Share

CHAPTER 2

Author: Thousand Reliefs
Nagtataka si Mandy sa inasal ng asawa, "Kung lalabas ako, kaya mo bang maligo nang mag-isa?"

Hindi ba't wala siyang makita? Hindi naman sumagot ang lalaki.

Ngunit ang paligid ay lalong naging malamig at tensyonado. Marahil ay napagtanto niyang galit ito kaya kinuha ni Mandy ang scrub at umalis ng may pag-aalinlangan, "Sige, hahayaan muna kita at tawagin mo ako kung may kailangan ka. Tsaka mag-iingat ka rin."

Paglabas mula sa banyo, hindi mapakali si Mandy, patuloy siyang tumitingin sa direksyon ng banyo.

Masyadong madulas sa loob, paano kung madulas siya at mabagok? Paano kung mamalasin at mamatay ito? Kakakasal pa lang niya, ayaw niyang mawalan agad ng asawa.

Habang nababahala si Mandy, tumunog ang kanyang cellphone. Ito ay isang video na ipinadala ng kanyang matalik na kaibigan na si Ronnete na tinatawag niyang Ronnie. Ang title ng video ay 'Learning Materials'. At nagtaka siya kung para saan ito dahil malayo pa naman ang kanyang examination para mag-review.

Binuksan niya nalang ang video at agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang eksena kung saan may isang babae ang nakahiga sa ibabaw ng lalaki. At dahil naka-full volume ang kanyang phone, umalingawngaw ang malaswang tunog sa paligid.

Biglang namula ang mukha ni Mandy, nag-panic siya at sinubukang isara ang video ngunit biglang nag-hang ang kanyang phone, hindi niya mapindot ang screen.

At malas niya pa, biglang bumukas ang pinto ng banyo.

Lumabas si Conrad sa banyo na narinig ang mga hindi kaaya-ayang tunog sa labas.

"Ano bang ginagawa mo?" Seryoso niyang tanong at namumula ang mukha at taenga nito.

Lalo lang nag-panic si Mandy at halos mahulog na ang phone sa kanyang kamay.

Nagmamadali siya at sa huli ay itinago niya ang cellphone sa ilalim ng kumot.

Nabawasan ang tunog ngunit mas lumakas ang ungol ng babae sa video.

"Mandy...." Tawag ni Conrad na nakatingin sa kanyang direksyon.

Agad na nag-isip ng palusot ang babae, "Ah, nanonood ako ng video tungkol sa paghihilod." Pilit niya pang tinatakpan ng kumot ang phone para hindi marinig ang tunog. Pinagpapawisan na rin siya dahil sa kaba.

"T-Tsaka, may lalaki naman na naghihilod sa babae at masyadong malakas ang kanyang paghihilod, kaya sumisigaw ang babae dahil medyo masakit at hindi siya komportable." Pagrarason niya pa.

Napanganga si Conrad, nananatiling blangko ang ekspresyon. Akala siguro ni Mandy na hindi lang siya bulag kundi bingi na rin. Ginagawa siya nitong hangal.

Saglit na natahimik ang paligid at tanging pag-ungol ng babae mula sa video ang patuloy na gumagawa ng ingay. At sinubukan pa rin ni Mandy na ipitin lalo ang phone para mawala ang ingay ngunit ang paraan ng kanyang pagkaka-posisyon ay kakaiba, lalo na't nakasuot lang siya ng panty habang nakapatong sa upuan.

At napalunok ng laway si Conrad habang pinagmamasdan siya sa ilalim ng dilaw na liwanag na tumatama sa kanyang makinis at maputing balat. At nagdulot ito sa kanyang ng kakaibang sensasyon sa dibdib. Huminga siya nang malalim na tiningnan ang asawa.

Tumulo ang pawis sa noo ni Mandy at kahit anong gawin niya ay hindi niya mapipigilan ang paglabas ng tunog pero mabuti nalang ay natapos na rin ang video. Nakahinga siya ng maluwag at pinunasan ang pawis tsaka kinuha ang mainit niyang cellphone.

Napaupo si Conrad sa gilid ng kama at may kaunting ngisi ang sumilay sa sulok ng kanyang labi, "Tapos na ba silang maghilod?"

Napangisi rin si Mandy na napakamot sa leeg, "Oo, tapos na. Talagang masama ang sobrang lakas na paghihilod." Aniya.

Nang hindi na namansin ang lalaki, agad na binuksan ni Mandy ang phone tsaka binura ang video na nakuha at nag-text sa kaibigang si Ronnie.

[Siraulo ka ba?! Gusto mo talaga akong ipahamak, Ronnie!]

Mabilis na sumagot si Ronnie, [Hindi mo ba naaappreciate ang tulong ko?? Hindi ba't sinabi mo na may kapansanan ang asawa mo? Kaya ayan pinadalhan kita ng video kung papaano mag-'cowgirl', ano? May natutunan ka ba?"

Namula ang mukha ni Mandy na mabasa ang reply nito, [Bwiset ka! Mamatay ka na sana!]

Dahil isip ni Mandy na talagang bulag si Conrad, hindi na siya nagtago at wala siyang kaalam-alam na nasa likuran ito na nababasa ng malinaw ang palitan nila ng mensahe ni Ronnie.

[Nung sinubukan kong isara ang video, nag-hang ang phone ko at narinig niya ang lahat!]

[Tinanong niya kung anong ginagawa ko, kaya napilitan akong magsinunggaling!]

[Buti na lang bulag siya! Kung hindi, nakakahiya talaga!]

Patuloy na nagbabasa si Conrad sa kanyang likuran na napanganga.

[HAHAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga, Mandy!]

[Hayop ka talaga, Ronnie!]

[Mahalaga ang unang gabi ng kasal mo. O siya! Hindi na kita iistorbohin pa at ang iyong guwapong bulag na asawa.]

Kumunot ang noo ni Conrad na mabasa ang text na iyon. 'Guwapong bulag na asawa?' Para sa kanya ang sagwang pakinggan.

Matapos huminga nang malalim, inilapag ni Mandy ang cellphone at tiningnan ang asawa, "Magsimula na tayo."

Tinitigan siya ni Conrad at hindi nagsalita. Ang mga kamay ng babae ay nakayukom at nakapatong sa kanyang tagiliran. Nagkakilala pa lang sila ng lalaki sa hindi mababang bente-kwatro oras at kitang-kita niya na hindi siya gusto nito.

Pero nagitla siya nang bigla siyang hilahin nito sa beywang. "Hindi ka ba nagsisisi na magpakasal sa akin?" Seryosong tanong ni Conrad.

Namula lalo ang mukha ni Mandy at napailing, "H-Hindi, asawa kita. Hindi ako nagsisisi."

Ang paraan ng pagtingin ni Conrad sa kanya ay naging malambing at lalong lumalim ang kanyang boses, "Are you not afraid of getting hurt?"

"Umm, h-hindi naman." Napangiwi si Mandy na gustong mag-first move pero hinigpitan ni Conrad ang pagkakahawak sa kanyang pulso, "For this kind of thing, it's better for a man to take initiative."

******

Kinabukasan ng umaga, ang dalawang tagapagsilbi ng pamilya Laurier ay maagang nagising para magluto ng umagahan at inaantok pa silang binuksan ang pintuan ng mansyon.

"Mukhang medyo shunga ang bagong misis ni Sir Conrad, bulag at pilay ang amo no, kaya papaano kaya nila ginawa 'yun kagabi?" Ani ni Cecelia.

"Parang successful naman, narinig ng mga bantay na umuungol ang misis ni Sir. Sabi nila malakas daw ang sigaw niya noong una at kahit raw nagtago ito sa kumot, maririnig pa rin ang pagsigaw nito." Kwento ni Anita.

"Talaga? Mukhang inosente ang misis, pero...hmm alam mo na."

Habang nagtsitsismisan ang dalawa, nagtungo sila sa kusina.

"Good morning!"

Isang babaeng may bilugang mukha at may suot na salamin, tsaka nakasuot pa ng pink na apron ang sumalubong sa kanila. Masigla itong naglalagay ng dalawang mangkok ng lugaw sa mesa, "Ang aga ninyong pumasok ah!"

Biglang naging awkward ang paligid at nagkatinginan ang dalawang tagapagluto.

Nang matiyak na hindi nito narinig ang kanilang usapan, agad nilang kinuha ang mga dala niya, "Madame, ang aga ninyong gumising?"

Ngumiti si Mandy at tiningnan ang orasan, "Hindi naman, alas sais na eh, kailangan ko na ring bumangon." Ang totoo, hindi siya nakatulog nang maayos kagabi at mas huli pa siyang gumising kaysa sa nakasanayang oras.

Nag-panic ang mga tagapagluto dahil baka nagrereklamo ang misis ng amo dahil nahuli sila ng gising. At nang sila'y nagmamadaling maghanda ng pagkain, napansin nilang puno na ng pagkain ang mesa.

May mga nilagang itlog, maliit na ensalada, at ilang fried pie.

Nagulat ang mga tagapagluto, "Madame? Ikaw po ba ang nagluto nito??"

"Yup! Ako ang gumawa!" Ngumiti si Mandy, "Hindi ko alam kung ano ang gusto ng asawa ko, kaya ginawa ko yung mga karaniwang ginagawa ko para sa lola ko."

Kinuha naman niya ang ibang bi-nake na pie mula sa oven at ipinatong ito sa mesa, at parehong namangha ang mga katulong.

"Hindi ko inaasahan na ganito kayo kaaga, kaya hindi ko kayo nasabihan. Kumain nalang muna kayo at magluluto pa ako ng ibang ulam."
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 50

    Natatakot si Bruno na sabihin sa kanyang inang si Leticia na si Mandy ang dahilan ng pananakit sa kanya. Kitang-kita kung gaano siya kaingat sa kilos at salita. Sa mismong sandali ng kanyang pagtalikod, sinadyang ngumiti si Mandy sa pinsan.Agad namang nanginig ang mga kamay ni Bruno, at natapon pa niya ang hawak niyang mainit na lugaw."Nasaan na ang pera?"Pagkalabas nila ng kwarto, hindi man lang itinago ni Leticia ang kanyang inis kay Mandy. "Bilisan mo, ibigay mo na."Wala nang nagawa si Mandy kundi iabot sa kanya ang sobre na may lamang labindalawang libong piso. "Tita Leticia, siguraduhin mong tutuparin mo ang pangako mo."Napairap si Leticia. "Basta siguraduhin mong palagi kang may dalang pera, hindi ako magsasalita sa lola mo!"Pagkasabi nito, lihim pa niyang sinulyapan si Mandy nang may panunuya.Akalain mo, nakapag-asawa na nga ng mayaman, pero ganito pa rin kung maglabas ng pera—parang ayaw maubusan, naisip ni Leticia.Matapos maibigay ang pera, wala nang dahilan pa si Mand

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 49

    ”Nag-aalala…” Napahikab si Mandy at muntik nang mabanggit ang tungkol kay Leticia, pero bigla siyang natauhan at agad na tinikom ang bibig.Sinabi ng kanyang lohika na hindi niya dapat ipaalam ito kay Conrad. Kung sasabihin niya na iniisip niya ang tungkol sa pera, hindi ba't parang humihingi na rin siya ng tulong sa kanya?Kaya't mabilis siyang ngumiti at idinaan sa biro. “Nag-aalala lang ako sa exam ko sa Physics ngayong araw. Hindi ko kasi talaga forte ang Physics.”Habang sinasabi niya ito, bahagyang nanginig ang kanyang mga pilikmata at halatang hindi niya alam kung saan ibabaling ang kanyang paningin.Bahagyang kumunot ang noo ni Conrad, pero hindi niya siya pinasinungalingan. “Kung talagang nag-aalala ka, bakit hindi ka na lang mag-review nang maayos?”Saglit na nag-isip si Mandy bago tumango. “Pwede ba akong umuwi nang mas gabi matapos ang klase?”“Huwag mo nang papuntahan si Kuya Greg para sunduin ako. Pupunta ako sa library para mag-aral, tapos sasakay na lang ako ng bus pauw

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 48

    "Bukas, dadalhin ko mismo sa ospital ang pera."Muling huminga nang malalim si Mandy. "Tita, ipadala mo na lang sa akin ang address mamaya."Matapos ibaba ang tawag, napasandal siya sa malaking puno sa hardin at malalim na huminga, pilit na pinakakalma ang sarili.Diyos ko, ilang brain cells ba ang namatay sa kanya habang nakikipag-usap kay Leticia? Isa sa pinakamalaking kahinaan niya ay ang hindi niya agad nasusundan ang sitwasyon.Halimbawa, kapag may nakipagtalo sa kanya at pinagsabihan siya ng masasakit na salita, hindi siya kaagad makakahanap ng isasagot. Pero kapag nakaalis na ang taong iyon, saka lang niya marerealisa kung paano siya dapat sumagot o lumaban.Dahil ilang beses na itong nangyari, napagtanto rin niya sa wakas na hindi siya bagay sa pakikipagtalo o pakikipagtagisan ng talino. Kaya mas pinipili na lang niyang umiwas sa gulo kaysa harapin ito.Ang mga salitang binitiwan niya kanina kay Leticia sa tawag ay ilang araw niyang pinag-isipan habang patuloy niyang tinatanggi

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 47

    “Tatlong araw pa lang na-confine si Bruno, paano aabot agad sa ganitong kalaking halaga?”Mula sa kabilang linya, narinig niya ang may halong pang-uuyam na boses ni Leticia. “Bakit hindi aabot ng ganoong halaga? Ang anak kong si Bruno ay napuruhan nang husto…”Hindi pa siya tapos magsalita nang tila napagtanto niyang kahiya-hiya ang usapan, kaya mabilis siyang napalunok at iniba ang paksa. “Basta ang mahalaga, malubha ang natamo niyang pinsala.”Biglang natigil ang boses ni Leticia. “Paano mo nalaman na tatlong araw nang naka-confine si Bruno?”Ang anak niyang si Bruno ay nasangkot sa matinding gulo at halos mawalan ng malay dahil sa bugbog na natamo nito. Halos ikahiya na niya ang nangyari, kaya kahit sa sarili niyang kapatid na si Manuel ay hindi niya ito ipinaalam.Bukod pa roon, nitong mga nagdaang araw ay hindi naman sinasagot ni Mandy ang mga tawag niya, kaya ito ang unang beses na napag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaospital ni Bruno.Kaya paano nagawa ni Mandy na siguruhin n

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 46

    "Kung gusto mong makita si Lola, pumunta ka na lang mag-isa. Huwag mo nang isama ang asawa mo."Dahan-dahang lumubog ang puso ni Mandy sa kawalan. Pinilit niyang ibaba ang kanyang boses. "Naiintindihan ko."Katatapos pa lang niyang ibaba ang tawag kay Tito Manuel nang biglang tumunog muli ang kanyang telepono—si Tita Leticia naman ang tumatawag.Sa loob lamang ng ilang araw, ito na ang ika-animnapung beses na tinawagan siya ni Tita Leticia.Napakalaki ng paaralang pinapasukan ni Mandy kaya hindi siya mahanap ng kanyang tiyahin. Hindi rin nito alam kung saan siya nakatira, kaya ang tanging nagawa nito ay tawagan siya nang paulit-ulit araw-araw.Ibinalik ni Mandy ang cellphone sa mesa at tumitig sa screen. Nakikita niya ang pangalang Tita Leticia na kumikislap sa display at agad siyang nakaramdam ng matinding inis at pagkalito.Matagal siyang hindi kumilos hanggang sa tumigil ang pag-vibrate ng phone, ngunit biglang may pumasok na isang text message.Mula ito kay Tita Leticia.Mandy, ala

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 45

    Abala si Mandy sa kusina sa loob ng isa’t kalahating oras.Matapos ilagay sa hapag ang huling putahe para sa gabing iyon, sinuri niya ang kanyang mga nilutong pagkain at napangiti sa tuwa. Agad siyang tumakbo papunta kay Conrad at masiglang nagtanong, “Tapos na ako! Gusto mo bang kumain na ngayon o mamaya pa?”Narinig ni Conrad ang matamis at malambing na tinig ng babae, kaya’t bahagyang gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi. “Ngayon na.”“P'wede, ihahatid na kita sa hapag-kainan.”Ramdam ang pananabik sa tinig ni Mandy habang itinulak niya ang wheelchair ni Conrad. “Ginawa ko ang pinaka-espesyal kong mga putahe ngayong gabi. Subukan mo kung magugustuhan mo! Sabihin mo lang kung alin ang pinakapaborito mo, at araw-araw kitang ipagluluto ng ganito.”Habang nag-uusap sila, naihatid na niya ito sa hapag-kainan.Matapos ihanda ang lahat, masiglang iniabot ni Mandy ang chopsticks kay Conrad ngunit agad ding napaisip at napatigil. “Ay, nakalimutan ko… hindi mo pala nakikita. Paano kaya… gu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status