LOGINMatapos nilang kumain ng dinner, lahat sila ay nasa sala maliban kay Zayn na nasa kwarto na kasama si Jella. Dalawang attorney naman ang kasama nila sa sala. Pinapanuod ang ebidensya na hawak nila laban kay Rafael.Nang matapos nila itong mapanuod ay hinarap na nila ang pamilya Villanos.“Is that enough?” tanong ni Dexter sa mga ito.“Yes, Mr. Villanos. Magiging sapat na ito para kasuhan ang kuya mo lalo na at kitang-kita ang mukha niya sa video. Sinabi niya rin ang mga ginawa niyang krimen. Pero ang pagsampa niyo ng kaso tungkol sa kurapsyon na ginagawa niya sa kompanya, hindi namin pwedeng isampa yun sa kaniya hangga’t walang sapat na ebidensya na may ginawa nga siyang pagnanakaw sa kompanya niyo. Ang maisasampa lang namin ay ang mga binanggit niyang krimen sa video. Pero huwag kayong mag-alala, susubukan naming maghanap.” Sagot ng isang lawyer. Nakahinga naman ng maluwag si Emma.“Mabuti naman kung ganun. Kung makukulong na siya, siguro naman ay ligtas na ang pamilya ko na maghanap
Lahat sila ay parang nanigas sa narinig mula kay Rafael. Desidido talaga itong ipatumba si Kian at Ayesha.“Yes sir may nahanap na ako. Sa totoo ay ngayong araw ito kikilos dahil ngayong araw lalabas ng hospital si Ayesha. Hindi natin pwedeng ulitin ang ginawa natin sa unang driver dahil kapag pinainom na naman natin siya ng lason, siguradong magtataka na ang mga pulis at malalaman nilang murder ang nangyayari.”“Sinasabi mo bang hahayaan nating mahuli ang driver? Paano kung hindi kaagad yun makatakas pagkatapos niyang gawin ang trabaho niya? Siguraduhin mong malinis ang lahat ng pinagagawa ko sayo.”“Opo sir, huwag kang mag-alala dahil malinis naman ang trabaho ko. Sisiguraduhin kong wala silang mahahanap na ebidensya laban sayo.” Sagot ng lalaking kausap ni Rafael.“Mabuti kung ganun. Si Jio, bantayan mong mabuti. Kapag nahuli siya, siguraduhin mong patay na siya bago siya magsalita. Kausapin mo siya na hawak natin ang pamilya niya. Oras na nagsalita siya tungkol sa mga nalalaman ni
Pakiramdam ni Ayesha ay malalaglag ang puso niya dahil sa sobrang kaba. Kung ganun, pinuntahan siya ni Nick para balaan siya sa posibleng gawin ni Rafael sa kaniya? Huminga na muna ng malalim si Ayesha dahil nai-stress na naman siya. Ayaw niyang malagay na naman sa panganib ang buhay ng anak niya kapag nag-isip siya nang nag-isip.Muling iginalaw ni Nick ang kamay niya nang hindi na magsalita si Ayesha.“Sandali lang Nick, pinapakalma ko lang ang sarili ko. Ayaw kong sisihin ni Kian ang sarili niya kapag may nangyari sa akin dito. Kinakalma ko lang ang sarili ko para kayanin ko pang tanggapin ang mga malalaman ko.”Humugot ulit ng malalim na buntong hininga si Ayesha.“May ebidensya ka ba para patunayan ang sinasabi mo?” tanong niya ulit. Nang oo ang makuha niyang sagot ay lalo siyang kinabahan. Lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.“Okay, where’s your evidence?” tanong niya. Inalis ni Nick ang kamay niya sa kamay ni Ayesha. Dahan-dahan niya itong iginalaw hanggang sa mahawakan niy
Nang makauwi silang dalawa sa bahay ay naabutan nilang nasa sala ang mag-ina na naghihintay sa kanila.“Kumusta?” tanong kaagad ni Ayesha.“Hindi siya umaamin. Wala siyang sinasabi na may kinalaman si Uncle Rafael sa mga ginawa niya pero hindi kami titigil hangga’t hindi namin siya napapaamin.” Sagot ni Kian. “Nagmeryenda ka na ba?” tumango lang naman si Ayesha.“Apat na araw na simula nang maaksidente si Nick. Pwede ba natin siyang puntahan, please?” pakiusap ni Ayesha dahil gusto niyang mapanatag ang loob niya. “Sige na, kasama naman kita eh. Gusto ko lang siyang makita at gusto ko ring makausap ang doctor niya.”Napabuntong hininga si Kian saka niya tiningnan ang stepmother niya.“Payagan mo na. Kung mag-iisip siya nang mag-iisip lalo lang siyang mai-stress. Hayaan mong makahinga na rin siya ng maluwag.” Ani ni Emma na ikinatango ni Kian.“Samahan ko na kayong dalawa.” Sabat ni Dexter na tinanguan na lang ni Kian. Nagpaalam na sila kay Emma at umalis na sila.Si Dexter ang driver h
Nakatitig lang si Ayesha kay Kian, nakatingin ito sa kawalan at tahimik lang. Pagkatapos nilang mag-usap na mag-ama ay malalim na ang iniisip niya. Hindi na muna kinausap ni Ayesha si Kian dahil baka mas kailangan nitong mapag-isa.Mariing ipinikit ni Kian ang mga mata niya saka siya humugot ng malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ang kaniyang ama. Hindi ba talaga nalaman nito na namatay na ang kaniyang ina o sa tagal ng panahon ay nakagawa na ang kaniyang ama ng idadahilan sa kaniya?Hilaw na lang na natatawa si Kian. Kung totoo man ang sinabi ng kaniyang ama, ibig sabihin dati pa lang ay nagpaplano na si Rafael sa kanila.Nang bumalik sa realidad si Kian ay tiningnan niya si Ayesha.“Kanina ka pa ba diyan?” tanong niya dahil sa lalim ng iniisip niya, hindi niya na alam ang nangyayari sa paligid niya. Pakiramdam niya ay wala na siyang naririnig.“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Ayesha. Tipid na ngumiti si Kian saka siya umiling. Pagod na siya
Umaga na pero dilat pa rin ang mga mata ni Kian. Hindi niya alam kung nakatulog na ba siya o hindi pero hindi siya nakakaramdam ng antok. Buong magdamag niyang inisip kung totoo bang hindi alam ng kaniyang ama na namatay na ang kaniyang ina kaya hindi ito nakauwi.“Kanina ka pa ba gising?” paos na tanong ni Ayesha dahil kagigising pa lang nito. Pansin niyang hindi bagong gising ang mga mata ni Kian.“Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o hindi. Sinubukan kong natulog kanina pero parang gising lang ang diwa ko.” Bumangon na si Ayesha at sumandal sa headrest.“Iniisip mo ba si Uncle Rafael?” Umiling si Kian dahil sa magdamag, hindi niya na naisip ang Uncle Rafael niya. “Kung ganun, anong iniisip mo? Iniisip mo pa rin ang mga nangyayari sa atin?”Bumuntong hininga si Kian saka niya tipid na nginitian si Ayesha.“Bumaba na tayo para makakain ka na. Huwag mong kalimutan ang mga prenatal vitamins mo ha?” tumango si Ayesha at hindi na nagtanong pa. Sabay na silang bumaba ng hagdan. Pagdating
“Bakit mo ginawa yun? Mas malala ka pa sa akin eh.” Wika ni Ayesha nang makalapit na sila ni Zayn sa kaniya. Naupo na si Kian saka niya pinaupo si Zayn sa mga hita niya.“Taste their own medicine.” Tanging sagot ni Kian. Napapailing na lang si Ayesha saka niya inayos ang buhok ng anak niya.“Siya n
Nasa gitna nila si Zayn. Napapalunok na lang si Ayesha.“Are you guys ready?” tanong ng host na nasa stage. Nagtinginan si Kian at Ayesha.“Pwede ba kitang hawakan?” pagpapaalam ni Kian dahil kailangan nilang hawakan ang isa’t isa sa bewang. Bahagyang ngumiti at tumango si Ayesha dahil wala naman s
Maaga pa lang ay umiiyak na si Zayn. Hindi alam ni Ayesha kung ano bang masakit sa anak niya dahil kanina pa niya ito pinapatahan. Nag-aalala na siya.Buhat buhat ni Ayesha si Zayn na lumabas ng kwarto nila.“Mom, where are you?” tawag niya sa kaniyang ina. Lumabas naman sa kusina si Emma at sinalu
Napapailing na lang si Lalaine sa kaibigan nilang si Kaye. Pilit nitong itinatago na okay lang siya.“Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Ayesha kay Kaye. Bahagya namang ngumiti si Kaye.“Oo naman, ayaw ko ng pilitin pa ang sarili ko sa kaniya. Kung mas nakikita niya ang future niya kasama ang babae







