Share

CHAPTER 3

Author: Thousand Reliefs
Pagkatapos magsalita ni Mandy, tumalikod na siya papunta sa kusina, ngunit agad siyang pinigilan ng dalawang katulong. "Madame, huwag na po, kami na ang bahala rito." Sabi ni Cecilia.

Sila ay binabayaran para maghanda ng almusal araw-araw sa bahay ng kanilang amo. Kung gagawin ni Mandy ang lahat, baka mawalan sila ng trabaho kapag nalaman ito ni Conrad.

"Madame," may bahid ng pagkainis sa boses ng isang katulong, "ako at si Anita ang responsable sa almusal dito. Baguhan ka pa lang dito at hindi mo pa alam ang mga gawi ng amo sa pagkain, kaya mas mabuti na huwag ka na lang makialam sa trabaho namin."

Agad na sumang-ayon ang isa pang katulong, "Tama si Cecelia, Madame. Huwag na lang po kayong magluto sa kusina."

"Hindi kumakain ng ganitong klaseng almusal si Sir," dagdag pa ni Cecilia na may paghamak sa mga simpleng pagkain na inihanda ni Mandy sa hapag. "Ang mga taong katulad ni Conrad ay sanay sa hamon, keso, at sandwich. Ang mga lugaw at atsara na inihanda mo, hindi ba masyadong pangkaraniwan?"

Namula ang mukha ni Mandy sa pagkabigla at unti-unting napalitan ng lungkot. Ibinaba niya ang kanyang ulo at mahinang sumagot, "Hmm, ganoon ba. May punto naman kayo."

Napagtanto niyang mahilig sa magarbong bagay ang mga mayayamang tao. Noong nasa paaralan pa siya, kahit ang mga kaklase niyang medyo may kaya sa buhay ay hindi kumakain ng simpleng lugaw at atsara sa canteen, paano pa kaya ang isang taong katulad ni Conrad Laurier.

Nalito tuloy siya kung papaano pagsisibilhan ang asawa.

Pagkatapos ng ilang sandali, nagawa niyang ayusin ang kanyang nararamdaman at tumingala na may ngiti sa mga labi. "Sige, itatapon ko na lang ito." Mahina niyang sabi.

Nagulat si Anita sa kanyang sinabi. Pati na rin si Cecelia na naging strikta sa pakikitungo sa kanya pero hindi man lang ito nagalit sa kanila, kusa pang nag-alok na itapon ang mga niluto niyang pagkain.

Nang makita ang mga pagkaing mainit-init pa sa hapag, hindi nakatiis si Anita at agad na sumugod para pigilan si Mandy. "Madame, sayang naman kung itatapon mo ang mga ito. Ibigay mo nalang po sa amin at huwag na po kayong magluto sa susunod ah."

Nagdalawang-isip si Mandy bago sumagot, "Sure, walang problema."

"Aakyat na ako," dagdag niya pa bago umalis.

Sa paglayo niya sa kusina, amoy-amoy niya sa kanyang ilong na hindi siya gusto ng mga tao. Na parang hindi siya welcome sa pamamahay ng asawa.

******

Sa loob ng kanilang kwarto, mahimbing na natutulog ang kanyang gwapong asawa sa kama. Sumandal si Mandy sa tabi ng kama at tinitigan ang magandang hugis at hulma ng mukha nito.

"Ang arte ninyong mga taga-siyudad." Bulong niya. "Tsk, almusal pa lang, hamon at sandwich agad. Ang taray niyo ah, hindi ko pa nga nasusubukan ang sandwich pero gusto ko ring matikman iyon."

Bago siya ikasal, paulit-ulit siyang pinagbilinan ng kanyang tiyahin na bilang isang babae, kailangan niyang maging mabuti sa kama o sa kusina para maging masaya at matagal ang kanilang pagsasama.

Ngunit sa nangyari kagabi at sa nangyari ngayon sa kusina, lalo siyang nalungkot. Bagong kasal lang siya, ayaw niyang maging malungkot ang kanilang buhay.

Kagabi, hinalikan lang siya ni Conrad nang sandali at hindi na nagpatuloy. Iniisip niya na baka hindi maganda ang pakiramdam nito, kaya hindi nito tinuloy ang gagawin. Ang mahalaga magaling naman siyang magluto, kaya iyon nalang ang pinanghahawakan niya.

Ngunit ngayon, hindi rin pala gusto nito ang kanyang pagluluto. At naisip niya na baka kailangan niyang mag-focus nalang sa anong gagawin niya sa kama?

"Hoy," bulong niya habang nakatingin sa matangos na ilong ng lalaki. "Kung hindi ka gigising, hahalikan na kita."

Kumibot ang mahahabang pilik-mata ni Conrad, ngunit hindi pa rin ito nagmulat. Habang nakatingin sa gwapo at misteryosong mukha ng lalaki, bumilis ang tibok ng puso ni Mandy.

Ilang beses siyang sumubok na humalik, ngunit sa huli ay sumuko na lang siya. Bumalik siya sa dati niyang puwesto na parang lobong nawalan ng hangin.

Hindi niya nalang pinansin ang sinabi ng kanyang tiyahin, inisip niya na baka hindi naman kailangang magtalik sila para maging masaya. Ngunit may bahagyang kirot pa rin sa kanyang puso.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumawag ang kanyang tiyahin na si Lilianne. Dali-daling pumasok si Mandy sa banyo para sagutin ang tawag.

"Mandy, maayos ba ang lahat kagabi?" diretsong tanong ni Lilianne sa kabilang linya.

Nakabukas nang bahagya ang pinto ng banyo, kaya malinaw na naririnig ang boses ng tiyahin at ang malinaw na boses ni Mandy. "Umm, hindi masyadong maayos."

"Hindi maayos? Hindi ba kayo nagtalik?"

"Hindi po."

"Mandy, tandaan mo ang posisyon mo ngayon. Ikaw ay asawa na ng pamilya Laurier. Ang pangunahing tungkulin mo ay magbigay ng anak para sa kanila." Mahinahong sabi ni Lilianne. "Huwag mong kalimutan na nangako ka na magkakaroon kayo ng anak ni Conrad sa loob ng dalawang taon."

Mahigpit na hinawakan ni Mandy ang kanyang phone. "Huwag kayong mag-alala, Tita Lily. Hindi ko po makakalimutan. At salamat po sa paalala."

Unang beses pa lang niya kasi ikakasal kaya wala pa siyang karanasan.

"Gagawin ko ang lahat para magkaroon siya ng anak."

Nang marinig ang kanyang determinasyon, huminga nang malalim si Lilianne. "At huwag mong tawaging 'siya' lang. Kasal na kayo ni Conrad, dapat 'asawa' na ang tawag mo sa kanya!"

Namula ang mukha ni Mandy. "Opo…"

Bigla namang may kumalabog sa kwarto.

Akala ni Mandy ay may katulong na pumasok, kaya agad niyang pinutol ang tawag para hindi maistorbo ang pagtulog ni Conrad. Ngunit nang lumabas siya, walang tao sa kwarto. Parehong wala na si Conrad at ang kanyang wheelchair.

Dali-daling lumabas si Mandy at nagtungo sa dining room. Agad niyang nakita sa ibaba na nakaupo ang asawa at tila walang kaselasan na kumakain ng kanyang almusal. Nakatali pa rin ang itim na piring sa kanyang mga mata, na nagbibigay sa kanya ng mas misteryosong awra.

"Madame, halika't kumain na ng umagahan!" Tawag sa kanya ni Cecelia. "Subukan ninyo ang aking luto, baka magustuhan ninyo."

Medyo nagitla si Mandy sa biglang pag-iiba ng ugali ni Cecelia na malayo sa ipinakita nito kanina. Sumunod naman siya at naupo sa hapag. Nakalatag sa mesa ang hamon, keso, at sandwich na hindi pa niya nasusubukan.

Dahil sa nangyari kanina, hindi niya kayang kainin ang mga pagkaing hindi niya gusto. Bigla niyang naalala na may natira siyang maliit na piraso ng ensalada sa ref. Kung ayaw ito ni Conrad, pwede namang siya na ang kumain nito.

Kaya tumayo siya at dali-daling pumunta sa kusina para kunin ang ensalada at kinain ito nang masaya.

"Ano ang kinakain mo?" tanong ni Conrad mula sa kabilang dulo ng hapag.

Sumimangot si Mandy. "Hindi mo ito magugustuhan."

Ngumiti ang lalaki. "Paano mo nalaman na hindi ko gusto?"

Ngumuso siyang itinuro ang katulong. "Sabi ni Ate Cecelia."

Mula sa malayo, naramdaman ni Cecelia ang lamig na bumuhos sa kanyang katawan.

Dahan-dahang ininom ni Conrad ng kanyang gatas, "Sabi niya na hindi ko gusto?"

"Oo." Deretsahan pang sagot ni Mandy.

May bahid ng pagtataka sa boses ni Conrad. "At bakit mayroong pagkain sa ref na hindi ko gusto?"

Napayuko si Mandy, "Umm, ako kasi ang naglagay. Hindi ko po kasi alam ang mga gusto mo, kaya ginawa ko lang ang karaniwan naming kinakain sa bukid."

"Gano’on ba?" Dahan-dahang ibinaba ni Conrad ang baso ng gatas.

Ang tunog ng salamin sa hapag ay tila nagdulot ng pangamba, at halos napayuko na si Cecelia sa takot.

"Actually, hindi ko rin alam kung ayaw ko ba sa mga niluto mo." Malamig na sabi ni Conrad. At bago magsalita si Mandy, nasurpresa siya nang kumuha ang lalaki ng ensalada sa mesa.

Tiningnan muna ni Conrad ang ensalada bago ito kinain. Ito ay isang bagong panlasa para sa kanyang dila, medyo maasim, na matamis, at may kaunting anghang.

"Magaling ka palang magluto," sabi niya habang dahan-dahang ibinaba ang kanyang kutsara. "At papaano mo nasabi Cecelia na ayaw ko sa mga ganitong pagkain?"

Dahil sa ginawa ni Cecelia, nagalit tuloy ang kanyang asawa. Naalala niya na umakyat ito kaninang umaga matapos niyang paalisin sa kusina.

Nanginginig na nagsalita si Cecelia, "S-Sir..."

Patuloy na nagsalita Conrad. "Hindi mo siguro kailangang magpaliwanag sa isang bulag na tulad ko, tama ba?"
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 100

    Talaga namang siya ang nasa profile sheet. Pero hindi siya ang Suarez na presidente ng kumpanya!Sa likod niya, nagbabantay pa rin ang guro.Kaya si Mandy ay napilitan nang tingnan si Assistant Brooke at ang mga naka-itim na lalaki sa likod niya. “Sinasabi n’yo ba na ako ang Boss ng Suarez Group?”“Tama po,” sagot ni Brooke.“Eh… makikinig ba kayo sa mga sasabihin ko?”“Opo, makikinig po kami,” sagot niya nang sabay-sabay ang grupo.Hinarap ni Mandy ang masakit niyang noo at hinaplos ito. “Sige, sige, lakad na tayo, palabas.”Kaya muling nag-ayos ang mga naka-itim at sumunod kay Mandy at kay Brooke, dahan-dahan na humakbang.Naglakad si Mandy kasama ang buong grupo sa loob ng campus, at hindi maalis sa mga mata ng mga tao. Talaga ngang parang isang lider na nag-iinspeksyon.Naglakas loob siyang patnubayan ang grupo sa maliit na hardin sa likod ng paaralan. Sigurado na wala nang ibang tao sa paligid, huminga siya ng malalim at umupo sa isang bato.Harap niya, isang hanay ng matataas at

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 99

    Halos mahulog si Mandy sa kinauupuan sa sorabng pagtawa. “Ronnie, huwag mo akong patawanin.”“Kung totoo nga ‘yan, ang saya siguro, pero… imposible ‘yan.”Paano naman? Ang pamilya ni Wendy ay isa sa mga malalaking kumpanya na madalas sa telebisyon. Paano posible na dahil lang sa away nina Wendy at Mandy, maaapektuhan ang buong kumpanya?Alam naman ni Ronnie na hindi ito mangyayari, pero napilipit pa rin siya ng labi. “Pero dapat may pangarap, di ba? Baka sakaling matupad.”Ngumiti si Mandy, kinuha ang makapal na notes mula sa kanyang bag at sinimulang aralin. “Wala pa akong malaking pangarap ngayon. Ang gusto ko lang, makakuha ng mataas na marka sa midterm exam sa calculus mamaya.”“Aba!”Ibinaba ni Ronnie ang kanyang tasa ng kape. Nakalimutan niya, may midterm pala sa calculus ngayong araw!“Mandy, pahiram nga ng notes mo. Gagawa lang ako ng konting pandaraya,” sabi niya.Napalingon si Mandy at naka-krus ang mga braso. “Hindi pwede!”Kinuha niya ang calculus textbook. “Bibigyan nalang

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 98

    Habang iniisip niya ito, lalo pang tumitibok ang puso ni Mandy sa tuwa. Hinayaan siya ni Conrad na yakapin siya. Isang pusong matagal nang natabunan ng lamig ang unti-unting napainit at napalambot ng init ng kanyang damdamin.Matapos ang ilang sandali, pinakawalan siya ni Conrad. “Gusto mo pa bang kumain ng steak?”Kung tama ang pagkakaalala niya, bukod sa kaunting natirang cake kanina, wala pa talagang nakain si Mandy ngayong gabi.Namula ang mukha niya. “Sige, kumain na tayo kahit kaunti lang.”Tunay ngang gutom na siya. Tumayo si Conrad at dahan-dahang lumapit sa mesa, dinala ang hiniwang steak na inihanda niya.Nang handa na sanang kunin ni Mandy ang plato, kinuha ni Conrad ang tinidor at inihain ang isang piraso ng steak sa kanyang bibig. “Buksan mo ang bibig mo.”Nagulat si Mandy at hindi makapaniwala. Pinapakain ba siya ng asawa?“Hindi… kaya ko naman mag-isa,” mahinang sabi niya.Ngunit mariing sumagot si Conrad, “Buksan mo.”Sumunod si Mandy at mabining binuksan ang b

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 97

    Nang makita ni Conrad ang nalulungkot na mukha ni Mandy, diretso niya itong inakay at pinatong sa sofa.Mabilis na pinindot ng lalaki ang switch ng wall lamp, hinanap ang first aid kit, at bumalik sa tabi niya.Nanlaki ang mga mata ni Mandy sa pagkabigla habang pinagmamasdan si Conrad.Hindi ba siya bulag? Bakit niya pinailaw ang ilaw?Paano niya nalaman kung nasaan ang switch?Bakit… kaya niyang maglakad nang hindi naguguluhan at eksaktong mahanap ang first aid kit?Habang nalilito siya sa pag-iisip, nakabalik na si Conrad sa kanyang tabi.Kumakalam na ang kanyang kamay na may dugo, dahan-dahang pinipisil ng lalaki ang kamay ni Mandy habang nililinis ang dugo gamit ang cotton swab. Kasabay nito, may bahagyang tono ng pagsaway sa kanyang boses, “Paano mo nagawa na maghiwa ng kamay mo?”Dati, madalas itong magluto. Bihasa itong maghiwa kaya bakit niya nasaktan ang sarili?Napakagat ng mga labi ni Mandy at bahagyang nahihiya, “Pinikit ko lang ang mga mata ko kanina…” Napahinto si Conrad

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 96

    Nang makita niyang handa na si Conrad ihipan ang kandila, hindi nakalimot si Mandy na muli siyang paalalahanan, “Huwag kalimutang humiling ng wish!”Noon, kapag kaarawan ng kanyang lola, lagi siyang ganitong masigasig na nagpapaalala.Ang mahigpit na nakapikit na mga labi ni Conrad ay unti-unting ngumiti.Naglaho ang liwanag ng kandila sa cake.Habang inaalis ni Mandy ang mga natirang kandila at hinihiwa ang cake, tanong niya, “Nakagawa ka na ba ng wish?”Tahimik siyang tinitingnan ni Conrad. “Siguro, oo.”Sa likod ng itim na panyo sa kanyang mata, hindi alam ni Mandy na tinitingnan siya ni Conrad.Nakatalikod siya habang hinihiwa ang cake.“Ang wish ko… sana maging mas matalino ka sa hinaharap.”Mababa at kalmado ang boses ni Conrad.Tumigil sandali si Mandy, at medyo napaluha sa sarili. Hinila niya ang isang piraso ng cake gamit ang tinidor at dahan-dahang inilapit sa bibig ni Conrad. “Kapag sinabi mo ang wish, hindi na ito matutupad.”Ngumiti si Conrad ng bahagya habang kinakain ang

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 95

    Walang ilaw sa dining room, tanging ang mga kandila lang ang nagbigay ng mahinang liwanag.Hindi sinasadyang hinawakan ni Mandy ang laylayan ng kanyang lace na damit, at medyo nanginginig ang boses niya, pero ramdam pa rin ang kanyang karaniwang determinasyon at tapang, “Alam ko na dati hindi ka nagdiriwang ng kaarawan.”“Pero…”Huminga siya ng malalim, itinaas ang tingin kay Conrad, at pinilit ngiti na sa tingin niya ay matamis, “Asawa, dahil kasama mo na ako.”Ang kanyang malalalim na itim na mata ay kumikislap sa liwanag ng kandila. Tinitingnan niya siya nang seryoso, “Mula ngayon, bawat taon, ipagdiriwang ko ang kaarawan mo, para ipagdiwang ang pagtanda mo bawat taon.”Hindi maikakaila, nang makita niya ang ngiti ni Mandy na parang bulaklak, bahagyang nawala ang lamig sa puso niya. At ang mga susunod na salita niya ay parang isang lambing na tela na bumalot sa kanyang puso nang buo.Sa ilalim ng itim na panyo, nagningning ang tingin ng lalaki, “Pero ayokong magdiwang ng kaarawan.”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status