Share

5 - Annul This, Baby

Author: Li Ashrienne
last update Last Updated: 2025-08-26 15:05:29

Samantalang nagulat ang driver ni Gideon na si Kobi nang makita kung gaano katapang si Mariette na sampalin si Jude sa harap ng maraming tao.

“’Yung lalaking ‘yon, Señorito ay si Jude, ex ni Señorita,” panimula ni Kobi. “Kumalat pa nga sa F******k ang isang video tungkol sa kanya. At ang nag-record at naglabas noon ay si Señorita Mariette mismo.” Saka nito iniabot ang cellphone kay Gideon at ipinakita ang naturang video.

Tahimik na pinanood ni Gideon ang video clip at agad nagtagis ang mga bagang.

“Panigurado, gaganti ’yon si Jude, Señorito. Napahiya siya, eh.”

Ibinato pabalik ni Gideon ang cellphone kay Kobi at nagkibit-balikat. “Kasalanan ni Mariette ’yon.”

Halos mabilaukan naman si Kobi. “Pero Señorito… itutuloy n’yo pa rin po ba ang annulment?”

Agad dumilim ang mukha ni Gideon. Pumasok sa isip niya ang mga ngiti ni Mariette, ang pakunwari nitong pagkamasunurin at inosente. Para sa kanya, puro pagpapanggap lang iyon at lalo lang siyang nandidiri.

“Tuloy pa rin ang annulment. Kung nay diborsyo lang sa Pilipinas, mas mabuti sana ‘yon,” mariin niyang sagot.

***

NANG gabing iyon, tinawagan niya si Mariette. Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot.

“Bukas. Alas-otso. Manila RTC, Family Court. Isama mo abogado mo. Tatapusin na natin itong kasal. Let’s have an annulment.”

Narinig niya ang mahinang buntong-hininga sa kabilang linya. “Annulment? Sorry, pero wala sa bokabularyo ko ’yan. Nagpakasal ako para manatili sa tabi mo, hindi para iwan ka.”

Nagtagis ang mga bagang ni Gideon sa naging sagot ni Mariette. “Mas gugustuhin mo bang maghintay na mabiyuda ka?”

Matagal na katahimikan ang sumunod. Nang magsalita si Mariette, halos basagin ni Gideon ang cellphone na hawak.

“Huwag mong sabihin ’yan. Lahat ng tao may pag-asang gumaling. Magtiwala ka lang sa Diyos… at sa kapangyarihan ng siyensiya.”

Napakuyom ng kamao si Gideon. Walang sinumang naglakas-loob na banggitin nang direkta ang kondisyon niya. Pero si Mariette… sinabi nito ang sakit niya na parang wala lang.

“Kung ayaw mong mapahiya, matuto kang lumugar,” banta niya.

“Kung gusto mo talagang ipawalang-bisa ’tong kasal, kausapin mo ang mga magulang mo. Kapag pumayag sila, pipirma ako.”

Halos ibato ni Gideon ang cellphone sa narinig. Malakas ang loob nitong sabihin iyon dahil alam nitong gustong-gusto ng mga magulang niya ang babae.

“Tingnan natin kung hanggang saan ’yang tapang mo.” Naghintay siya nang ilang segundo, umaasang susuko ito. Pero kabaliktaran ang nakuha niya…

“Gabi na, Gideon… magpahinga ka na. Kapag nakausap mo na ang mga magulang mo, saka mo ako tawagan. Hanggang doon lang. Magandang gabi.”

At ibinaba nito ang tawag.

Napakuyom na lamang ng kamao si Gideon, dumilim ang mga mata, at nagsimulang mag-isip kung paano niya tuluyang mawawala si Mariette sa buhay niya.

***

MAAGANG nagising kinabukasan si Mariette. Ang buong akala niya ay magiging masaya ang umaga, pero agad siyang nainis nang malamang pinapapunta siya sa Masterson Mansion. Wala siyang magawa kundi sundin ito, kahit mag-isa.

Kahit ilang araw pa lang ang lumipas mula noong huli siyang pumunta roon, parang ibang mundo ang bumungad sa kanya nang bumaba siya ng kotse.

“Señorita,” bati ng mga kasambahay ng Masterson at sabay-sabay na yumuko. Tango lang ang isinagot niya.

Mabigat ang bawat hakbang ni Mariette nang pumasok siya sa mansyon. Kung maaari lang sanang huwag nang bumalik rito…

Kaagad niyang nakita si Gideon, nakaupo sa tabi ni Doña Wilma. Habang punong-puno ng pagmamahal ang tingin ng ginang sa anak… ’yong titig na parang nagsasabing handa itong gawin ang lahat, huwag lang maagaw sa kanya ang buhay ng anak.

May kung anong pait na kumurot sa puso ni Mariette. Halos hindi na niya maalala kung kailan huling tumingin ang sariling ina sa kanya nang ganoon.

“Mariette, halika at maupo ka,” malambing na tawag ni Doña Wilma.

Bigla tuloy bumalik ang alaala ng sariling ina na matagal nang wala. Tila may humarang sa lalamunan niya, pero sinunod pa rin niya ang Doña. Dahan-dahan siyang lumapit.

Itinuro ni Doña Wilma ang upuang katabi ni Gideon.

Alam ni Mariette kung gaano kalalim ang galit ng lalaki sa kanya. Ramdam niya iyon sa bawat titig at bawat hinga nito. Pero dahil nasa harap sila ng ina nito, pinilit niyang ngumiti at umupo.

“Bagay na bagay kayong dalawa,” sabi ni Doña Wilma.

Bahagya siyang yumuko at nginitian ang ginang, kunwari’y tinanggap ang papuri nito. Si Gideon naman, gaya ng kanyang inaasahan, nanatiling walang reaksyon at parang estatwa.

“Gideon,” panimula ni Doña Wilma, “mabait na bata si Mariette. At dahil asawa mo na siya, sana naman tratuhin mo siya ng tama.”

Pero hindi kumibo si Gideon. Wala pa rin ekspresyon ang mukha, walang imik ang bibig.

Kaya ibinaling ng ginang ang atensyon kay Mariette. Tumayo siya at iniabot ang kamay dito. Agad namang tumayo si Mariette at tinanggap iyon. Mainit at banayad ang haplos ng ginang, at magaan siyang inalalayan paakyat, na para bang tunay siyang anak.

Pagkasara ng pinto sa silid, binitiwan siya ni Doña Wilma. “Hindi pa kayo magkasama ni Gideon sa isang kwarto?” mahina ngunit malinaw ang tanong nito.

Napayuko siya at marahang umiling.

Napabuntong-hininga ang ginang, at napakunot-noo. “Hindi puwede iyon! Kung magkahiwalay kayo ng bahay, paano kayo magkakapalagayan ng loob?”

Nagtaas siya ng tingin. Alam niya kung ano ang pinahahalagahan ng Doña. Hindi ito tungkol sa pagmamahal… ang iniisip lang nito ay ang pagkakaroon nila ng anak ni Gideon.

“Ang totoo ho, hindi niya gusto ang kasal na ito. Kapag bigla akong tumira sa bahay ng Masterson, lalo lang siyang mandidiri at magagalit sa akin.”

“Pero kung magkahiwalay kayo ng bahay, paano kayo makakabuo niyan?”

Muntikan nang mabilaukan si Mariette, pero mabilis siyang nakabawi. “Ako na ho ang gagawa ng paraan. Sa totoo lang po, gusto ko rin ng totoong pamilya.” Bahagya siyang ngumiti. “Pangako po, gagawin ko ang parte ko.”

Ingat na ingat siya sa mga salitang binitawan niya at tumalab naman. Lumambot ang mukha ni Doña Wilma. Hinawakan nito ang kamay niya at banayad na pinisil iyon.

“Hindi ako nagkamali sa pagpili sa ’yo, hija. Basta’t makakapagbigay ka ng anak sa pamilyang ito… magiging reyna ka ng Masterson.”

Napilitan siyang ngumiti nang matamis, kahit ramdam na ramdam niya ang bigat ng bawat salitang iyon.

“At ngayong gabi, dito ka matutulog.”

Bigla siyang nabilaukan.

“Hindi basta dumarating ang mga pagkakataon. Ginagawa ‘yan, hija.”

Pinilit ni Mariette ang ngumiti. Kahit iniisip pa lamang niya na dito siya matutulog, alam niyang hindi tatanggapin ni Gideon ang sitwasyon nang basta-basta.

Pagkatapos ng hapunan, pinanood niya si Gideon na tumayo. Akala niya aalis ito, pero imbes na lumabas, dumiretso ito paakyat sa itaas. Napalunok siya nang sunod-sunod.

Nang inilabas ng mga kasambahay ang prutas, itinulak ni Doña Wilma ang isang plato papunta sa kanya. “Dalhin mo ‘yan kay Gideon. Pakainin mo,” utos nito, may halong kindat.

Nakagat ni Mariette ang labi at bahagyang yumuko. “S-sige po,” wika niya.

Bitbit ang plato, umakyat siya sa itaas. Paglapit sa pintuan, huminga muna siya nang malalim. Bahala na.

Dahan-dahan siyang kumatok, at sa kanyang pagkagulat, biglang bumukas ang pinto. Sumilay roon si Gideon, nakatingin sa kanya na parang malamig na salamin—walang ekspresyon, matalim ang mga mata.

“Gideon…” mahina niyang bulong.

Lalong dumilim ang ekspresyon nito.

Itinaas ni Mariette ang plato sa pagitan nila. “May dala akong prutas… para sa ‘yo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   5 - Annul This, Baby

    Samantalang nagulat ang driver ni Gideon na si Kobi nang makita kung gaano katapang si Mariette na sampalin si Jude sa harap ng maraming tao.“’Yung lalaking ‘yon, Señorito ay si Jude, ex ni Señorita,” panimula ni Kobi. “Kumalat pa nga sa Facebook ang isang video tungkol sa kanya. At ang nag-record at naglabas noon ay si Señorita Mariette mismo.” Saka nito iniabot ang cellphone kay Gideon at ipinakita ang naturang video.Tahimik na pinanood ni Gideon ang video clip at agad nagtagis ang mga bagang.“Panigurado, gaganti ’yon si Jude, Señorito. Napahiya siya, eh.”Ibinato pabalik ni Gideon ang cellphone kay Kobi at nagkibit-balikat. “Kasalanan ni Mariette ’yon.”Halos mabilaukan naman si Kobi. “Pero Señorito… itutuloy n’yo pa rin po ba ang annulment?”Agad dumilim ang mukha ni Gideon. Pumasok sa isip niya ang mga ngiti ni Mariette, ang pakunwari nitong pagkamasunurin at inosente. Para sa kanya, puro pagpapanggap lang iyon at lalo lang siyang nandidiri.“Tuloy pa rin ang annulment. Kung n

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   4 - Bruha, Hindi Biktima

    Tumingin si Gideon sa kanya mula ulo hanggang paa at hindi lang basta tingin, kundi parang hinuhubaran siya gamit lang ang mga mata. Alam na agad ni Mariette kung saan hahantong iyon.Mabilis niyang inangat ang laylayan ng suot niyang blusa, at lumitaw ang maliit niyang bewang. Kasabay niyon, bahagyang sumilip ang gilid ng kaniyang puting bra.Pero bigla na lang siyang itinulak ni Gideon nang malakas, na para bang sukang-suka ito sa presensya niya. Napaatras siya at muntik matumba. Sa totoo lang, gusto na sana niyang sigawan ang lalaki, pero nagkunwari na lamang siya at umarte na sobrang nasaktan sa ginawa nito.“UMALIS KA.” Mariing tumagis ang bagang nito.Napangiti siya nang lihim. Oo, aalis siya—ngayon din. Pero bago iyon, nagpakita muna siya ng kunwang pagkadismaya.“Pero Gideon—”“ANG SABI KO, ALIS!”Kaagad siyang bumaba sa kama, inayos ang gusot na damit, at dinampot ang cardigan na itinapon kanina. Hindi na siya lumingon pa at mabilis na lumabas.Pagkalabas niya ng kwarto, naka

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   3 - Luhod

    “Alam mo ba ang kasabihang die for money?” basag ni Gideon sa katahimikan. Tumama ang malamig na tingin nito kay Mariette. “Sinumang babaeng nagpapakasak sa ‘kin, iisa lang ang habol… pera.”Biglang nanikip ang lalamunan ni Mariette, pero ngumiti siya. Kung malulunod na rin lang, mas mabuti nang sumisid nang tuluyan.“O baka naman,” aniya, pilit na kalmado, “plano ko na ’to matagal na. Noon pa lang… mahal na mahal na kita.”Natawa si Gideon, puno ng pang-uuyam. “Mahal mo ako… o ang pera ko. Magkaiba iyon.”Napakagat ng labi si Mariette. Alam niyang kitang-kita na nito ang kasinungalingan niya. Kung pwede lang siyang lamunin ng lupa at maglaho, ginawa na niya.Pinatay ni Gideon ang sigarilyo at mariing pinisil ang upos sa ashtray. Pagkatapos, bigla siyang sinenyasan na lunapit pa rito.Kahit ayaw niya, wala siyang nagawa kundi sumunod.Sa isang iglap, hinila ni Gideon ang kamay niya at napasubsob siya sa matigas nitong dibdib. Bago pa siya makakilos, iniangat nito ang baba niya… hindi

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   2 - Welcome to the Trap

    Nang araw na iyon, dumating siya kasama ang kaniyang ama sa mansyon ng mga Masterson. Hindi si Gideon ang sumalubong kundi ang mga magulang nito. si Doña Wilma at Don Philip Masterson. Kita agad sa mga mukha ng dalawa ang gaan ng loob nang marinig na handa na siyang magpakasal.Pero may kondisyon si Mariette: Wala nang kasalan. Wala nang engrandeng seremonya. Irehistro agad ang kasal.Hindi nagdalawang-isip ang mga Masterson. Agad na pumayag ang mga ito at isang tawag lang ang ginawa ni Don Philip. Sa loob ng kalahating oras, dumating na ang opisyal mula sa Local Civil Registrar, dala ang mga papel, notaryo, at dalawang saksi mula mismo sa staff ng pamilya.Wala nang bulaklak, wala nang imbitasyon. Isang pirma sa marriage contract, tatlong kopya ng dokumento, at isang simpleng basbas mula sa opisyal… at Mrs. Gideon Masterson na siya.Doon lang niya tuluyang nakita si Gideon, hindi pa sa personal kundi sa larawan na iniabot sa kanya ni Doña Wilma.Matikas ang pangangatawan ng lalaki. M

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   1 - Shortcut to Yaman!

    Kumikislap ang mga mata ni Mariette habang bitbit ang kaniyang maleta papunta sa apartment ni Jude. Dalawang taon silang nagkalayo bilang magkasintahan, at sa wakas… makikita na rin niya muli ang lalaki. Kahit ramdam niya ang matinding init ng panahon, wala siyang pakialam. Mas nangingibabaw ang pananabik niya na muling mayakap si Jude.Nakangiti pa siya na parang tanga nang i-dial ang code ng apartment nito.Click.At doon tuluyang nabura ang ngiti niya. Dalawang katawan agad ang bumungad kay Mariette—magkayakap, hubo’t hubad, at abala sa pagpapasasa sa isa’t isa.Para siyang binagsakan ng langit sa sandaling iyon. Nanlamig ang kaniyang katawan, tila tumigil ang mundo.Mga hayop!Gusto sana niyang sugurin at pagsasampalin ang mga ito, pero pinili niyang maging malumanay. Imbes na magwala, kinuha niya ang cellphone at pinindot ang record.Nang gumalaw ang dalawa, saka lang napansin ng mga ‘to ang presensya niya. Napasigaw ang babae nang malakas.Biglang napalingon si Jude, nanlaki an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status