Share

Chapter 84: P.2

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-07-21 22:54:40

Pagkasabi niya niyon, tumalikod agad si Eduardo at bumaba ng hagdan, hindi na hinintay pang magsalita si Luna.

Ilang minuto ang lumipas, dumating sina Mr. Nel, ang matandang ginang, si Eduardo, at Aria sa silid.

Tiningnan ni Mr. Nel si Luna at sinabi niyang mas bumuti na ang lagay nito, ngunit kailangan pa rin niyang uminom ng gamot. Mahina raw ang katawan at may dinadala sa kalooban, kaya’t madaling dapuan ng sakit kapag nagkakatrangkaso. Kailangan daw niyang palakasin ang kanyang katawan.

Tumango si Luna habang nakikinig.

Muling nagtanong si Ginang, "Nagugutom ka na ba, Luna?"

Dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Luna noong tanghali, nakatulog siya matapos kumain ng kaunting pagkain lamang.

Palubog na ang araw, at kahit nararamdaman ni Luna ang gutom, nanatili pa rin siyang walang ganang kumain.

Gayunpaman, mahinahong pinakiusapan siya ng matanda na kumain kahit kaunti. Pagkatapos ay iniutos nito kay Eduardo na bumaba sa kusina upang kunin ang pagkaing espesyal na inihanda para kay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 85: P.1

    Napahinto sandali si Luna, at bago paman siya makapagsalita, muling nagsalita pa ang binata: "Gusto ko sanang si Kuya ang magturo sa 'kin, pero sabi niya may ginagawa raw siya, kaya pinapunta niya ako sa ’yo para ikaw na raw magturo."Sandaling natahimik muli si Luna, saka walang imik na kinuha ang papel nang binata sa pagsusulit.Nang tignan ito ni Luna. Maganda naman ang mga grado ni Augustin at matibay ang pundasyon niya. Kinuha ni Luna ang dalawa niyang papel ng pagsusulit at matapos suriin, natukoy na niya agad kung ano ang problema."Ate ang galing mo talaga, salamat ha!" masiglang usal ng binata.Pagkatapos niyang maintindihan, umupo si Augustin sa harap ng mesa sa gitna at nagsimulang magsulat nang walang pakialam sa itsura niya.Pagkatapos matapos ang mga tanong sa pisika, inayos niya ang mga libro at panulat niya at nagsabing, "Ayos! Pwede na ulit ako maglaro sa phone!" Ngumiti si Luna at ibinaba ang dyaryong halos patapos na niyang basahin. Medyo gumaan ang pakiramdam niya

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 84: P.2

    Pagkasabi niya niyon, tumalikod agad si Eduardo at bumaba ng hagdan, hindi na hinintay pang magsalita si Luna.Ilang minuto ang lumipas, dumating sina Mr. Nel, ang matandang ginang, si Eduardo, at Aria sa silid.Tiningnan ni Mr. Nel si Luna at sinabi niyang mas bumuti na ang lagay nito, ngunit kailangan pa rin niyang uminom ng gamot. Mahina raw ang katawan at may dinadala sa kalooban, kaya’t madaling dapuan ng sakit kapag nagkakatrangkaso. Kailangan daw niyang palakasin ang kanyang katawan.Tumango si Luna habang nakikinig.Muling nagtanong si Ginang, "Nagugutom ka na ba, Luna?"Dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Luna noong tanghali, nakatulog siya matapos kumain ng kaunting pagkain lamang.Palubog na ang araw, at kahit nararamdaman ni Luna ang gutom, nanatili pa rin siyang walang ganang kumain.Gayunpaman, mahinahong pinakiusapan siya ng matanda na kumain kahit kaunti. Pagkatapos ay iniutos nito kay Eduardo na bumaba sa kusina upang kunin ang pagkaing espesyal na inihanda para kay

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 84: P.1

    Hindi tumingin si Eduardo kay Luna. Marahan niyang hinaplos ang ilong ni Aria at mahinahong sinabi:"Busy si Daddy ngayon, kaya sumunod ka na lang kay Mommy at magpakabait ka, ha?" aniya."Okay." ani Aria na may pag-aatubili, sabay sulyap kay Luna mula sa gilid ng mata.Pagkalapit niya kay Luna, tahimik niyang iniabot ang kamay niya, hudyat na gusto niyang hawakan siya ng kanyang ina. Ito ay maituturing na unang hakbang para makipag-ayos sa kanya.Hinawakan ni Luna ang kamay ng anak, binati ang mayordoma, at saka sila lumabas.Pagdating nila sa bahay ng mga Santos, naroon na si Ginang Monteverde.Pagkakita ni Ginang Monteverde na sina Luna at Aria lamang ang dumating at wala si Eduardo, agad siyang napakunot-noo:"Nasaan si Eduardo? Abala na naman ba siya?" matigas na tanong nito.Maikli lamang ang sagot ni Luna: "Oo."Galit na dinampot ni Ginang ang kaniyang telepono upang tawagan si Eduardo.Samantala, si Ginang Santos na alam na ang tungkol sa nalalapit na paghihiwalay nina Luna at

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 83: P.2

    Napansin ni Ricardo na ayaw talagang makipag-ugnayan ni Luna sa kanya, mula paman noon, ramdam na niya ang malinaw na hangganang inilalayo nito sa kanya.At alam niyang may dahilan.Kaya imbes na pilitin pa, pinili na lamang niyang manahimik.Sa pagbalik ni Ricardo, gabi na. Sa daan pa lang ay ilang tawag na ang natanggap niya.Samantala, si Luna ay tahimik na naggugol ng oras sa paggawa ng mga paruparo gamit ang tuyong damo. Naka-ilan na siya at tuwang-tuwa si Samantha sa mga ito. Isa-isa niyang inilagay sa kanyang bulsa, parang mga kayamanang ayaw niyang mawala.Habang pinagmamasdan ni Luna ang inosenteng mukha ni Samantha, unti-unting naglaho ang ngiti sa kanyang labi.Minsan na ring ganoon ang anak niyang si Aria, masigla, masunurin, at palaging kumakampi sa kanya sa lahat ng bagay.Ngunit matagal na iyong bahagi ng nakaraan.Pagsapit ng gabi, nagpilit si Samantha na matulog kasama si Luna. Napatingin si Ricardo sa kanya wari'y humihingi ng pahintulot kung papayag siya.Tumango na

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 83: P.1

    Abala ang mga tauhan ni Ricardo sa pagtatayo ng mga tent at paghahanda ng ihawan para sa barbecue.Kamakailan ay sunod-sunod ang pag-ulan ng niyebe, kaya’t binalot ng makapal at puting-puting yelo ang kabundukan.Pagdating ni Luna, agad siyang sinalubong ni Samantha. Masigla nitong hinila ang kanyang kamay at sabik na nagsabing gusto nitong gumawa sila ng snowman nang magkasama.Noon, si Luna ay sanay nang gumawa ng snowman kasama si Aria.Hindi mahirap para sa kanya ang paggawa nito, kaya’t makalipas lamang ang kaunting sandali, nakabuo na sila ni Samantha ng isang maliit na snowman.Dinalhan pa ni Samantha ng espesyal na iskarf ang snowman. Matapos itong mabuo, agad siyang tumakbo para utusan ang mga kasambahay na hanapan siya ng carrots.Lumapit naman si Ricardo kay Luna.Tahimik lamang si Luna nang makita niya ito. Wala siyang sinabi.Marahang lumuhod si Ricardo sa tabi niya at nagsabing, "Nagtrabaho ka na pala Annex?" aniya.Patuloy pa rin si Luna sa paggawa ng snowman at hindi t

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 82: P.1

    Pagkaalis nila sa Novaley at pagpasok palang sa sasakyan, halatang galit pa rin si Jeriko.Naalala niya ang isang bagay kaya agad niyang tinanong si Luna, "Uy, sino nga pala yung babaeng nakasuot ng business suit na nasa likod ni Regina kanina? Parang ang sama ng tingin niya sa’yo. Kilala mo ba siya?" anito."Ah, siya ba? Pinsan iyon ni Regina." malamig na sagot ni Luna.Si Jeriko ay napailing na may halong inis: "Si Eduardo, hindi lang si Regina ang pinapasok sa Novaley, pati pamilya nito kinukupkop pa? Sa ganyang asal niya, hindi na ako magugulat kung balang araw Novaley na mismo ang magpalit ng apelyido, maging Saison." matigas niyang usal.Tahimik lang si Luna, pero sa isip niya, pareho lamang sila ng iniisip.Sumagot si Luna, "Oo, mukhang ganon na nga." Sa tindi ba naman ng pagmamahal ni Eduardo kay Regina, hindi na siya magugulat kahit ibigay pa nito ang buong Novaley sa babae.Ano pa nga ba ang malaking bagay kung pinapasok rin niya ang pamilya Salvador sa Novaley? Ramdam ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status