Share

Kabanata Walo

“You're sure are we on the right path?" tanong ni Clark, mabilis nitong nilinga si Rada sa tabi.

"We are at the far end, brat." dagdag pa ng binata habang itinuon muli ang pansin sa kalsada. Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Si Rada naman ay halos humaba na ang leeg sa katatanaw sa labas na binuksan na ang bintana ng behikulo. Tama si Clark mukhang nasa dulong bahagi na nga sila ng San Isidro. Binistahan niya ang hawak na papel kung saan ay nakaguhit ang isang direksyon. Tama naman ang daan na tinahak nila. Napabuga siya sa hangin.

Ni hindi dumaan sa kanyang isip na may ganito kaliblib na lugar sa bayan nila. Kung saan ay walang ibang matatanaw kundi pawang kakahuyan at kabundukan. At sa dako pa roon kung ipagpapatuloy pa nila ni Clark ay paanan na ng bundok. Ang layo na nila sa kabihasnan.

Maliban kasi sa makitid na ang daan ay malubak pa. Makapal rin ang putik sa kalsada gawa ng magdamag na pag-ulan nang nagdaang gabi. Muntik na nga silang mabalahaw sa medyo may
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status