Share

Chapter 31: P.2

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-06-07 17:56:22

Ilang oras na ang nakalipas ngunit wala parin si Eduardo, kaya't napikon na ang Ginang, at halatang naiinis na din ang batang si Aria.

Ngunit si Luna, kalmado pa rin wari’y walang nangyaring kakaiba. Maingat siyang nagparaya ng tsaa para sa matanda at mahinahong sabi, "Baka may biglaang mahalagang kailangan siyang asikasuhin, kaya hindi muna makaalis." aniya.

Masama ang timpla ng matanda kaya maaga itong pumasok sa silid upang matulog nang gabing iyon.

Samantala, ilang beses na ring tumawag si Aria kay Eduardo, ngunit wala ni isang sagot mula sa ama.

Kinabukasan ng umaga, nang magising si Luna wala ni isang tao sa paligid. Tahimik ang buong villa, tila ba naiwan siyang mag-isa.

Wala si Aria hindi alam ni Luna kung saan nagpunta ang anak niya.

Nag-ayos siya ng kanyang sarili, naghilamos at lumabas ng silid. Tahimik ang buong villa, lumilinga-linga siya sa paligid, ngunit wala siyang nadatnan kahit na sino.

Matapos magtanong-tanong, nalaman ni Luna na dahil hindi dumating si Eduardo, na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 89: P.2

    Ang totoo’y alam naman talaga ni Ricardo kung saan ang kinaroroonan ng cake shop.Pagkaalis ni Luna, hindi man lang siya nagtangkang dumiretso roon. Sa halip, nanatili siya saglit sa kinatatayuan, waring pinag-iisipan ang naging pag-uusap nila, tahimik, ngunit puno ng hindi mabigkas na kahulugan.Sumakay siya sa sasakyan, nag-aatubiling sandali, bago tumawag: “Apollo, nandito na ako. Kailangan kong sumakay ng eroplano mamaya. Tanungin mo si Eduardo kung libre siya. Kung hindi, maaari mo ba akong samahan sa ospital para dalawin si Regina mamaya?” aniya.Gulat na gulat si Apollo: “Nakapagbalik ka na? Kailan ka dumating?” Hindi na sinagot ni Ricardo ang tanong: “Tawagan mo muna si Regina, batiin mo, at tanungin kung maaari siyang mabisita mamaya.”Akma na sanang magtanong si Apollo kung bakit hindi na lang siya mismo ang tumawag kina Eduardo at Regina.Ngunit sa ikalawang pag-iisip, naunawaan ni Apollo na marahil ay may iba pang kailangang asikasuhin si Ricardo at nagmamadali ito. Hindi

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 89: P.1

    Bahagyang nalito ang katulong ni Atty. Quirante habang pinagmamasdan ang tahimik na palitan ng usapan sa pagitan nina Jeriko at Luna. Samantala, si Quirante ay masinsinang ipinapakita kay Luna ang nilalaman ng kasunduan, bawat detalye'y kaniyang sinuri nang buong ingat.Makalipas ang mahigit isang oras, tumingala si Quirante at mahinahong winika, “Paulit-ulit ko na itong sinuri, wala akong nakitang anumang butas o pagkukulang sa kasunduan.” aniya.“Masasabi ngang ang kasunduang ito ay pabor na pabor sa'yo,” mariing dagdag ni Quirante.Napahinto si Luna. “Anong ibig mong sabihin?”Ipinaliwanag sa kanya ni Quirante, “Bukod pa sa pera, malinaw na nakasaad na ang lahat ng mga ari-arian ay walang anumang kaakibat na alitan o kaso.”Nagpatuloy siya, “Tungkol naman sa mga sapi sa kompanya ni Mr. Eduardo na ibinigay sa’yo, malinaw na nakatala na hindi mo kailangang makialam sa pamamalakad. Taun-taon ka lamang makatatanggap ng dibidendo.”“Kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan sa kompa

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 88: P.2

    Gayunpaman, ang guro niya ay labis na natuwa sa kanyang bagong ideya, at ilang araw na ang nakalipas buhat nang pinadalahan siya ng mensahi ni Mateo Lim upang hilinging ayusin ito. Kapag maayos na raw ang lahat, rerepasuhin ito ni Mateo at isusumite sa isang kilalang journal.Ngunit sa dalawang araw na sunod-sunod na abala sa mga usaping may kinalaman sa Novaley at Annex, halos walang naging galaw sa sariling gawain ni Luna.Ngayon na mayroon na siyang kaunting laya, nais na niyang tapusin ito sa lalong madaling panahon.Sa pag-iisip nito, inilapag ni Luna ang kanyang cellphone at binuksan ang kanyang kompyuter.Samantala, matapos ibaba ang tawag, agad muling tumawag si Ricardo kay Apollo at nagtanong, “Nais ni Eduardo ng diborsyo at nais din niya ang kustodiya kay Aria. Tiyak na hindi siya papayag, hindi ba? Balak ba nilang magsampa ng kaso?” Sa katunayan, tumawag lamang si Apollo kay Ricardo upang ibalita lamang ito.Aniya, “Hindi! Pumayag siya! Wala siyang pagtutol, maging sa dibo

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 88: P.1

    Hindi rin nakawala sa paningin ng Matandang Ginang ang pagbabago kay Luna, na hindi na nga ito kasing aktibo kay Eduardo tulad ng dati.Dahil dito, hindi niya napigilang mapabuntong-hininga, saka tumingin kay Eduardo at sinabing: "Kasalanan mo 'yan, Eduardo!"Matagal nang si Luna ang nagpapakita ng pagsisikap, ngunit hindi pa rin tumugon ang lalaki. Hindi ba’t nararapat lamang siyang panghinaan at umurong?Pagkarinig nito, bahagyang ngumiti lamang si Eduardo at hindi nagsalita.Ngayon naman, si Luna ay pinipiling manahimik hangga’t maaari.Pagkarinig niya, tahimik lamang niyang inabot ang mga putahe at nagsimulang kumain, waring walang balak magsalita.Bago pa man niya matapos ang pagkain, nakatanggap ng tawag si Eduardo. Minsan niya pa itong sinulyapan, saka tumayo upang sagutin ang tawag.Ngunit agad din siyang bumalik.Pagkatapos maghapunan, sinabi niya kay Ginang, “May kailangan pa akong asikasuhin, mauna na ako.” magalang niyang tugon.Matalino rin itong si Aria, at wari’y nahinu

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 87: P.2

    "Ipapasuri ko muna sa abogado ko ang kasunduang ito bukas. Kapag sigurado na akong ayos ang lahat, pipirmahan ko ito sa makalawa at ipapaabot ng abogado ko sa inyo." mariing tugon ni Luna.Nakalista roon ang napakaraming ari-arian na ibinibigay nito sa kanya, at habang mabilis niya itong binubuklat kanina, tila may nakita siyang ilang bahagi ng pagmamay-ari ng kumpanya nito.Sa kasunduan ng diborsyo na ibinigay niya noon, ni hindi siya humingi ng kahit ano mula rito. At ngayong siya na mismo ang nag-alok, hindi na rin niya ito tinanggihan.Matagal na silang mag-asawa. Bagamat hindi siya minahal ni Eduardo, hindi rin siya kailanman pinagkaisahan kahit pinagtaksilan siya nito. Kaya nang makita niyang handa itong ipasa sa kanya ang mga ari-arian, ang unang impulsong naramdaman niya ay pumirma agad. Ngunit sa huling sandali, napahinto siya. Nagdalawang-isip.Nabahala siya na baka may butas sa kasunduan. Kung sakaling malagay sa alanganin ang kompanya ni Eduardo, natakot siyang baka ang mg

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 87: P.1

    Matapos ang tanghalian, lumapit si Mr. Nel at sinabing maayos na si Regina at inihatid na siya pauwi ni Eduardo upang makapagpahinga.Hindi pa niya nauubos ang tsinong halamang gamot na inihanda ni Mr. Nel para sa kanya.Pagkatapos umalis ni Luna mula sa Novaley nang gabing iyon, bumalik siya sa lumang bahay.Ngunit hindi umuwi si Eduardo nang gabing iyon.Napakagat-labi si Luna, nag-isip sandali, saka tinawagan ito.Ngunit walang sumagot.Napilitan siyang ibaba ang telepono.Sa totoo lang, hindi pa tuluyang naaayos ang mga usapin sa Novaley, pero hindi rin nila maaaring isantabi ang mga gawain sa Annex.Kinabukasan ng umaga, bumalik sina Luna at Jeriko sa Annex upang ayusin ang ilang bagay, at muling nagtungo sa Novaley pagsapit ng hapon.Pagkatapos ng hapon na ito, malamang ay tuluyan nang matatapos ang lahat sa Novaley. Wala nang dahilan para bumalik pa roon sa mga susunod na araw.Habang iniisip ito, napabuntong-hininga si Jeriko saka ngumiti kay Luna sabay sabing "Hindi na talaga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status