ログインPinuntahan ni Kian ang kaniyang ama sa office nito. Kumatok na muna siya bago pumasok. Blangkong tiningnan ni Dexter ang anak niya. Hindi pa sila nagkakausap ulit. Naupo si Kian sa sofa at tiningnan ang kaniyang ama.“Hindi niyo pa rin ba nakausap si Uncle Rafael? Wala ba kayong balak sa kaniya?” Malamig na tanong ni Kian. Tinigil ni Dexter ang ginagawa niya pero nananatiling nasa laptop nito ang paningin niya.“Nakausap ko na siya at sinasabi niyang wala siyang kinalaman sa ginawa ng secretary niya.” sagot ni Dexter. Hilaw na natawa si Kian saka ito napapailing.“And you believe him?” Nagsalubong ang mga kilay ni Dexter dahil sa tinig ni Kian tila ba minamaliit siya nito, tila ba siya yung tanga na mabilis mauto.“Of course not. Kailangan ko munang malaman kung wala nga ba talaga siyang kinalaman. Pasekreto ko siyang paiimbestigahan at aalamin ko kung may katotohanan ang mga sinasabi mo tungkol sa kaniya.” Napangisi si Kian.“Mas matimbang pa rin sa inyo ang kuya mo. Hindi naman kita
Nang makaalis si Dexter ay tinawagan kaagad ni Rafael ang secretary niya. Sinigurado na muna ni Rafael na nakalock ang pintuan niya.“Sir,” sagot ni Jio sa tawag ni Rafael.“Lumayo ka muna, magtago ka kasama ng pamilya mo. Ako na ang bahala sa perang gagamitin niyo para makapagsimula. Sa ngayon, kailangan mong magtago at huwag ka ng babalik dito. Magpakalayo-layo kayo ng pamilya mo. Kung kinakailangang sa probinsya kayo mamuhay, gawin mo kung ayaw mong sa kulungan ang bagsak mo dahil oras na nahuli ka ni Dexter, hindi na kita matutulungan.” Utos ni Rafael. Napapaisip naman si Jio. Nasa Manila ang magandag opportunity, nasa Manila rin ang magagandang hospital para sa asawa niya.“Mananatili sa bahay namin ang pamilya ko. Ako na lang ang lalayo pero nakikiusap po ako sir, ikaw na ang bahala sa perang kailangan ng pamilya ko. Hindi mo pwedeng hindi ako tulungan dahil kapag nahuli nila ako at wala kang ginawa, kakanta ako.” Lakas loob na wika ni Jio.Napahigpit naman ang pagkakahawak ni R
Nang makauwi ng bansa si Rafael ay may ngiti sa kaniyang mga labi. Inaasahan niya ang magandang balita. Pagpasok niya ng office niya ay nakita niya kaagad ang kapatid niya. Napangiti siya pero seryoso ang mukha ni Dexter.“Dexter, ang aga mo naman yata para puntahan ako sa office ko. May dapat ba akong—” Hindi na natapos ni Rafael ang sasabihin niya nang salubungin siya nang malakas na suntok ng kapatid niya. Nanlisik ang mga mata ni Rafael at galit na tiningnan ang kapatid niya.“Are you out of your mind, Dexter?! Why are you doing this to me?!” galit na sigaw ni Rafael. Matatalim pa rin ang mga tingin ni Dexter kay Rafael. Hindi niya mapigilan ang galit at tila apoy na bumabalot sa katawan niya.“Ikaw ang dapat kong tinatanong ng ganiyan kuya. Anong pinaplano mo sa akin at sa pamilya ko?” may diing tanong ni Dexter. Napatayo ng diretso si Rafael at nagtataka kung anong nangyayari. Hindi ito ang inaasahan niyang madadatnan niya kapag nakabalik na siya.“What are you talking about? Da
Napapangiti na lang si Ayesha kapag naiisip niyang wala na silang itinatago ni Kian sa mga magulang nila. Pakiramdam niya ay nabunutan ng malaking tinik ang dibdib niya. Magaan ang bawat paghinga niya dahil alam niyang wala na siyang itinatago.Nang maalala niyang hindi umuwi kagabi ang Daddy Dexter ay nawala ang ngiti sa mga labi niya.“Saan kaya siya natulog?” mahinang tanong ni Ayesha sa sarili niya. Hindi pa niya ito nakakausap ulit. Hindi niya rin alam kung papayag ba ito sa desisyon ng kaniyang ina. Maiintindihan niya naman kung sakaling hindi pumayag ang stepfather niya para magdivorce sila ng mommy niya.Nang may kumatok sa pintuan niya ay napatingin siya dun. Hindi pa man siya nakakasagot pero pumasok na si Kian. Nakangiti ito sa kaniya habang may dala-dala itong mga pagkain.“Nandito na ang mga pinapahanap mo sa akin. Pinaghirapan ko pang kunin ang iba diyan dahil ako mismo ang nagpitas sa mga puno.” Ani ni Kian. Natatawa naman si Ayesha saka siya tumayo at nilapitan si Kian
Matapos nilang mag-usap-usap ay umalis na muna si Dexter. Walang nakakaalam kung saan ito pupunta. Tumayo na rin si Emma saka niya tiningnan si Kian at Ayesha na nakaupo pa rin sa sofa.“Magpapahinga na muna ako sa kwarto.” Malumanay na saad ni Emma saka ito umalis. Napapabuntong hininga na lang si Ayesha. Alam niyang nagulat ang mga magulang nila pero hindi na nila maitatago ang mga lihim na pilit niyang itinatago dahil kusa ng nalaman ng mga ito.Hinarap ni Kian si Ayesha saka niya tiningnan ang maliit na sugat sa gilid ng labi ni Ayesha.“Ayos ka lang? Kumusta ang mga pisngi mo?” nag-aalala niyang tanong saka niya hinaplos ang isang pisngi ni Ayesha. Hinawakan naman ni Ayesha ang kamay ni Kian na nakahawak sa pisngi niya.“Okay lang ako. Naiintindihan ko naman kung bakit nagawa sa akin ni mommy yun. Nasaktan lang siya dahil alam mo kung gaano katindi humusga ang mga tao sa bansang ‘to. Ngayon, hindi ko na alam kung anong mangyayari. Kasal si mommy at si dad. Magkapatid tayo by affi
Tahimik na silang tatlo na nakaupo sa sofa. Magkatabi si Kian at Ayesha at nasa kabilang sofa naman ang mag-asawa.“Now explain, siguraduhin niyong tatanggapin namin ang paliwanag niyo dahil kung hindi, sisiguraduhin kong hindi ka na makakabalik ng bansa.” Tiningnan ni Dexter ang anak niya. Nanatili namang kalmado si Kian.“Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko ring deserve kong magstay sa bansang ‘to.” Sagot ni Kian. Nagngitngit ang mga ngipin ni Dexter sa inis dahil sa lakas ng loob ng anak niya para kalabanin siya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ayesha saka siya nagsalita.“Nabuntis ako hindi dahil ginusto namin ‘to ni Kian. Apat na buwan na akong buntis at isang buwan pa lang si Kian dito noong may mangyari sa amin—”“What? Apat na buwan niyo na kaming niloloko?! Kinausap kita noon Ayesha at sinabi mo sa akin na walang namamagitan sa inyo ni Kian!” Sigaw ni Dexter na gusto na namang tumayo sa kinauupuan niya.“I am telling you the truth that time, dad! W
“Bakit mo ginawa yun? Mas malala ka pa sa akin eh.” Wika ni Ayesha nang makalapit na sila ni Zayn sa kaniya. Naupo na si Kian saka niya pinaupo si Zayn sa mga hita niya.“Taste their own medicine.” Tanging sagot ni Kian. Napapailing na lang si Ayesha saka niya inayos ang buhok ng anak niya.“Siya n
Nasa gitna nila si Zayn. Napapalunok na lang si Ayesha.“Are you guys ready?” tanong ng host na nasa stage. Nagtinginan si Kian at Ayesha.“Pwede ba kitang hawakan?” pagpapaalam ni Kian dahil kailangan nilang hawakan ang isa’t isa sa bewang. Bahagyang ngumiti at tumango si Ayesha dahil wala naman s
Maaga pa lang ay umiiyak na si Zayn. Hindi alam ni Ayesha kung ano bang masakit sa anak niya dahil kanina pa niya ito pinapatahan. Nag-aalala na siya.Buhat buhat ni Ayesha si Zayn na lumabas ng kwarto nila.“Mom, where are you?” tawag niya sa kaniyang ina. Lumabas naman sa kusina si Emma at sinalu
Napapailing na lang si Lalaine sa kaibigan nilang si Kaye. Pilit nitong itinatago na okay lang siya.“Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Ayesha kay Kaye. Bahagya namang ngumiti si Kaye.“Oo naman, ayaw ko ng pilitin pa ang sarili ko sa kaniya. Kung mas nakikita niya ang future niya kasama ang babae







