Share

Kabanata Pito

Habang pababa ng hagdan ay natatanaw na ni Rada ang pamilyar na bulto mula sa beranda. Bahagyang lumukot ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan ang pagdalaw ni Clark sa araw na ito ng sabado. Sa pagkakaalam niya ay lumuwas ng Maynila ang kababata for a business seminar.

Inakyat siya sa kwarto ni Manang Yoly at sinabing may naghihintay na bisita sa kanya sa ibaba. Sa pag-aakalang sila Cathy at Bing ang dumating ay dali-dali siyang sumunod sa mayordoma. Nangako kasi ang mga kaibigan na dadalawin siya ng mga ito ngayong araw. Batung-bato na siya sa bahay at wala na siyang ginawa kundi ang maglagi sa kanyang silid. Hindi rin naman niya mahagilap ang inang si Clara dahil lagi na’y abala ang Senyora sa mga itinayo nitong foundation. Maliban sa Sociable na tao ang mommy niya kaya lagi itong nasa mga gatherings.

Ayon na rin sa tagubilin ng ama ay bahay-iskwela lamang ang kanyang pang araw- araw na rotina. Kailangan niyang magpakabait kung ayaw niyang muling masira sa daddy niya. Baka mamaya magkaroon pa ng extension ang parusa niya. Makulong na talaga sya sa bahay.

Saglit siyang huminto sa kalagitnaan ng hagdan at Sumandal sa barandilya.

Tahimik niyang pinagmasdan ang nakatalikod na lalaki. Kumibot-kibot ang sulok ng mga labi niya pagkuwa'y Isang mababaw na buntong-hininga ang ginawa bago nagpatuloy sa marahang paghakbang. Narating niya ang bukana ng pinto pa-beranda nang hindi namamalayan ng kanyang bisita. Abala kasi ito sa kung anumang tinatanaw sa bakuran ng asyenda.

Natanaw niya mula sa garahe ang kulay lumot na pick-up na pag-aari nito. Ibinalik niya ang tingin sa bulto.

"What brought you here, traitor?" ang maaskad na bungad niya.

Agad namang lumingon ang nakatalikod na si Clark, pagkarinig sa boses niya.

"Rads!" anang lalaki na bagamat nagulat ay umaliwalas ang mukha pagkakita sa kanya.

Hindi siguro nito inaasahan na haharapin niya itong araw. Naka-ilang balik na rin kasi ang kaibigan sa asyenda sa pagbabasakaling makausap siya subalit tinatanggihan lamang niya ito at lagi na'y itinataboy paalis. Inirapan niya si Clark at pinukol ng matalim na tingin.

"I'm so sorry, Rads. I didn't mean to hurt you," ang mahinahon at apologetic na turan ng binata.

"Hurt me? Who said I get hurt?" she said with protesting eyebrows.

"Rads..." si Clark na sinubukang lumapit sa dalaga.

Subalit kinumpay ni Rada ang kamay upang huwag na siyang magtangkang lumapit. Humakbang ang kaibigan patungo sa upuang bakal at naupo ng pasalampak. Kumuha ng isang pirasong mansanas mula sa fruit basket na nasa lamesa.

Pagkatapos ipahid sa suot na damit ang mansanas ay mabilis na dinala iyon ni Rada sa kanyang bibig at kumagat. Batid ng kababata ang pagkahilig niya sa mga prutas partikular na ang kasoy. Pero nang mga sandaling iyon ay sa apple sya nag crave kaya iyon ang dinampot niya.

"Did I hear it right? Buong akala ko kasi..."

"Akala mo lang iyon," ang masungit na putol niya agad kay Clark sabay ingos rito.

"Then why you're always avoiding me?"

"Coz you're a jerk and you betrayed me." balik niya.

"Rads, I'm sorry. Forgive me this once."

"Ano pa nga ba ang magagawa ko, eh nariyan ka na sa harap ko," sagot niyang nasa himig ang sarkasmo.

"So are we good na? You're not mad at me anymore? " ani Clark na sinilayan ng ngiti.

"Depende..." sagot ni Rada na nagkibit-balikat at sinabayan ng pagtaas nito ng kilay.

"Depends on what?" tanong ng binata, na nahalinhinan ng bahagyang pagkunot ng noo ang maaliwalas na mukha.

"Sa gagawin mong pambawi para mawala ang inis ko sa'yo. Aba, hindi porket hinarap kita ngayon at kumain ako nitong dala mong mansanas ay okay na ang lahat. Lagay ba eh ganun-ganon na lang?" may taray na bulalas ni Rada.

"FYI, I can buy a box of it and eat them all for the whole week, kaya huwag mo akong daanin sa suhol.” dagdag pa ng dalaga.

Sukat natawa si Clark, lumapit sa lamesa at naupo sa isa pang silya.

Alam ng lalaki na natibag na niya ang pinapakitang katigasan ng kaibigan.

Lumalabas na kasi ang pagka-childish ni Rada. Halatang nagkukunwari na lamang ang kababata sa ipinapakitang pagkainis sa kanya.

Rada may be a stubborn rascal but she's not hard-hearted. Malambot ang puso nito. Baka nga matagal na siya nitong napatawad sa nagawa niyang kasalanan. Maaaring pride na lang ang umiiral sa kaibigan kaya patuloy syang tinitikis.

Umabot si Clark ng isang lansones at sinimulan iyon balatan, dinala sa bibig pagkatapos.

"So tell me, lil brat, how can I make it up to you?" aniya sa pagitan ng pag-nguya.

Kunwa'y nag-isip pa si Rada.

"Anything?" she asked with a mischievous look.

"Oh, don't look at me like that." He knows Rada is trying to bribe him.

" But yes, anything," he said without hesitation. Bumigay rin.

Sa narinig ay kumudlit ang pag-asa kay Rada. Nagkislap ang mata.

Mabilis na pumihit paharap sa lalaki.

"Well, Mr. Clark Zantillan, I want you to help me to get out of this house right now," ang paanas at walang kagatul- gatol na sambit niya Sa binata.

"Ah, what?" si Clark na nanlaki ang mata. Mukhang nahuhulaan na nito ang gustong ipagawa ng kababata.

"Are you nuts? You know how draconian your father is," he said.

"Exactly, and this is not new to us, right? Besides, he trusted you more than anyone here. It is easy for you to convince him, Clark," kumbinse ni Rada.

"I have something important to do, please?" pagsusumamo pa ng dalaga. Sabay Pinalungkot ang mukha sa kaawa-awang anyo.

"No! Forget about that. " ang matigas at mariing sagot ni Clark. Nasa mukha rin nito ang determinasyon na hindi pagbigyan ang kababata.

Dahil roon ay Marahas na napabuntong hininga si Rada. Nagdikit ang mga kilay nito at umaskad ang mukha habang matalim na tinitigan si Clark. Nagsukatan sila ng tingin.

*****

Habang sinisilip ni Rada ang kaibigan sa pakikipag-usap sa kanyang ama ay hindi niya maiwasang mangiti. Kulang na lang ay humagikhik siya sa sobrang kaaliwan. Ramdam niya ang pagpapawis ng noo ni Clark gawa ng panaka-naka pagsulyap sa gawi niya.

Kabado man ang binata ay alam niyang hindi sya nito bibiguin. Ni minsan ay hindi pa sya nito binigo sa mga paglalambing niya.

Small guilt flows in her mind. Clark is a very honest person. Brave enough to face fear and difficulty.

Subalit sa hangarin nitong makabawi ay nagagawa nitong mag sinungaling ngayon. Inaatake man ng konsensya ay pilit na lamang niya iyong binalewala. Mulat sapul ng kanilang pagkabata ni minsan ay hindi pa siya tinanggihan ng kaibigan sa mga kapritso niya. Kaya’t hindi lang sya sa mga magulang spoiled kundi maging kay Clark.

She’s always been his favorite.

And for her, he's not just a friend.

He's a family.

A brother she doesn't have.

And she's very lucky to have him as a dearest friend.

Kung sana’y natuturuan ang puso Sa Kung sino ang maaari nitong ibigin. Sigurado syang si Clark ang kanyang pipiliin.

She takes a deep sigh.

Nakita niyang tinapik ni Ramon Sa balikat ang kaibigan. Muntik pa siyang mapatalon sa tuwa. Alam na niya ang ibig sabihin niyon. Nagtagumpay ang binata na kumbinsihin ang ama na payagan siyang lumabas na kasama ito.

"So, where to?" Clark asked.

Nasa manibela na ito at sinisimulang buhayin ang makina ng sasakyan.

"Take me to Barangay Laoyon," ang masayang tugon niya na sagad ang kaligayahan sa mata."

Pagkatapos kasing pumayag ng Senyor ay agad siyang pumanhik sa kanyang silid at mabilis na nagbihis. Ramdam niya ang pagkasabik. Pagkatapos nilang makapag-paalam sa daddy niya ay hinila niya agad si Clark palapit ng sasakyan nito. Mahirap na kasing makahalata ang ama at baka madiskaril pa ang plano niya. Lalo na at naroon pa rin ito sa beranda at matamang nakatanaw sa kanilang magkaibigan.

“Okay.” ani Clark.

Hindi na nag-usisa pa ang binata.

Bagama't nahihiwagaan sa kislap na nakikita sa mga mata ng kaibigan ay nakaramdam ito ng kasiyahan para sa dalaga.

Batid niyang hindi tamang magsinungaling subalit hindi niya mapahindian si Rada. Hindi niya ito kayang tiisin.

Habang kausap niya ang Senyor kanina ay ramdam niya ang paggitaw ng pawis sa noo. Maging ang pagsigid ng konsensya. Mabuti na lang at hindi sya nag stutter sa pagsasalita. Dahil mahuhulaan agad ni Ramon na nagsisinungaling sya. Kaya naman ay nakahinga siya ng maluwag nang mapapayag niya ang lalaki.

Anuman ang pakay ng kaibigan sa Laoyon ay sasamahan na lamang niya ito. Babantayan at iingatan katulad ng laging ipinapangako niya kay Senyor Ramon sa tuwing tinutulungan niya ang dalagang makapuslit ng Asyenda. Kung nalalaman lamang ng lalaki ang totoo malamang pati sya ay ma-grounded rin sa asyenda.

Marahan nang minaniobra ng binata ang pick-up palabas ng asyenda. Nakita ni Clark ang relief sa mukha ni Rada nang sa wakas ay nasa highway na sila. Ang kislap sa mga mata nito ay nanatiling naroon. Maging ang nakasuot na ngiti sa makipot nitong labi ay pagka tamis-tamis.

It was his first to see her genuinely happy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status