Share

S2 - Chapter 65

last update Last Updated: 2025-05-13 21:30:21

Kalix POV

Kanina pa ako nagtataka. Sabi ni Xamira, iihi lang daw siya saglit. Mula nang tumayo siya at lumakad papunta sa may banyo malapit sa palengke, hindi na siya bumalik.

“Guys,” sabi ko, sabay lingon kina Tisay, Buknoy at Buchukoy na busy pa rin sa pagnguya ng tusok-tusok, “kanina pa wala si Xamira.”

Napatingin si Tisay sa akin, habang kagat-kagat ang kalahating fishball sa stick. “Oo nga ‘no, halos twenty minutes na ata ang nakakalipas ah?”

“Kaya nga, ang tagal na kaya nagtataka na rin ako.”

Napakunot ang noo ni Buknoy. “Baka hindi lang naiihi ‘yon… baka natatae pala kaya umuwi muna sa bahay kubo niya.”

“Tae agad?” singit ni Buchukoy habang humihigop ng palamig. “Baka naman pumunta lang sa bilihan ng pagkain. Di ba may binanggit siyang bibili ng hotdog kung meron?”

Umiling ako, pero hindi ko na rin alam kung tama ba ang hinala ko. Basta ang bigat lang ng pakiramdam ko. Hindi ako mapakali. May phobia na kasi ako sa nangyari sa dati kong syota.

“Teka,” sabay tayo ni Tisay, saka p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 66

    Xamira POVHindi ko na alam kung ilang oras na akong nakakulong dito sa madilim na kubo na amoy kulob na basang-basa ang sahig. At ang pinakamasakit sa lahat ay nakagapos pa ako. Ang mga kamay ko, nakatali sa likod at ang sakit-sakit na. Ang paa ko, nakatali rin. Kanina pa masakit ang katawan ko dahil sa ngawit. Namamanhid na ang binti ko. Pero mas masakit sa akin ang takot na baka hindi ako makita nila Kalix.“T-tulungan mo ako, pakiusap,” nanginginig kong sabi sa babae na nasa harapan ko.Siya si Betchay. Sobrang payat niya. Halos makita ko na ang buto sa pisngi niya. Ang buhok niya, mahaba at gusot, parang ilang taon nang hindi nasuklay mula nang mawala siya. Hindi siya nakasuot ng sapatos, at kahit sa kadiliman ng lugar na ‘to, tanaw na tanaw ko ang putik, dugo at mga galos sa balat niya. At ang amoy—Diyos ko. Mabaho. Amoy dumit ng tao, ihi at kung ano-ano pa. Parang pinaghalo-halong pawis, dugo at panis na pagkain. Hindi na siya mukhang tao ngayon. Grabe ang ginawa nila kay Betch

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 65

    Kalix POVKanina pa ako nagtataka. Sabi ni Xamira, iihi lang daw siya saglit. Mula nang tumayo siya at lumakad papunta sa may banyo malapit sa palengke, hindi na siya bumalik.“Guys,” sabi ko, sabay lingon kina Tisay, Buknoy at Buchukoy na busy pa rin sa pagnguya ng tusok-tusok, “kanina pa wala si Xamira.”Napatingin si Tisay sa akin, habang kagat-kagat ang kalahating fishball sa stick. “Oo nga ‘no, halos twenty minutes na ata ang nakakalipas ah?”“Kaya nga, ang tagal na kaya nagtataka na rin ako.”Napakunot ang noo ni Buknoy. “Baka hindi lang naiihi ‘yon… baka natatae pala kaya umuwi muna sa bahay kubo niya.”“Tae agad?” singit ni Buchukoy habang humihigop ng palamig. “Baka naman pumunta lang sa bilihan ng pagkain. Di ba may binanggit siyang bibili ng hotdog kung meron?”Umiling ako, pero hindi ko na rin alam kung tama ba ang hinala ko. Basta ang bigat lang ng pakiramdam ko. Hindi ako mapakali. May phobia na kasi ako sa nangyari sa dati kong syota.“Teka,” sabay tayo ni Tisay, saka p

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 64

    Xamira POVBisperas na ng fiesta dito sa Isla Lalia, kaya pala kaninang umaga, nagising ako na halos paulit-ulit ‘yung naririnig kong mga mosiko. Ang ingay, dinig na dinig sa loob ng kuwarto ko. Sabi ni Kalix, kapag bisperas at fiesta, umiikot at tumutuntog daw talaga ang mga dayong mosiko na binayarang ng hermano mayor ngayong taon. At sabi pa ni Kalix, tanging ‘yung may kaya lang ang nagiging hermano mayor dito.Gaya na lang ng pamilya ni Catalina na madalas daw maging hermano mayor.Wala pangingisda sina Kalix ngayong araw, hindi rin sila magtitinda sa palengke. Wala silang ibang gagawin kundi magsaya lang simula ngayong araw. Sa dalampasigan daw kasi ngayon ay may kasalukuyang singing contest na nagaganap.Kaya naman nagmadali akong naligo at gumayak dahil inaya ako nila Kalix na manuod ng singing contest sa dalampasigan.Pagdating doon, sobrang daming tao. Hindi ko inaasahang marami nga palang nakatira rito sa isla Lalia. Ang pinaka-maraming tao kasi na nakikita ko palang dito ay

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 63

    Kalix POVGabi na. Halos alas diyes na ng matapos namin ang gown ni Xamira. Ikalawang araw na ito ng paggawa namin, at ngayon pa lang namin natapos nang buo. Sobrang pagod na namin dahil nangisda at nagbenta pa kami sa palengke kanina, tapos pag-uwi, punta naman kami dito sa bahay nila Tisay para ituloy ang paggawa nito. Kahit na nakakatuyot sa pagod ang araw na ito, tuwang-tuwa pa rin kami sa kinalabasan ng gown. Lahat kami, kahit antok na antok na, masaya ang mga mukha habang pinagmamasdan ang nagawa naming gown.“Sana manalo talaga si Xamira,” ani Buchukoy habang nililigpit ang mga retaso.“Napaganda ng gawa natin, parang magiging diyosa talaga dito si Xamira kapag sinuot niya,” sabat naman ni Buknoy habang inaayos ang kahon ng mga natirang shells.“Sure win na ‘to. Sa lahat ng gown na nakita ko, ito lang ang nag-iisang maganda,” dagdag pa ni Tisay na pawisan dahil siya ang mas tumapos nang pagdidikit ng mga shell sa laylayan ng gown.Ngumiti lang ako. Ayoko magsalita ng sobra, per

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 62

    Xamira POVKaninang tanghali, no rice ako, puro ulam lang ang kinain ko. Start na rin ako sa pagbabawas ng pagkain para hindi lumaki ang tiyan ko kapag sumabak ako sa contest. Imbes naman matulog sa tanghali o hapon, ginawa ko na lang exercise o walking at least 5k steps. Hindi ko man nabibilang pero inoorasan ko na lang.Bandang alas dos ako tumigil kasi mainit na, mabuti na lang at maraming puno dito, lilim pa rin doon sa mga nilalakaran ko.Naligo na ako pag-uwi ko sa bahay kubo, sulit ang pagwo-walk ko kasi pinawisan ako ng bongga.Bandang alas tres nang tumambay ako sa bahay kubo. Fresh na ako. Nag-aabang na ako sa pag-uwi nila Kalix kasi tiyak na maaga-aga sila babalik para tapusin ang gown ko.Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Aling Karen. “Xamira.”Napalingon ako sa gilid. Nakangiti siya habang hawak ang isang platong may nilagang saging na saba. “Kumuha ka, anak. Mainit-init pa ‘to, dinalhan kita ng merienda.”Ngumiti ako pero hindi ko kayang tanggapin ang pagkain. Ewa

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 61

    Third Person POVSa loob ng malawak na bahay ng pamilya ni Catalina, nakaupo si Aling Karen sa mahabang kahoy na bangko malapit sa bulwagan. Siya ang kauna-unahang dumating para sa ipinatawag na meeting tungkol sa pagbubukas ng bagong prutasan sa palengke. Nakasuot siya ng malinis na blusa at paldang bulaklakin, habang seryosong hawak-hawak ang kaniyang maliit na bag.Habang naghihintay, napansin ni Aling Karen na walang ibang tao sa paligid. Tahimik ang bahay maliban sa marahang tikatik ng tubig mula sa fountain sa hardin. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mula sa likuran ng makapal na kurtina, narinig niya ang boses ni Catalina. Hindi niya agad inakalang si Catalina iyon, pero nang marinig niya ang tono ng boses at ang pamilyar na inis na laging bitbit nito, sigurado na siyang si Catalina ‘yun. Kasama nito ang ina nitong si Talina, at tila nasa mainit na usapan ang dalawa.Hindi rin nila alam na may ibang tao na palang naroon—si Aling Karen, na walang kamalay-malay na magiging

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 60

    Xamira POVSuper boring ngayong araw dahil mag-isa lang ako sa bahay kubo ko, gusto ko talagang sumama sa pangingisda nila Kalix, kaya sila ang nagpipigil. Bawal daw kasi akong magpa-itim. Bawal mangitim ang balat ko. Dapat makinis at maputi ang balat ko sa mismong contest. Kaya ang eksena, nganga, naiwan lang ako sa bahay, inudyukan na lang nila akong mag-practice maglakad, mag-practice sa talent ko at ganoon na rin sa question and answer. Sinunod ko naman, simula kaninang paggising ko ay puro practice na ako, kaya lang nakakasawa kapag paulit-ulit.Nung alas diyes na ng umaga, hindi ko na rin naman mapigilan ang sarili kong lumabas. Nakita ko kasing abala ang mga tao sa labas. May mga batang umaakyat sa puno, may matatandang lalaki na nagkakabit ng banderitas sa mga lubid na nakatali sa pagitan ng mga puno. Ang daming kulay—pula, asul, dilaw, berde. Parang piyesta na ang talaga vibes.“Ate Xamira!” sigaw ng isang batang babae na may hawak na lumang paypay. “Magfi-fiesta na po!” naki

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 59

    Third person POVIlang buwan na ring hindi nakakapunta sa city ang pamilya ni Catalina, kaya ngayong may event silang kailangang puntahan, matutuloy na rin ang pag-alis nila papuntang Lux City para sa kaarawan ng tita niya. Isang malaking handaan ito, pero si Catalina, hindi talaga interesado doon. Kung siya lang ang masusunod, mas pipiliin pa niyang magpaiwan sa Isla Lalia at ipagpatuloy ang kaniyang paghahanda sa Reyna ng Isla Lalia 2025. Pero hindi siya mapalagay. May isang bagay na bumabagabag sa kaniya. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa likod ng mga sinasabi ni Xamira sa kaniya.Gusto mo lang akong bilugin, bulong niya minsan sa sarili, habang naaalala ang mga kuwento ni Xamira tungkol sa yaman, mga alahas at kung anu-ano pa. Pero paano kung totoo nga? Paano kung hindi lang puro satsat ang mga kuwento nito?Kaya kahit na ayaw niyang umalis ng isla, sumama pa rin siya sa pamilya niya. Ngunit hindi para makikain at makisaya sa birthday ng tita niya. May sarili siyang kailanga

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 58

    Xamira POVPagkapasok pa lang namin ni Kalix sa bahay kubo ko, ramdam na ramdam ko na talaga ang pagkapagod at pati na rin ang katahimikan ng gabi. Maliwanag ang buwan sa labas, masaya sanang tumambay pa sa labas at makipaghuntahan kay Kalix, pero alam kong hindi na tama kasi pare-pareho kaming pagod.“Bukas na lang ulit namin itutuloy ;yung gown mo, Xamira,” sabi niya habang isinasara ang pintuan.Tumango lang ako. Pagod na rin ako mula sa practice at pati na rin sa paglalakad mula sa bahay ni Tisay. Pero hindi ko naman naramdaman ang haba ng nilakad namin at ang pagod dahil kasama ko si Kalix. Magkaakbay pa nga kami. Wala na rin kasing gaanong tao sa labas nung pauwi na kami. Isa pa, madilim na at wala nang makakakilala pa sa amin.“Wala nang gising na tao sa bahay namin. Sarado na rin,” dagdag pa niya. “Puwede bang dito na muna ako matulog?”“Oo naman,” sagot ko agad. “Dito ka na matulog at magtabi na tayo.”Mabuti na lang at tapos na kaming kumain ng dinner. Doon na rin kasi kami

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status