"Are you okay, Hilary?""Hmmn, mukha bang hindi?""Mukha kang stress, Baby. Ini-stress ka ni Zaria?""Hindi naman, miss lang kita."Pagak na tumawa si Chaeus sa kabilang linya. Napakagat labi pa siya habang nakatitig sa akin. Sa mga sandaling iyon parang gusto kong lumusot sa screen upang yakapin siya nang mahigpit. Kung pwede lang ay ginawa ko na. "Miss na miss ko na rin kayong mag-ina."Malalim akong bumuntong-hininga. Kanina pa kami magkausap tungkol sa walang kwentang bagay. Nakatitig lang ako sa mukha niya na parang wala sa sarili. Paano iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa teacher o isasawalang-bahala ko na lang iyon? Hindi ko alam kung ano. Sobrang naguguluhan ako. Hindi na ako bata para tawagan ang mga kaibigan ko at ipamalita muna sa kanila ang lahat para lang humingi ng advice. Masyado na akong matanda para gawin ang bagay na iyon. Ayoko rin namang maka-istorbo sa kanilang busy na rin sa buhay. "Bukod doon, may gusto ka pang sabihin sa akin?"Dama o pans
Ang buong akala ko ay hindi na makakarating pa 'yun kay Zaria. Subalit, after school niya the following day ay 'yun agad ang hinanap niya sa akin pag-uwi namin ng bahay."Ma, ang sabi ni Teacher Leana may pinapabigay daw siya sa'yo sa akin? Asan na po?" sahod nito ng dalawa niyang palad. Kunwa'y nangunot ang noo ko. Dito naman ako magaling ang umarte. Hindi ko kayang aminin sa kanya na tinapon ko. Baka ikagalit 'yun sa akin ng bata. At saka anong alibi ang sasabihin ko? Wala."Pinapabigay?"Iniiwas ko na ang tingin sa kanya. Dumeretso ako sa kusin pero bumuntot siya. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng tubig upang ma-preskuhan. Hinintay niya munang maubos ko ang laman ng baso at humarap, bago siya muling nagsalita."Opo, Mama. Pinapabigay niya po sa akin. Di po ba may meeting kahapon? Tamarind candy po."Shit naman! Bakit kailangan pang banggitin ng teacher niya 'yun sa kanya? Pambihira naman, oo!Natutop ko na ang bibig. Nag-isip ako kung ano ang magandang alibi. Ipinakita ko sa a
Ilang gabi akong hindi pinatulog ng sampalok candy na 'yun. Sa tuwing naiisip ko ay napupuno ako ng guilt at nananaginip din ng masasama. Syempre, feeling ko ay ang laki ng kasalanan ko kay Zaria at hindi ko tahasang maamin ang lahat. Nakaka-stress. Gusto kong e-open na rin sana ito kay Chaeus subalit kada tatangkain kong sabihin ang about dito ay palagi na lang 'yung nauudlot. Parang sinasadya ng panahong pigilan ako."Hindi ka ba talaga marunong gumawa, Glyzel?"Nakailang ulit na akong tanong kahit pa nauna na niyang sinabi na hindi nga siya marunong nito."Hindi nga Hilary, ano ka ba? Bingi ka ba girl?" masungit na umikot ang mata nito sa ere, medyo natawa ako sa katarayan niya. "Bakit ba? Naglilihi ka na sa pangalawa? Utusan mo kaya si Chaeus!" Nasamid na ako nang banggitin nito ang asawa ko. Hindi naman dahil natatakam ako kung kaya ako naghahanap. Kung sasabihin ko naman ang totoo, malamang ay pagtatawanan ako ng mga bruhang 'to. Sabihin na napaka-isip bata ko pa rin kahit ilan
Nang kumalma ang aking paghinga ay tumagilid akong humarap sa banda ni Chaeus. Iniyakap ko ang braso sa kanyang tiyan. Isiniksik ko pa ang mukha ko sa gilid ng kanyang kili-kili. Hindi ko alintana ang nanlalagkit niyang katawan bunga ng dami ng pawis na inilabas kanina. Hinaplos niya ang ulo ko ng marahan. Ilang minuto akong pumikit. Ninamnam ang bawat sandaling 'yun. "Chaeus, may gusto sana akong itanong sa'yo." kapagdaka ay sambit ko.Naramdaman ko ang ginawa niyang pagbaling ng tingin sa akin. Hindi pa rin ako dumilat doon."Hmmn, tungkol saan iyon, Baby?" Kapwa hubad pa ang katawan namin sa ilalim ng kumot. Sanay na ako sa tanawing ito. Kung noong una ay nakakahiya, ngayon ay balewala na lang. "Nakita mo na ba sa personal ang teacher ni Zaria?" "Teacher ni Zaria? Hindi pa, Baby. Bakit mo naman natanong ang tungkol sa kanya?" Tumagilid siya sa akin at niyakap ako. Hindi pa siya nakuntento, muli niyang inabot ang labi ko. Wala na akong choice kundi ang idilat ang mga mata para
Sunod-sunod akong napalunok ng laway nang pahampas at umiigting ang pangang ibagsak ni Daddy ang binabasa niyang newspaper sa working table. Malakas na umalog ang computer set na nakapatong dito sa lakas ng naging impact. Abot-abot na ang aking kaba. Parang lalabas na ang patuloy na kumakalabog na puso sa nanunuyo kong lalamunan. Sa inaabot na palaging sermon mula sa kanya ay hindi pa rin nasasanay ang katawan ko. Kada sesermunan niya ako ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Gaya ng nakasanayan ay tahimik akong nakatayo sa kanyang harapan. Bahagyang nakatungo ang ulo hindi dahil nahihiya kung hindi dahil ayaw kong magtama ang mga mata namin. Hinihintay ang paulit-ulit at walang katapusang litanya niya ng mga sermon. Bahagi na iyon ng aming umaga sa pagsisimula pa lamang ng araw. “Ano na naman ang kalokohang ginawa mo sa school, Hilary? Ang aga-agang tumawag sa akin ng Principal niyo. Ilang subject classes na naman ang hindi mo pinasukan kahapon tapos mahuhuli ka lang nila na nasa li
Padabog akong lumabas ng bahay. Nakatunganga na iniwan siyang nakatayo. Walang anumang reklamo ang lumabas sa bibig niya. Kaunting nakaramdam ako ng pagkakonsensiya. Mukha yatang sumobra sa linya ang sinabi ko sa kanya. Maliban sa umaalingawngaw na sigaw ni Daddy sa pangalan ko dahil paniguradong narinig nito ang sinabi ko sa asawa niya ay wala na akong narinig. “Hilary, wala talagang modong bata ka!”Binilisan ko pa ang mga hakbang. Maingay na inilapat ang main door pero muli ay maingat ko iyong bubuksan upang silipin silang dalawa. Sa araw-araw na ginawa ng Maykapal ay memorize ko na ang ganitong senaryo. Hahabulin ako ni Daddy at pipilitin niyang sabayan silang kumain. Syempre, sa halip na umamo lalo akong umaalma. Gustong-gusto kong sirain ang araw niya dahil sa paraang iyon nafe-feel kong mahalaga ako.“Hilary, bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Malilintikan ka sa aking bata ka oras na maabutan kita! Sobrang tigas na ng ulo mo!”Kagaya ng inaasahan ay narinig ko na na
Umangat lang ang gilid ng labi niya. Hindi pinansin ang pagtataray na ginawa ako. Nilingon na nito ang driver ng sasakyan na ibinaba ang traveling bag na dala-dala niya. Aba, forda deadma rin siya? Manang-mana talaga siya sa kanyang ina!“Ang aga mo namang maging masungit. May period ka ba? Sige. Hindi na kita bubuwisitin.”Ano raw? Ganito ba talaga ka-straight forward ang lalakeng ito? Wala ring preno ang bibig? Ano na lang ang mangyayari sa akin oras na dito siya sa amin tumira? Magiging outcast ako sa sarili naming pamamahay na pundar ng magulang ko?Nakwento ni Azalea na nanirahan sila dito sa bansa hanggang mawala ang dati niyang asawa. Lumipad lang patungong New Jersey si Chaeus after noon para ma-settle ang business na iniwan ng ama nitong British. Wala naman akong pakialam sa buhay nila. Naalala ko lang bigla dahil narito nga ang anak niya. Akala ko talaga biro lang ang lahat ng pagbabanta nila ni Daddy. Pwes wala akong pakialam. Hindi pa rin ako titigil. Ano sila? Batas? Mas m
Pagbaba ng sasakyan ay tuloy-tuloy akong nagtungo sa classroom namin. Hindi na ako nag-abalang dumaan pa ng cafeteria na madalas kong ginagawa araw-araw pagpasok ng school upang tumambay at saka kumain na rin. Doon din kasi ako madalas hintayin ng mga kaibigan ko. Dahil sa naaalibadbaran ako at masama ang timpla ko ay minabuti ko na lang na dito pumunta. Baka doon pa ako magkalat. Ang pangit kung dadalhin ko pa ito sa cafeteria namin. Kagaya ng inaasahan ko ay wala pa sa classroom ang mga kaibigan. Malamang ay nasa cafeteria pa sila at hinihintay ako. Wala akong planong pumunta doon para lang sunduin sila. Alam nila na I'm having a bad days oras na hindi ako sa kanila doon nagpakita. Kinapa-kapa ko ang bulsa. Hinahanap kung nasaan ang cellphone para e-text ko na lang sila upang sabihin na nasa room na ako at huwag na nilang hintayin doon. Lihim akong napamura sa isipan nang maalala na kinuha nga pala sa akin iyon ni Daddy kanina. Lintik talaga! Sagad na sagad ang pasensiya ko ngayong