LOGINNapatulala na lang si Ayesha na nakaupo sa sofa niya habang nasa table ang tatlong pirasong PT. Lahat ay malinaw ang result. Hindi akalain ni Ayesha na sa pangalawang pagkakataon ay mabubuntis na naman siya. Ganito na lang ba palagi ang mangyayari sa kaniya? Mabubuntis siya sa hindi inaasahang pagkakataon?Isang beses lang nangyari pero mabilis siyang nabubuntis. Hindi na alam ni Ayesha ang gagawin niya. Anong gagawin niya ngayon sa batang nasa sinapupunan niya? Hindi pwedeng magkaroon sila ng anak ni Kian. Siguradong gulo ito sa pamilya nila at makukuha nila ang atensyon ng mga nasa media.Posible rin na gamitin sila ni Rafael para mapaalis sila sa kompanya.Napapahilot na lang si Ayesha sa sintido niya. Hindi naman siya maselan maglihi pero paminsan-minsan ay bigla na lang siyang naduduwal at nahihilo.Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Nang may kumatok sa pintuan niya ay halos mapatalon pa ang puso niya sa gulat.“Ayesha, this is Kian. Are you there?” Lalong kin
Makalipas ang halos isang linggo ay umuwi na sila ng Pilipinas. Lahat sila ay nag-enjoy sa sandaling bakasyon nila.Iinihatid ni Kian ang mag-ina sa bahay ng kaniyang ama. Siya pa ang may buhat-buhat kay Zayn dahil tulog pa ito. Gabi na nang makarating sila. Ipinasok ni Kian sa kwarto si Zayn saka niya ito dahan-dahan na ibinaba sa kama.“Thank you, Kian. Ingat ka sa pag-uwi mo.” Anas ni Ayesha na ikinangiti ni Kian.“Thank you din, Ayesha. Hindi niyo alam kung paano niyo ako napapasaya ni Zayn. Thank you sa maiksing panahon na nasolo ko kayong dalawa.” Tipid na ngumiti si Ayesha. Masaya siyang hindi sila naging abala kay Kian.Inihatid na ni Ayesha si Kian sa labas ng bahay.“Mag-iingat ka. Message me kapag nakauwi ka na.” tumango naman si Kian saka siya nagpaalam. Gusto niya sanang yakapin si Ayesha pero pinigilan niya ang sarili niya.Kanina pa nakaalis ang sasakyan ni Kian pero nasa labas pa rin si Ayesha.“Ayesha, anak, hindi ka pa ba papasok?” tanong ni Emma. Napalingon naman si
Nang maagang matapos ang business trip nila ay ipinasyal naman nila si Zayn. Una nila itong idinala sa Cologne Cathedral. Namamanghang tiningala ni Zayn ang malaking gusali na nasa harapan niya. Nakaawang pa ang mga labi niya na pinagmamasdan ang mga iyun. Halos malula pa siya sa sobrang taas ng gusali na nasa harapan niya.“Bahay po ba yan ng mga vampire, daddy?” inosenteng tanong ni Zayn habang nasa gusali pa rin ang mga mata niya. Bahagya namang natawa si Kian dahil sa sinabi ni Zayn.“No, this is a church. Isa ito sa pinakamalaki at pinakamataas na simbahan sa buong mundo. Alam mo bang inabot ng 632 years ang simbahan na ‘to bago natapos. Can you believe that?” anas ni Kian. Napatingin naman si Zayn na punong puno ng pagtataka sa mga mata niya.“632 years po? Ibig po bang sabihin pwedeng mabuhay si mommy n
Nang matapos sila sa dinner ay umuwi na silang dalawa. Bakas ang pagod kay Ayesha dahil maghapon silang walang ginawa kundi ang magtrabaho. Nakakatulog pa siya sa balikat ni Kian habang nasa byahe sila.Nang makaparada na sa loob ng bakuran ang sasakyan ay bumaba na si Ayesha. Parang gusto nang mahiga ng katawan niya. Hindi niya alam kung paano ito nakakaya ni Kian ng mag-isa at halos madalas. Sobrang nakakapagod.“Okay ka lang?” tanong ni Kian nang makapasok sila ng sala.“I’m fine, gusto ko ng magpahinga.” Pagpapaalam niya. Tumango lang naman si Kian. Naunang umakyat ng hagdan si Ayesha habang nasa likod niya naman si Kian. Napahawak si Ayesha sa ulo niya dahil bigla siyang nahilo. Sinubukan niyang humawak sa railings pero hindi niya nagawa kaya nawalan siya ng balanse.“
Tahimik lang si Ayesha na nakasunod kay Kian at sa mga German partners nila. Lahat sila ay nakasuot ng hard hat dahil nagsasite visit sila. Tiningnan ni Ayesha ang building na hindi pa natatapos. Malawak na ang business ng mga Villanos at sa dami ng project ni Kian, halos palagi itong wala sa office niya.Napatingin si Ayesha sa lupang tinatapakan nila saka niya iyun hinawakan. Napapatango na lang siya, mukha namang maayos ang nakuha ni Kian na lupa.Wala rin naman siyang napapansin na river na malapit sa site kaya hindi ito flood risk.Patuloy pa rin na nakikipag-usap si Kian sa mga German partners nila habang tahimik lang si Ayesha na nasa likod nila.Nang mapansin ni Kian na wala sa tabi niya si Ayesha ay hinanap niya ito.“Anong ginagawa mo diyan? Dito ka nga.&rd
Gabi na, nasa balcony si Ayesha at Kian habang nag-uusap. Si Zayn naman naglalaro pa sa sala kasama si Jella. Hinihintay nilang makatulog ito ng sa ganun ay makaalis din si Kian. Alam ni Kian na ayaw ni Ayesha na magtabi-tabi silang tatlo. Hindi rin alam ni Kian kung kakayanin niya ba yun lalo na at si Ayesha ang gumugulo sa isipan niya sa mga nakalipas na linggo.Nakatingin lang si Ayesha sa kalangitan ganun din si Kian.“Nasabi sa akin ng mommy mo na gusto mong hanapin talaga ang totoong daddy ni Zayn bago sabihin sa kaniya ang totoo. Is that true? Itutuloy mo pa rin ang paghahanap sa kaniya?” tanong ni Kian habang nasa kawalan ang paningin niya. Nilingon ni Ayesha si Kian saka siya bumuntong hininga at muling tumingin sa kawalan.“Oo, dahil kailangan. Hindi pwedeng ikaw ang nakikilala niyang ama niya. Wala akong lakas ng loo
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






