Padabog akong lumabas ng bahay. Nakatunganga na iniwan siyang nakatayo. Walang anumang reklamo ang lumabas sa bibig niya. Kaunting nakaramdam ako ng pagkakonsensiya. Mukha yatang sumobra sa linya ang sinabi ko sa kanya. Maliban sa umaalingawngaw na sigaw ni Daddy sa pangalan ko dahil paniguradong narinig nito ang sinabi ko sa asawa niya ay wala na akong narinig.
“Hilary, wala talagang modong bata ka!”Binilisan ko pa ang mga hakbang. Maingay na inilapat ang main door pero muli ay maingat ko iyong bubuksan upang silipin silang dalawa. Sa araw-araw na ginawa ng Maykapal ay memorize ko na ang ganitong senaryo. Hahabulin ako ni Daddy at pipilitin niyang sabayan silang kumain. Syempre, sa halip na umamo lalo akong umaalma. Gustong-gusto kong sirain ang araw niya dahil sa paraang iyon nafe-feel kong mahalaga ako.“Hilary, bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Malilintikan ka sa aking bata ka oras na maabutan kita! Sobrang tigas na ng ulo mo!”Kagaya ng inaasahan ay narinig ko na naman ang walang katapusang pagsaway sa kanya ng madrasta. Ganun naman sila tuwing umaga. Referree siya namin ni Daddy. Ewan ko ba kung bakit hindi rin siya nagsasawa sa ganun na palaging senaryo sa bahay namin. Umaga pa lang sigawa na nang sigawan. Kung sa ibang babae lang iyon, maririndi na siya sa aming mag-ama.“Hayaan mo na Mateo. May baon naman siyang pera. Kakain iyan sa school kapag nagutom.”Ito pa ang isa sa kinakainisan ko ng bongga sa kanya. Palagi niyang pinapakitang kinakampihan ako. Ayoko nga ng ganun! Gusto kong habulin ako ni Daddy. Di ba parang inilalayo niya pa sa akin? Sa halip na suportahan niya si Daddy na habulin ako para sabay-sabay kaming kumain, taliwas dito ang ginagawa niya. Paano, gusto niyang ma-solo ang atensyon ni Daddy. Sa kanya lang. Ganung klase siya ng babae kaya ayoko sa kanya!“Huwag mong kampihan ang batang iyan Azalea, kaya naman umaabuso at hindi nakikinig sa akin! Tumitigas ang kalamnan dahil may kakampi!”Narinig ko ang mahina nitong halakhak. Lalo pa akong nabuwisit at kumulo ang dugo sa kanya. Halatang gustong-gusto niya ang atensyon ni Daddy na sa kanya napupunta. I hate her! Galit talaga ako sa babaeng iyon. Attention seeker!“Tama na. Kalma na. Hindi ka pa nasanay sa anak mo. Sa araw-araw na ginawa ng diyos palagi na lang kayong nagbabangayan. Hayaan mo na siya, isang araw ay titino rin iyan kapag oras na.”“Paano magtitino kung lagi mong kakampihan?” hinihingal na lingon ni Daddy sa may pintuan.“Hindi ko siya kinakampihan para tumino. Ang sa akin lang, kilala mo naman si Hilary di ba? Kahit na anong sigaw ang gawin mo hindi ka pa rin niya papakinggan, Mateo. Sino ba ang sasama ang loob sa bandang huli at siyang mapapagod? Hindi ba at ikaw lang din naman? Hindi naman ako...”Binitawan ko na ang doorknob. Naiirita ako lalo sa kanya. Sa halip na magustuhan ko siya ay lalo akong naninibugho sa mga ginagawa niya. Kung hinayaan niya si Daddy na habulin ako, sasabay akong kumain sa kanila. Iyon lang naman ang gusto ko. Ang kunin ang atensyon ni Daddy eh. Kaso nga lang, siya iyong palaging humahadlang. Iyong tipong gusto niyang tigilan ako ni Daddy. Eh, kaya ko nga ginagawa iyon para pansinin ako tapos siya sasawayin niya si Daddy. Nakakainis! Sa ginagawa niya lalo lamang akong nagagalit eh.“Ang feelingera niya talaga ah! Dinidiktahan na si Daddy sa kung anong dapat niyang gawin. Si Daddy naman nakikinig sa kanya. Kaya lalo akong nagagalit eh. Dapat pilitin niya akong sumabay. Hindi eh. Hinahadlangan talaga ng babaeng iyon! Hindi ba nila napapansin ang ginagawa kong ito? Nagre-rebelde ako dahil gusto ko ng atensyon.”Halos mabali na ang takong ng suot kong black shoes sa bigat ng bagsak ng mga paa ko. Pababa na ako ng ilang baitang ng sementong hagdan papuntang driveway kung saan ako hinihintay ng aming family driver. Nakabusangot na agad ang mukha ko umagang-umaga pa lang. Masama pa rin ang loob ko na patawid na sana ako upang sumakay na ng sasakyan nang bigla akong matigilan. Muntik lang naman akong mahagip ng humaharurot na sasakyan na biglang pumarada.“Sino ba ang kutong lupang iyon?!” sigaw ko na biglang napaatras sa takot na masagasaan ako.Dumilim pa ang paningin ko at humalukipkip nang lumabas doon ang isang matangkad na lalake. Sa tindig niya ay parang ngayon ko lamang nakita. Maskulado ang katawan nito na halatang alaga sa gym. Para siyang sikat ng araw, nakakasilaw. Saglit lang ang paghangang iyon na agad na nawala nang ngumisi ito. Ibinaba na ang suot na sunglasses upang ipakita sa akin ang mukha niya.“Hi, Hilary. Long time no see!”Anak ng tinapa!Ito na ba ang anak ni Azalea? Bakit narito ito? Akala ko ba ay panakot lamang nila sa akin ang pag-uwi nito sa bansa para magtino kuno ako? Pinauwi talaga siya ni Daddy dito? Imposible. Siguro ay ang Azalea na iyon ang nagsabi ito na umuwi. Kilala ko si Daddy. Hindi niya iyon gagawin. Bakit naman siya uuwi? Akala ko ba may trabaho siya sa ibang bansa? Paano ang work niya kung hinayaan niyang kontrolin siya ng inang si Azalea? Kawawa ang magiging asawa niya sa kanya. Mama's boy ang h*******k gaya ng ina!“Sino ka naman? Anong ginagawa mo sa aming bakuran?” taas ko ng isang kilay sa kanya.Kahit kilala ko naman siya, malamang sasabihin kong hindi ko siya kilala. Hindi ko siya tanggap na kapamilya di ba? Syempre hindi ko nga siya kilala. Nag-iisang anak lang ako ng may-ari ng bahay na ito kaya hindi ko iisipin na kapatid ko siya. Anong akala niya? Gusto ko na siya at bukas palad na tatanggapin sa pagdating? Maging maligaya akong narito siya? Ulol lang ang gagawa noon! Dagdag pa siya sa isa sa mga mananakal sa akin.“Ako ito, ang Kuya Chaeus mo—”“Kuya Chaeus mo mukha mo! Kailan pa kita naging kapatid? FYI, solong anak lang ako. Wala akong kapatid. Narinig mo?! Only child lamang ako!” angil ko na mas sinamaan na siya ng tingin.Umangat lang ang gilid ng labi niya. Hindi pinansin ang pagtataray na ginawa ako. Nilingon na nito ang driver ng sasakyan na ibinaba ang traveling bag na dala-dala niya. Aba, forda deadma rin siya? Manang-mana talaga siya sa kanyang ina!“Ang aga mo namang maging masungit. May period ka ba? Sige. Hindi na kita bubuwisitin.”Ano raw? Ganito ba talaga ka-straight forward ang lalakeng ito? Wala ring preno ang bibig? Ano na lang ang mangyayari sa akin oras na dito siya sa amin tumira? Magiging outcast ako sa sarili naming pamamahay na pundar ng magulang ko?Nakwento ni Azalea na nanirahan sila dito sa bansa hanggang mawala ang dati niyang asawa. Lumipad lang patungong New Jersey si Chaeus after noon para ma-settle ang business na iniwan ng ama nitong British. Wala naman akong pakialam sa buhay nila. Naalala ko lang bigla dahil narito nga ang anak niya. Akala ko talaga biro lang ang lahat ng pagbabanta nila ni Daddy. Pwes wala akong pakialam. Hindi pa rin ako titigil. Ano sila? Batas? Mas m
Pagbaba ng sasakyan ay tuloy-tuloy akong nagtungo sa classroom namin. Hindi na ako nag-abalang dumaan pa ng cafeteria na madalas kong ginagawa araw-araw pagpasok ng school upang tumambay at saka kumain na rin. Doon din kasi ako madalas hintayin ng mga kaibigan ko. Dahil sa naaalibadbaran ako at masama ang timpla ko ay minabuti ko na lang na dito pumunta. Baka doon pa ako magkalat. Ang pangit kung dadalhin ko pa ito sa cafeteria namin. Kagaya ng inaasahan ko ay wala pa sa classroom ang mga kaibigan. Malamang ay nasa cafeteria pa sila at hinihintay ako. Wala akong planong pumunta doon para lang sunduin sila. Alam nila na I'm having a bad days oras na hindi ako sa kanila doon nagpakita. Kinapa-kapa ko ang bulsa. Hinahanap kung nasaan ang cellphone para e-text ko na lang sila upang sabihin na nasa room na ako at huwag na nilang hintayin doon. Lihim akong napamura sa isipan nang maalala na kinuha nga pala sa akin iyon ni Daddy kanina. Lintik talaga! Sagad na sagad ang pasensiya ko ngayong
Bago pa man ako muling makapagsalita at makabigay ng saloobin ay pumasok na ng room si Glyzel at saka Shanael. Hindi na sila nagulat na naroon ako dahil nasabi na siguro ni Josefa iyon sa kanila through chat. Walang lihim sa kanila.“Huwag niyo ng kulitin, naka-on ang pagiging beast mode niyan. Kayo rin ang mahihirapan.” banta ni Josefa sa tangkang pang-uusisa sana sa akin ni Shanael, itinikom ulit nito ang bibig.Buong pang-umagang klase ay wala sa lesson na pinag-aaralan namin ang utak ko. Lumilipad ito sa bahay namin. At sa dahilan ng pag-uwi ni Chaeus ng bansa. Ako ba talaga? Sumang-ayon siya na i-disiplina ako? Why? Tanga ba siyang biglang uuwi dito? At saka may maganda namang trabaho siya sa ibang bansa. Sino ang titingin ng business nila doon? Ipagkakatiwala niya sa iba? Paano kung may mangyaring hindi maganda? Kanino ang sisi noon? Sa kanya di ba? Bobo ba siya na pumayag sa gusto ni Daddy at Azalea? Imposible talaga na dahil lang iyon sa hiniling ni Daddy at ng ina niya. Nanini
Nagkakantiyawan at malakas na nagtatawanan pa kaming magkakaibigan habang papalabas ng campus after ng klase nang bigla na lang kaming matigilan sa paglalakad. Na-ispatan ko lang naman ang bulto ni Chaeus na nasa labas ng gate. Prenting nakahalukipkip ang dalawang braso malapit sa dibdib at pasandal na nakatayo sa gilid ng driver set ng dala niyang aming sasakyan. Magka-krus ang mahaba niyang mga binti. Matamang naghihintay. Iniisa-isa niyang tingnan ang mga estudyanteng lumalabas ng gate. Sa galaw pa lang niya ay kinutuban na ako. Mukhang hindi pa siya natatapos sa paninira ng araw ko dahil gusto pa yatang sirain ang gabi ko.“Hindi ba at ang stepbrother mo iyon, Hilary? Teka, siya na nga ba iyon? Bakit parang ang laki ng ipinagbago niya?” napuno na ng pagtataka ang boses ni Josefa na ilang beses sinipat pa ito matapos ilagay ang isang palad sa noo na animo ay nasisilaw siya sa araw. Pinaliit pa ang mga mata niya. “Hala, ang gwapo niya na lalo ngayon girl!” patili nitong dagdag na kul
Pagdating namin sa napili nilang restaurant ay pinauna ko na silang pumasok sa loob. Nagpahuli ako habang mabagal na sumusunod. Concious sa sarili dahil sa naka-school uniform pa ako. Hindi man lang talaga nila ako pinagpalit ng damit. Di ko tuloy alam kung ano ang magiging reaction. Sanay naman akong lumabas, pero sa mga ganito na mataong lugar mas okay pa rin ang normal na damit. Dati naman kapag lalabas kami ni Daddy ay hinihintay niya akong makauwi muna sa bahay. Magpapalit ako ng damit at saka kami lalabas para sa pangakong dinner sa labas.Hindi man lang iyon nagawang sumagi sa isip ni Azalea? Natuwa na sana ako ngayon sa kanya kung nagawa niyang ipaalala iyon kay Daddy. Nariyan ang anak niya. Maiisip pa ba niya iyon? “Oh! Saan ka pupunta?” hablot ni Chaeus sa isang braso ko dahilan para nahimasmasan ako. Para akong lastiko sa ginawa niyang paghatak. Nang lingunin ko siya ay makahulugan lamang siyang ngumisi na ikinakulo na naman ng dugo ko. Tiningnan ko siya ng masama. Ipinak
Lumipad ang mga mata ko sa kamay ni Azalea na agad na humawak sa braso ni Daddy upang ito ay pakalmahin. Dito pa lang ay sumama na agad ang timpla ko. Ako na naman ang lalabas na bastos at masama sa paningin ng karamihan. Alalahanin niyang nasa labas kami, pati ba naman dito ay kailangan niya akong pagtaasan ng boses? Kaya naman sumasama lagi ang loob ko sa kanya eh.“Relax, Mateo. Nasa labas tayo. Maraming mata. Pwede niyong pag-usapan ng maayos sa bahay ang anumang problemang mag-ama mamaya.”Padabog na binitawan ni Daddy ang table napkin. Halatang may pagpipigil. Gusot na gusot iyon. Doon niya ibinuhos ang tindi ng pagkadismaya niya sa akin. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim upang tuluyang kalmahin ang sarili. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang hilatsa ng mukha ni Chaeus. Mababanaag dito na alam niya na may tensyon sa pagitan naming mag-ama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o mas lalo lang maiinis sa sunod na ginawa niya. Umeksena lang naman siya at sumabat sa usapan
Walang patid ang bagsak ng aking mga luha habang naglalakad patungo ng parking lot. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang katotohanang hindi na ako mahalaga kay Dad. Kung ituring niya ako ay parang hindi na anak. May magulang bang gagawin iyon sa anak? I mean ang ipahiya ito sa maraming tao?“Kulang na lang ay sabihin niyang pabigat ako at nahihirapan na siyang alagaan. Bakit kaya hindi na lang niya sabihing bumukod na ako at buhayin ang sarili? Keysa naman maging ganito kami.”Hindi naman naging matagal ang ginawa kong paghihintay sa parking sa kanila. Minuto lang ay natanaw ko na ang paglabas nilang tatlo ng resto. Siguro ay nawalan na rin sila ng ganang kumain dahil sa sagutan naming mag-ama. Madilim ang mukha ni Daddy nang sipatin niya ako. Inignora ko ito. Ipinakitang hindi apektado. Doon naman ako magaling. Ang magpanggap na wala lang ang lahat sa akin kahit pa ang sakit na. Nang pumasok ito sa loob ng sasakyan ay agad na rin akong lumulan. Kahit siguro bulyawan niya ako sa l
Umayos ako ng tayo. Nakabawi na sa pagkabigla. Matalim ko siyang tinitigan. Iyong tipong alam niyang hindi niya ako pwedeng pakialaman dahil siguradong magkakaroon ng giyera kada araw. Mabuti na iyong alam niya saan siya lulugar.Sa tingin niya ba maaapektuhan at mapipigilan niya akong lumabas kapag sinabi niya ito? Hindi!“Ano bang pakialam mo?” mataray na tanong ko sa kanya, dapat ngayon pa lang ay alam niyang hindi niya ako pwedeng kontrolin. “Si Daddy nga na ama ko ay hindi ako kayang pigilan, ikaw pa kaya? Sino ka ba sa akala mo? Huwag kang makialam ng buhay ng ibang tao! Sarili mo ang intindihin mo. Ang dami mong dada diyan!”“Sige, lumabas ka. Dagdagan mo ang galit ni Tito para habang nasa eroplano sila isipin ka niya.”Kino-konsensya niya ako? As if effective iyon.Muli ko siyang inirapan. Iyon ang naging sagot ko. Ayoko na talagang makipag-usap sa kanya. Akmang lalagpasan ko na siya nang matigilan ako sa mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko dapat siya pansinin. Wala naman dapat