Share

Chapter 2

Author: Azrael
last update Last Updated: 2024-11-08 15:29:22

Pinakatitigan ni Irina si Alec na hindi man lamang siya sinulyapan kahit saglit. Hindi tuloy niya makita sa mga mata nito kung nagbibiro lang ba ito o ano.

“You heard me right,” malamig na sambit nito.

Napailing si Irina at inayos ang kanyang maruming damit. Kahit sino ang makakita sa kanya ngayon ay pagkakamalan siyang pulubi, at ang lalaking ito ay yayayain siya ng kasal?

“Hindi magandang biro ‘yan, sir,” ani Irina.

Nanunuyang ngumisi si Alec. “Really? Hindi ba’t nais mo naman talagang maikasal sa ‘kin?”

Marahas na nilingon ni Irina si Alec dahil sa sinabi nito. Sumalubong sa kanya ang matalas na titig sa kanya ng lalaki na tila ba nais siya nitong matakot sa pamamagitan lamang ng tingin na iyon. Umirap si Irina at agad ding nag-iwas ng tingin mula kay Alec, ngunit agad na nahuli ng lalaki ang kanyang baba at pwersahan siyang iniharap muli nito sa kanya.

Irina observed his strong, chiseled features beneath the sunglasses—so well-favored he seemed almost blessed by heaven. Dark stubble lined his chin, enhancing his raw masculinity. His exquisitely tailored suit was undeniably luxurious, signaling his noble status.

Samantalang siya ay mukhang pulubi. Marumi ang damit, gulo-gulo ang mahaba na niyang buhok—ni hindi na niya maalala kung kailan siya huling naligo. Sigurado siyang naaamoy na ni Alec ang mabaho niyang amoy lalo na’t airconditioned pa ang sasakyan nito.

Ngunit sa kabila ng lahat, talaga bang nais siya nitong pakasalan? O nalusaw na ang utak nito at pinagtitripan na lamang siya?

Tinanggal ni Irina ang hawak ni Alec sa kanyang baba at nagbaba ng tingin.

“Sir, hindi por que dalawang taon akong nabilanggo at hindi nakakaengkwentro ng lalaki ay basta na lang ako sasama o papayag sa gusto ng isang lalaking hindi ko naman kilala,” matigas na sagot ni Irina.

Lalong tumalim ang tingin ni Alec sa kanya. Pinanliitan siya nito ng mga mata. Tila ba hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi ito ang kanyang inaasahan. Wala pa ni isang babae ang tumanggi sa kanya kaya’t akala niya agad na papayag ito sa kanyang nais sa kahit na anong paraan.

Ngumisi si Alec at napailing. Hindi rin niya makitaan si Irina ng kahit na anong emosyon. Saglit lang niyang natitigan ang mga mata nito at wala siyang ibang nakita roon.

“Ganito na ba magpakipot ang mga babae ngayon nang sa ganon ay mas makuha mo ang interes ko?” Alec said in disbelief saka nilingon ang driver. “Drive us to the municipality now.”

“Ano bang ginagawa mo? Pababain mo ako! Hindi ako magpapakasal sayo!” Histeryang sigaw ni Irina nang marinig niya ang huling sinabi nito. Sinubukan pa niyang buksan ang pintuan sa tabi niya, ngunit nakalock iyon.

Agad din siyang nahawakan ni Alec sa palapulsuhan niya kaya nilingon niya ito.

“Bitawan mo ako!”

“Listen, woman. If you really want to die, I’ll send you to your death right now, how about that?” Puno ng pagbabanta ang boses nito.

Agad na kinilabutan si Irina. Ang iniingatan niyang tapang kanina pa ay tila ba bigla na lamang naupos na parang sigarilyo. Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang luha kaya agad na nag iwas siya ng tingin kay Alec.

“A-ayoko pang mamatay…” halos bulong niya.

Sinabi niya sa sarili niya kanina lamang na wala na siyang pakialam pa kahit mamatay siya nang sa ganon ay makasama na muli niya ang kanyang ina, pero kung sa kamay lang ng lalaking ito siya mamamatay ay huwag na lang.

“To the municipality, Franco. Now.” Maawtoridad niyang utos muli sa driver.

Ngunit imbes na sundin siya ay nagdadalawang-isip na sinipat siya ni Franco sa rear-view mirror.

“Young Master, sigurado ho ba kayong pupunta tayo ng munisipyo nang ganyan ang itsura… niya?” Maingat na tanong ni Franco sa kanyang boss at sinulyapan si Irina.

Tumaas ang kilay ni Alec at tiningnan si Irina. Hindi na kailangan pang dagdagan pa ni Franco ang kanyang sinabi dahil sapat na kay Alec ang nais nitong iparating sa kanya. Tama nga si Franco. Hindi kaaya-aya ang itsura ng babaeng ito. Baka pagkamalan lamang siyang nasisiraan na ng bait kapag dinala niya ito nang ganon ang itsura sa munisipyo.

“Let’s just go back to the mansion now,” Alec commanded Franco again.

“Masusunod, Young Master.”

Halos isang oras lang ang lumipas bago sila makarating sa mansion. Hindi na naitago pa ni Irina ang kanyang pagkamangha nang tumambad sa kanya ang isang tila palasyo. Hindi gaya ng penthouse kung saan nakatira si Miss Jin, malaki ito at sa isang tingin pa lang ay malawak. Sigurado siyang maliligaw siya sa loob ng malapalasyong bahay na ito.

Isa pa, hindi ito gaya ng villa na pinuntahan niya nang gabing iyon. This place felt like a palace, while the other resembled a prison. The man who took her virginity was likely a death row inmate, wasn't he?

Dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya napansin ang paglapit sa kanya ni Alec at agad na hinawakan ang kanyang kamay. Towering over her, he moved swiftly, forcing her to keep up, looking more like a stray he had dragged in.

Agad na sumalubong sa kanila ang isang babaeng nakasuot ng uniporme na pangkatulong. Nag bow pa ito sa kanilang harapan, nakasunod lang ang tingin ni Irina sa bawat kilos ng babae.

“Young Master, nakabalik na po kayo,” bati nito kay Alec.

“Bihisan ninyo at paliguan. Get her clean clothes. Kayo na ang bahala,” malamig na utos ni Alec sa kasambahay at inabot ang kamay ni Irina sa babae.

“Masusunod po, Young Master,” nakayukong sagot ng babae at agad na iginiya si Irina patungo sa isang silid. Ni wala na siyang magawa pa.

Irina’s mind raced—she needed to escape. She could not remain with a man who sought her life yet insisted on marriage straight out of prison. Lost in her thoughts, she barely noticed the maids had begun undressing her, exposing the bruises on her neck.

“Mahabaging Diyos! Tsikinini ba ‘yan?” Bulalas ng kasambahay nang makita ang nasa leeg niya.

Doon na nabalik sa realidad si Irina at agad na tinakpan ang kanyang sarili.

“Pasensya na, pero hindi ako sanay na pinapaliguan ng iba. Umalis muna kayo,” aniya habang yakap ang sarili at pilit na tinatakpan ang nasa leeg niya. Resulta iyon ng ginawa sa kanya ng lalaking iyon nang gabing iyon.

“Pero mahigpit na ipinag-utos ni Young Master na—”

“Please,” mariing putol ni Irina sa sasabihin pa nito.

Nakita niyang may binulong ang isang maid sa isa pang maid saka nagkibit-balikat ang mga ito.

“Sige. Bilisan mo lang ang pagligo mo,” anito sa kanya at sabay na lumabas ang dalawa mula sa silid. Nakahinga nang maluwag si Irina. Narinig pa niya ang pag uusap nito bago pa maisara ang pinto.

“Akala mo naman kung sinong malinis at importanteng babae. E mas mukha pa ngang katulong kaysa sa’tin. Hindi na dapat tinulungan pa—”

Alec scoffed. Nang mag angat ang tingin ng katulong ay halos takasan siya ng ulirat nang tumambad sa kanya ang matalim na tingin ng kanyang master. Agad na nag bow ang dalawa at dahan-dahang umalis.

Sa loob, pinasadahan ni Irina ang kanyang kabuuan habang unti-unting bumabalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ng lalaki nang gabing iyon. He was the one who took her virginity, at kahit isa ay wala man lang siyang napala, namatay pa ang kanyang ina.

Hindi maiwasang manghinayang ni Irina at masaktan sa nangyari. Nangako siya sa kanyang sarili na iingatan niya ang kanyang katawan dahil iyon na lamang ang kanyang maipagmamalaki sa oras na magkaroon siya ng asawa.

Ngunit dahil sa kagipitan ay hinayaan niyang mahubaran siya ng dignidad sa isang gabi lang. Yet she couldn’t save her mother.

"You truly are filthy!" A harsh voice sneered.

Irina jolted, seeing Alec’s scornful gaze on her neck. Desperate, she covered herself, her voice breaking with shame and anger.

“Kalalabas ko lang ng kulungan at dinala mo ako rito! Ni hindi nga kita kilala. Ano ngayon kung nakakadiri ako? Umalis ka na nga!” Bulalas niya sa lalaki at halos ipagtulakan niya ito, ngunit hindi man lang ito gumalaw.

His look was one of utter disdain, yet he seemed to acknowledge her sincerity.

"After you bathe, we’re going to the municipality. In three months, I’ll file an annulment and give you compensation. By then, staying even a second more with me will be impossible!" He shut the door and left.

Sa labas ay ramdam na ramdam ang takot ng mga kasambahay at butler na naroon. Lahat sila ay alam kung gaano karahas ang kanilang Young Master at kahit na sino ay wala pang naglakas-loob na sumuway rito o sumagot man lamang sa kanya.

Si Alec ay anak ng kanyang ama sa kabit nito. Siya ang pang-apat na anak ni Alexander Beaufort, ngunit hindi sa asawa nito, kundi sa isang ordinaryong babae lamang. Despite Beaufort's ancient, noble lineage, his status disqualified him from inheritance rights. Even distant relatives were favored over him.

As a teen, he was exiled abroad, only to return one day after a lifetime of struggle, just to find his mother falsely imprisoned. Since then, he plotted meticulously. Three days ago, he faked his death, seized control of the family, and eliminated all who opposed him.

Now, the Beaufort was entirely in his hands.

Ang totoo ay wala naman talagang kasalanan ang kanyang ina. Pinarusahan lamang ito ng asawa ng kanyang ama sa kasalanang hindi nito ginawa nang sa gano’n ay maprotektahan nito ang kasal nila ng kanyang ama. Nang sandaling madiskubre ng kanyang ina na kasal na pala ang kanyang ama ay nagdadalang-tao na ito sa kanya.

To give him a stable family, she endured endless scorn. Finally, in middle age, she was framed and jailed. Alec fought relentlessly to free her, but she had only three months to live.

Her last wish was for him to marry her prison cellmate, Irina Montecarlos.

Desperate to fulfill her dying wish, Alec  investigated Irina and discovered her apparent ulterior motives for befriending his mother.

“Young Master, may malaki pong problema!”

Naputol ang malalim na iniisip ni Alec nang marinig niya ang paghiyaw ng isa sa mga kasambahay sa mansion. Tumatakbo itong lumapit sa kanya kaya nangunot ang kanyang noo.

“What’s wrong?”

“Tumalon po ‘yong babae mula sa bintana at tumakas!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
naku, lagot na!!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 889

    Puti na puti ang mukha ni Gia.Ang boses ni Alec, kalmado ngunit matalim, ay pumutok sa katahimikan.“Miss Cruz,” wika niya, “kung talaga namang pumunta ka sa opisina ko na ganyan ang suot—para lang talakayin ang negosyo, at may neckline na ganito kababa—hindi ka kailanman pinapasok ng aming receptionist.”Nakita ng receptionist, na nakamasid mula sa front desk, ang ibig niyang sabihin. Namulagat ang kanyang mga mata nang masilip ang malawak na bahagi ng maputlang balat sa ilalim ng collarbone ni Gia.“Sandali lang,” wika ng receptionist, tumuturo nang may akusasyon. “Bakit mo pinalitan ang damit mo?”Ngumiti si Irina, malamig at matalim.“Hindi niya pinalitan ang damit,” wika niya nang maayos. “Nang pumasok siya, tinakpan niya ang sarili ng scarf para magmukhang disente. Ngayon na nasa harap siya ng aking asawa, tinanggal niya ito at ginamit bilang bow sa buhok niya. Matalino, hindi ba?”Matingkad ang glare ng receptionist, mukha namumula sa galit.“Paano mo nagawang gawin iyon? Hind

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 888

    Halos bumagsak ang panga ni Gia. Namutla ang mukha niya, halos lumabas ang mga mata sa pagkagulat. Sandali, nakalimutan pa niya na nakaupo pa rin siya sa sahig—ang napunit na palda niya ay bahagyang naka-askew, at ang kanyang dignidad ay tuluyan nang nawala.Lahat ng empleyado sa lobby ay natigilan.Ang karaniwang malamig at hindi matitinag na si President Beaufort—ang “Living Yama” ng Southern City—ay ngayon nakaluhod sa isang tuhod sa harap ng kanyang asawang nakayapak.Walang kahit kaunting pag-aatubili si Alec. Sa harap ng mga nakatingin, mahinahong yumuko siya, inilagay ang mga mataas na takong sa harap ni Irina, at malumanay na sinabi, “Humawak ka sa balikat ko.”Tahimik na sumunod si Irina, inihawak ang kanyang kamay sa balikat niya na para bang ito ang pinakatinatanggap na kilos sa mundo.Tumingin si Alec sa kanya, may bahagyang ngiti sa labi. “Alam mo ba na lalabas ka para harapin ang mistress, at suot mo pa rin ang takong na ganito kataas? Sinusubok mo ba ang sarili mo?” w

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 887

    “Fine, stubborn ka pa rin,” napahagis ni Irina, mababa ngunit matalim ang tinig.Lumapit siya ng isa pang hakbang, bawat salita puno ng akusasyon.“Gia! Matagal mo nang nalaman kung saang kindergarten pumapasok ang anak ko—para lang sa sariling kapakanan mo. Nakipag-ugnayan ka pa sa akin nang maaga, ‘di ba?”Ang kanyang mga salita ay parang mga kutsilyo.“Pinag-isipan mo nang mabuti ang malamig at untouchable na imahen mo, nagkunwari kang mataas at superior—dahil inakala mong maa-appreciate ko ang ganitong babae, ‘di ba?”Pumuti ang mukha ni Gia.“A-ano ang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan ang pinapahayag mo! Pakawalan mo ako! Ito… ito ay sobrang masama para sa reputasyon ni President Beaufort sa kumpanya! Pakawalan mo ako ngayon—kumikilos ka na parang isang hysterial na babae!”Tumawa si Irina, malamig at walang kasiyahan.“Kung ako man ay hysterial o hindi, wala kang pakialam!” wika niya, tumutok sa babae.“Gia, ang larong ito na maingat mong pinlano—kasuklam-suklam.”Ngayon, naih

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 886

    “Sino ka?”Bumitak ang tinig ni Gia habang ang mga daliri ay marahas na kumapit sa kanyang buhok, pilit na iniangat ang ulo niya pabalik.“President Beaufort—! President Beaufort, ano’ng nangyayari?”Nasusunog ang anit niya sa hapdi. Tinangka niyang kumawala, ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak.“Sino ka nga ba?” muling tanong niya, pinilit gawing kalmado ang tinig. “Paanong nagiging—ganito ka—”Hindi na niya natapos ang sasabihin. Ang umaatake sa kanya — ngayo’y nakapaa, ang mga takong ay nakatapon sa may pintuan — ay muling hinila siya pasulong, malakas at walang pag-aatubili.Si Irina iyon.Kahit walang sapatos, mas matangkad pa rin siya kay Gia. Tahimik ang mga yapak niya sa karpet, ngunit ang galit niya ay umaalingawngaw sa bawat kilos.Ang kanyang kapit ay walang awa, ang kanyang ekspresyon malamig — kontrolado ang poot, halos elegante.Nais mang kumawala, si Gia ay walang nagawa kundi matisod pasulong, kumakapit sa mga pulsuhan ni Irina — ngunit hindi siya makaalpas.“

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 885

    Tumango nang mabilis ang receptionist. “O—opo, tama po.”Habang nagbubulong ang dalawang babae sa likuran, si Irina ay tahimik nang naglakad palayo. Ang tunog ng kanyang takong ay tumapat sa karpet — mabagal, pantay, at may deliberadong lakas. Bawat hakbang ay may dala ng tahimik na awtoridad, ang klase ng kilos na agad na nagpapaling ang mga mata sa kanya. Ito ang tunog ng isang babaeng nararapat na narito—isang babae na naglalakad sa mga pasilyo ng Beaufort Group na may kapangyarihan at kontrol.Umabot ang mahinang ritmo ng kanyang mga hakbang sa opisina ni Alec, kung saan nakaupo si Gia sa tapat niya. May bahagyang mapagmataas na ngiti sa kanyang mga labi. Malinaw sa kanya—mula sa matalim at kumpiyansang tunog ng hakbang—na may isa pang babae na pumasok upang makita si President Beaufort. At hindi basta-basta babae. Isa itong seryosong tao, isang babaeng marahil ay gusto niyang maipakita ang kanyang galing.“Perfect timing,” bulong niya sa sarili.Bahagyang inayos ni Gia ang

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 884

    Natigil si Irina sa lugar. “Anong babae?”Sa kabilang linya, bumagsak ang mabilis at kinakabahang tinig ni Marco. “Irina, kasalanan ng pinsan ko—ang… yung pinsan kong si Gia. Nagtatrabaho siya sa isang kumpanya sa pananalapi. Ewan ko kung paano niya naipilit kay Papa—kayat pati sa tiyuhin mo rin.”Namula ang mukha ni Irina nang marinig ang pangalang Gia.“Siguro may sinabi siya sa kanya,” patuloy ni Marco, halatang nag-aalala, “kasi binigyan siya ni Papa ng isa sa mga business card ko! Tapos siya—dinala niya ang card na iyon diretso sa Beaufort Group, sabi niya gusto niyang pag-usapan ang financing at venture capital.”Tahimik ang sandali sa kabilang linya—hanggang sa narinig ni Irina ang kaluskos ng kanyang upuan habang itinutulak niya ito pabalik.Bago pa man makapagsalita muli si Marco, parang hangin na lang, tumakbo na si Irina palabas.“Irina! Irina!” tawag ni Mari, nagulat.Ngunit si Irina ay lumingon lamang nang saglit sa pintuan, mga mata’y nagliliyab. “Tulong, ipasabi na ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status