Share

Chapter 75: P.2

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-07-07 19:28:18

Ang tanging sinabi ni Ginang Santos ay, "Hindi ako mapalagay kung ikaw ang magmamaneho sa lagay mong 'yan. Hayaan mo na lang ang driver ang maghatid sa'yo." mahinahong usal nito.

Tumango si Luna at sumagot ng mahinahon, "Sige po." aniya.

Pagdating nila sa villa ni Mr. Lim, dumiretso ang tatlong guro’t mag-aaral sa silid-aklatan at agad na nagsimula sa trabaho. Tahimik at tutok lang ang lahat walang sinayang na oras.

Hindi sila tumigil hangga’t hindi sumapit ang tanghali. Doon lamang sila nakahinga at nabigyan ng pagkakataong magpahinga nang bahagya.

Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Luna.

Nang tignan niya, ay isang mensahe mula kay Eleanor, tinatanong siya kung gusto niyang mag-ski sa hapon.

Sumagot si Luna gamit ang voice message: "May gagawin ako ngayon, hindi ako makakasama. Ikaw na lang ang pumunta."

Eleanor: "Sige, noted."

Pagsapit ng hapon, lumabas si Luna mula sa silid-aralan ni Mateo upang magbuhos ng tubig. Habang hawak ang cellphone, nakatanggap siya muli n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 79: P.2

    Pagkapasok sa loob ng bahay, maingat na ibinaba ni Ricardo si Luna.Lumapit agad ang doktor na naghihintay sa gilid at sinuri ang kanyang paa. Mabuti na lang at bahagyang pagkadislocate lang ito. Agad niyang inayos ang buto ni Luna at mabilis rin itong bumuti.Tinanong siya ni Ricardo, "Mag-iisking ka pa ba ulit?" aniya."Ayos lang ako, puwede pa akong magpatuloy," sagot ni Luna.Dahil naroon na rin siya, ayaw niyang masira pa ang kasiyahan.Nang marinig ni Ricardo mismo mula sa doktor na wala naman talagang seryosong pinsala sa kanyang binti, hindi na rin siya tumutol pa.Sa hindi kalayuan..."Isidora? Anong tinitingnan mo?" tanong ng kasamahan.Isidora: "Parang may nakita akong isang kakilala." aniya, may bahid ng pagtataka.Ang tagiliran ng mukha ng lalaking nasa unahan ay talagang kahawig ni Ricardo Silang.Pero may kasama siyang bata at isang babae… imposible sigurong siya 'yon, diba? Bulong nito sa sariling isip.Nang balak na sana niyang lumapit ng kaunti para makita nang malin

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 79: P.1

    Bagama't nangako si Luna kay Aria na sasabihin niya ito kung kailan sila pupunta para mag-ski.Ngunit hindi niya talaga balak isama ito sa lakad niya kinabukasan.Bukod sa personal na lakad, may bahid rin ng sosyal na pagtitipon ang schedule niya bukas. At hindi niya gustong isama ito sa araw na iyon.Kaya ang sabi niya, "Hindi libre si Mommy bukas, sa ibang araw na lang." mahinahong wika ni Luna.Pero sabi ni Aria habang naglalambing, "Ayoko, gusto ko talaga sa Sabado. Mommy, samahan mo na ako, please?" anito."Hindi muna tayo pupunta ngayong Sabado. Sa susunod na linggo na lang. Kapag gusto mo pa rin, sasamahan kita." muling sambit ni Luna.Pero hindi pa rin tumigil si Aria. Naglambing pa siya para mapapayag si Luna: "Mommy..." giit nito.Ngunit hindi natinag si Luna: "Kung gusto mo pa rin sa susunod na linggo, sabihin mo ulit kay Mommy. Kumain ka nang maayos at huwag kang mapili sa pagkain."Pagkasabi nito, ibinaba na niya ang tawag. At dahil do'n hindi na muling tumawag si Aria.B

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 78: P.2

    Sa mga sandaling iyon, nakatanggap ng tawag si Regina.Pagkababa ng telepono, sinabi niya, "Parating na si Eduardo, sasabay na ako sa inyo." Pagsapit nila sa ibaba, nandoon na nga si Eduardo, naghihintay sa tabi ng kanyang sasakyan.Pagkakita sa kanila, agad siyang bumaba at magalang na binati sina Enrico at Jeriko.Saglit niya pang nilingon si Luna, isang panandaliang tingin lamang, ngunit hindi siya kinausap, at tuluyang nagbaling muli ng atensyon sa iba.Pagbaba ni Regina ng sasakyan, agad siyang tumayo sa tabi ni Eduardo. Sa unang tingin, para silang tunay na magkasintahan magkatabi, magkatugma, at tila komportable sa presensya ng isa't isa.Habang abala si Enrico sa pagbati kay Eduardo, tumingin si Jeriko sa kanila, bahagyang umirap at malamig ang boses nang sabihing,"Mr. Eduardo may hapunan kaming pupuntahan. Mauna na kami."Si Eduardo ay maikli lamang ang tugon, "Mr. Galang, ingat ka."Agad na umalis sina Jeriko at Luna.Ilang sandali pa, matapos ang hapunan kasama sina Mr. A

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 78: P.1

    "Kilala mo ba nang mabuti ang babaeng 'yon?" tanong ni EnricoPagkarinig ni Regina na si Luna ang tinutukoy, bahagyang humigpit ang hawak niya sa gilid ng mesa.Totoo namang maganda si Luna.Nang marinig ni Regina ang tanong ni Enrico, hindi niya naiwasang maisip na baka interesado ito kay Luna.Pero nang maalala niya ang mga narinig niya noong araw ng subasta, at ang malamig at magalang na pakikitungo nito sa kanya ngayon, napagtanto niyang mali ang akala niya.Walang ipinakitang emosyon sa mukha ni Regina nang sumagot siya, "Hindi kami magkakilala nang husto. Bakit mo natanong?"Sumulyap si Enrico kina Luna at Jeriko saka nagsabi, "Sa paraan ng pakikipag-usap niya kay Jeriko mukhang may kakayahan din siya?"Magaan ang tono ni Regina nang sumagot, "Hindi ko alam, pero ang sabi-sabi, bachelor's degree lang ang natapos niya.""Degree lang sa kolehiyo?" ani Enrico."Oo." sagot ni Regina."Ah, kaya pala." muling wika ni Enrico.Normal lang na kabahan siya na baka maagaw si Jeriko, lalo n

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 77: P.2

    Minsan lang sumulyap si Luna kay Enrico, at hindi na siya muling tumingin pa sa may pintuan, kaya hindi rin niya talaga napansin na naroon din pala si Regina.Kaya't nang marinig ni Luna na binanggit ni Jeriko ang salitang "Miss Saison," agad niyang nahulaan na si Regina ang tinutukoy nito.Gayunpaman, hindi siya tumingin pataas at nagpatuloy lang sa pakikipag-usap sa mga teknikal na tauhan ng Novaley.Ngumiti muli si Mr. Nel: "Naku! Magkakakilala na pala kayo?" may halong pagkagulat ng sabihin niya.Tumango si Jeriko: "Oo naman."Sa katunayan, pare-pareho silang kabilang sa ikalawa at ikatlong henerasyon ng mga kilalang pamilya sa upper-class circle ng kabisera, kaya imposibleng hindi sila magkakakilala.Ang totoo, magkaiba lang talaga sila ng tinatahak na landas, kaya hindi sila ganoon kapamilyar sa isa’t isa.Matapos bumati sina Enrico kay Jeriko sumama na sila kay Mr. Nel papunta sa kabilang bahagi ng opisina upang pag-usapan ang mga usaping may kinalaman sa trabaho.Nanatili si R

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 77: P.1

    Marahil ay napansin ni Mateo ang labis na pagod ng dalawa kaya pinayagan na niya ang mga ito na umuwi bandang alas-nwebe ng gabi.Pagkauwi ni Luna, dumiretso siya sa banyo upang maligo, at pagkatapos ay agad siyang nahiga at nakatulog dala ng pagod sa buong maghapon.Kinabukasan.May ilang kailangang asikasuhin sa Novaley, kaya si Luna at Jeriko ay nagpunta roon bandang hapon upang personal na harapin ang mga ito.Pagkadating nila roon, kakaumpisa pa lamang nilang talakayin ang ilang teknikal na isyu nang pumasok sina Enrico, Muad at Drake Montaño, kasamang inihatid ng mga tauhan sa Novaley.Pagkakita kay Luna, bahagyang nagulat ang dalawa.Medyo nakangising tinaas ni Drake ang kanyang kilay at nagsabing, "Empleyado pala siya ng Novaley? Ang galing naman ng pagkakatagpo."Bahagyang kumindat si Enrico at saka nagkibit-balikat, waring sinasabi na hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari.Hindi nga sila magkakilala, kaya paano niya malalaman kung empleyado si Luna sa Novaley?N

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status