مشاركة

Kabanata 55.2

مؤلف: Rhea mae
last update تاريخ النشر: 2026-05-24 00:01:25

Masaya silang kumakain ng umagahan nang may bigla na lang silang narinig na sigaw mula sa labas.

“What is that?” tanong ni Emma. Pinakinggan nila ang ingay at alam nilang sa labas ng bahay nila iyun.

“Jella, pakibantayan si Zayn.” Tawag ni Ayesha kay Jella na mabilis namang lumapit sa kanila. “Dito ka lang anak, okay?” habilin ni Ayesha. Nauna naman nang l

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 55.2

    Masaya silang kumakain ng umagahan nang may bigla na lang silang narinig na sigaw mula sa labas.“What is that?” tanong ni Emma. Pinakinggan nila ang ingay at alam nilang sa labas ng bahay nila iyun.“Jella, pakibantayan si Zayn.” Tawag ni Ayesha kay Jella na mabilis namang lumapit sa kanila. “Dito ka lang anak, okay?” habilin ni Ayesha. Nauna naman nang lumabas ang mag-asawa kasama si Kian para tingnan kung anong nangyayari sa labas.“What is happening?” tanong ni Dexter sa katulong na nasa labas.“May babae pong nagwawala sa labas ng gate sir. Hinahanap ka po at si Sir Kian.” Sagot ng katulong. Pinuntahan naman na nila kung sino ba ang nasa labas ng gate nila.“Uncle Dexter! Kian! Lumabas kayo diyan!&rdquo

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 55.1

    Nasa labas na ng mansion ni Rafael ang mag-ama. May warrant of arrest na laban kay Rafael at nandun ang mag-ama para masaksihan ang paghuli kay Rafael. Gusto nilang makasiguro na hindi ito makakatakas.“Ano ba! Bitiwan niyo ako! Anong ebidensya niyo na ako nga ang nagpabangga sa driver ng pamangkin ko at kanila ni Ayesha?! Wala akong ginagawa sa kanila. Naghahanap lang ng masisisi ang kapatid ko at ako ang nakita niya. Nang saktan niya ako at sugurin sa office ko, wala akong ginawa! Hindi ako nagsampa ng reklamo dahil kapatid ko siya tapos ipapahuli niya ako ng wala naman kayong ebidensya?!” sigaw ni Rafael, nagpupumiglas pa siya sa mga pulis na hawak siya.“Manahimik ka Mr. Villanos dahil lahat ng sasabihin mo ay maaari naming gamitin sa korte.” Maawtoridad na saad sa kaniya ng pulis.“Bitiwan niyo ang dad ko! Wala

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 54.3

    Matapos nilang kumain ng dinner, lahat sila ay nasa sala maliban kay Zayn na nasa kwarto na kasama si Jella. Dalawang attorney naman ang kasama nila sa sala. Pinapanuod ang ebidensya na hawak nila laban kay Rafael.Nang matapos nila itong mapanuod ay hinarap na nila ang pamilya Villanos.“Is that enough?” tanong ni Dexter sa mga ito.“Yes, Mr. Villanos. Magiging sapat na ito para kasuhan ang kuya mo lalo na at kitang-kita ang mukha niya sa video. Sinabi niya rin ang mga ginawa niyang krimen. Pero ang pagsampa niyo ng kaso tungkol sa kurapsyon na ginagawa niya sa kompanya, hindi namin pwedeng isampa yun sa kaniya hangga’t walang sapat na ebidensya na may ginawa nga siyang pagnanakaw sa kompanya niyo. Ang maisasampa lang namin ay ang mga binanggit niyang krimen sa video. Pero huwag kayong mag-alala, susubukan naming maghanap.” Sagot ng isang lawyer. Nakahinga naman ng maluwag si Emma.“Mabuti naman kung ganun. Kung makukulong na siya, siguro naman ay ligtas na ang pamilya ko na maghanap

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 54.2

    Lahat sila ay parang nanigas sa narinig mula kay Rafael. Desidido talaga itong ipatumba si Kian at Ayesha.“Yes sir may nahanap na ako. Sa totoo ay ngayong araw ito kikilos dahil ngayong araw lalabas ng hospital si Ayesha. Hindi natin pwedeng ulitin ang ginawa natin sa unang driver dahil kapag pinainom na naman natin siya ng lason, siguradong magtataka na ang mga pulis at malalaman nilang murder ang nangyayari.”“Sinasabi mo bang hahayaan nating mahuli ang driver? Paano kung hindi kaagad yun makatakas pagkatapos niyang gawin ang trabaho niya? Siguraduhin mong malinis ang lahat ng pinagagawa ko sayo.”“Opo sir, huwag kang mag-alala dahil malinis naman ang trabaho ko. Sisiguraduhin kong wala silang mahahanap na ebidensya laban sayo.” Sagot ng lalaking kausap ni Rafael.“Mabuti kung ganun. Si Jio, bantayan mong mabuti. Kapag nahuli siya, siguraduhin mong patay na siya bago siya magsalita. Kausapin mo siya na hawak natin ang pamilya niya. Oras na nagsalita siya tungkol sa mga nalalaman ni

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 54.1

    Pakiramdam ni Ayesha ay malalaglag ang puso niya dahil sa sobrang kaba. Kung ganun, pinuntahan siya ni Nick para balaan siya sa posibleng gawin ni Rafael sa kaniya? Huminga na muna ng malalim si Ayesha dahil nai-stress na naman siya. Ayaw niyang malagay na naman sa panganib ang buhay ng anak niya kapag nag-isip siya nang nag-isip.Muling iginalaw ni Nick ang kamay niya nang hindi na magsalita si Ayesha.“Sandali lang Nick, pinapakalma ko lang ang sarili ko. Ayaw kong sisihin ni Kian ang sarili niya kapag may nangyari sa akin dito. Kinakalma ko lang ang sarili ko para kayanin ko pang tanggapin ang mga malalaman ko.”Humugot ulit ng malalim na buntong hininga si Ayesha.“May ebidensya ka ba para patunayan ang sinasabi mo?” tanong niya ulit. Nang oo ang makuha niyang sagot ay lalo siyang kinabahan. Lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.“Okay, where’s your evidence?” tanong niya. Inalis ni Nick ang kamay niya sa kamay ni Ayesha. Dahan-dahan niya itong iginalaw hanggang sa mahawakan niy

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 53.3

    Nang makauwi silang dalawa sa bahay ay naabutan nilang nasa sala ang mag-ina na naghihintay sa kanila.“Kumusta?” tanong kaagad ni Ayesha.“Hindi siya umaamin. Wala siyang sinasabi na may kinalaman si Uncle Rafael sa mga ginawa niya pero hindi kami titigil hangga’t hindi namin siya napapaamin.” Sagot ni Kian. “Nagmeryenda ka na ba?” tumango lang naman si Ayesha.“Apat na araw na simula nang maaksidente si Nick. Pwede ba natin siyang puntahan, please?” pakiusap ni Ayesha dahil gusto niyang mapanatag ang loob niya. “Sige na, kasama naman kita eh. Gusto ko lang siyang makita at gusto ko ring makausap ang doctor niya.”Napabuntong hininga si Kian saka niya tiningnan ang stepmother niya.“Payagan mo na. Kung mag-iisip siya nang mag-iisip lalo lang siyang mai-stress. Hayaan mong makahinga na rin siya ng maluwag.” Ani ni Emma na ikinatango ni Kian.“Samahan ko na kayong dalawa.” Sabat ni Dexter na tinanguan na lang ni Kian. Nagpaalam na sila kay Emma at umalis na sila.Si Dexter ang driver h

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 18.2

    Samantala naman pinuntahan ni Rafael si Dexter sa office nito. Palaging wala sa main branch si Dexter dahil sa dami ng ginagawa nito sa iba’t ibang branch nila.“Come in,” sagot ni Dexter nang may kumatok sa pintuan niya. Pumasok naman si Rafael at nakangiting binati si Dexter. “Oh kuya, may kailan

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 17.2

    Napapatulala na lang din si Ayesha habang nakatingin siya sa screen ng laptop niya. Kung iisang tao lang ang nagnanakaw ng pera ng kompanya, bakit? Hindi pa ba sapat ang mga nakukuha nilang sahod at profit? Bakit kailangan pang magnakaw?“Hindi ba nila iniisip na kapag nagkaproblema ang kompanya, d

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 14.2

    Itinakbo nila si Zayn sa hospital dahil bigla na lang itong nawalan ng malay. Kinakagat ni Ayesha ang kuko niya habang naghihintay ng balita sa doctor. Hindi niya na rin maiwasang hindi maiyak sa pag-aalala para sa anak niya.“Stop crying. This is all my fault. I’m really sorry.” Nakokonsensyang sa

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 14.1

    Nagtungo silang dalawa sa hardin. Ibinaba ni Ayesha ang mga pagkain na kinuha niya sa kusina para makapagmeryenda sila ni Kian habang nag-uusap. Gustong malaman ni Ayesha kung anong mahika ang nangyari sa kanila sa loob ng hotel na yun.“Sabihin mo sa akin, anong nalaman mo?” tanong ni Ayesha. Hind

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status