Share

CHAPTER 13

Penulis: Thousand Reliefs
Bahagyang natigilan si Mandy habang hawak ang wheelchair.

Sa sinabi ni Conrad, ngayon lang niya napagtanto—na mula nang dumating sila sa lumang bahay, wala ni isang katulong ang pumansin sa kanila.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, pinagmasdan niya ang malamig at seryosong mukha ni Conrad. Bigla niyang naramdaman na parang kawawa ito.

Pinagtatawanan siya ng pinsan niyang si Connor dahil sa kanyang kapansanan at walang pakundangang nilapastangan ang kanyang asawa sa harap niya mismo.

Samantalang ang tiyuhin at tiya niya, puro panlalait lang ang ginawa at ni hindi siya tiningnan nang diretso.

At ang kanyang lolo...

Noon, akala ni Mandy ay mahal na mahal ni Lolo Colton ang kanyang apo. Kung hindi, bakit pa ito mag-aalala sa kanyang kasal?

Pero ang lamig ng pakikitungo nito kanina sa bahay ay nagparamdam sa kanya na baka hindi rin naman talaga siya gano’on kamahal ng matanda. Napakagat-labi siya.

Si Conrad, mula pagkabata, nawala na ang kanyang mga pinakamamahal na pamilya. Ang natitira sa kanyang mga kamag-anak, hindi naman mabuti ang pakikitungo sa kanya.

Masakit iyong isipin,  hindi ba?

Bago pa niya namalayan, halos kusa nang umangat ang kanyang kamay at maingat na hinawakan ang malamig na kamay ni Conrad.

Bahagyang gumalaw ang kamay ng lalaki, at agad na bumalik sa huwisyo si Mandy.

Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay, na parang napaso, pero seryoso niyang sinabi sa asawa, “Simula ngayon, ako na ang magiging pamilya mo. Palagi kitang sasamahan.”

Mabilis na lumitaw ang bahagyang pagkalito sa mukha ni Conrad.

Ibinaling niya ang tingin kay Mandy, ang kanyang malalim na mga mata, natatakpan ng sutlang telang nakapiring.

Akala ni Mandy, hindi nito narinig ang sinabi niya.

Kaya inulit niya ito, nang mas seryoso. “Kahit isang araw pa lang tayong kasal, pero gaya ng sabi nila, kung kanino ka ikakasal, doon ka na rin. At hindi ako tulad ng ibang sgamapanghusga. Kahit pa ikaw ang tinaguriang malas, hindi ako takot sa kamatayan. Lagi akong mananatili sa tabi mo.”

Bahagyang napangiti si Conrad na nakatitig sa kanya. “Lumapit ka.”

Sumunod si Mandy, ngunit bigla siyang hinila ni Conrad sa kanyang kandungan.

Ang banayad na hininga ng lalaki ay lumapat sa kanyang leeg, nag-iiwan ng kilabot na nagpapabilis ng pintig ng kanyang puso.

Hinaplos niya ang buhok ni Mandy na nahulog sa kanyang tainga at marahang isinuksok ito sa likod ng kanyang tenga. “Talaga bang hindi ka natatakot?”

Ang buwan ay bahagyang natatakpan ng ulap, nagbibigay ng malamyang liwanag sa kadiliman.

Nasa kandungan ni Conrad si Mandy habang nakaupo ito sa kanyang wheelchair. Hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Sa ilalim ng buwan, ang lalaking may itim na sutlang piring ay may misteryosong aura—mapang-akit at mapanganib sa parehong oras.

Naramdaman ni Mandy ang init sa kanyang mukha. Ang ganitong klaseng gwapo at kaakit-akit na lalaki, simula kahapon ay naging opisyal na niyang asawa.

Siguro, masuwerte na rin siya?

Ang kanyang mukha na namumula sa hiya ay lalong naging kaakit-akit sa ilalim ng buwan.

Muli niyang narinig ang mababang tinig ni Conrad. “Sigurado ka bang hindi ka natatakot mamatay sa piling ko?”

Isang simpleng linya na parang galing sa isang pelikula pero nang sinabi ito ng lalaki, may halong lamig at lungkot na bumalot dito.

Diretsong tumango si Mandy, ang kanyang tingin ay busilak at walang bahid ng alinlangan. “Hindi ako natatakot.”

Tatlong beses nang namatay ang kanyang mga dating fiancée, pero siya—siya ay nakasal sa kanya nang maayos.

Ibig sabihin, malakas ang kanyang kapalaran!

Pinagmasdan siya ni Conrad, ang kanyang malamig na titig ay nakatuon sa inosenteng mata ni Mandy. Napabuntong-hininga siya nang marahan. “You're silly.”

Hindi alam ni Mandy kung isa ba itong insulto o isang biro, at bigla namang may humahangos na lumabas mula sa lumang bahay.

“Conrad!”

Si Connor, na mukhang dugyot at nabugbog ay sumugod sa kanila.

Magulo ang kanyang buhok, gusot ang kanyang mamahaling suit, at may malinaw na marka ng sampal sa kanyang mukha.

Galit na galit niyang sinipa ang wheelchair ni Conrad. “Tahimik ka lang palagi pero pagdating sa mahahalagang bagay, marunong ka rin palang gumamit ng mga panlalansi!?”

“Dapat noon ko pa nahulaan na wala kang magandang balak!”

“Inudyok mo akong mapalaban sa mga tao ng pamilya Lopez at ngayong lumaki na ang gulo, binawi ni Lolo ang kumpanyang kakabigay lang niya sa akin!”

“Putanginang bulag ka! Sinadya mong ipahamak ako! Traydor!”

Malamig na ngumiti si Conrad at binitiwan ang isang mapanuyang tawa. “Kung matagal mo nang alam na wala akong mabuting balak, bakit ka pa rin nagpaloko?”

“Baka naman tanga ka lang talaga at kailangan pang mabugbog bago mo maintindihan na hindi mo dapat hinarap ang pamilya Lopez?”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 50

    Natatakot si Bruno na sabihin sa kanyang inang si Leticia na si Mandy ang dahilan ng pananakit sa kanya. Kitang-kita kung gaano siya kaingat sa kilos at salita. Sa mismong sandali ng kanyang pagtalikod, sinadyang ngumiti si Mandy sa pinsan.Agad namang nanginig ang mga kamay ni Bruno, at natapon pa niya ang hawak niyang mainit na lugaw."Nasaan na ang pera?"Pagkalabas nila ng kwarto, hindi man lang itinago ni Leticia ang kanyang inis kay Mandy. "Bilisan mo, ibigay mo na."Wala nang nagawa si Mandy kundi iabot sa kanya ang sobre na may lamang labindalawang libong piso. "Tita Leticia, siguraduhin mong tutuparin mo ang pangako mo."Napairap si Leticia. "Basta siguraduhin mong palagi kang may dalang pera, hindi ako magsasalita sa lola mo!"Pagkasabi nito, lihim pa niyang sinulyapan si Mandy nang may panunuya.Akalain mo, nakapag-asawa na nga ng mayaman, pero ganito pa rin kung maglabas ng pera—parang ayaw maubusan, naisip ni Leticia.Matapos maibigay ang pera, wala nang dahilan pa si Mand

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 49

    ”Nag-aalala…” Napahikab si Mandy at muntik nang mabanggit ang tungkol kay Leticia, pero bigla siyang natauhan at agad na tinikom ang bibig.Sinabi ng kanyang lohika na hindi niya dapat ipaalam ito kay Conrad. Kung sasabihin niya na iniisip niya ang tungkol sa pera, hindi ba't parang humihingi na rin siya ng tulong sa kanya?Kaya't mabilis siyang ngumiti at idinaan sa biro. “Nag-aalala lang ako sa exam ko sa Physics ngayong araw. Hindi ko kasi talaga forte ang Physics.”Habang sinasabi niya ito, bahagyang nanginig ang kanyang mga pilikmata at halatang hindi niya alam kung saan ibabaling ang kanyang paningin.Bahagyang kumunot ang noo ni Conrad, pero hindi niya siya pinasinungalingan. “Kung talagang nag-aalala ka, bakit hindi ka na lang mag-review nang maayos?”Saglit na nag-isip si Mandy bago tumango. “Pwede ba akong umuwi nang mas gabi matapos ang klase?”“Huwag mo nang papuntahan si Kuya Greg para sunduin ako. Pupunta ako sa library para mag-aral, tapos sasakay na lang ako ng bus pauw

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 48

    "Bukas, dadalhin ko mismo sa ospital ang pera."Muling huminga nang malalim si Mandy. "Tita, ipadala mo na lang sa akin ang address mamaya."Matapos ibaba ang tawag, napasandal siya sa malaking puno sa hardin at malalim na huminga, pilit na pinakakalma ang sarili.Diyos ko, ilang brain cells ba ang namatay sa kanya habang nakikipag-usap kay Leticia? Isa sa pinakamalaking kahinaan niya ay ang hindi niya agad nasusundan ang sitwasyon.Halimbawa, kapag may nakipagtalo sa kanya at pinagsabihan siya ng masasakit na salita, hindi siya kaagad makakahanap ng isasagot. Pero kapag nakaalis na ang taong iyon, saka lang niya marerealisa kung paano siya dapat sumagot o lumaban.Dahil ilang beses na itong nangyari, napagtanto rin niya sa wakas na hindi siya bagay sa pakikipagtalo o pakikipagtagisan ng talino. Kaya mas pinipili na lang niyang umiwas sa gulo kaysa harapin ito.Ang mga salitang binitiwan niya kanina kay Leticia sa tawag ay ilang araw niyang pinag-isipan habang patuloy niyang tinatanggi

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 47

    “Tatlong araw pa lang na-confine si Bruno, paano aabot agad sa ganitong kalaking halaga?”Mula sa kabilang linya, narinig niya ang may halong pang-uuyam na boses ni Leticia. “Bakit hindi aabot ng ganoong halaga? Ang anak kong si Bruno ay napuruhan nang husto…”Hindi pa siya tapos magsalita nang tila napagtanto niyang kahiya-hiya ang usapan, kaya mabilis siyang napalunok at iniba ang paksa. “Basta ang mahalaga, malubha ang natamo niyang pinsala.”Biglang natigil ang boses ni Leticia. “Paano mo nalaman na tatlong araw nang naka-confine si Bruno?”Ang anak niyang si Bruno ay nasangkot sa matinding gulo at halos mawalan ng malay dahil sa bugbog na natamo nito. Halos ikahiya na niya ang nangyari, kaya kahit sa sarili niyang kapatid na si Manuel ay hindi niya ito ipinaalam.Bukod pa roon, nitong mga nagdaang araw ay hindi naman sinasagot ni Mandy ang mga tawag niya, kaya ito ang unang beses na napag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaospital ni Bruno.Kaya paano nagawa ni Mandy na siguruhin n

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 46

    "Kung gusto mong makita si Lola, pumunta ka na lang mag-isa. Huwag mo nang isama ang asawa mo."Dahan-dahang lumubog ang puso ni Mandy sa kawalan. Pinilit niyang ibaba ang kanyang boses. "Naiintindihan ko."Katatapos pa lang niyang ibaba ang tawag kay Tito Manuel nang biglang tumunog muli ang kanyang telepono—si Tita Leticia naman ang tumatawag.Sa loob lamang ng ilang araw, ito na ang ika-animnapung beses na tinawagan siya ni Tita Leticia.Napakalaki ng paaralang pinapasukan ni Mandy kaya hindi siya mahanap ng kanyang tiyahin. Hindi rin nito alam kung saan siya nakatira, kaya ang tanging nagawa nito ay tawagan siya nang paulit-ulit araw-araw.Ibinalik ni Mandy ang cellphone sa mesa at tumitig sa screen. Nakikita niya ang pangalang Tita Leticia na kumikislap sa display at agad siyang nakaramdam ng matinding inis at pagkalito.Matagal siyang hindi kumilos hanggang sa tumigil ang pag-vibrate ng phone, ngunit biglang may pumasok na isang text message.Mula ito kay Tita Leticia.Mandy, ala

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 45

    Abala si Mandy sa kusina sa loob ng isa’t kalahating oras.Matapos ilagay sa hapag ang huling putahe para sa gabing iyon, sinuri niya ang kanyang mga nilutong pagkain at napangiti sa tuwa. Agad siyang tumakbo papunta kay Conrad at masiglang nagtanong, “Tapos na ako! Gusto mo bang kumain na ngayon o mamaya pa?”Narinig ni Conrad ang matamis at malambing na tinig ng babae, kaya’t bahagyang gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi. “Ngayon na.”“P'wede, ihahatid na kita sa hapag-kainan.”Ramdam ang pananabik sa tinig ni Mandy habang itinulak niya ang wheelchair ni Conrad. “Ginawa ko ang pinaka-espesyal kong mga putahe ngayong gabi. Subukan mo kung magugustuhan mo! Sabihin mo lang kung alin ang pinakapaborito mo, at araw-araw kitang ipagluluto ng ganito.”Habang nag-uusap sila, naihatid na niya ito sa hapag-kainan.Matapos ihanda ang lahat, masiglang iniabot ni Mandy ang chopsticks kay Conrad ngunit agad ding napaisip at napatigil. “Ay, nakalimutan ko… hindi mo pala nakikita. Paano kaya… gu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status