Zain POVAng mansiyon dito sa Lux City, dito na raw ako titira o dito raw ang magiging bahay namin ni Tahlia sa oras na ikasal na kami. Ang mansiyon na ito, palalabasin ni Tahlia na ako ang may-ari.Sabi pa niya, mula Lunes hanggang Biyernes ang trabaho kong pagpapanggap na karelasyon niya. Kung kinakailangan pa ako ng Sabado o Linggo, wala akong magagawa—duty pa rin daw pero mukhang madalang lang iyon, nangyayari lang sakaling may dinner sa bahay ng lola niya.Sa totoo lang, medyo bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ko 'yun. Ibig sabihin, bihira lang akong makakauwi. Pero wala namang atrasan. Ito na ang napagkasunduan namin. Mami-miss ko nga lang si mama pero iniisip ko na para sa kaniya itong ginagawa ko, para sa kinabukasan naming dalawa.Masaya, palagi kong nasasabing masaya kasi ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong napakalaking kuwarto dito sa manisyon ni Tahlia, sa totoo lang ay para akong nasa palasyo. Napagod nga ako sa kakaikot dito sa sobrang laki ng bahay. May swimming
Zain POV Napakasarap ng tulog ko kagabi. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng kama na sobrang lambot, parang niyayakap ako ng ulap. Ang aircon? Diyos ko, parang natulog ako sa loob ng freezer. Ngayon lang ako nagising na ganito kasariwa ang pakiramdam. Walang tunog ng mga lasing sa labas, walang sira-sirang electric fan na kumakalampag at higit sa lahat, walang pangit na amoy ng alak sa paligid. Huminga ako nang malalim at nakangiti pa habang nag-iinat ng katawan. Pero sa pagbukas ng kumot, bigla akong natigilan. Tang ina. Saludong-saluto ang alaga ko sa ibaba. Napatakip ako ng bibig habang tawang-tawa sa sarili ko. Putik, sa sobrang lamig ng kuwarto, nagising akong parang sundalo na handang sumabak sa gyera! Umupo ako sa kama, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pero tang ina, parang batang nagwawala ‘yung nasa ibaba ko talaga. Para mawala sa isip ko ‘yun, tumayo na ako at dumiretso sa terrace. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas. Ang ganda ng tanawin doon, ang lawak na g
Tahlia POVSi Zain, mukhang sakit sa ulo pero sinusunod naman niya ang mga sinasabi ko. Nakita ko na abala siya sa pag-e-exercise sa gym. Tapos, kapag sinabi mong manuod ng mga billionaire movie ay ginagawa niya para makapulot o makita naman niya kung paano umasta ang mga mayayaman.Minsan naman ay kapag namamahinga siya sa kuwarto niya, naririnig kong kausap niya ang mama niya. Naririnig ko na kinukuwento niya sa mama niya ang mga magagandang bagay dito sa manisyon na hindi pa niya nararanasan sa buhay niya. Buwisit nga lang itong Zain na ‘to kasi Tahlia sungit ang tawag niya sa akin. Narinig ko rin na kapag sumahod na siya, gusto niyang maipagpagawa ng magandang bahay ang mama niya. Saka, hindi na raw siya magiging kargador sa palengke, utusan sa bilyaran o tagalako ng diaryo dahil magtatayo na raw siya ng business.Mukhang gago at walang pangarap ang tingin ko sa kaniya nung una pero nagkamali ako kasi sa labas ng anyo lang siya mukhang timang, pero sa loob ay matino at mabuti siy
Zain POVNapansin kong mukhang magtatagal pa si Tahlia sa bahay ng parents niya.Okay.Nabo-boring ako sa mansyon at parang gusto kong mag-cheat agad sa pagda-diet kaya naisip kong gumawa ng pagkaka-busy-han.Nagising ako bandang hapon at bumaba ng kusina. Tahimik. Mukhang nagpapahinga din ang mga kasambahay. Perfect. Walang istorbo sa gagawin ko.Binuksan ko ang ref. Tumambad sa akin ang sari-saring ingredients na mukhang mamahalin. Tumingin naman ako sa stock room at mas lalo akong natuwa. Ang daming supply ng kung anu-ano, parang may sariling mini-grocery itong mansion.Tamang-tama para sa gusto kong gawin.Dumampot ako ng spaghetti noodles, tomato sauce at isang kahon ng keso. Pero hindi lang ‘yun ang sekreto ng lulutuin ko ngayon. Hinanap ko ang isang bagay na bihirang isama sa spaghetti ng iba—pineapple juice.Ngumiti ako nang makita ang isang lata nito.“Jackpot.”Bumalik ako sa dirty kitchen at inihanda ang ingredients. Noon, tuwing may handaan sa amin, corned beef lang ang sa
Zain POVMaagang nagising si Tahlia at pinatawag ako sa kuwarto niya. Akala ko in heat si Tahlia at gusto niyang mangyari kaya nagmadali pa ako, pero mali ako nang naisip.“Magbihis ka. May pupuntahan tayo,” sabi niya nang wala man lang introduction. Kainis, naninigas pa naman na ‘yung ano ko sa ibaba, tapos ganoon lang pala. Tinakpan ko na lang tuloy ng kamay ang harap ko sa ibaba kasi bumukol na talaga.Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Bagong paligo, naka-dress na pang-casual at may suot na simpleng hikaw. Hindi siya mukhang pupunta sa isang formal event, pero hindi rin mukhang basta-basta lang ang lakad niya.“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang nakakunot-noo.“Sa bahay ni Axton.”Napataas ang kilay ko. Sa wakas. Ang sikretong boyfriend ni Tahlia na matagal ko nang gustong makita ay mami-meet ko na rin ngayon. Si pangit na boyfriend niya ay makikita ko na.Napangisi ako. “Sige, wait lang. Magpapalit ako.”Na-hopia ako dahil sa pagiging maberde ng isip ko kaya bumalik na ak
Tahlia POVPagkauwi namin ni Zain sa mansiyon, napansin ko agad ang katahimikan niya. Kanina pa siya walang imik, hindi tulad ng dati na panay ang daldal at paminsan-minsang pang-aasar sa akin. Alam kong may bumabagabag sa kanya, kaya bago pa siya makaakyat sa kuwarto niya ay hinila ko siya sa sala para kausapin."Usap tayo," sabi ko habang naupo sa sofa.Wala naman siyang reklamo at umupo rin sa tapat ko. Sandali siyang natulala bago ko siya tinanong, "So, anong masasabi mo kay Axton ngayong na-meet mo na siya?"Napabuntong-hininga si Zain. "It hit me hard," sagot niya. Napakunot ang noo ko, bakit ba kasi nalungkot siya ng sobra? Ano kayang pinagkuwentuhan nila? "Axton really loves you, Tahlia. You’re lucky to have someone like him."Hindi ko alam kung anong isasagot ko doon. Matagal na akong sanay sa pagmamahal ni Axton, pero ngayon ko lang nakita mula sa ibang tao kung paano nila iyon nakikita. May lungkot sa boses ni Zain at sa unang pagkakataon, nakita ko siyang seryoso. Nakikita
Zain POVHinintay ko lang na makaayat si Tahlia, pero may iba pa rin akong plano. Hindi ko naman talaga trip ang cake at kape, lalo na’t gutom pa ako. Ang kailangan ko ngayon ay mainit at masarap na pagkain na tatama sa sikmura ko. Kaya naisip kong magluto na lang.Sa halip na bumili sa labas, nagdesisyon akong gumawa ng lugaw. Madali lang naman iyon at mas gusto kong malasahan ang sarili kong luto.Agad akong pumunta sa kusina at hinanda ang mga sangkap na kailangan ko.Bigas, luya, bawang, sibuyas at chicken broth na nakuha ko sa refrigerator. Pinainit ko ang isang kaldero, pinirito nang bahagya ang luya, bawang, at sibuyas hanggang sa lumabas ang bango ng mga ito bago ko inilagay ang hugas na bigas. Isang mabilis na halo at saka ko ibinuhos ang chicken broth. Habang hinihintay kong lumambot ang bigas, sinimulan ko na rin ang sahog.Sa isang kawali, niluto ko ang tofu at gusto ko lang ay pinirito hanggang sa maging golden brown bago ko inalis sa mantika at pinatulo sa paper towel pa
Zain POVWala akong pasok ngayon sa pagiging peke kong boyfriend para kay Tahlia.. Sabado na naman kasi. Ibig sabihin ay uuwi ako ngayon sa amin. "Sige, umuwi ka na sa inyo," sabi ni Tahlia bago ako umalis. "Pero pag-uwi mo, mag-grocery ka. Gamitin mo 'to. Para matuwa mama mo."Iniabot niya sa akin ang isang sobre na may pera. Pero siyempre, hindi naman niya iyon inabot nang mabait na parang leading lady sa pelikula. Ibinato niya iyon sa akin na parang utang na loob ko pang tanggapin."Ano 'to? Para kang nagpapasweldo sa'kin ah ng advance?""Eh di 'wag mong tanggapin, ewan ko sa'yo."Napailing na lang ako at sinilid sa bulsa ang sobre. Alam kong ayaw niyang magpahalata, pero gusto niya lang makatulong. Mukhang naaawa rin siya sa akin kahit paano. Oh, baka natutuwa kasi magaling naman ako sa trabaho ko sa kaniya. Wala pa akong nagiging palpak.Ang magarang sasakyan niya ang naghatid sa akin pauwi. Wala pa man ako sa Lopez Jaena Town, sa Garay Street, dumaan pa kami sa mall. Sabi niya,
Kalix POVGabi na. Halos alas diyes na ng matapos namin ang gown ni Xamira. Ikalawang araw na ito ng paggawa namin, at ngayon pa lang namin natapos nang buo. Sobrang pagod na namin dahil nangisda at nagbenta pa kami sa palengke kanina, tapos pag-uwi, punta naman kami dito sa bahay nila Tisay para ituloy ang paggawa nito. Kahit na nakakatuyot sa pagod ang araw na ito, tuwang-tuwa pa rin kami sa kinalabasan ng gown. Lahat kami, kahit antok na antok na, masaya ang mga mukha habang pinagmamasdan ang nagawa naming gown.“Sana manalo talaga si Xamira,” ani Buchukoy habang nililigpit ang mga retaso.“Napaganda ng gawa natin, parang magiging diyosa talaga dito si Xamira kapag sinuot niya,” sabat naman ni Buknoy habang inaayos ang kahon ng mga natirang shells.“Sure win na ‘to. Sa lahat ng gown na nakita ko, ito lang ang nag-iisang maganda,” dagdag pa ni Tisay na pawisan dahil siya ang mas tumapos nang pagdidikit ng mga shell sa laylayan ng gown.Ngumiti lang ako. Ayoko magsalita ng sobra, per
Xamira POVKaninang tanghali, no rice ako, puro ulam lang ang kinain ko. Start na rin ako sa pagbabawas ng pagkain para hindi lumaki ang tiyan ko kapag sumabak ako sa contest. Imbes naman matulog sa tanghali o hapon, ginawa ko na lang exercise o walking at least 5k steps. Hindi ko man nabibilang pero inoorasan ko na lang.Bandang alas dos ako tumigil kasi mainit na, mabuti na lang at maraming puno dito, lilim pa rin doon sa mga nilalakaran ko.Naligo na ako pag-uwi ko sa bahay kubo, sulit ang pagwo-walk ko kasi pinawisan ako ng bongga.Bandang alas tres nang tumambay ako sa bahay kubo. Fresh na ako. Nag-aabang na ako sa pag-uwi nila Kalix kasi tiyak na maaga-aga sila babalik para tapusin ang gown ko.Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Aling Karen. “Xamira.”Napalingon ako sa gilid. Nakangiti siya habang hawak ang isang platong may nilagang saging na saba. “Kumuha ka, anak. Mainit-init pa ‘to, dinalhan kita ng merienda.”Ngumiti ako pero hindi ko kayang tanggapin ang pagkain. Ewa
Third Person POVSa loob ng malawak na bahay ng pamilya ni Catalina, nakaupo si Aling Karen sa mahabang kahoy na bangko malapit sa bulwagan. Siya ang kauna-unahang dumating para sa ipinatawag na meeting tungkol sa pagbubukas ng bagong prutasan sa palengke. Nakasuot siya ng malinis na blusa at paldang bulaklakin, habang seryosong hawak-hawak ang kaniyang maliit na bag.Habang naghihintay, napansin ni Aling Karen na walang ibang tao sa paligid. Tahimik ang bahay maliban sa marahang tikatik ng tubig mula sa fountain sa hardin. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mula sa likuran ng makapal na kurtina, narinig niya ang boses ni Catalina. Hindi niya agad inakalang si Catalina iyon, pero nang marinig niya ang tono ng boses at ang pamilyar na inis na laging bitbit nito, sigurado na siyang si Catalina ‘yun. Kasama nito ang ina nitong si Talina, at tila nasa mainit na usapan ang dalawa.Hindi rin nila alam na may ibang tao na palang naroon—si Aling Karen, na walang kamalay-malay na magiging
Xamira POVSuper boring ngayong araw dahil mag-isa lang ako sa bahay kubo ko, gusto ko talagang sumama sa pangingisda nila Kalix, kaya sila ang nagpipigil. Bawal daw kasi akong magpa-itim. Bawal mangitim ang balat ko. Dapat makinis at maputi ang balat ko sa mismong contest. Kaya ang eksena, nganga, naiwan lang ako sa bahay, inudyukan na lang nila akong mag-practice maglakad, mag-practice sa talent ko at ganoon na rin sa question and answer. Sinunod ko naman, simula kaninang paggising ko ay puro practice na ako, kaya lang nakakasawa kapag paulit-ulit.Nung alas diyes na ng umaga, hindi ko na rin naman mapigilan ang sarili kong lumabas. Nakita ko kasing abala ang mga tao sa labas. May mga batang umaakyat sa puno, may matatandang lalaki na nagkakabit ng banderitas sa mga lubid na nakatali sa pagitan ng mga puno. Ang daming kulay—pula, asul, dilaw, berde. Parang piyesta na ang talaga vibes.“Ate Xamira!” sigaw ng isang batang babae na may hawak na lumang paypay. “Magfi-fiesta na po!” naki
Third person POVIlang buwan na ring hindi nakakapunta sa city ang pamilya ni Catalina, kaya ngayong may event silang kailangang puntahan, matutuloy na rin ang pag-alis nila papuntang Lux City para sa kaarawan ng tita niya. Isang malaking handaan ito, pero si Catalina, hindi talaga interesado doon. Kung siya lang ang masusunod, mas pipiliin pa niyang magpaiwan sa Isla Lalia at ipagpatuloy ang kaniyang paghahanda sa Reyna ng Isla Lalia 2025. Pero hindi siya mapalagay. May isang bagay na bumabagabag sa kaniya. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa likod ng mga sinasabi ni Xamira sa kaniya.Gusto mo lang akong bilugin, bulong niya minsan sa sarili, habang naaalala ang mga kuwento ni Xamira tungkol sa yaman, mga alahas at kung anu-ano pa. Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang puro satsat ang mga kuwento nito?Kaya kahit na ayaw niyang umalis ng isla, sumama pa rin siya sa pamilya niya. Ngunit hindi para makikain at makisaya sa birthday ng tita niya. May sarili siyang kailanga
Xamira POVPagkapasok pa lang namin ni Kalix sa bahay kubo ko, ramdam na ramdam ko na talaga ang pagkapagod at pati na rin ang katahimikan ng gabi. Maliwanag ang buwan sa labas, masaya sanang tumambay pa sa labas at makipaghuntahan kay Kalix, pero alam kong hindi na tama kasi pare-pareho kaming pagod.“Bukas na lang ulit namin itutuloy ;yung gown mo, Xamira,” sabi niya habang isinasara ang pintuan.Tumango lang ako. Pagod na rin ako mula sa practice at pati na rin sa paglalakad mula sa bahay ni Tisay. Pero hindi ko naman naramdaman ang haba ng nilakad namin at ang pagod dahil kasama ko si Kalix. Magkaakbay pa nga kami. Wala na rin kasing gaanong tao sa labas nung pauwi na kami. Isa pa, madilim na at wala nang makakakilala pa sa amin.“Wala nang gising na tao sa bahay namin. Sarado na rin,” dagdag pa niya. “Puwede bang dito na muna ako matulog?”“Oo naman,” sagot ko agad. “Dito ka na matulog at magtabi na tayo.”Mabuti na lang at tapos na kaming kumain ng dinner. Doon na rin kasi kami
Xamira POVSa wakas, tapos na ang practice naming mga kandidata. Naglalakad na akong mag-isa sa makitid na daan patungo sa dulo ng Isla Lalia. Kakatapos ko lang maglinis ng katawan at magbihis mula sa pagpa-practice sa dalampasigan kasama ang ibang kandita. Pero ngayon, wala akong kasama na kahit sino. Mahigpit ang bilin ni Kalix sa akin na huwag akong magsasama ng kahit sino sa mga kapwa ko kandidata, lalong-lalo na si Catalina.Kaya naman, matapos akong magbihis sa bahay kubo ko, agad kong kinuha ang balanggot ko at isinukbit sa ulo ko. Medyo pangit ang sinuot ko para hindi ako makilala, ito kasi ‘yung balanggot na hindi ko nagustuhan, pero kapag suot ko naman ito, sapat na para maitago ang mukha ko kung sakaling may makakita sa akin. Ayokong malaman ng kahit sino kung saan ako pupunta—lalo na si Catalina na parang may CCTV sa buong isla kung makabantay sa akin.Habang naglalakad ako, tanaw ko ang alon sa di kalayuan na sumasabay sa huni ng hangin sa paligid. Kapag nasa isla ka lang
Kalix POVBuong maghapon, abala kami nina Buknoy, Tisay at Buchukoy sa bahay ni Tisay. Malayo iyon sa kabihasnan—nasa dulo kasi ito ng Isla Lalia, kung saan tanging hampas ng alon at ihip ng hangin lang ang maririnig. Tahimik dito, walang istorbo at higit sa lahat, walang makakasilip sa ginagawa naming sikreto para sa gown ni Xamira sa Reyna ng Isla Lalia 2025.“Tandaan ninyo, kahit sino, huwag niyong pagbabanggitang kahit katiting ng ginagawa natin dito,” paalala ko habang tinatahi ko na ang sako. Gamit ko ang lumang makinang pamana pa ng lola ni Tisay. Gumuguhit ang ingay ng makina sa gitna ng katahimikan, pero hindi masaya at excited kami kasi sure na sure naming kakaiba ang mangyayaring gown ni Xamira.Natatandaan ko, matagal-tagal na rin ng gawin namin ito. Noong mabait at okay pa si Catalina, ginawa na namin sa kaniya ito. Gumawa kami ng gown para sa kaniya at gawa naman iyon sa dahon ng buko. Siya ang nanalo kasi kakaiba ang nagawa naming gown nun, doon ang unang beses na napan
Xamira POVSa wakas, heto na ata ‘yung pinaka-malalang eksena nang paghahanda sa beauty contest. Nagsimula na kami para sa rehearsal para sa Reyna ng Isla Lalia 2025. Tanghaling tapat pa lang pero nasa dalampasigan na kaming sampung kandidata, suot ang aming makukulay na sash at summer dress, habang iniisa-isa ang magiging lakad namin sa mismong coronation night. Nag-ayos ako ng buhok, naglagay ng kaunting pulbo sa mukha, tapos ngumiti sa sarili sa salamin na maliit na gamit ko.“Xamira,” bulong ko sa sarili, “ito na ang simula ng pag-agaw mo ng korona. Para na rin sa ticket papunta sa Lux city.”Sakto naman na habang nag-aayos ako ng sarili, bigla namang dumating si Catalina, na suot ang neon pink na damit na para bang sinadya niyang agawin ang spotlight. Pero halatang hindi siya komportable. Masyadong hapit ang tela sa tiyan niya kaya habang naglalakad siya papunta sa puwesto niya, hindi niya maiwasang hilahin pababa ang palda niya, sabay kagat-labi.“Ay, bakit parang may sumisiksik