" Is he the one we're looking for?" Narinig niyang tanong ni Clark. Nilinga niya ang kaibigan. Nakatuon ang pansin nito sa kalsada. "Yes," walang pagtanggi na sagot niya. Doon na siya sinulyapan ni Clark. Sa mukha ay nakaplaster ang katanungan at pagkalito. "Masquerade Ball is approaching. So I was trying to convince him to be my escort at that event." she said directly. "Rada, I can be your-- " I know Clark, but I want Pael . " mabilis na putol niya sa kaibigan. “‘And besides, I don't want to get into trouble with your girlfriend Carolina. Alam mo namang allergic sa akin ang Isang iyon.” banggit niya pa sa binata.“But Rads—-“No but’s Clark,” she interjected. Dahil roon ay nawalan ng imik ang lalaki. Wala itong nagawa kundi ang muling ibalik ang pansin sa pagmamaneho. " Samaniego is an introverted person--- "I'm curious about that." she interrupted while smiling. “As always.” Clark agrees. "How'd you know him anyway?" Rada asked in surprise. " Si Samaniego
Nagulahan si Rada, kumunot ang noo. May pagkalito na bumaling sa ina. Gusto niyang pasubalian ang sinasabi nito. Subalit seryosong nakatingala sa langit ang Senyora. At kung hindi siya nagkakamali ay may nasisilip siyang panglaw sa mga mata ng ina. "Hindi lahat ng mga salita ay kailangang imutawi ng mga labi. Madalas ang bulong ng ating mga puso't isipan ay siyang mata ang nagsasabi.” Hindi naman malaman ni Rada ang isasagot sa winika ng ina. Sa lalim ng mga salitang binitawan nito ay nalilito siya sa nais nitong ipahiwatig. At kung butil man ng luha ang bagay na kumislap sa gilid ng mga mata nito ay nagbigay iyon sa kanya ng malaking palaisipan. Nanatili siyang walang imik at pinagmasdan lamang ang mommy niya. Ang Senyora naman ay tila natauhan. Mabilis na nagbago ang awra nito. Mula sa pagiging seryoso kanina ay nahalinhinan iyon ng panunukso. "Maaari ko bang malaman kung kanino mo nais ibulong ng buwan ang laman ng iyong puso't isipan?" Bigla naman ang pagkag
Marahang lumipad ang mga mata ni Clark kay Rada. Walang pagkagulat sa reaksyon nito. "Kaya ba kinasapakat mo si ate Cha-cha?" Gustong takasan ng kulay ang mukha ng dalaga pagkarinig sa sumunod na salita ni Clark. Nag-plaster agad ang pag-aalala sa mukha nito para kay Miss Benitez. "C... Clark, walang kasalanan si ate Cha-cha pinilit ko lang siya..." "Why him?" he asked firmly. Naroon ang lamlam sa mata. "You've just started getting to know him. He's still a stranger to you and you fell in love?" he added with a sardonic tone. Inalis ni Rada ang tingin sa kaibigan. Umayos ng upo at tagos-tagusan na pinukol ng tingin ang unahang bahagi ng sasakyan patungo sa mabakong kalsada. "I don't know Clark. It just happened. Basta naramdaman ko na lang, hanggang sa lagi na siyang laman ng isip ko." Marahan at malumanay niyang sagot. Tuluyan na niyang inilahad sa kababata ang totoong nararamdaman niya para Kay Rafael. At kaya niya inilihis ang tingin sa kadahilanang hindi n
Hindi agad nakapag-preno si Clark kaya’t mabilis niyang iniiwas ang sasakyan. At dahil mabilis ang kanyang takbo ay hindi naiwasang sumadsad siya sa gilid ng daan. Ang dalagita naman ay tila nagulat sa bilis ng pangyayari. Animo natuklaw ng ahas na hindi nakakilos sa labis na pagkabigla. Nanlalaki ang mga matang sinundan nito ng tingin ang sasakyang sumadsad sa gilid ng kalsada. Lumarawan ang takot sa maliit nitong mukha. Mabuti na lamang at hindi diretsong nahulog ang sasakyan sa palayan. May kalaliman pa naman ito. Marahan na humakbang patungo sa may driver side at sumilip sa salaminng bintana ang dalagita nang makabawi. Nag-alalla ito sa nasa loob ng sasakyan pagka’t nakalugmok ang driver sa may manibela. Kinabahan ang dalagita. Agad na lumipat ang mga mata nito sa bandang leeg ng lalaki. NaPansin niya agad ang marahang pintig niyon. Kaya naman nabuhayan sya ng loob, nagpasya na syang katukin ng malakas ang bintana ng sasakyan upang mapukaw ang pansin ng lalaki. Un
Pilit namang pina-normal ni Rafael ang paghinga sa pakiramdam na kinakapos. Pilit ang mga ngiting ibinigay nya sa bagong rating. Sadyang may kakulitan ang heredera. Hindi pa sya tapos sa gustong sabihin ay may nakahanda na agad itong pahayag. Ganoon kabilis gumana ang isip nito. Walang saysay ang umiwas sa pagkakataong ito. Mukhang wala ring balak na makinig sa mga sasabihin niya ang dalaga dahil sa pinaiiral nitong katigasan ng ulo. Kaya Malabong maipagtabuyan niya ito. Isa pa ilang ang sakahan sa bahaging ito ng San Isidro. Hindi malimit ang mga taong nagagawi sa lugar na ito maliban sa mga magsasakang tauhan ng asyenda. Bihira rin daanan ng mga sasakyan ang kalsada kahit na ito pa ang pinakamabilis na way patungong bayan. Sadyang iniiwasan ang diversion road na ito pagka't makitid na ay lubak-lubak pa. Katulad na lamang ngayon maputik at matubig ang kalsada gawa nang magdamag na buhos ng ulan. Walang mananakay at motorista ang maglalakas loob na pasukin ang ruta. Kaya sigur
“Ano't ganyan ang iyong wangis?" salubong ang kilay na usisa ni Pael. "Wa-wala." ang nautal na tugon ni Rada. Kasabay niyon ay pinamulahan sya ng pisngi. Nalunok nya tuloy ang sarili niyang laway. Agad siyang nag-iwas ng tingin at ibinaling ang pansin sa palayan. Lihim na ikinunot ang ilong upang masupil ang nagbabadyang ngiti. Juice ko huling -huli sya ni Pael sa nakakahiyang tagpo. Nakatanghod pa naman sya rito nang mag-angat ito ng mukha. Kulang na lang ay magdaop ang kanilang mga mukha. Pinilit niya na maging normal ang paghinga subalit patuloy ang pagsasal ng kaba sa dibdib niya. Isang marahang paghinga ang narinig niya mula sa binata. "Kailangan na nating umalis. Maaaring hinahanap ka na sa mga sandaling ito sa asyenda. Mukhang hindi ka na naman nagpaalam Senyorita." sabi ni Rafael na sinabayan ng tayo at pagkatapos ay naglakad patungo kay Malik. Correction ipinagpaalam sya ni Clark sa mommy at daddy nya. Ang nais niya sanang sambitin kay Rafael. Habang habol ng tingin a
“Ngayon maaari ko na bang malaman kung bakit magkasama kayong dalawa, Pael?" seryosong usisa ni Lourdes sa anak. Tahimik lang si Rafael. Maging si Rada ay hindi makaimik. Sinulyapan ng dalaga ang binata ngunit hinayon sya nito nang makahulugan. Bigla tuloy syang nailang. Hindi rin niya malaman kung paano tutugon sa nanay ni Pael. Paano niya sasabihin kay Aling Lourdes na sinadya nya talaga ang binata sa taniman? Na kaya hindi nito natapos ang pagtatrabaho sa bukid dahil sumulpot sya na parang bubuyog na nakalanghap ng nektar sa gitna ng palayan. At dahil masyado syang adbenturera ay naipahamak niya ang sarili. Naging kargo na nga sya ng lalaki ay mukhang masisisi pa ata ito ng ina. Ibinalik nya ang mga mata sa ginang pagka't di niya matagalan ang mga titig ni Rafael. Tumikhim muna sya ng marahan at bumwelo. "Sinadya ko po si Pael sa sakahan Aling Lourdes." simula nya. Kumunot ang noo ng babae na napatingin sa kanya tila nalito ito sa kanyang naging tugon. "Kinu-kumbinse ko po
"Ayaw kong masaktan si Rafael." pagbuo ng babae sa pangalan ng anak. "A---aling Lourdes..." aniya na hindi malaman kung ano ang sasabihin sa babae. Bigla syang nahiya rito, naisip niyang pasubalian na lamang ang sapantaha nito. "Hindi nagsisinungaling ang mga mata Ineng. Hindi ito marunong maglihim. Hindi mo man sambitin ang isinisigaw ng iyong damdamin ang iyong mata ang syang magsasabi. Pagka’t naisisiwalat nito ang nilalaman ng iyong puso." patuloy ni Lourdes na tila nahulaan ang kanyang nasa isip. Sa pagkakataong iyon ay hindi mawala ang titig ni Rada sa kaharap. Ang salita ni Lourdes at ng kanyang ina ay halos iisa. Hindi tuloy niya maiwasang manggilalas. "Hindi maitatatwa ang kislap ng iyong mga mata sa tuwing pinagmamasdan mo si Pael. At ang bagay na yan ay isa sa pinakamasayang pakiramdam para sa isang babaing umiibig. Ngunit kapara niyo ay langit at lupa, hindi aayon ang tadhana kahit na may katugon pa mula kay Pael ang iyong nararamdaman." Hindi napigilan ni Rada na ma