Kaiser POVPagkaupong-pagkaupo ko sa couch sa condo, sumandal ako at nagbuntong-hininga. Maaliwalas na ang pakiramdam ko. Sa wakas, ayos na ang lahat para sa anniversary celebration namin ni Jamaica. Next week, maglalayag kami sa private yate na pinaset-up ko sa mga kalog na sina Buknoy at Buchukoy. Confirmed na rin sila. Tuloy na tuloy na.“Ayos na 'to,” bulong ko sa sarili habang hawak ang isang baso ng malamig na whiskey. Bigla kong natutunang mag-iinom. Nagsimula ito nang malaman kong nagchi-cheat si Jamaica.Sakto naman na biglang dumating sa unit ko sina Dan, Jeric, at Will—mga kabarkada kong kilala sa pagiging chickboy at certified cheater. Hindi na bago sa akin ang marinig ang mga kuwento nilang may tatlo o apat silang kinikita kahit may girlfriend na. Hindi ko sila ginagaya, pero hindi rin ako nanghuhusga. Buhay nila ‘yon.“Bro! Cheers para sa anniversary!” sigaw ni Will sabay abot ng bote ng beer.“Cheers!” sabay-sabay naming sabi.Mga gagong ‘to, may dala-dala agad alak, hi
Tisay POVSa wakas, tapos na ang malaking wedding cake na alas kuwarto palang ng madaling-araw ay ginagawa na namin. On the way na ito sa kasalanan at sure akong matutuwa ang ikakasal sa ganda ng cake na ginawa ko.Kakakain ko lang ng lunch at ngayon, nakaupo ako sa harap ng computer ko, naka-slouch pa habang hinihimas-himas ang tiyan ko. Tapos na rin ang nakaka-haggard na umaga—ang delivery ng mini cakes sa client, ang pag-aayos ng resibo at ang sunod-sunod na utos ko kanina kina Bebang, Junjun, Ate Glenda at Leny. Kaya heto ako ngayon, puwede nang mag-relax.Ang pahinga ko nga lang ay ang pag-iisip kay Kaiser.This time, sinubukan ko nang maghanap kahit pa paano. Nilagay ko ang pangalan niya sa search bar: Kaiser.Enter.Lumabas agad ang sangkaterbang resulta. May mga profile na may mahabang buhok, may may kalbo, may mukhang adik, pero karamihan pogi. May itsura talaga. May ilang nagpa-wow sa akin. Pero kahit anong kilatis ko, wala. Wala doon ‘yung hinahanap ko. Wala ‘yung lalaking
Tisay POVAlas dos na ng madaling-araw. Pagod ako, pero tila hindi epekto ang pagod lang para makatulog agad. Nakatihaya ako sa kama, nakatitig lang sa kisame habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa tiyan. Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog.Bumaling ako sa kaliwa. Umayos ng higa. Bumaling sa kanan. Umayos ulit. Pero wala pa rin. Sa huli, kinuha ko na lang ang cellphone ko sa gilid ng unan, binuksan at muling pinanood ang video na ilang gabi ko na ring kinukutkot sa gallery.Sa video, nandoon kami ni Kaiser. Pareho kaming lasing. Tawa kami nang tawa habang nanginginig pa ang kamay niyang hawak ang cellphone. Maliwanag na maliwanag ang boses niya sa video na niligawan niya ako at maliwanag din ang pagsagot ko ng oo.Tapos, hinalikan niya ako nang mabilisan lang. Kahit nakailang panuod na ako nito, natatawa at nahihiya pa rin ako sa sarili ko.Pinanood ko 'yon nang paulit-ulit ngayong gabi. Para akong baliw. Paulit-ulit kong ina-analyze kung may halong totoo ang mga sinabi niya,
Kaiser POVTumigil ako sa harap ng condo ni Herlyn, bestfriend ni Jamaica. Nakasuksok sa bulsa ang kamay ko, habang tinititigan ang pinto ng condo niya. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako o aatras. Alam kong hindi ito magiging madali. Pero kailangan kong marinig ang totoo, mula sa taong may lakas ng loob na magsumbong sa akin nang ginawang pagtataksil sa akin ng girlfriend ko.Pagbukas ng pinto, sumalubong ang mahinang boses ni Herlyn. “You’re early.”Alam niyang darating ako kasi nagsabi ako na gusto ko siyang makausap. Walang alam dito si Jamaica kaya tinapat ko na busy ang girlfriend ko.“I just need answers,” sagot ko habang diretsong pumasok, hindi na naghihintay na imbitahin niya akong maupo sa sofa. Pero tumayo lang muna ako doon.Tahimik siya habang sinasara ang pinto. Pagkasara siya ng pinto ay bumalik siya sa loob, sabay tayo sa harap ko. Suot niya ang isang simpleng oversized shirt at shorts—malayo sa corporate look niya kapag magkakasama kami ni Jamaica. Sa itsura pa lang n
Tisay POVSa totoo lang, kung may award lang para sa pinaka-walang-pahingang araw, paniguradong panalo na ako ngayon. Wala pang alas otso ng umaga pero basang-basa na ang likod ko sa pawis at hindi pa man ako nakakain ng kahit na ano mula pagkagising ko. Pero okay lang. Mas pipiliin ko ang ganitong abala kaysa sa araw na matumal ang benta.“Ma’am Cristina, dumating na po ‘yung eggs at butter!” sigaw ni Bebang mula sa labas. Siya ang isa sa pinaka-masipag kong staff at trusted ko talaga sa lahat ng kitchen supplies.“Paki-check kung kompleto ha,” sagot ko habang hinihila ang apron ko sa baywang at tinatali ito. May harina pa sa pisngi ko, hindi ko na naalalang tanggalin. Mamaya na. Mas mahalaga ngayon ang mini cakes.Isang client kasi ang um-order ng 100 piraso ng mini cakes para sa binyag ng anak niya. Kulay pastel pink at blue daw, may simple icing lang na may pangalan ng baby sa ibabaw. Deadline daw ay bukas ng umaga. Kaya naman halos lahat ng tao sa shop ko ngayon ay abala na paran
Kaiser POVNasa harap ako ngayon ng opisina ni Jamaica. Ramdam ko pa rin ang sakit at lungkot sa dibdib ko, kahit na sinikap kong pakalmahin ang sarili ko kanina sa biyahe pa lamang. Ilang beses kong iniisip ang message niya sa akin nung gabing ‘yon. Ang sabi niya, hindi siya nakapunta sa mansion ko dahil sa lakas ng ulan. Bumabagyo raw. Naisip ko, kung talagang gusto niyang ma-celebrate namin ang anniversary, maaga palang nagpunta na siya. Nung hindi pa umuulan ay sana nagpunta na siya.Hindi ko na nasagot kagabi ang message niya kasi kasabay din nun ang pagpasa sa akin ng bestfriend niya sa video na kalaswaang ginawa niya sa ibang lalaki niya.Pinunasan ko ng panyo ang pawis sa aking noo kahit malamig ang hangin sa hallway nitong building niya. Panay ang bati at tango sa akin ng mga staff niya dahil kilalang-kilala na ako rito na boyfriend ni Jamaica. Si Jamaica kasi ay CEO ng sikat na J Cosmetic na isa sa mga company ng mga makeup product na matunog ngayon.Huminga ako nang malalim