Share

Chapter 3

Author: Azrael
last update Last Updated: 2024-11-08 15:29:35

“What?!” Dumilim ang mukha ni Alec at agad na tumungo sa banyo kung saan niya iniwan si Irina kanina.

Nang makapasok siya roon ay walang tao sa loob, maliban sa mga linyang nakasulat sa pader gamit ang dugo-pulang tinta.

Mr. Beaufort, bagaman magkalayo ang ating mundo, wala akong balak na magpakasal sa’yo at hiling ko na hindi na kita muling makita!

Ang mga salita ay matalas, matindi—isang malinaw na pahayag ng pagtutol. Nakikita pa niya ang mga mata ni Irina sa kanyang isip habang binibigkas ang mga katagang nakasulat sa pader.

Natigilan si Alec. Nagkamali ba siya sa pagkakakilala sa babae? Hindi nga ba siya nito nais pakasalan gaya ng kanyang inaasahang dahilan kung bakit nakipaglapit ito sa kanyang ina?

Makalipas ang ilang saglit, binalingan niya ang mga kasambahay na naroon at ang mga butler.

“Hanapin siya sa kakahuyan!” Maawtoridad at mariin niyang utos sa lahat.

Hindi niya kayang balewalain ang huling hiling ng kanyang ina.

Samantala, nagpupumilit si Irina pababa sa masungit na gilid ng bundok, ang mga damit niya’y nadadampian ng mga tinik at baging, na siyang nagiging suporta sa bawat hakbang niya. Nagkubli siya sa ilalim ng makakapal na halaman habang abala sa paghahanap ang mga tauhan ni Alec sa itaas.

Nang sumapit ang gabi, umikot si Irina patungo sa kabilang panig ng bundok at sa wakas ay narating ang kanyang destinasyon sa pagtilaok ng umaga—ang tirahan ni Miss Jin.

Natigilan sina Cassandra at ang kanyang asawa na si Nicholas Jin, nang makita si Irina.

“P-Paano… paano ka nakalabas ng kulungan?” tanong ni Nicholas. Bakas ang kaguluhan at konsensya sa kanyang ekspresyon habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Irina.

Ngumisi si Irina, “Ms. Jin, nakalaya na ako.”

“Hindi ka dapat narito!” tugon ni Cassandra, iritadong bumaling sa kanya at halos itulak siya nito palayo. “Marumi kang babae! Lumayas ka at huwag na huwag ka nang babalik pa rito!”

Hindi iyon pinansin ni Irina at mas pinatigas pa ang kanyang ekspresyon. Batid niya ang takot ng mag-asawa nang sandaling makita siya nito dahil sa katotohanang ikinukubli ng mga ito tungkol sa totoong nangyari sa kanya.

“Uncle, Auntie, ang pamilya niyo ang pinaka nakakaalam kung bakit ako napadpad sa kulungan, hindi ba? Apat na araw lang ang nakalipas, bumisita ka sa akin at sinabi mong kung papayag akong makipagkita sa isang lalaki sa address na binigay mo, bibigyan mo ako ng pera para mailigtas ang buhay ng aking ina. Ginawa ko ang hiling mo, pero namatay pa rin ang aking ina,” mariin at puno ng poot na pahayag ni Irina.

Hindi niya kayang kalimutan ang pagtatraydor na ginawa ng mga ito sa kanya.

“Wala kaming pakialam sa nangyari sa nanay mo, Irina! Ang kapalaran ay kapalaran! Tinulungan na kita, pero ikaw ang higit na nakakaalam na malubha na ang lagay ng nanay mo. Bakit ako pa ang sinisisi mo?”

Mas tumalim ang tingin na ipinukol ni Irina sa mag asawa. Kinuyom niya ang mga kamao upang pigilan ang galit na halos pumutok mula sa kanya. Hindi pa niya kayang patunayan na ang mag asawa ang may kagagawan sa kamatayan ng kanyang ina, kaya’t nagtimpi siya. Hindi niya maaaring pagbintangan ang mga ito nang walang sapat na ebidensya, ngunit malakas ang kutob niya na may ginawa ang mga ito.

“Saan siya inilibing?” tanong niya, nagpupuyos ang kanyang kalooban.

Agad na nag iwas ng tingin si Cassandra sa kanya.

“Natural! Sa libingan ng mga taga-baryo niyo! Walong taon ko kayong sinuportahan. Gusto mo bang gastusan ko pa ang magarang libingan ng walang kwenta mong nanay? Walang utang na loob—umalis ka na rito kung ayaw mong ipahuli kita sa pulis!” Bulyaw sa kaniya nito at nagmadaling pumasok sa loob kasama ang kanyang asawa.

Bago pa man nito isara ang pintuan ay tumama sa kanyang mukha ang isang lukot na papel.

“O ayan! Sapat na ‘yan sa’yo para sa gabing ‘yon!”

Agad na dumako ang tingin ni Irina sa papel na nasa lupa. Tinitigan niya iyonnang may pait at kirot ang nadarama sa dibdib habang bumabalik sa alaala ang gabing iyon.

Mapait na ngumiti siya at taas-noong tiningnan ang mag-asawa.

“Kung may magbabayad man sa akin, hindi ba’t dapat ang lalaking gumamit sa akin nang gabing iyon? Pero nalaman kong patay na siya, kaya i*****k niyo na lamang sa mga baga niyo ang perang ‘to. Hindi ako binebenta. Pumayag lang akong tulungan kayo para mailigtas ang aking ina at bilang kabayaran sa mga taon ng pag-aaruga niyo. Simula ngayon, tabla na tayo,” deklara ni Irina nang may tapang.

Sapat na ang walong taong nakadikit sa pakpak ng pamilya Jin ang buhay ng kanilang ina na puno ng pangungutya. Balang araw, babalik siya—upang ipaghiganti ang kanyang ina.

Habang lumalakad palayo si Irina, suot ang gulagulanit na kasuotan, ngunit matatag pa rin ang anyo, nakaramdam si Nicholas ng bahagyang pagsisisi. Agad na napansin iyon ni Cassandra na tinawanan lamang siya.

“Naaawa ka sa kanya at sa nanay niya, ano? Baka nakakalimutan mo, Nicholas, siya ang dahilan kung bakit namatay ang anak natin! Habang ang lahat ay nagdiriwang nang ipanganak siya, tayo nagluluksa nang isilang ko ang anak natin nang wala nang buhay!” Bulyaw nito sa kanya nang puno ng poot at sakit.

Agad na pinilig ni Nicholas ang kanyang ulo at iniwas na ang tingin kay Irina na tuluyan nang lumayo sa kanila.

“Hindi sa gano’n, Cassandra. Nag aalala lang ako. Ngayong nakalabas na siya, paano kung malaman niya na buhay pa ang lalaking nakasiping niya nang gabing iyon at ito na ngayon ang namamahala sa lahat ng ari-arian ng mga Beaufort? Malalagay tayo sa peligro,” payak na sinabi niya sa nanggagalaiting si Cassandra.

“Stop worrying about that, Nicholas. Alam mong hindi ‘yan mangyayari. Hindi malalaman ni Irina kung sino ang lalaking nakasiping niya nang gabing iyon. Ang mahalaga ngayon ay matuloy ang kasal ng anak nating si Zoey sa ikaapat na anak ni Don Alexander. Sa oras na magkaroon sila ng anak ay wala na tayong dapat ipag-alala pa,” kontra kaagad ni Cassandra at ngumisi pa ito na para bang alam na alam niyang papanig sa kanila ang tadhana.

Napabuntong-hininga si Nicholas, “Pero mataas ang pamantayan ng pamilya Beaufort. Baka tingnan lang nila si Zoey bilang ampon.”

Nagmartsa si Cassandra patungo sa sala ng kanilang bahay at naupo sa sofa. Nagsalin siya ng alak sa basong nasa side table at dahan-dahang sinimsim iyon.

“Minsan nang itinakwil ang ikaapat na anak ni Don Alexander, pero hawak na niya ngayon ang buong Beaufort Group. Kapag naniwala siyang si Zoey ang babaeng nagsakripisyo ng kanyang dangal upang iligtas siya, wala nang makakapigil sa kasal nila. Si Zoey ang magiging pinakakinaiinggitang babae sa bansang ito, Nicholas.”

Bahagyang bumalik ang kapanatagan ni Nicholas at tumango na lamang sa tinuran ng kanyang asawa.

Sa puntong ito, ilang daang yarda na ang nalakad ni Irina nang biglang humarang sa kanya ang isang maliwanag na pulang sports car. Agad na bumaba mula sa sasakyan si Zoey, naririnig ang bawat yabag ng mataas na heels nito sa lupa. Pinasadahan siya ng tingin nito. Bakas na bakas ang labis na panghuhusga at pandidiri sa mga mata nito.

“Well, well, well. Look who’s here. Irina, ‘yan na ba ang naging resulta matapos niyong manlimos sa amin ng nanay niyo nang walong taon? Tuluyan ka nang naging pulubi ngayon? Ilang lalaki na kaya ang gumamit sa’yo mula nang huli kang maligo? Ang baho mo; nagmamalimos ka ba ulit? Kung ibinebenta mo na rin lang ang sarili mo, magpakita ka naman ng kaunting kahihiyan—”

Bago pa matapos ni Zoey ang kanyang sasabihin ay mabilis na pinalipad ni Irina ang kanyang palad sa makapal nitong pagmumukha. Napasinghap si Zoey sa labis na gulat. Ramdam na ramdam niya ang kirot dahil sa malakas na sampal ni Irina sa kanyang pisngi.

“You… How dare you hurt me?!” Nanginginig na sigaw niya.

“Ngayon, pareho na tayong marumi,” malamig na sambit ni Irina at hindi na pinansin pa si Zoey.

Iniwan niya roon ang huli na gulat na gulat pa rin sa kanyang ginawa.

Hindi nagtagal ay nakahanap si Irina ng pansamantalang masisilungan sa pinakamahirap na bahagi ng lugar nila. Isa iyong motel na maaari kang magbayad ng isang gabi para lang makatulog nang mahimbing.

Iyon na lamang ang tanging naisip na paraan ni Irina. Wala siya halos kapera-pera. Nais man niyang maghanap kaagad ng trabaho ay hindi niya magawa dahil sa estado niya. Bagong laya lamang niya sa kulungan at wala ni isang nais tumanggap sa kanya. Mabuti na lamang ay nakakita siya ng wallet na may lamang ID sa basurahan noong naghahanap siya ng puwedeng makain. Isang babaeng nagngangalang Rosie Alcantara, at iyon ang pinakita niya sa mga establisyemento na nangangailangan ng karagdagang tao. 

Pagkaraan ng ilang araw, nakakuha siya ng trabaho bilang waitress sa isang marangyang restaurant. Mababa ang sahod, ngunit para kay Irina ay sapat na iyon para sa kanya. Dahil sa kanyang kasipagan at maamong kilos, na-promote siya bilang server sa mga VIP rooms makalipas ang tatlong linggo.

“Rosie, tandaan mo, ang VIP room ay naiiba sa main hall,” sabi ng manager, gamit ang kanyang alyas. “Ingat ka, huwag kang magkakamali.”

Tumango si Irina, “Yes, Sir.”

Habang nag-aadjust siya sa bagong tungkulin, naging mausisa ang ibang mga waiter sa kanyang mabilis na pag-angat.

“Rosie, sa tangkad mo, magandang mukha, at mahahabang binti, puwede kang maging flight attendant o modelo! Bakit ka nagtitiyaga dito?” sabi ng isa.

Ngumiti lang ng bahagya si Irina at iniiwas ang tingin. Inis sa kanyang malamig na pag-uugali, nagsimulang magtsismisan ang mga kasamahan niya, na bumubulong ng masasakit na salita sa kanyang likuran. Hindi na niya iyon pinansin pa at binaling na lamang ang kanyang buong atensyon sa kanyang trabaho.

“Rosie!”

Nilingon niya ang tumawag na iyon sa kanya at nakita niya si Kimmy na hawak-hawak ang tiyan nito.

“Puwede bang ikaw na muna ang tumanggap ng shift ko sa VIP room sa third floor? Ang sakit ng tiyan ko, e.”

“Sige ayos lang. May gamot ako sa bag, kung gusto mo kumuha ka lang at magpahinga na lang sa locker room,” aniya sa kaibigan. Tumango lang ito sa kanya at nagmamadaling umexit patungo sa back office.

Hindi na nag aksaya pa ng oras si Irina at agad na tumungo sa third floor. Pagkapasok niya sa VIP room, nakatuon siya sa paghahain ng mga pagkain nang bigla siyang hinawakan sa pulso ng isang tao.

Natigilan si Irina, tumingala siya at nakita ang pamilyar na malamig na mukha na nakatitig sa kanya.

“How did you know I often come here?” Alec’s grip tightened, his eyes filled with icy fury.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 909

    Nang marinig ang matatag na pagtanggi ni Irina, hindi nagalit si Alec. Sa halip, mas lalo pang tumigas ang kanyang boses—mas matindi pa kaysa sa kanya.“Kung gano’n, hindi mo kailangang pumunta.”“Pero huwag mo akong sisihin kung maging walang-awa ako kina Anri at sa ina mo,” dagdag niya nang kalmado, para bang napakaliit na bagay lang ang pinag-uusapan.“Ikaw—!” Agad na umupo si Irina. “Alec, wala kang puso! Hayop ka! Isang malamig at walang dugong halimaw!”Dala ng matinding emosyon, bigla siyang bumangon, tuluyang nakalimutan na wala siyang suot. Dahil sa biglang galaw, dumulas pababa ang makinis na kumot na seda.Ang gusot niyang itim na buhok ay bumagsak sa maliit niyang mukha—tila kasinlaki lang ng kalahating palad. Ang malalaki niyang matang punô ng luha ay kumikislap habang dumadaloy sa kanyang mga pisngi, ginagawa siyang sobrang kaawa-awa sa paningin.Lalo na ang balat niyang nakalitaw sa ilalim ng kumot— maputi, marupok, at nakakabahalang kaakit-akit.Napatigil si Alec, n

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 908

    “Irina! Karapat-dapat kang mamatay!” sumpa ni Alexander agad nang makonek ang tawag.Nanahimik si Irina. Nagising siya nang biglaan dahil sa tawag nito.Mula nang lumabas si Alec para sagutin ang telepono at ikinandado ang pinto sa likod niya, hindi na siya nakalabas ng silid. Dahil wala rin naman siyang takas, muli siyang humiga at ipinikit ang mga mata.Halos sampung minuto lang ang lumipas—nakatulog na naman siya.At pagkatapos, hinila siya pabalik sa realidad ng tawag ni Alexander.Masakit ang buong katawan niya. Para bang wasak na wasak ang puso niya.Sa maikling sandaling iyon ng tulog, nanaginip siya. Sa panaginip, hiwalay na sila ni Alec. Ngunit matapos ang diborsyo, araw-araw siyang umiiyak. Ayaw siyang pakawalan ng puso niya. Ang sakit—nakakasakal, napakabigat, parang sapat na para ikamatay niya sa sobrang pangungulila.Napakalinaw ng panaginip na kahit sa pagtulog, tumulo ang luha niya.At habang nalulunod pa siya sa lungkot na iyon, walang awang hinila siya pabalik ng tawa

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 907

    Kasama niya sa upuan sina Don Hugo at ang asawa nito.Nang makita ang anak niyang si Alexander na sobrang galit, hindi napigilan ng matanda na murahin siya nang bahagya. “Alex, bakit ka ganun na galit? Hindi ba’t magandang balita na masaya at payapa ang pamumuhay ni Alec at ng kanyang asawa?”“Mom!” singhal ni Alexander.Hindi niya matapang na kontrahin ang anak, pero iba ang usapan pagdating sa kanyang ina.“Mom, anong kabalbalan ‘yan? Alam mo ba kung sino si Alec?” tanong niya nang may galit.Kalmado namang sumagot ang matanda. “Siyempre alam ko. Apo ko siya.”“Hindi lang siya basta apo mo!” sumabog si Alexander. “Siya na ngayon ang nag-iisang apo mo—ang tanging tagapagmana ng mga Beaufort! Hindi lang niya kinakatawan ang mga Beaufort; siya ang pinakamataas na awtoridad sa buong Beaufort Group! Pinakamakapangyarihan at pinakaimpluwensiyang tao sa buong South City—ang Hari ng South City!”Tumango ang matandang babae nang may paghanga. “Pinapakita lang nito na karapat-dapat ang ap

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 906

    Sumabog ang galit na tinig ni Alexander sa kabilang linya. “Alec! Lalo na talagang mahirap kang makontak! Tinawagan kita buong hapon kahapon!”Paulit-ulit na sinabi ni Alec, na walang pagbabago sa tono niya. “Dad… Ano’ng nangyari?”“Pumunta ako sa kumpanya kahapon ng hapon para makausap ka ng seryoso,” wika ni Alexander nang may galit. “Pero hindi man lang ako nakapasok sa gusali!”“Ano bang problema?” tanong ni Alec nang malamig.“Nakalimutan mo ba kung anong araw ngayon?” usisa ni Alexander nang may matinding tindi. Talagang nakalimutan ni Alec. Ang alam lang niya, ngayong araw ang araw na tuluyan nang laban sa kanya ang kanyang maliit na asawa. Magkasama na silang naninirahan ng higit sa isang taon, pero hindi pa siya nagalit sa kanya nang ganito kagalit kagabi. Kung may espesyal na kahulugan ang araw na ito, desidido si Alec na dapat itong tawaging— Araw ng Pagwawala ng Maliit na Asawa.Dahil walang sagot ang anak sa kabilang linya, nagpatuloy si Alexander nang malamig. “N

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 905

    Sa pag-iisip nito, nakaramdam ng matinding hinanakit ang lalaki. May pumasok pa ngang pagnanasa sa isip niya na ituwid ang ulo nito, gisingin siya, at makipagtalo nang maayos—Para malaman kung sino talaga ang tama.Ngunit nang maalala niya kung paano ito umiyak at sumigaw hanggang sa tuluyan nang maubos ang lakas, kung paanong ngayon lang ito nakatulog nang mahimbing, hindi niya nagawang gawin iyon.Sa huli, tumingin na lang siya sa kanya.Basa pa rin ng luha ang mahahabang pilikmata nito. Mahigpit ang pagkakakunot ng mga kilay. Ang ekspresyon sa mukha nito ay nananatiling matigas at determinado. Isang determinasyong mas pipiliin pang mamatay kaysa isuko ang sariling dignidad.Minura siya nito. Pinalayas siya. Ha! Biglang natawa ang lalaki.Kung iisipin nang mabuti, sa buong South City, may mahahanap pa ba siyang ibang taong mangangahas murahin siya nang ganoon? Mayroon pa bang iba na mawawalan ng kontrol at aatake sa kanya nang ganoon?Hindi lang babae. Kahit sa mga lalaki, kahit sa

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 904

    Nilamon si Irina ng matalim na kawalan ng pag-asa, kasabay ng isang sakit na hinding-hindi na niya makakalimutan. Sa sandaling ito, talo na siya. Sa isip, talo siya. Sa katawan, talo siya.Ang lahat ng paghahandang mental na buong hapon niyang binuo ay gumuho at nauwi sa wala. Sa sandaling ito, natalo siya—ganap, lubusan, walang kahit katiting na dangal.Irina, ni hindi ka na kasing-lakas ng dati mong sarili anim na taon na ang nakalipas. Noon, kaya mo pang tumakbo—buntis, may dinadalang bata, isinugal ang lahat.Ngayon? Nasa kamay na niya ang iyong ina at ang iyong anak. Saan ka pa tatakbo?At higit pa roon, marahil ay ayaw mo na ring tumakbo, hindi ba?Handa kang magmakaawa. Handang ibaon ang ulo mo sa buhangin. Handang magkunwaring walang nangyayari. Hindi mo talaga gustong iwan siya. Hindi ba totoo iyon?Sobrang layo na ng pagbagsak mo. Irina, napakawalang-hiya mo.Napuno ng luha ang kanyang mga mata habang nakatingin siya kay Alec.“Naiintindihan ko na ngayon, Young Master,” mahi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status