Pagpasok niya, bahagya lang siyang tinignan ni Eduardo saka muling binalikan ang laptop sa kanyang kandungan, tila walang intensyong makipag-usap.Sa hapag-kainan, umupo ito sa tabi ni Luna. Abala pa rin sa cellphone.Tahimik si Luna sa una, pero maya-maya'y bumulong, bahagyang nakayuko, "May oras ka ba mamaya? May gusto sana akong sabihin." aniya.Hindi man siya tinignan nang lalaki ay narinig naman nito ang sinabi niya. "Okay," maikling sagot nito habang nakatutok pa rin sa cellphone.Bahagyang huminga ng maluwag si Luna. Kahit papaano, pumayag ito.Kanina pa nakikipag-usap ang matandang ginang sa kasambahay kaya hindi nito narinig ang pag-uusap nina Luna at Eduardo. Pero nang mapansin niyang tila may mahalaga silang pinag-uusapan, napangiti ito nang may kasiyahan.Pagtapos ng hapunan, ipinahanda agad ng matandang ginang ang kanyang iniatas, ang pagpapainom ng gamot kay Luna. Inutusan niya ang isa sa mga kasambahay na dalhin ito sa babae.Pagkatapos uminom ng gamot, lumabas si Luna
Sa puntong iyon, napabuntong-hininga si Heneral Francisco at napailing. "Kung iisipin, si Miss Saison... sobrang swerte talaga niya." Hindi pa man nakakareak sina Luna at Jeriko, nagsalita na agad si Francisco na may halong lihim sa tono, "Ah, oo nga pala, dalawang araw nang nag-o-overtime ang team ni Miss Saison nung Sabado at Linggo, pero ni kaunting progreso, wala pa rin daw sa proyekto? Kagabi, mga bandang alas-siyete, bumalik daw sa kumpanya si Mr. Eduardo. Naawa raw kay Miss Saison, kaya siya na mismo ang tumulong buuin ang core ng proyekto. Doon pa lang daw umusad ang trabaho." "Ngayon, ito na ang pinaka-punto," sabay lapit pa ni Francisco at bahagyang ibinaba ang boses."Narinig ko raw, si Mr. Eduardo at si Miss Saison magdamag silang nasa opisina sa itaas kagabi. Hanggang ngayon, hindi pa raw bumababa." dagdag nito.Sa huli, bahagyang tinaas ni Heneral Francisco ang kilay kay Jeriko, may kahulugang ngiti sa mukha.Agad namang naunawaan ni Jeriko ang gustong ipahiwatig nito.
Gayunpaman, unti-unting nawala si Luna sa sarili habang nagbabasa ng libro, kaya hindi na niya namalayan ang tunog ng sasakyan sa labas.Lumabas si Eduardo nang ganoong oras ng gabi. Malamang ay may naging problema sa proyekto ni Regina, kaya't tinulungan niya ito upang ayusin.Samantala, humiga si Aria sa mga hita ni Luna at nagkunwang tampo: "Ayaw akong isama ni Dad."Alam naman ni Luna na hindi talaga siya isasama ni Eduardo. Dahil kapag isinama siya nito, malalaman ng lahat na may asawa na siya, at may anak nang kasinglaki ni Aria.Paanong maisasangkot pa niya si Regina sa kahihiyan?At si Eduardo, paano niya mahahayaang si Regina ang mapulaan? Hindi niya matatanggap na masaktan o masabihan ng masama ang Kabet niya!Hinawi ni Luna si Aria at marahang sinabi, "Hindi pa magaling si Mommy, anak. Umupo ka muna sa iba."Napakunot ang noo ng bata pero tumango rin, "…Sige po."Hindi na nakayanan ni Luna ang antok pagdating ng alas-diyes. Dahil hindi pa siya lubos na magaling, naligo siya
Napahinto sandali si Luna, at bago paman siya makapagsalita, muling nagsalita pa ang binata: "Gusto ko sanang si Kuya ang magturo sa 'kin, pero sabi niya may ginagawa raw siya, kaya pinapunta niya ako sa ’yo para ikaw na raw magturo."Sandaling natahimik muli si Luna, saka walang imik na kinuha ang papel nang binata sa pagsusulit.Nang tignan ito ni Luna. Maganda naman ang mga grado ni Augustin at matibay ang pundasyon niya. Kinuha ni Luna ang dalawa niyang papel ng pagsusulit at matapos suriin, natukoy na niya agad kung ano ang problema."Ate ang galing mo talaga, salamat ha!" masiglang usal ng binata.Pagkatapos niyang maintindihan, umupo si Augustin sa harap ng mesa sa gitna at nagsimulang magsulat nang walang pakialam sa itsura niya.Pagkatapos matapos ang mga tanong sa pisika, inayos niya ang mga libro at panulat niya at nagsabing, "Ayos! Pwede na ulit ako maglaro sa phone!" Ngumiti si Luna at ibinaba ang dyaryong halos patapos na niyang basahin. Medyo gumaan ang pakiramdam niya
Pagkasabi niya niyon, tumalikod agad si Eduardo at bumaba ng hagdan, hindi na hinintay pang magsalita si Luna.Ilang minuto ang lumipas, dumating sina Mr. Nel, ang matandang ginang, si Eduardo, at Aria sa silid.Tiningnan ni Mr. Nel si Luna at sinabi niyang mas bumuti na ang lagay nito, ngunit kailangan pa rin niyang uminom ng gamot. Mahina raw ang katawan at may dinadala sa kalooban, kaya’t madaling dapuan ng sakit kapag nagkakatrangkaso. Kailangan daw niyang palakasin ang kanyang katawan.Tumango si Luna habang nakikinig.Muling nagtanong si Ginang, "Nagugutom ka na ba, Luna?"Dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Luna noong tanghali, nakatulog siya matapos kumain ng kaunting pagkain lamang.Palubog na ang araw, at kahit nararamdaman ni Luna ang gutom, nanatili pa rin siyang walang ganang kumain.Gayunpaman, mahinahong pinakiusapan siya ng matanda na kumain kahit kaunti. Pagkatapos ay iniutos nito kay Eduardo na bumaba sa kusina upang kunin ang pagkaing espesyal na inihanda para kay
Hindi tumingin si Eduardo kay Luna. Marahan niyang hinaplos ang ilong ni Aria at mahinahong sinabi:"Busy si Daddy ngayon, kaya sumunod ka na lang kay Mommy at magpakabait ka, ha?" aniya."Okay." ani Aria na may pag-aatubili, sabay sulyap kay Luna mula sa gilid ng mata.Pagkalapit niya kay Luna, tahimik niyang iniabot ang kamay niya, hudyat na gusto niyang hawakan siya ng kanyang ina. Ito ay maituturing na unang hakbang para makipag-ayos sa kanya.Hinawakan ni Luna ang kamay ng anak, binati ang mayordoma, at saka sila lumabas.Pagdating nila sa bahay ng mga Santos, naroon na si Ginang Monteverde.Pagkakita ni Ginang Monteverde na sina Luna at Aria lamang ang dumating at wala si Eduardo, agad siyang napakunot-noo:"Nasaan si Eduardo? Abala na naman ba siya?" matigas na tanong nito.Maikli lamang ang sagot ni Luna: "Oo."Galit na dinampot ni Ginang ang kaniyang telepono upang tawagan si Eduardo.Samantala, si Ginang Santos na alam na ang tungkol sa nalalapit na paghihiwalay nina Luna at