Zain POV
Mainit ang sikat ng araw, pero hindi iyon alintana ng mga tao sa loob ng bilyaran. Nagsisigawan ang ilan, nagsisipagtawanan at ang iba naman ay seryosong nakatuon sa laro nila. Tulad ng dati, nandito ako sa gilid, nag-aabang kung sino ang mag-uutos sa akin. "Zain, pabili nga ng yelo at tatlong bote ng alak sa tindahan sa kanto." Kahit hindi ko pa natitingnan kung sino ang nagsabi, agad ko nang inabot ang perang iniabot sa akin. Kabisado ko na ang trabaho ko rito—utusan, tagabili, taga-abot ng sigarilyo at kung minsan, taga-score din kapag abala ang referee ng laro. Hindi kalakihan ang kita, pero mas mabuti na ito kaysa wala. Mabilis akong tumakbo palabas at tinungo ang tindahan. Nang mabili ko na ang yelo at alak, dali-dali akong bumalik sa bilyaran. Inabot ko na ang pinabibinili nung nag-utos sa akin at hindi na nag-abala pang ibalik ang sukli dahil ganoon naman talaga na nung una palang. Sa ganitong paraan ako kumikita—ang mga baryang natitira ay sa akin na napupunta. Pagbalik ko, nagpatuloy ako sa pagtambay sa gilid, nakikiramdam kung sino pa ang may iuutos. Wala pa akong ganap na trabaho, kaya kahit anong raket, pinapasok ko. Kargador sa palengke, tindero ng diyaryo, utusan sa bilyaran—lahat ng iyan, ginagawa ko para lang may maiuwing pera sa bahay. Dati, buhay-tambay lang ako. Pero nang magkasakit si Mama, nagbago ang lahat. Hindi ko kayang hayaan siyang magdusa habang ako, nakatambay lang. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid sa laro nang biglang lumapit sa akin si Boyong, kababata ko. Pawis na pawis siya at halos naghahabol ng hininga. "Z-zain!" sigaw niya habang kinakapos pa rin ng paghinga. Nagtaas ako ng kilay. "Ano na naman, Boyong?" "Si Mama mo… Nahimatay siya!" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Agad akong tumayo at hindi na inisip ang sukli mula sa huling nagpabili sa akin. "Tangina!" Napamura ako, sabay takbo palabas ng bilyaran. Agad naman akong sinundan ni Boyong. Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay bumibigat ang dibdib ko. Ang bahay namin ay ilang kanto lang mula sa Garay Street, pero parang napakatagal ng bawat segundo bago ako makarating sa amin. Pagdating ko, bumungad sa akin ang ilang kapitbahay naming nagdidiwara. Napalibutan nila ang papag kung saan nakahiga si Mama. "Zain, buti nandito ka na!" sigaw ni Aling Norma, ang aming kapitbahay. Nilapitan ko si Mama at parang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang itsura niya—maputlang-maputla, halos nangingitim na ang labi. Pinapaypayan siya ng isa sa mga kapitbahay namin, pero hindi iyon sapat. "Hindi humihinga si Mama mo, Zain!" sigaw ni Boyong na halatang hindi alam ang gagawin. Mabilis akong lumuhod sa tabi ni Mama, niyugyog siya nang marahan. "Mama! Gising!" Walang sagot. Napamura ulit ako. Wala na akong inaksayang oras—binuhat ko na si Mama, kahit nanginginig ang mga braso ko. "Tol, bilisan natin! Dalhin na natin siya sa ospital!" sigaw ko kay Boyong. "Sige! Sasamahan kita!" Agad kaming sumakay sa tricycle at pinatakbo ito nang mabilis papunta sa pinakamalapit na ospital. Pagkarating namin sa ospital, dali-dali kaming lumapit sa emergency room. "Dok! Dok! Tulungan niyo po ang Mama ko!" halos pasigaw kong sabi habang buhat-buhat pa rin si Mama. Agad na lumapit ang isang nurse at isang doktor, inilagay siya sa stretcher at dinala sa loob. Sumunod ako, pero pinigilan ako ng isa sa mga nurse. "Sandali lang po, sir. Dito muna kayo sa waiting area." "Pero—" "Hintayin niyo po ang doktor. Gagawin namin ang lahat." Wala akong nagawa kundi maghintay sa labas. Pawis na pawis ako, nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ang pinto kung saan dinala si Mama. Makalipas ang ilang minuto, lumabas ang isang doktor—isang matangkad na lalaki na halatang may edad na. May suot siyang salamin at mukhang seryoso. "Are you the patient's son?" tanong niya. "Yes, doc! Kumusta po siya?" Nag-aalangan ang tingin niya sa akin. "I'm afraid your mother needs immediate surgery. She has a serious heart condition, and without surgery, she might not make it." Parang may sumuntok sa dibdib ko. Kahit highschool lang ang tinapos ko, marunong akong umintindi ng english. "Anong ibig mong sabihin, Doc?" "Her heart is failing. She needs an operation as soon as possible. If she doesn’t get surgery in time, she may not survive." Biglang nanlamig ang katawan ko. Tumingin ako kay Boyong habang kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. "Kailan po siya dapat operahan, Doc?" "As soon as possible. The sooner, the better. We can't afford to wait." Napaupo ako sa silya habang hinahagod ang mukha ko. Nang tanungin ko ang doctor kung magkano ang magagastos, lalo akong nanghina. Milyon ang kailangan para maduktungan pa ang buhay ni mama. Kaya lang, saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera? Hindi ko nga alam kung paano ko papakainin si Mama bukas, tapos ngayon, kailangan niyang maoperahan? "Zain…" mahina pero seryosong tawag ni Boyong sa akin. "Paano na ‘to, tol?" Hindi ko alam. Wala akong sagot. Pero isa lang ang sigurado ko—hindi ko hahayaan na mawala si Mama. Ano mang paraan, kahit anong trabaho, gagawin ko. Kahit anong kailangan kong gawin… Kailangan kong mailigtas siya. ** Si Boyong muna ang pinagbantay ko kay mama sa ospital, habang ako, heto, nasa palengke at masuwerte na nakahanap ng trabaho. May mga bigas akong kinakarga sa isang truck na ide-deliver sa ibang lugar. Kahit maliit ang sahod, ayos lang, malaking tulong din ito. Pagkatapos maging kargador, lumipat naman ako paglalako ng tinapay nung hapong iyon, maghapong tagaktak ang pawis ko. Walang tigil ang pagtatrabaho ko para lang makahanap ng pera. Kaya lang nung gabi na, naisip ko na kahit halos sampung trabaho ang gawin ko sa isang araw, parang napaka-imposible talagang maabot ko ang kahit isang milyong piso. One thousand pesos nga lang ang kinita ko maghapon, pagod na pagod, gutom na gutom at halos hinahapo na ako ng hininga kumita lang pero hindi talaga sapat kaya napapatulo na lang ang luha ko. Para akong biglang natuliro. Napadaan ako sa isang tindahan, napabili ako ng isang boteng alak. Sa sobrang stress ko, nagpakalasing ako kasi mababaliw na ako sa kakaisip kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera. Naisip ko nga, patulan na ‘yung mga baklang patay na patay sa akin na babayaran ako ng malaki para lang matikman ako, kaya lang hindi ko kaya, hindi ako ganoong klaseng tao. Kakainom ko ng alak, minsan nadedemonyo na akong magnakaw pero mas iniisip ko si Mama na kapag nalaman niyang ganoon ang ginawa ko ay baka lalo lang siyang magkasakit. Ang tanging inaasahan ko na lang sa ngayon ay ang dapuan ako ng suwerte. Hindi ko alam kung nakailang bote ako ng alak. Sa dami nang iniisip ko, nawala na ako sa sarili ko at tila lagpas limang bote ng alak ang nainom ko. Sa kalasingan ko, nakarating ako sa highway. May nakita akong paparating na magarang sasakyan. At dahil emosyonal na ako, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong humarang doon. “Sige, sagaan mo na ako, patayin mo na ako, gusto ko nang mawala para matapos na ang paghihirap ko!” sigaw ko kaya agad siyang nagpreno. Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas doon ang isang magandang babae na tila model. At doon ko na na-meet ang taong nagdala ng suwerte sa akin.Third Person POVMaghahating-gabi na nang dumating si Kalix sa bahay. Pawisan, balisa at halatang pagod. Nakaupo si Aling Karen sa kanilang maliit na bangko, may hawak na baso ng mainit na salabat. Nang makita niya ang itsura ng anak, agad siyang napatayo.“May Problema ba, anak?” tanong niya.“Nay, nawawala po kasi si Xamira,” agad na sabi ni Kalix na halos naghahabol ng hininga. “Kanina pa siya hindi bumabalik mula nang magpaalam siyang magbanyo. Hinanap na namin sa palengke, sa dalampasigan, sa kahit saan, pero wala. Ni anino niya ay hindi na namin nakita. Nangyari na naman ang nangyari noon. Nung kagaya nang pagkawala ni Betchay.”Napakapit si Aling Karen sa dibdib niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig sa anak niya. “Diyos ko…”Habang patuloy sa pagkukuwento si Kalix, hindi na niya masyadong narinig ang mga sumunod na sinabi ng anak. Ang bumabalik-balik sa isip niya ay ang narinig niyang pag-uusap noon—ang usapan nina Catalina at ng ina nitong si Talina.Dinig
Xamira POVHindi ko na alam kung ilang oras na akong nakakulong dito sa madilim na kubo na amoy kulob na basang-basa ang sahig. At ang pinakamasakit sa lahat ay nakagapos pa ako. Ang mga kamay ko, nakatali sa likod at ang sakit-sakit na. Ang paa ko, nakatali rin. Kanina pa masakit ang katawan ko dahil sa ngawit. Namamanhid na ang binti ko. Pero mas masakit sa akin ang takot na baka hindi ako makita nila Kalix.“T-tulungan mo ako, pakiusap,” nanginginig kong sabi sa babae na nasa harapan ko.Siya si Betchay. Sobrang payat niya. Halos makita ko na ang buto sa pisngi niya. Ang buhok niya, mahaba at gusot, parang ilang taon nang hindi nasuklay mula nang mawala siya. Hindi siya nakasuot ng sapatos, at kahit sa kadiliman ng lugar na ‘to, tanaw na tanaw ko ang putik, dugo at mga galos sa balat niya. At ang amoy—Diyos ko. Mabaho. Amoy dumit ng tao, ihi at kung ano-ano pa. Parang pinaghalo-halong pawis, dugo at panis na pagkain. Hindi na siya mukhang tao ngayon. Grabe ang ginawa nila kay Betch
Kalix POVKanina pa ako nagtataka. Sabi ni Xamira, iihi lang daw siya saglit. Mula nang tumayo siya at lumakad papunta sa may banyo malapit sa palengke, hindi na siya bumalik.“Guys,” sabi ko, sabay lingon kina Tisay, Buknoy at Buchukoy na busy pa rin sa pagnguya ng tusok-tusok, “kanina pa wala si Xamira.”Napatingin si Tisay sa akin, habang kagat-kagat ang kalahating fishball sa stick. “Oo nga ‘no, halos twenty minutes na ata ang nakakalipas ah?”“Kaya nga, ang tagal na kaya nagtataka na rin ako.”Napakunot ang noo ni Buknoy. “Baka hindi lang naiihi ‘yon… baka natatae pala kaya umuwi muna sa bahay kubo niya.”“Tae agad?” singit ni Buchukoy habang humihigop ng palamig. “Baka naman pumunta lang sa bilihan ng pagkain. Di ba may binanggit siyang bibili ng hotdog kung meron?”Umiling ako, pero hindi ko na rin alam kung tama ba ang hinala ko. Basta ang bigat lang ng pakiramdam ko. Hindi ako mapakali. May phobia na kasi ako sa nangyari sa dati kong syota.“Teka,” sabay tayo ni Tisay, saka p
Xamira POVBisperas na ng fiesta dito sa Isla Lalia, kaya pala kaninang umaga, nagising ako na halos paulit-ulit ‘yung naririnig kong mga mosiko. Ang ingay, dinig na dinig sa loob ng kuwarto ko. Sabi ni Kalix, kapag bisperas at fiesta, umiikot at tumutuntog daw talaga ang mga dayong mosiko na binayarang ng hermano mayor ngayong taon. At sabi pa ni Kalix, tanging ‘yung may kaya lang ang nagiging hermano mayor dito.Gaya na lang ng pamilya ni Catalina na madalas daw maging hermano mayor.Wala pangingisda sina Kalix ngayong araw, hindi rin sila magtitinda sa palengke. Wala silang ibang gagawin kundi magsaya lang simula ngayong araw. Sa dalampasigan daw kasi ngayon ay may kasalukuyang singing contest na nagaganap.Kaya naman nagmadali akong naligo at gumayak dahil inaya ako nila Kalix na manuod ng singing contest sa dalampasigan.Pagdating doon, sobrang daming tao. Hindi ko inaasahang marami nga palang nakatira rito sa isla Lalia. Ang pinaka-maraming tao kasi na nakikita ko palang dito ay
Kalix POVGabi na. Halos alas diyes na ng matapos namin ang gown ni Xamira. Ikalawang araw na ito ng paggawa namin, at ngayon pa lang namin natapos nang buo. Sobrang pagod na namin dahil nangisda at nagbenta pa kami sa palengke kanina, tapos pag-uwi, punta naman kami dito sa bahay nila Tisay para ituloy ang paggawa nito. Kahit na nakakatuyot sa pagod ang araw na ito, tuwang-tuwa pa rin kami sa kinalabasan ng gown. Lahat kami, kahit antok na antok na, masaya ang mga mukha habang pinagmamasdan ang nagawa naming gown.“Sana manalo talaga si Xamira,” ani Buchukoy habang nililigpit ang mga retaso.“Napaganda ng gawa natin, parang magiging diyosa talaga dito si Xamira kapag sinuot niya,” sabat naman ni Buknoy habang inaayos ang kahon ng mga natirang shells.“Sure win na ‘to. Sa lahat ng gown na nakita ko, ito lang ang nag-iisang maganda,” dagdag pa ni Tisay na pawisan dahil siya ang mas tumapos nang pagdidikit ng mga shell sa laylayan ng gown.Ngumiti lang ako. Ayoko magsalita ng sobra, per
Xamira POVKaninang tanghali, no rice ako, puro ulam lang ang kinain ko. Start na rin ako sa pagbabawas ng pagkain para hindi lumaki ang tiyan ko kapag sumabak ako sa contest. Imbes naman matulog sa tanghali o hapon, ginawa ko na lang exercise o walking at least 5k steps. Hindi ko man nabibilang pero inoorasan ko na lang.Bandang alas dos ako tumigil kasi mainit na, mabuti na lang at maraming puno dito, lilim pa rin doon sa mga nilalakaran ko.Naligo na ako pag-uwi ko sa bahay kubo, sulit ang pagwo-walk ko kasi pinawisan ako ng bongga.Bandang alas tres nang tumambay ako sa bahay kubo. Fresh na ako. Nag-aabang na ako sa pag-uwi nila Kalix kasi tiyak na maaga-aga sila babalik para tapusin ang gown ko.Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Aling Karen. “Xamira.”Napalingon ako sa gilid. Nakangiti siya habang hawak ang isang platong may nilagang saging na saba. “Kumuha ka, anak. Mainit-init pa ‘to, dinalhan kita ng merienda.”Ngumiti ako pero hindi ko kayang tanggapin ang pagkain. Ewa
Third Person POVSa loob ng malawak na bahay ng pamilya ni Catalina, nakaupo si Aling Karen sa mahabang kahoy na bangko malapit sa bulwagan. Siya ang kauna-unahang dumating para sa ipinatawag na meeting tungkol sa pagbubukas ng bagong prutasan sa palengke. Nakasuot siya ng malinis na blusa at paldang bulaklakin, habang seryosong hawak-hawak ang kaniyang maliit na bag.Habang naghihintay, napansin ni Aling Karen na walang ibang tao sa paligid. Tahimik ang bahay maliban sa marahang tikatik ng tubig mula sa fountain sa hardin. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mula sa likuran ng makapal na kurtina, narinig niya ang boses ni Catalina. Hindi niya agad inakalang si Catalina iyon, pero nang marinig niya ang tono ng boses at ang pamilyar na inis na laging bitbit nito, sigurado na siyang si Catalina ‘yun. Kasama nito ang ina nitong si Talina, at tila nasa mainit na usapan ang dalawa.Hindi rin nila alam na may ibang tao na palang naroon—si Aling Karen, na walang kamalay-malay na magiging
Xamira POVSuper boring ngayong araw dahil mag-isa lang ako sa bahay kubo ko, gusto ko talagang sumama sa pangingisda nila Kalix, kaya sila ang nagpipigil. Bawal daw kasi akong magpa-itim. Bawal mangitim ang balat ko. Dapat makinis at maputi ang balat ko sa mismong contest. Kaya ang eksena, nganga, naiwan lang ako sa bahay, inudyukan na lang nila akong mag-practice maglakad, mag-practice sa talent ko at ganoon na rin sa question and answer. Sinunod ko naman, simula kaninang paggising ko ay puro practice na ako, kaya lang nakakasawa kapag paulit-ulit.Nung alas diyes na ng umaga, hindi ko na rin naman mapigilan ang sarili kong lumabas. Nakita ko kasing abala ang mga tao sa labas. May mga batang umaakyat sa puno, may matatandang lalaki na nagkakabit ng banderitas sa mga lubid na nakatali sa pagitan ng mga puno. Ang daming kulay—pula, asul, dilaw, berde. Parang piyesta na ang talaga vibes.“Ate Xamira!” sigaw ng isang batang babae na may hawak na lumang paypay. “Magfi-fiesta na po!” naki
Third person POVIlang buwan na ring hindi nakakapunta sa city ang pamilya ni Catalina, kaya ngayong may event silang kailangang puntahan, matutuloy na rin ang pag-alis nila papuntang Lux City para sa kaarawan ng tita niya. Isang malaking handaan ito, pero si Catalina, hindi talaga interesado doon. Kung siya lang ang masusunod, mas pipiliin pa niyang magpaiwan sa Isla Lalia at ipagpatuloy ang kaniyang paghahanda sa Reyna ng Isla Lalia 2025. Pero hindi siya mapalagay. May isang bagay na bumabagabag sa kaniya. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa likod ng mga sinasabi ni Xamira sa kaniya.Gusto mo lang akong bilugin, bulong niya minsan sa sarili, habang naaalala ang mga kuwento ni Xamira tungkol sa yaman, mga alahas at kung anu-ano pa. Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang puro satsat ang mga kuwento nito?Kaya kahit na ayaw niyang umalis ng isla, sumama pa rin siya sa pamilya niya. Ngunit hindi para makikain at makisaya sa birthday ng tita niya. May sarili siyang kailanga