pumunta ako sa pinakamalapit na restroom. Pagpasok ko roon, siniguro kong walang tao sa loob bago ko sinagot ang tawag niya.

“Hello?” Mahinang sabi ko ng sagutin ko ang tawag ni Boyong.

“Tol, tapos ko nang pakainin si Axton,” sagot ni Boyong.

Napapikit ako sandali habang humuhugot ng hininga bago ako nagsalita ulit. “Kumusta siya?”

“Medyo tahimik ngayon pero may mga oras na nagwawala. Sinasabi niyang pakawalan ko na siya, pero siyempre hindi ako nakikinig,” sagot ni Boyong ha
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
naku Zain magpaalam ka sa boss mo hehe
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - EPILOGUE

    Tisay POVHindi ako makapaniwala na darating ang araw na ‘to. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, lahat ng pagluha, pagdududa, at pakikipaglaban, heto na ako ngayon, nakatayo sa harap ng dambana, sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Sa wakas, ikakasal na ako kay Kaiser. Natupad ang hinihiling ko sa itaas, na kung sino ang makakatuluyan ko, siya rin ‘yung unang makakakuha ng perlas ng silanganan ko.Tandang-tanda ko pa nung una kaming magkita, umuulan nun at tumakbo siya sa loob ng cake shop ko. Kung hindi niya ako napilit nung gabing ‘yon, hindi ko siya makikilala at makakasama sa condo ko. Siguro, may sumapi rin talaga na kalandian sa akin nung mga oras na ‘yun. Kasi, todo-bigay din ako. Kahit hindi ko siya kakilala, sinama ko siya sa condo para doon magpalipas ng gabi. At hindi ko naman din inaakala, na nung gabi ring iyon, makukuha na pala niya agad ang pagka-birhen ko."Handa ka na ba?" tanong ni Tahlua habang inaayos ang laylayan ng wedding gown ko. Tumango ako kahit nanginginig

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 46

    Tisay POVHindi ko na pinaalis si Jamaica sa condo ko. Wala siyang alam na tinawagan ko na sina Rocco at Kaiser ngayong araw. Gusto ko nang matapos ang paghihirap niya, iyon na lang ang tanging problema na kahit ako, dala-dala ko, dahil sa awa na nararamdaman ko sa kaniya.Buong maghapon, magkakasama kami sa condo ko. Lahat-lahat, siniwalat ko sa kanila ang nalalaman ko, lalo na nung unang araw na makita ko si Herlyn na may kasamang mga armado, pati na rin ang pananakot nito sa mga message na pinapadala sa akin.Kaya ngayong gabi, aaksyunan na naming apatr ito. Kasama ko sina Jamaica, Rocco, at Kaiser sa loob ng sasakyan, nakaparada kami sa hindi kalayuan mula sa bahay ni Herlyn.Pagkarating namin dito, nasaksihan agad nila ang tinutukoy ko. Saktong-sakto, nakita naming may pumasok na limang armadong lalaki sa bahay ni Herlyn. Doon palang, huli na siya. Nakita nila agad na totoo ang sinasabi ko, may mga armadong lalaki na binabayaran si Herlyn para guluhin at saktan si Jamaica.“Handa

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 45

    Tisay POVHindi ko alam kung bakit, pero habang nasa eroplano kami pauwi ng Pilipinas mula Canada, biglang kumirot ang dibdib ko. Parang may bumubulong na.Tisay, ang saya mo na ngayon, baka bukas, bigla ka namang malungkot. Biglang may dumating na problema.Hindi ko maiwasang isipin ‘yun. Pero, hindi ko na lang masyadong pinapansin. Ayokong sirain ang masayang mood ko ngayon.“Okay ka lang?” tanong ni Kaiser na tila napansin nag-o-overthink ako.“Yeah, naisip ko lang na, magiging busy naman tayo sa paghahanda sa kasal natin,” sagot ko. ‘Yun kasi ang dahilan kaya time out muna sa mga travel-travel namin. Gusto ni Kaiser, bago ako manganak, maikasal na raw kami. Nang sa ganoon, mailagay na agad sa birth certificate ng baby namin ang surname niya.PAGDATING namin sa Pilipinas, hindi na kami nag-aksaya ng panahon. Wala nang jetlag-jatlag. Agad na rin naming inaksyunan ang preparasyon ng kasal namin. Naisip ko nga, hindi ito basta-bastang kasal lang. Gusto ng pamilya niya ay sosyal. Plana

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 44

    Tisay POVAkala ko, normal lang ang araw na 'yon.Pagkagising ko rito sa Canada, nakita ko agad si Kaiser sa may bintana ng hotel suite namin. Naka-hoodie lang siya at may hawak na tasa ng kape, nakatanaw sa snow na unti-unting bumabagsak sa labas. Nag-inat ako, ngumiti at saka na bumangon. Wala akong ideya sa kung anong mangyayari sa araw na ito. Basta, ang alam ko lang ay gagala lang kami nang gagala habang buntis ako. Mabuti nga, pagdating sa galaan, hindi ako antukin at masungit, kapag gala time, masaya at full charge ako.“Good morning, mahal,” bati ko nang lapitan ko siya. Niyakap ko siya“Good morning,” sagot niya naman at saka ako hinalikan sa noo. “May pupuntahan tayo mamaya. Magbihis ka nang maganda, ha? Gusto kong maging special ang araw na ‘to.”Hindi ako nagtanong kung bakit. Sanay na akong isurpresa niya ako. Pero may kakaiba sa titig niya ngayong umaga. Parang kabado rin siya. Parang may tinatago, ganoon.Sa araw-araw na kasama ko siya, aba, walang araw na hindi ako nai

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 43

    Tisay POVLimang buwan na pala ang lumipas simula nang malaman kong buntis ako. Sa loob ng panahong ‘yon, parang isang panaginip lang ang lahat. Hindi ko akalaing habang lumalaki ang tiyan ko, palawak naman nang palawak ang mundong ginagalawan ko. Paris. Italy. South Korea. Iceland. Vietnam. Isa-isang tinupad ni Kaiser ang pangarap kong makalibot sa mundo. Para kaming nasa honeymoon kahit buntis ako. Panay ang date, panay ang gala. Sabi nga niya, gusto niyang bago pa dumating si baby, maiparamdam niya muna sa akin kung gaano niya ako kamahal. Para na ring nagde-date pa rin kami.“You deserve the world, Tisay. So let me take you around it,” bulong niya sa akin habang nasa Eiffel Tower kami. Kinilig ako, siyempre. Sino ba naman ako para hindi matunaw sa mga ganoong linyahan, ‘di ba?Pero kahit anong saya ko, may isang bahagi pa rin ng puso ko ang may bigat. Si Jamaica kasi, e. Nalulungkot ako para sa kaniya… sa tuwing mababalitaan kong may problemang nangyayari sa kaniya.Nakilala ko si

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 42

    Kaiser POVHindi ko maipaliwanag ang saya ko habang minamaneho ang kotse papunta sa condo ni Tisay. Ilang linggo din akong sunod-sunod na meeting, sunod-sunod na problema sa kumpanya. Ngayon lang ulit ako magkakaroon ng buong araw na wala akong iniintindi kundi siya lang. Si Tisay. Ang babaeng muling nagpabalik ng kulay sa buhay ko matapos akong guluhin ng nakaraan ko.Dala ko pa ang paborito niyang ice cream mula sa ice cream shop na madalas naming puntahan kapag nagde-date kami. Siyempre, may dala-dala rin akong isang bouquet ng fresh tulips. Alam ko, hindi niya ito ine-expect, at ‘yun ang mas gusto ko. Gusto ko siyang sorpresahin.Pagdating ko sa pinto ng condo niya, ilang segundo akong nakatayo. Ang tanga lang, kahit alam ko na ang passcode, parang nagdalawang-isip pa akong pumasok agad. Pero naalala ko ang sinabi niya. “If you miss me, just come.”So I did.Tumunog ang lock at bumukas ang pinto. Tahimik, ganito naman palagi sa condo niya kasi mag-isa lang siya, umiingay lang kap

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status