Share

Kabanata Siyam

Kung sa Hansel and Gretel ay may isang matandang hukluban na may nakakatakot na anyo. Ang kaharap niya ay sadyang napaka-amo ng bukas ng mukha na tila kay bait.

Bagama't bakas ang pagkakaroon ng edad ay hindi maikakailang napakaganda nitong babae noong kabataan nito. Ang magkabilang biloy nito sa pisngi ay sadyang kapansin-pansin sa tuwing ngumingiti ito.

"Ma- Magandang araw po... k..kayo po ba ang may-ari nitong bahay?" sa wakas ay kanyang naisatinig. Itinuro ni Rada sa babae ang kubo.

Hindi kasi agad siya nakapagsalita dahil sa pagkamangha sa kaharap. May kahawig kasi itong artista na paboritong panoorin ng Mommy Clara niya. Hindi nga lang niya matukoy ang pangalan.

"Ako nga ineng. Akala ko ay namali lamang ang aking pandinig na mayroong boses sa paligid. May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" anang babae na may bahagyang pagkunot ng noo.

"Naliligaw ka ba? Wala ka bang kasama?" dagdag tanong pa ng babae. Kasabay nang pagguhit ng pangamba sa mukha nito ay ang maliit na hakbang pala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status