Share

Chapter 32: P.1

Penulis: Marifer
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-08 00:10:40

"Hindi ba't may dadaluhan akong charity dinner ngayong araw?" mariing sabi ni Eleanor, halatang mataas pa rin ang emosyon.

"Hindi ko inakalang makikita ko roon ang tatay mong walang hiya! kasama pa si Regina at 'yung iba pa nilang grupo!" matigas nitong usal.

"Kanina sa hapunan," patuloy ni Eleanor, "May isang babae na tinawag si Regina na malandi at kabit na nang-agaw ng asawa! Binuhusan pa siya ng pulang alak sa harap ng lahat. Grabe, ang gulo ng eksena. Mukhang galing din sa maayos na pamilya 'yung babae, kaya ang lakas ng loob nag-ingay talaga siya ng matagal."

Tumigil sandali si Eleanor saka nagpatuloy, mas mabigat ang tinig: "Ako, nanonood lang sana ng palabas. Pero hindi ko inakalang darating ang asawa mo."

Napahinto si Luna, nanatiling tahimik habang pinakikinggan ang patuloy na pagsasalita ng kaibigan niya, ngunit ramdam niya ang gigil sa bawat salita nito.

"Charity dinner 'yon na puno ng mga sikat, naka-livestream pa," anas ni Eleanor, halos pabulong pero galit.

"Kahit hindi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 36: P.2

    Sa mga okasyong tulad ng ngayon, ilang beses na rin silang nagkita ni Ernesto, ngunit hindi na ito tulad ng dati, wala na ang dating paglapit o pagpapakita ng pagkalinga.Nang maisip ito ni Luna, bahagya siyang natawa sa sarili. Nakakatawa nga naman talaga! Ngunit bukod pa doon, alam din naman niya kung bakit.Siyempre, nandoon si Regina at alam ng lahat na siya ang anak ni Ernesto. Kung lalapit pa siya kay Luna at kinilalang konektado pa rin sila, paano kung malaman ng mga tao na si Luna pala ang asawa ni Eduardo?Anong mukha pa ang ihaharap niya sa iba bilang ama?At kung mabunyag man iyon, baka si Regina pa ang laitin ng lahat, baka kutyain siya at sabihing kahit sa sariling ama ay hindi naman pala totoo.Makikita sa lahat ng ito kung gaano ka-lantad ang pagkiling ni Ernesto kay Regina.Ayaw ni Ernesto na magkaroon ng anumang ugnayan kay Luna sa ganitong okasyon, para bang mas mabuting hindi na lang siya kilalanin. Ngunit pagdating kay Jeriko Galang, may bahid pa rin ng pag-aatubil

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 36: P.1

    Nang mga sandaling iyon, biglang nanlamig ang batok nina Jeriko at Luna sa narinig.Agad namang sumagot si Jeriko, pilit na pinanatiling mahinahon ang boses, "Nag-uumpisa na po kaming maghanda, para sa mga bagong produkto. Sa susunod na taon po, malamang ay makakapaglabas na kami ng mga sample." aniya."Hmm." malamig na sagot lamang ni Mateo Lim. Sumunod pa niya, "Wag kayong magpakita ulit sa akin hangga’t hindi pa tapos ’yan."Sabay namang tumango sina Luna at Jeriko. "O-opo…"Bago tumalikod si Mateo Lim, muli siyang nagsalita, "Ipadala n’yo sa akin ang review ngayong gabi."Agad na naunawaan nina Luna at Jeriko kung ano ang tinutukoy ng kanilang guro. Ang "review" na binanggit ni Mateo Lim ay walang iba kundi ang teknikal na buod ng lahat ng ipinakita nila sa eksibisyon ngayong araw.Muling tumango sina Luna at Jeriko nang maayos, saka sumingit si Jeriko at nagsalita,, "A-ahh, Guro. Isang gabi lang po... mukhang medyo mahirap po yata." Sa katunayan, para sa kanila, hindi lang basta

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 35: P.2

    Makalipas ang ilang oras, natapos din ang kumperensiya. Agad namang kumalat ang balita sa loob ng bulwagan na si Ginoong Meto Lim ay hindi pa agad umalis.Pagkalat ng balita na hindi pa aalis si Ginoong Lim, agad nagsulputan ang mga taong nasa likurang bahagi ng conference hall, nagmamadaling makalapit.Ngunit sa oras na makarating sila sa harapan, huli na ang lahat, napalibutan na ito ng mga negosyanteng kanina pa naka-upo sa front row. Hindi na sila makasingit, at ang pagkakataon na makalapit o makausap man lang siya ay tuluyan nang naagaw.Si Regina na nasa unahan rin ng conference hall, ay hindi nakipag-usap kay Ginoong Lim. Napansin ito ni Zailene at agad siyang kumaway, halatang sabik.Pagkakita ni Regina, agad niya itong nilapitan."Auntie," bati niya nang magalang.Alam na ni Regina kung ano ang gustong sabihin ni Zailene. Kaya bago pa man makapagsalita ang tiyahin niya, inunahan na niya itong magsalita."Ngayon ay napapalibutan si Ginoong Lim ng malalaking personalidad. Kahit

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 35: P.1

    Matapos ang maikling pagbati at pormalidad, gumawa si Mateo Lim ng payak ngunit malinaw na buod at papuri sa mga eksibit na tampok sa eksibisyong ito. Pagkatapos ay sinagot niya ang ilang katanungan na ibinato ng ilang kinatawan ng mga kumpanya sa mga manonood.Maraming nais magtanong, ngunit limitado ang kanyang oras. Makalipas ang mahigit kalahating oras, bumaba na rin mula sa entablado si Mateo Lim.Pagkababa ni Mateo Lim mula sa entablado, mahinahong bumaba ang kanyang mga hakbang. Sa gitna ng pag-uusap at pagbulungan ng mga dumalo, tahimik siyang lumakad patungo sa itinalagang upuang nasa gitnang hanay sa unahan isang espesyal na lugar na inilaan ng mga tagapag-ayos para sa kanya. Mula sa kanyang presensya pa lang ay ramdam na agad ang respeto ng lahat, at kahit wala siyang sinasabi, tila ba lahat ng mata'y kusa nang sumusunod sa bawat kilos niya.Nang makita nilang papalapit si Mateo Lim, sabay-sabay na tumindig ang mga kilalang negosyante sa unahan. Isa-isa silang nakipagkamay

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 34: P.2

    Ayon sa mga narinig, gumamit daw si Luna ng maduming paraan upang mapilitan si Eduardo na pakasalan siya.Wala raw talaga itong nararamdaman para kay Luna. Mula nang ikasal sila, bihirang-bihira raw umuwi si Eduardo, Puro galit lang daw ang nararamdaman nito para kay Luna.At sa mga nasaksihan nila Ernesto at Zailene ngayon, mukhang totoo nga ang mga tsismis.Malapit nang magsimula ang eksibisyon, kaya tinawag na ng mga staff ang mga mahalagang kinatawan ng bawat kumpanya upang pumunta sa conference hall para sa pulong pambungad.Tahimik na pumasok at sabay naglakad sina Jeriko at Luna sa conference hall, dala ang pangalan ng Annex. Diretso silang umupo sa nakatalagang upuan, hindi kailangang magpakilala, sapat na ang presensya nila para mapansin.Napatingin si Regina at Zailene nang pumasok si Luna sa conference hall kasama si Jeriko.Bahagyang nanlisik ang mga mata ni Zailene at mahina niyang bulong kay Regina, "Gano'n ba talaga siya pinapahalagahan ni Mr. Galang?"Bagamat nakita na

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 34: P.1

    Ilang sandali pa'y iniwas ni Luna ang kanyang tingin, waring itinaboy ang anumang gumugulo sa kanyang isip. Tinawag siya nina Manuel Quezon at ng iba pa may nais silang linawin, mga tanong na tanging siya lamang ang inaasahang makatutugon. Walang pag-aalinlangang tumalikod si Luna. Tahimik ngunit tiyak ang kanyang mga hakbang, at sa bawat paglayo’y waring tinatalikuran na rin niya ang anumang may kaugnayan kay Eduardo. Hindi na siya lumingon. Kung anuman ang nangyayari sa panig nito, hindi na iyon saklaw ng kanyang pakialam.Pagharap ni Luna upang tuluyang lumayo, agad siyang namataan ni Apollo Sol.Samantala, si Regina ay tahimik na lumapit sa tabi ni Ernesto. Sa mga sandaling iyon, wala siya sa piling ni Eduardo. Wari’y may sariling pasya o marahil ay sariling dahilan kung bakit pinili niyang naroon.Agad na lumapit si Apollo kay Eduardo, bahagya niyang tinapi ang tagiliran nito gamit ang kanyang siko, at itinuro ang deriksyon kung nasaan si Luna. "Doon, naroon din pala ang asawa m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status