Kinagabihan ng sumunod na araw, maaga pa lang ay naghanda na si Luna at Eleanor.Bagaman hindi gaanong pormal ang kasuotan nilang dalawa, kapwa parin sila namumukod-tangi.May likas na awra at kumpiyansa sa kanilang kilos, at nang dumating sila sa subasta, hindi naiwasang mapukaw ang atensyon ng maraming naroon. Isang sulyap lang ay sapat na para mapansin sila sa gitna ng karamihan.Si Eleanor ay ilang beses nang nakadalo sa mga subasta at kilala na sa kanilang mundong kinabibilangan. Kaya’t maraming naroroon ang nakakakilala sa kanya at magiliw siyang binabati.Ngunit si Luna, sa kabilang banda, ay ngayon lang nakita ng karamihan. At bagama’t bago sa mata ng ilan, hindi maikakaila ang kanyang presensya, tahimik pero elegante, at agad na umani ng mga palihim na tingin at bulungan.Nang makita si Luna na kasama ni Eleanor sa subasta, marami ang agad nagtaka at nag-usisa sa kanilang isipan kung saang pamilya siya kabilang.Tahimik na gumalaw ang bulungan, sino siya? Ano ang koneksyon ni
"Mga lampas alas-diyes," sagot ni Luna habang marahang isinara ang hawak niyang libro. Tumingin siya kay Eduardo at nagpatuloy,"Narinig kong magkakaroon ng subastang pangkawanggawa sa Villa Verde sa loob ng dalawang araw." sumunod niyang sinabi.Maingat at eleganteng tinanggal ni Eduardo ang kanyang kurbata sa leeg habang pasimpleng tumingin kay Luna."Gusto mong makakuha ng imbitasyon sa subasta, tama ba?" tanong ni Eduardo, malamig ngunit diretso ang tono.Sandaling natigilan si Luna bago marahang tumango. "Oo, sana!" mahinahon niyang tugon."Hmm. Okay!" sagot naman ni Eduardo walang dagdag na paliwanag.Pagkasabi noon, tumalikod siya, diretsong nagtungo sa kanyang aparador at makalipas lang ang ilang sandali, pumasok na sa banyo para maligo, tila ba walang bigat ang usapan, na para bang isa lang itong karaniwang hiling.Medyo nabigla si Luna sa pagiging direkta at walang pag-aatubili ni Eduardo sa pagpayag.Ngunit dahil pumayag na rin ito, kahit papaano’y nakahinga rin siya nang m
Marahang tinakpan ni Luna ang ilong niya, saka dahan-dahang ibinaba ang kamay na parang walang nangyari. Bahagya siyang umatras ng isang hakbang, lumilikha ng distansya sa pagitan nila.Wari'y walang napansin si Eduardo sa mga kilos niya. Binuksan lang niya ang imbitasyon at sumulyap dito."Kapistahan ng ikapitumpung kaarawan?" tanong niya, tila walang emosyon sa tinig.Luna: "Oo."Sa pagkakataong ito, hindi na niya tinanong kung may oras ba ito gaya ng dati, ni hindi na siya nakiusap na sana’y dumalo ito sa kaarawan ng kanyang lola. Sa halip, mahinahon pero may distansya ang tono niya nang sabihing:"Pakisabi na lang sa mga magulang ko." ani Luna.Hindi rin malaman kung napansin ba ni Eduardo na ngayong gabi, hindi na siya tinanong ni Luna kung may oras ba siya para dumalo.Tahimik lang si siya, at sa katahimikang iyon, tila may mas malalim na kahulugan kaysa sa dati niyang mga tanong at pakiusap.Minsan pa siyang tiningnan ni Eduardo, saka inilapag ang imbitasyon sa gilid at maikli
Saglit na nag-alinlangan si Luna bago dahan-dahang inabot ang dalawang imbitasyon. "Sige." mahinahon niyang tugon, bagama’t may bahagyang pag-iisip sa tono ng kanyang boses.Matapos ang hapunan, naupo siya kasama Ang Ginang Santos, sina Federico, at ilang kamag-anak. Sa gitna ng mahihinang tawanan at kuwentuhang puno ng alaala at plano para sa nalalapit na selebrasyon, nakisabay si Luna sa masayang pag-uusap ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pagod na pilit itinatago.Pagsapit ng alas nuwebe ng gabi, tumayo na siya at mahinahong nagpaalam. Bago tuluyang umalis, lumabas pa si Ginang Santos upang ihatid siya. Hinawakan nito ang kamay ni Luna nang mahigpit, malamig ngunit may bigat ng damdamin."Kung ayaw pumunta ng mga taga Monteverde, huwag mo na silang pilitin. Ako, matanda na ako, wala na akong pakialam kung pupunta sila o hindi!" mariin na sabi ng Ginang habang malalalim na nakatitig sa kanya.Kahit na maingat si Federico sa mababang boses, iwas ng tingin, nang iabot niya ang mga
Pagkakita ni Aria sa kanyang Ina na may dalang maleta, agad itong nagsalita, "Mom?""A-ah... Oo," sagot ni Luna habang bumalik sa sarili, saka isinara ang pinto. "May kailangan si Mommy na tapusin sa trabaho kaya uuwi na muna ako. Mag-enjoy kayo ng Daddy mo dito, ha?" aniya.Tumango agad si Aria, "Okay, alam ko na, Mom." Habang hinihila ni Luna ang kanyang maleta pababa, tumambad sa kanya pagdating sa ibaba si Eduardo na kasama si Regina.Nang makita ni Eduardo na may dalang maleta si Luna at tila paalis na, tanging tanong lang niya ay, "Aalis ka na?"Malamig ang tono ni Luna nang sumagot, "Oo.""Nakatawag ka na ba ng sasakyan?" muling tanong ni Eduardo."Ahh, oo, nasa labas na." ani Luna.Hindi na siya pinigilan ng lalaki at ang tanging tugon nito ay, "Sige."Walang lingon-likod na hinila ni Luna ang kanyang maleta palabas ng pintuan, sumakay sa kotse, at tuluyang umalis.Ngayong araw, tanghali na nagising si Apollo.Pagbaba niya para mananghalian kasama sina Eduardo at ang iba pa,
Pagkapasok ni Eduardo sa kwarto, basta na lamang niyang isinara ang pinto.Pagkatapos ng lahat, naroon pa rin ang lahat ng gamit niya sa loob ng silid.Mukhang hindi na siya lalabas pa ngayong gabi.Sandaling natigilan si Luna.Bago pa siya makapagsalita, dumaan na si Eduardo sa tabi niya at diretsong pumasok sa loob.Pagdaan ni Eduardo sa tabi niya, agad na naamoy ni Luna ang pabangong gamit ni Regina, isang amoy na pamilyar na pamilyar sa kaniya.At higit pa roon...Napansin din niya ang mapupulang bakas ng labi sa batok ni Eduardo, tumatak sa laylayan ng suot nitong pajama.Kakatapos lang maligo ni Eduardo at kakapalit lang ng suot na pajama. Hindi na kailangang tingnan pa nang maigi para malaman, ang pabango at bakas ng labi ni Regina sa katawan niya ay malinaw na nakuha niya kanina lamang, noong magkasama silang lumabas.Kanina pa lang nang makita siya ni Luna, napansin niyang medyo mapula ang kanyang mga labi. Akala nito'y guni-guni langPero ngayon, malinaw na hindi pala.Nakau