Hindi tumingin si Eduardo kay Luna. Marahan niyang hinaplos ang ilong ni Aria at mahinahong sinabi:"Busy si Daddy ngayon, kaya sumunod ka na lang kay Mommy at magpakabait ka, ha?" aniya."Okay." ani Aria na may pag-aatubili, sabay sulyap kay Luna mula sa gilid ng mata.Pagkalapit niya kay Luna, tahimik niyang iniabot ang kamay niya, hudyat na gusto niyang hawakan siya ng kanyang ina. Ito ay maituturing na unang hakbang para makipag-ayos sa kanya.Hinawakan ni Luna ang kamay ng anak, binati ang mayordoma, at saka sila lumabas.Pagdating nila sa bahay ng mga Santos, naroon na si Ginang Monteverde.Pagkakita ni Ginang Monteverde na sina Luna at Aria lamang ang dumating at wala si Eduardo, agad siyang napakunot-noo:"Nasaan si Eduardo? Abala na naman ba siya?" matigas na tanong nito.Maikli lamang ang sagot ni Luna: "Oo."Galit na dinampot ni Ginang ang kaniyang telepono upang tawagan si Eduardo.Samantala, si Ginang Santos na alam na ang tungkol sa nalalapit na paghihiwalay nina Luna at
Napansin ni Ricardo na ayaw talagang makipag-ugnayan ni Luna sa kanya, mula paman noon, ramdam na niya ang malinaw na hangganang inilalayo nito sa kanya.At alam niyang may dahilan.Kaya imbes na pilitin pa, pinili na lamang niyang manahimik.Sa pagbalik ni Ricardo, gabi na. Sa daan pa lang ay ilang tawag na ang natanggap niya.Samantala, si Luna ay tahimik na naggugol ng oras sa paggawa ng mga paruparo gamit ang tuyong damo. Naka-ilan na siya at tuwang-tuwa si Samantha sa mga ito. Isa-isa niyang inilagay sa kanyang bulsa, parang mga kayamanang ayaw niyang mawala.Habang pinagmamasdan ni Luna ang inosenteng mukha ni Samantha, unti-unting naglaho ang ngiti sa kanyang labi.Minsan na ring ganoon ang anak niyang si Aria, masigla, masunurin, at palaging kumakampi sa kanya sa lahat ng bagay.Ngunit matagal na iyong bahagi ng nakaraan.Pagsapit ng gabi, nagpilit si Samantha na matulog kasama si Luna. Napatingin si Ricardo sa kanya wari'y humihingi ng pahintulot kung papayag siya.Tumango na
Abala ang mga tauhan ni Ricardo sa pagtatayo ng mga tent at paghahanda ng ihawan para sa barbecue.Kamakailan ay sunod-sunod ang pag-ulan ng niyebe, kaya’t binalot ng makapal at puting-puting yelo ang kabundukan.Pagdating ni Luna, agad siyang sinalubong ni Samantha. Masigla nitong hinila ang kanyang kamay at sabik na nagsabing gusto nitong gumawa sila ng snowman nang magkasama.Noon, si Luna ay sanay nang gumawa ng snowman kasama si Aria.Hindi mahirap para sa kanya ang paggawa nito, kaya’t makalipas lamang ang kaunting sandali, nakabuo na sila ni Samantha ng isang maliit na snowman.Dinalhan pa ni Samantha ng espesyal na iskarf ang snowman. Matapos itong mabuo, agad siyang tumakbo para utusan ang mga kasambahay na hanapan siya ng carrots.Lumapit naman si Ricardo kay Luna.Tahimik lamang si Luna nang makita niya ito. Wala siyang sinabi.Marahang lumuhod si Ricardo sa tabi niya at nagsabing, "Nagtrabaho ka na pala Annex?" aniya.Patuloy pa rin si Luna sa paggawa ng snowman at hindi t
Pagkaalis nila sa Novaley at pagpasok palang sa sasakyan, halatang galit pa rin si Jeriko.Naalala niya ang isang bagay kaya agad niyang tinanong si Luna, "Uy, sino nga pala yung babaeng nakasuot ng business suit na nasa likod ni Regina kanina? Parang ang sama ng tingin niya sa’yo. Kilala mo ba siya?" anito."Ah, siya ba? Pinsan iyon ni Regina." malamig na sagot ni Luna.Si Jeriko ay napailing na may halong inis: "Si Eduardo, hindi lang si Regina ang pinapasok sa Novaley, pati pamilya nito kinukupkop pa? Sa ganyang asal niya, hindi na ako magugulat kung balang araw Novaley na mismo ang magpalit ng apelyido, maging Saison." matigas niyang usal.Tahimik lang si Luna, pero sa isip niya, pareho lamang sila ng iniisip.Sumagot si Luna, "Oo, mukhang ganon na nga." Sa tindi ba naman ng pagmamahal ni Eduardo kay Regina, hindi na siya magugulat kahit ibigay pa nito ang buong Novaley sa babae.Ano pa nga ba ang malaking bagay kung pinapasok rin niya ang pamilya Salvador sa Novaley? Ramdam ni
Hindi lamang si Eduardo ang mag-isang pumunta, kundi kasama niya sina Ricardo at Apollo.Nang makarating sila doon, kapwa nagulat ang dalawa nang makita nila si Luna, hindi nila inakalang naroon rin siya.Napatingin sila sa kanya nang may pagtataka.Si Luna naman, walang gaanong ipinakitang emosyon. Sandali lang siyang tumingin sa kanila, pagkatapos ay inilingon na ang paningin.Lumapit si Eduardo sa kanila at magalang na bumati, "Salamat sa inyong pagsisikap." aniya.Sabi naman ni Francisco, "Heneral Eduardo, maaari na po ba tayong magsimula…" “Sandali lang,” sagot ni Eduardo habang inaangat ang kamay upang tingnan ang relo. "May hinihintay pa tayong isa. Aakyat muna ako para silipin. Pakiusap, maghintay muna kayo sandali."Pagkakatapos niyang magsalita, agad din siyang umalis.Wala namang balak si Luna na mag-isip pa tungkol dito.Pero alam niyang ang sinabing hinihintay nang lalaki ay walang iba kundi ang pinakamamahal niyang si Regina.Ibig sabihin, hindi pa sila puwedeng magsimul
Kinabukasan, pagsapit ng tanghali.Agad na nagmaneho si Luna para puntahan ang villa ni Mateo upang sunduin ito.Pagkasakay ni Mateo sa sasakyan, maayos na nagtanong si Luna, "Guro, saan po tayo pupunta?"Ibinigay lamang ni Mateo ang isang address bilang sagot.Makalipas ang kalahating oras, nang makarating sila sa isang restawran ay agad silang inihatid ni Mateo sa isang pribadong silid-kainan.Pagbukas nila ng pinto, dalawang lalaki na nasa gitnang edad na ang naroon na, kapwa may matitinding presensya at karismang kapansin-pansin.Pagkakita palang sa kanilang pagpasok, agad tumayo ang dalawang lalaki. "Andito na sila." bulalas nito.Ipinakilala sila ni Mateo nang may malamig na tono, "Mr. Angelo Muad, Mr. Rain Agudo. Ang estudyante ko si Luna." Ngunit kahit batid ni Luna na ang isa ay may mataas na posisyon sa militar at ang isa naman ay kilalang personalidad sa mundo ng pulitika, nanatili pa rin ang magaan nilang pakikitungo sa kanya.Ngunit nang makita nila ang mahinahong kilos