Sinundan siya ng malamig na tingin ni Gideon habang papalayo siya at paika-ikang pumasok sa banyo. Pero sa ilalim ng titig nito, nakita niya ang gulat. Siguro iniisip nito na aatras siya agad nang hindi siya nito pinatabi sa kama at hinayaang sa sahig matulog.
Inisa-isa niyang tinanggal ang kaniyang mga saplot at sinimulan buksan ang shower. Mabuti na lang at may heater kaya medyo kumalma ang kaniyang puso at utak.
“Kuuh! Kung hindi ko lang habol ang perang ibabayad ng mga Masterson, at hindi ka lang gwapo… hinding hindi ako—ay!” Hindi niya namalayang may sabon pala sa sahig. Naapakan niya ito at bigla siyang nadulas.
“Aray!” napangiwi siya.
Bakit naman ganito, Lord?
Pinilit niyang bumangon pero hindi niya magawang igalaw ang katawan. Kung minalas nga naman, mukhang nabalian pa nga siya ngayon.
Gusto niyang umiyak.
“Are you okay there?” Si Gideon.
“K-kung okay ang pagbabasihan ng tanong mo, of course hindi!”
“Dalian mo diyan maligo at nang makaalis ka na.” Malamig naman nitong sagot.
Napakagat na lang siya ng labi. Gustuhin man niyang igalaw ang katawan pero wala talaga. Para siyang naparalisado. “G-gideon… patulong. Na-slide ako. Hindi ako magalaw.”
“If you fall, just get up.”
Nagkukot ang kalooban niya at naiinis sa naging sagot nito. Kung kaya lang niyang bumangon, hindi na siya tatawag rito!
“Hindi nga ako makagalaw! Hindi ako tatawag sa ‘yo kung simpleng slide lang ‘to, ano.” Pero pinipilit pa rin niyang bumangon or kahit abutin man lang ‘yong tuwalya pero wala talaga. Naiiyak na lang siya sa kaniyang sitwasyon.
Siguro inisip ng lalaki na mabuti nga at nangyari ito sa kaniya. Kaya siguro di ito agad makasagot.
“Gideon! Kapag ako namatay rito talaga— ay!”
Awtomatiko siyang natigilan nang biglang bumukas ang pintuan. Isang sipa ang ginawa nito para bumukas.
Akmang papagalitan na sana siya nito nang dumeretso ang tingin ng lalaki sa katawan niya—na tanging dalawang kamay lang ang nakatakip.
Jusko! Nakakahiya. Biglang nag-init ang kaniyang mukha at gusto niyang lamunin ng lupa. Hubo’t hubad siya sa harapan nito at FYI, virgin na virgin pa siya.
“T-tulungan mo naman ako please,” muli niyang pakiusap dito. Pinilit pa niyang iangat ang sarili mula sa sahig, pero matinding kirot lang ang sumampal sa kaniya.
Madilim ang mukhang lumuhod ito at walang sabing binuhat siya na parang isang papel. Oh my god! Sa kalagayan nito na may sakit, sobrang lakas naman nito at nakaya pa siyang buhatin.
Kapagkuwan ay napatitig siya kay Gideon. Pansin niya ang paglunok nito ng laway at pagkislot ng katawan nito sa pagkakabuhat sa kaniya. Lihim siyang napangiti… ibig sabihin, na-aattract ito sa kaniya ngayon?
“Stop staring at me kung ayaw mo ibagsak kita sa sahig,” banta nito.
Napalabi na lang si Mariette at kasabay no’n ay ang marahan na pagbagsak ng kaniyang katawan sa malambot nitong kama.
Nakalimutan niya saglit na hubo't hubad nga pala siya nung abutin ni Gideon ang kumot at itinakip sa kaniyang katawan.
“Salamat.”
Kahit ang totoo gusto niya ulit lumubog. Bakit kasi ang tatanga tanga niya minsan. Ngayon, nakita na ni Gideon ang kaniyang katawan.
Kaagad naman tumalikod ang lalaki at inabot nito ang cellphone. May tinawagan. “Pumunta ka sa Masterson mansion. No, not me… yeah.” Pagkatapos, binaba nito ang tawag at tinapunan siya ng malamig na tingin.
Sa paraan ng tingin ni Gideon, mukhang lalamunin siya nito ng buo sa kaniyang pagkatanga. Maaga niyang nabwesit ito.
Hinuha niya, isang doctor ang tinawgaan nito at hindi siya papayag na walang saplot pa rin siyang eksaminin ng Doctor, no.
Kaya kahit nakakatakot ang presinsya ni Gideon, pilit siyang ngumiti dito at nakiusap.
“Ah, Gideon… Pwede pakuha ng damit?”
Pero hindi ito natinag.
“Kung may makakita sa akin nang ganito… baka isipin nila naglovey dovey tayo sa kama at—”
“Shut up.”
Kaagad itong tumalikod at pumasok sa banyo. May dala na itong damit pambabae at hinagis nito sa mukha niya.
Napanguso siyang kinuha niya iyon. At nagsimulang magbihis. Nakakatawa ngang isipin dahil sa banyo ni Gideon, may mga pambabaeng gamit doon. Paniguradong ang donya ang may pakana. May mga damit pambahay, toiletries, at kahit underwear na ka-size pa niya.
Pang-itaas pa lang ang nasuot niya at bra. Nung sa baba na para magsuot ng pants, hindi niya magawang igalaw ang katawan dahil biglang sumugod ang kirot. Napangiwi siya nang wala sa oras.
Sa huli, tinitigan na lang niya si Gideon na parang nakikiusap na tulungan siyang magsuot pero mas lalong nagdilim ang mukha nito.
“Pwede mo ba akong tulungan dito?” napangiwi siya pero tinalikuran lang siya ni Gideo at akmang iiwan sa silid na iyon nang muli siyang magsalita. “Kung nandidiri ka sa ‘kin, kahit isipin mo na lang na isa mo akong tita... auntie... lola, kapit-bahay or katulong!”
Napabuntong-hininga naman ito sa kaniyang sinabi at walang sabi na bumalik ito at walang sabi na biglang hinila ang kumot at lumantad ang kaniyang pang-ibaba.
“Jusko naman, Gideon! Alam mo naman w
ala akong panty.” Mabuti na lang at mabilis niyang natakpan ang kaniyang pechay.
Pero kinaumagahan, nagising siya na sobrang sakit ng kaniyang ulo at parang mabibiyak. At hindi lang ‘yon, nahihilo rin siya at sinisipon. Mukhang nilagnat siya sa pagpapaulan niya kagabi. Mabilis siyang nagsuot ng jacket at pumara ng taxi sa labas papuntang ospital. Kaagad naman siyang inasikaso ng mga nurse at nilagyan ng dextrose. Kinuha niya ang cellphone para sana itext si Flora pero baka mag-aalala lang ito kaya mas pinili niyang ipikit ang mata at huwag na lang.Mayamaya’y napatingin siya sa paligid… lahat sa mga pasyente, may bantay—may pamilya, may kaibigan. Samantalang siya? Mag-isa lang.Napakagat siya ng pang-ibabang labi at lihim na napabuntong-hininga. Gustuhin man niyang ‘wag sakupin ng lungkot pero—hayop! Kinakain siya ng lungkot ngayon. Ganito ata talaga kapag may sakit ‘yong tao.Pansin din niya ang mabagal na paglipas ng mga oras at kahit gustuhin niyang matulog... Parang may sariling utak ang mga mata niya. Ayaw ng mga ito ng umidlip man lang. Hanggang sa may nah
Kaagad siyang natigilan at napalingon sa bintana. “Nandito ka?”“Malamang,” matabang na sagot nito.Napanguso siya sa naging sagot nito. Gusto niya tuloy tanungin ito kung may period ba ito today at masyadong mainitin ang ulo pero gano'n pa man, masaya siya dahil dumating ito para iligtas siya sa nakakailang sitwasyon.Kung ‘di lang kabastusan, baka nga kanina pa siya umalis pero siyempre… hindi siya gano’n.Binaba niya ang tawag at humarap sa mga kasama. “Um, guys, nandito na ang asawa ko… Aalis na ako.”“Samahan ka na lang namin palabas,” alok ng isa.Kimi siyang ngumiti at umiling. Natatandaan niya ang kasunduan nila ni Gideon na ayaw na ayaw nitong makilala ito sa labas na mag-asawa sila, kaya nakakapagtaka na sinundo siya nito.Napansin niyang mas lumakas lalo ang ulan kaya mabilis siyang lumabas at doon niya nakita ang isang itim na Maybach ang nakaparada sa gilid, at naka-hazard lights. Biglang naningkit ang kaniyang mga mata at nag-isip kung kay Gideon ba ang sasakyan na ‘yon
Halos matawa si Mariette nang maaalala iyon. Ang pinakamahalagang rule ni Gideon? Ay huwag siyang mahulog dito kundi may napakabatang parusa. Kapag nalabag niya iyon, kailangan niyang mag-squat at mag-hop sa city square habang tumatahol na parang aso. Nakakatawa, oo, pero sobrang linaw kung gaano siya kinasusuklaman ni Gideon. Matapos siyang idrop ng driver sa lokasyon, nagpaalam muna siya kay Flora at pabirong inirapan ang kaibigan saka ito umalis.Huminga muna siya nang malalim bago pumasok sa restaurant. Narinig pa niya ang malakas na tawanan mula sa private room, at agad siyang kinawayan ng isa. “Mariette, dito! Kanina ka pa namin hinihintay!”Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa kanya. Kaya napilitan siyang ngumiti. “Pasensya na, inabot ako ng antok, may sakit pa kasi.”“Ayos ka lang?” agad na tanong ni Kelvin. Kulang na lang sabihin nito ay gusto mo ibili kita ng gamot.“Sipon lang ito, maliit na bagay. Hindi pa naman siguro nakakamatay,” pabirong sagot niya.Nagsitawanan nam
Kaagad namula ang magkabilang teynga ni Gideon at iniwas ang tingin. Napangiti naman si Mariette sa cute na reaksyon nito. Bigla tuloy siyang nagkaro’n ng intrusive thoughts na hilain ito at hagkan. Shet naman!“Isang titig pa at papalayasin na kita.”“Oo na, hindi na nakatingin.”Mabilis na sinuotan siya ni Gideon ng undies at pantalon. Kung kahihiyan lang ang pag-uusapan, lubog na lubog na siya kaya bahala na lang si Lord. Tutal, asawa naman niya ito.Matapos nitong maisuot sa kaniya ang lahat-lahat, biglang may kumatok sa pintuan. Mabilis na binalot ni Gideon ang kumot sa kaniya.“Come in,” anito.Biglang bumukas ang pintuan at bumungad do’n ang Personal doctor ng Masterson at kasunod nito ay ang Donya. Kaagad na lumapit ang doctor sa kaniya.“Nadulas siya sa banyo,” kaagad na sabi ni Gideon, “Tingnan mo kung malala.”Sinuri naman siya ng doktor. Pisil dito at pisil doon bago tumango. “Pilay lang 'to, Señorito. Mabilis lang ‘to gagaling. Hindi naman delikado at wala pang sinusugo
Sinundan siya ng malamig na tingin ni Gideon habang papalayo siya at paika-ikang pumasok sa banyo. Pero sa ilalim ng titig nito, nakita niya ang gulat. Siguro iniisip nito na aatras siya agad nang hindi siya nito pinatabi sa kama at hinayaang sa sahig matulog.Inisa-isa niyang tinanggal ang kaniyang mga saplot at sinimulan buksan ang shower. Mabuti na lang at may heater kaya medyo kumalma ang kaniyang puso at utak.“Kuuh! Kung hindi ko lang habol ang perang ibabayad ng mga Masterson, at hindi ka lang gwapo… hinding hindi ako—ay!” Hindi niya namalayang may sabon pala sa sahig. Naapakan niya ito at bigla siyang nadulas.“Aray!” napangiwi siya.Bakit naman ganito, Lord?Pinilit niyang bumangon pero hindi niya magawang igalaw ang katawan. Kung minalas nga naman, mukhang nabalian pa nga siya ngayon.Gusto niyang umiyak.“Are you okay there?” Si Gideon.“K-kung okay ang pagbabasihan ng tanong mo, of course hindi!”“Dalian mo diyan maligo at nang makaalis ka na.” Malamig naman nitong sagot.
Biglang hinila ni Gideon ang braso niya papasok. At bago pa siya makasigaw, isinara nito agad ang pinto at isinandal siya nang malakas sa pader. Nagkalat tuloy ang ilan sa mga ubas sa sahig.“G-Gideon!”Agad niyang naramdaman ang kamay nitong pumilipit sa kaniyang leeg at parang wala itong pakialam kung nasasaktan ba siya o hindi.“Why are you going through all this trouble? Anong binabalak mo?” malamig nitong tanong.Napaigik siya sa sakit. Siraulo ba ‘to?! Gusto niyang isigaw iyon kay Gideon, pero ang nagawa na lang niya ay pilit itong itnutulak papalayo habang nag-uunahan ang luha sa kaniyang mga mata.Nang makita ni Gideon ang mga luha sa kaniyang mga mata, bigla itong kumalas. Awtomatiko siyang napaubo nang sunod-sunod, at hingal na hingal.Nanginginig ang kamay niya nang iabot ang plato ng prutas, buti na lang at may natira pang dalawang ubas. “S-sabi ng mama mo… kumain ka raw ng prutas.”“I don’t need that shit!” Tinapon nito ang mangkok.“Bakit ba ganiyan ka?!” Kahit gusto na