Share

Kabanata Sampu

Ibinalik ni Rada ang tingin kay Aling Lourdes at nagpakawala ng malalim ngunit pasimpleng paghinga.

"Ang totoo po niyan ay dito po talaga ang aking tungo sa inyong tahanan," aniya sa magalang at mababang tono.

Kumunot ang noo ni Lourdes,nabahiran ng pagtataka ang mukha.

"May nangyari ba kay kuya Kanor?" agarang usisa nito kalakip ang pangamba sa boses.

Si Rafael naman ay nanatiling tahimik ngunit patuloy na hinayon ng mata ang dalaga. Sa isip ay may namumuong hinala.

"Naku, wala po Aling Lourdes. Wala po kayong dapat na ipangamba at maayos po ang kalagayan ni Mang Kanor," maagap na sagot ni Rada. Pilit nitong pinasigla ang boses at baka magkaroon pa ng maling konklusyon. Nahimigan kasi nito ang pag-aalala sa babae.

Lumiwanag naman ng bahagya ang mukha ni Lourdes at naging kampante. Ngunit nanatili ang katanungan sa mata.

“Kung gayun ay ano ang pakay mo sa amin, Ineng?” diretsa nang tanong ni Lourdes.

Huminga muna ng malalim si Rada at humugot ng lakas bago nagpatuloy. Halatan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status