Share

Chapter 13: Paladesisyon

Bigla na akong napaahon sa upuan nang marinig ang sinabi niya. Ano raw? Pwede kong simulan ngayong araw dahil bata pa naman ako? Ayos ah. Paladesisyon siya. Sa reaction ko ay malinaw na makikita niyang hindi ko nagustuhan iyon. Sino ba siya para pilitin ako? Dinidiktahan niya ako?

“Ayoko nga! Bakit ba mapilit ka? Magulang kita? Si Daddy nga hindi ako mapilit, ikaw pa kaya?” pagtataas ko na ng boses sa kanya. Ikinagulat niya iyon base sa hitsura niya pero mas pinili niyang huwag na lang palakihin ang isyu. “Huwag na huwag mo akong pilitin sa bagay na ayaw ko!”

Ilang beses na ibinuka niya ang bibig. Halatang nais niyang magpaliwanag. Kumibot-kibot pa iyon. Bahagya pang napahawak sa batok niya.

“Calm down, Hilary. Nagsu-suggest lang ako—”

“Seryoso ka na suggestion lang iyon? For your information lang Chaeus, hindi mahina ang utak ko. Pinipilit mo akong sumama sa'yo magsimba. Pinapagbihis mo nga ako di ba? Di ka namimilit?”

Tumayo na siya at dumukwang palapit sa akin. Kita ng mga mata ko k
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status