Share

Kabanata 11

"Ito, tama na ba ito sainyo?" hawak-hawak niya sa kamay niya ang eco-bag na may lamang groceries. "Tahan na, huwag ka nang umiyak..."

Nang makalapit ay lumuhod ito para maglebel ang mukha nila. Panay pa rin ang hikbi ng bata. Pilit niya itong pinapatahan. Pinunasan niya ang pisngi nito gamit ang kamay niya. Napalingon ito sa akin kaya bigla akong napapitlag. Kanina pa pala ako natutulala sa kanila.

"I-iyong pamilya ko, Kuya. N-nagugutom na mga kapatid ko. Iyan nalang ang pag-asa namin..." sunod-sunod nitong sabi kahit na medyo nahihirapan dahil sa lakas ng sunod-sunod niyang paghikbi.

"May panyo ka ba diyan?" tanong ni Aquilino habang nagpupunas pa rin ng luha sa humihikbing bata. Tumango ako at saka dumalo sa kanila.

Maingat kong pinunasan ang pisngi ng bata. Nakaagapay naman si Aquilino sa gilid at patuloy na pinapakalma ang bata.

Kung kanina ay mapaglaro pa ang ngiti sa mukha nito, ngayon, wala akong makita kung hindi ang kalungk
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status