Lahat ay napatingin kay Luna, tila nahipnotismo sa ganda at awra niya.Isang impleyado ang napatayo, hindi mapigilan at tuwa: "Bos Jeriko, totoo po ba? Ang magandang babae na iyong kasama ay ang bago nating kasamahan?" tanong nito."Ang bilis ng balita ninyo," ani Jeriko na may ngiti. "Ito si Luna, ang bago nating kasamahan mula sa punong tanggapan." dagdag niya.Bago pa man matapos magsalita si Jeriko, biglang sumingit si Rafael, "Pinatalsik ni Bos Jeriko ang nakababatang kasama ko dahil sa kanya?" isang mapanuyam na tanong nito.Sandaling natigilan si Jeriko at tumango, "Oo. Mamaya'y ipapaliwanag ko rin sa'yo ang tungkol didto." kalmado niyang tugon.Bago pa man tuluyang masabi ni Jeriko ang salitang "paliwanag" tumingin na si Rafael kay Luna at malamig na nagsalita."Ang aking kababatang kasamahan ay nagtapos ng doktorado sa isa sa sampung pinakahusay na pamantasan sa buong mundo ngayong taon, at dalawampu't lima pa lang ang edad niya. Kung napalitan siya ni Ginang Santos at nakap
Hindi sumagot si Luna. Sa halip, hinaplos niya ang ulo ng batang babae at mahinahon niyang sinabi, "Isabella, huwag mong sasabihin kay Aria na si auntie ang naghatid sa'yo ha?" Tumango naman si Isabella nang masigla, "Opo." anito.Noong huling pagkakataong niyakap ni Isabella si Luna, biglang nagbago ang mukha ni Aria, sumimangot ito at naging masungit sa kanya. Kaya't simula noon, may kaba na sa dibdib ni Isabella tuwing makikita niya si Aria.Pakiramdam niya'y galit pa rin ito sa kanya hanggang ngayon. Sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata, tila palaging may nanlilisik na tingin itong si Aria, na para bang laging sinasabi na huwag siyang lalapitan.Sa harap, sina Eduardo, Regina, at Aria ay animo'y isang masayang pamilya, kompleto, magaan, at tila walang bahid ng lamat.Tinignan sila ni Luna mula sa loob ng sasakyan. Sa kabila ng bahagyang hapdi sa dibdib, napabuntong hininga na lamang siya, ibinaba ang tingin at marahang iniwas ang mga mata, habang tahimik na binawi ang sarili
Nang makita niyang nakatingin ang kanyang ama sa may banyo, agad na sinabi ni Aria, "Naliligo si mommy sa loob."Tumango si Eduardo, "Hmm..." Pagkatapos ay nagtanong, "Ikaw ba ang nagsabi sa kanya na dito maligo?" anito."Hindi, si mommy mismo ang kusang nagdala ng kanyang mga damit dito." marahang sagot ni Aria.Hindi na muling nagtanong pa si Eduardo. Nagsabi lamang siya ng ilang salita, pinayuhan ang anak na magpahinga nang maaga, saka tahimik na tumalikod at lumabas ng silid.Narinig ni Luna ang mahinang ingay mula sa labas ng banyo, mga yabag at tinig na bahagyang pumapasok sa pinto. Alam niyang dumating si Eduardo, ngunit hindi niya narinig nang malinaw ang pag-uusap nito. Tahimik lamang siyang nagpatuloy sa pagliligo, waring ayaw makialam o umasa sa anumang dahilan ng kanyang presensya roon.Hindi pa lubusang magaling si Aria, at dahil sa epekto ng gamot, madali siyang antukin. Nang makita ni Luna na gabi na, matapos siyang maligo ay dumiretso na rin siya sa kama at nahiga sa t
Lumingon si Luna at nakita na nasa tabi na pala niya si Eduardo, tahimik na nakatayo.Umiling lamang siya, saka tumingin sa matangkad nitong tindig at mahinang nagtanong, "Bakit? May problema ba?" aniya.Bago pa man makasagot si Eduardo, narinig na nila ang boses ng mayordoma mula sa hagdanan: "Madam, gising na po si Aria, hinahanap po kayo." anito.Ah, ganon pala. Napangiti si Luna nang mapait. Sa lamig ng pakikitungo ni Eduardo sa kanya, imposibleng siya pa ang kusang lalapit para makipag-usap kung walang dahilan.Tumayo si Luna at tumalikod na para umakyat sa itaas. Ngunit sa kanyang pagdaan, biglang iniunat ni Eduardo ang kamay at hinawakan ang kanyang pulso.Napahinto si Luna, nabigla sa pagkilos nito. Dahan-dahan at tiningnan niya ito nang may pagtataka sa mga mata.Kalmado ang boses ng lalaki ng sabihin niya, "Mag-usap tayo."Mag-uusap tungkol naman saan? Pagtataka ni Luna. Tungkol ba sa kanya at kay Jeriko na umano'y nambastos kay Regina nang gabing iyon?Sa pag-iisip nito, b
Maliban na lang kung hindi siya agad umalis pagkatapos, o sadyang wala siyang balak umuwi ngayong gabi, mukhang ibang usapan na iyon.Sa mga sandaling iyon, narinig ni Luna ang mga yabag mula sa labas ng pintuan. Nakabalik na si Eduardo."Daddy!" masiglang sigaw ni Aria."Hmmm," maikling tugon ni Eduardo habang papalapit ito sa kama.Napansin ito ni Luna at tinangkang ibaba si Aria upang bigyang daan ang ama, ngunit ayaw ng bata. Lalo pa siyang kumapit sa ina habang inaabot ang mga kamay kay Eduardo.Lumapit si Eduardo at inakay si Aria mula sa mga bisig ni Luna. Sa paglapit niya, naamoy ni Luna ang pamilyar na halimuyak ng pabangong matagal na niyang kabisado, ang pabangong matagal ding dumidikit sa kanya noon.Ngunit bukod sa pamilyar na amoy ng pabango ni Eduardo, may isa pang halimuyak na sumingit sa kanyang pandama, banayad, elegante at pambabae.Amoy na ilang oras pa lang ang nakalilipas niyang naamoy kay Regina sa hapunang dinaluhan nila.Lumingon si Luna, tahimik na iniwas a
Ang tinutukoy ng punong-abala ay walang iba kundi si Regina Saison. Ngumiti si Jeriko, bahagyang umaangat ang sulok ng kanyang labi, waring sinasadyang gawing magaan ang tanong. "Ah, siguro?" sagot niya, may halong biro ang tinig. "Bakit mo na itanong?"Ang kanyang anyo'y kalmado, ngunit sa likod ng tanong ay may bahid ng pag-iingat dahil sa mga ganitong pagtitipon, bihirang may tinatanong nang walang dahilan."Nagkausap kami sandali noong una, at doon ko siya bahagyang nakilala," wika ng punong-abala, habang inaayos ang kanyang suot na damit."Narinig kong hindi siya tubong kabisera, galing daw siya sa ibang Villa. Medyo maayos din ang takbo ng negosyo ng kanyang pamilya roon, at may pangalan din sila sa kanilang lugar." dagdag pa nitong paliwanag."Ngunit kung ikokompara sa mga pamilyang malalaki rito sa kabisera, gaya na lamang ng pamilyang Monteverde, pamilyang Silang, at Sol, tila wala pa ring bigat ang lahat ng iyon." Sumunod nitong paliwanag."At ano ngayon?" malamig ngunit ba
Hindi pa man nakapagsalita si Jeriko, narinig na ni Luna ang isang tinig na lumapit upang batiin ito. Bahagya siyang lumingon, tila likas lamang na reaksyon, at sa kanyang paglingon, tumama ang kanyang paningin sa isang pares ng mata. Nagtagpo ang kanilang mga mata ni Regina. Si Regina ay may magalang na ngiti sa mga labi nang lumapit, subalit sa mismong sandaling tumama ang kanyang paningin kay Luna, bigla itong nawala.Ang dating mainit na anyo ay napalitan ng malamig at matalim na tingin, tila ba ang init ng kanyang ngiti ay nagyelo sa isang iglap. Isang sulyap lang ang ibinigay ni Regina kay Luna bago agad inalis ang tingin, na tila ba walang taong naroroon. Muling bumalik ang magalang nitong ngiti na parang walang nangyari, at muling hinarap si Jeriko.Ngunit bago pa man siya makapagsalita, nauna na si Jeriko. Nakangiti niyang nilingon si Luna at marahan nagsalita, "Siya si binibining Regina Saison. Luna, nais mo ba siyang makilala?" anito.Ang mga salitang binitawan ni Jeriko
Sapagkat para kay Luna, ang tanging paraan upang matiyak kung may kubuluhan ang isang bagay ay ang pagdanas nito. Gaya rin ito ng pag-ibig hindi mo malalaman ang katotohanan hangga't hindi mo sinusubukang maramdaman.Mahal ni Luna si Eduardo. Kaya't naglakas loob siyang ipagsapalaran ang kanyang kinabukasan, iniwan niya ang pagkakataong makapagpatuloy sa pag-aaral at buong puso siyang nagdesisyong italaga ang sarili sa kaniyang pamilya.Ngayon na nasubukan na niya, alam niyang napakaataas na halagang kanyang ibinayad. Ngunit kahit kailan, hindi nakita ni Jeriko ang kahit katiting na pagsisi sa kanyang mga mata.Kaya nang sinabi ni Luna na ayos lang siya at nais na lamang kalimutan ang lahat, pinili ni Jeriko na maniwala.Ngumiti siya at marahang nagsalita, "Hanap na muna tayo ng maiinom?" ani ni Jeriko.Ngumiti si Luna at sinabi, "Okay sige." Habang karamihan ay patungo sa ibang direksyon, sabay silang lumihis ng landas at nagtungo sa lugar kainan."Gusto mong uminom?" tanong ni Jeri
Noong labing pitong taong gulang pa lamang si Luna, binuo na niya ang Technopath kasama ang kanyang koponan. Marami noon ang nagpapawalang-halaga rito, at itinuturing na ordinaryo lamang. Ngunit sa paglipas ng panahon, napatunayan nitong ito ang pinakamatibay na sandata ng kanilang kompanya, isang hindi matitinag na pundasyon ng kanilang tagumpay. Ngayon, kinilala na ng buong industriya ang kahanga-hangang kakayahan ng Technopath. Kaya naman tiyak na ang pagdating ni Regina ay dahil dito."Sa nakalipas na dalawa o tatlong taon, talagang napakaraming mahuhusay na indibidwal mula sa iba't-ibang larangan ang nagtungo sa aming kompanya, dahil sa wikang programming na ito." muling paliwanag ni Jeriko.Laking gulat ni Luna sa kanyang mga narinig.Mariing tumingin si Jeriko kay Luna, hinaplos ang kanyang ulo, at ngumiti habang sinasabi, "Kaya naman hindi ako nagkakamali kapag sinabi kong wala siyang halaga sa harap mo." Dagdag pa ng lalaki.Talagang napakagaling ni Luna sa larangang ito. Paa