Tisay POVSa totoo lang, hindi ko na rin maintindihan kung bakit ako pumayag. Siguro dahil malamig ang gabi. Siguro dahil ang lakas ng ulan. O baka dahil sa katahimikan sa pagitan namin ni Kaiser habang sabay naming inuubos ang huling baso ng alak. Hindi na rin namin naalala kung pang-ilang tagay na ‘yon. Basta ang alam ko lang, tuluyan na akong nalasing.“Tisay,” tawag niya sa akin dahil inamin ko na rin na Tisay ang palayaw ko. Tawa pa nang tawa ang bundol kasi ang cute daw ng nickname ko.Lasing na siya kasi makailang beses na niyang binabanggit ang nickname ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na niya akong tinignan nang ganoon ngayong gabi. Yung parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan. “Kung… kung liligawan kita ngayon… papayag ka ba?”Napahagalpak ako ng tawa. Hindi dahil iniinsulto ko siya, kundi dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya ‘yun. Ang seryosong tanong na ‘yon, bigla niyang binanggit habang tumatapon-tapon na ang wina haba
Tisay POVSa kabila ng pagguho ng mundo niya kanina dahil sa natuklasan niyang pagtataksil ng girlfriend niya, tinupad pa rin ni kuya—ay, ni Kaiser pala—ang pangakong ihahatid niya ako pauwi.Mahina-hina pa ang ulan nung binagtas namin ang daan papunta sa condo ko. Ang ganda nga ng kotse niya, mabango at mukhang mamahalin. Mabilis lang ang naging biyahe dahil malapit lang ang condo ko sa cake shop ko.“Salamat, Kaiser, dito na lang ako sa tapat ng building ng condo ko,” sabi ko nang makahinto kami doon sa building.Pero putek, biglang lakas ang ulan at hangin.“Mabuti pa, ihatid na kita sa parking area, saan floor ka ba para hindi ka na mabasa?” tanong niya.“Sa ikaliwang floor,” sagot ko naman. Hindi rin kasi ako sanay na nagbabasa, lalo na sa gabi at baka magkasakit pa ako. Kaya ang nangyari, pumasok na rin siya sa parking area hanggang sa makarating kami sa fifth floor.Pero tila narito na ang mata ng bagyo, lalo pang lumakas ang ulan at hangin.“Salamat sa paghatid, Kaiser,” mahin
Cristina (Tisay) POVMalakas ang ulan nung gabing ‘yon. Yung tipo ng ulan na parang hindi lang basta ulan—ang lakas na sinasabayan pa ng hangin. Naka-jacket na nga ako, pero ramdam ko pa rin ang lamig. Patay na nga rin ang aircon. Ang kasi sabi sa balita kanina sa radyo, may paparating na bagyo—signal number two na nga raw sa ilang lugar, at baka sa hatinggabi, mag-signal three na rin kami.“Tsk,” bulong ko sa sarili habang pinapatay ko ang isang ilaw sa sulok. Oras na para magsara talaga. Balak ko pa naman gumawa ng cake para bukas, may ma-display pa rin kami. Alas otso na rin, at wala nang customer mula kaninang alas siyete pa. Mabuti na lang ubos na rin ang mga cake. Wala akong tinira kahit isang slice para sa sarili ko na dati ay kapag mayroon, inuuwi ko talaga para may makain sa hatinggabi kapag nanunuod ako ng movie. Pero, ayos lang. Mas okay na ‘yun kaysa maraming tira na cake dito.Paglingon ko sa glass door, napansin kong ang dilim na sa labas. Kanina rin nung mabalitaan ng m
Xamira POVSa loob ng dalawang buwan, hindi nagtagal ay nabuntis na ako. Si Kalix kasi, nung maranasan nang maikama ako, aba, dinalasan nang dinalasan. Gulat na gulat din ako sa laki ng pagkalalakë niya, nung unang beses na may nangyari sa amin, parang na-virgin-an ako. Ang laki talaga, sobra, feeling ko ay parang may mahabang talong na nagwasak sa loob ng pukë ko.Ang gara rin bumayo ni Kalix, napakalala. Halatang matagal-tagal siyang walang ganoon. Halos isang linggo nga niya akong tinarabaho sa kama. Nang makaisa, paulit-ulit na tuwing gabi. Kapag naman nasa bakasyon kami, lalo na sa beach, hindi puwedeng hindi siya makakaisa. Sa isang araw, minsan ay kaya niya ng tatlong beses. Pero may pahinga naman.Sa dalawang buwan na lumipas, marami na ring nangyari. Nag-start na akong maging CEO ng company na iniwan sa akin ni lola.Si Kalix, kinuha ko naman ng tutor na magtuturo sa kaniya kung paano maging magaling sa business dahil gusto ko ring siyang magkaroon ng papel sa company ko para
Xamira POVPinasundo agad ni Kalix sina Aling Karen at Mang Felix sa Isla Lalia. Pagkarating nila sa Lux City, halos mapanganga sila sa mga ilaw, sa mga matataas na gusali, sa mga tren sa itaas, at siyempre, sa mansiyon ko. Iyon ang kuwento sa akin ni Kalix.“Aba’y anak, para kang Reyna rito!” halos mapasigaw si Aling Karen habang nakatayo sa harap ng main entrance ng mansiyon ko.Tumawa nalang ako. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha nila. “Welcome po sa bahay ko.”“Anak, Xamira, parang palasyo ‘to dahil sa laki,” sabi naman ni Tatay Felix.“Simula ho ngayon, dito na rin po kayo titira kasama namin ni Kalix.” Naluha ako habang sinasabi ‘yon. Niyakap ako ni Tatay Felix at Nanay Karen.Hindi pa rin ako makapaniwala. Isang linggo lang ang lumipas mula nang malaman ko ang tungkol sa mana ni Lola Flordelisa, at ngayon... magiging asawa ko na si Kalix.“Grabe,” bulong ko habang nakaupo na sa harap ng salamin, suot ang puting-puting wedding gown na gawa ng isa sa mga kilalang designer ng
Xamira POVNasa sala na kami ng bahay ko, katabi si Kalix habang si Tahlia ay seryosong nakatingin sa amin. Matagal siyang hindi nagsalita. Parang tinignan niya ako. Panay din ang tingin niya kay Kalix. Alam kong iniisip niya kung anong nangyari sa akin. Kung bakit naging morena ang balat ko dahil sa paglalagi ko sa Isla Lalia.“Xamira,” sa wakas na tawag niya sa akin. Malumanay ang boses niya, pero halatang may halong lungkot.Hindi ako makapagsalita. Para akong nanigas. Nakayuko lang ako at ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko. Nakakahiya. Bigla akong umalis noon, hindi nagsabi sa kahit na sino sa kanila nang walang paliwanag. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isip ko ang maling ginawa ko noon. Ang panloloko kay Lola Flordelisa. Ang pagpapanggap kong tunay kaming nagmamahalan noon ng lalaking pinakilala ko sa kanila para lang makuha ko ang mana.“I... I’m sorry,” mahina kong sabi na halos pabulong. “I’m sorry for leaving without saying goodbye. I didn’t mean to hurt you or