แชร์

6 - Magsama

ผู้เขียน: Li Ashrienne
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-30 07:36:32

Biglang hinila ni Gideon ang braso niya papasok. At bago pa siya makasigaw, isinara nito agad ang pinto at isinandal siya nang malakas sa pader. Nagkalat tuloy ang  ilan sa mga ubas sa sahig.

“G-Gideon!”

Agad niyang naramdaman ang kamay nitong pumilipit sa kaniyang leeg at parang wala itong pakialam kung nasasaktan ba siya o hindi.

“Why are you going through all this trouble? Anong binabalak mo?” malamig nitong tanong.

Napaigik siya sa sakit. Siraulo ba ‘to?! Gusto niyang isigaw iyon kay Gideon, pero ang nagawa na lang niya ay pilit itong itnutulak papalayo habang nag-uunahan ang luha sa kaniyang mga mata.

Nang makita ni Gideon ang mga luha sa kaniyang mga mata, bigla itong kumalas. Awtomatiko siyang napaubo nang sunod-sunod, at hingal na hingal.

Nanginginig ang kamay niya nang iabot ang plato ng prutas, buti na lang at may natira pang dalawang ubas. “S-sabi ng mama mo… kumain ka raw ng prutas.”

“I don’t need that shit!” Tinapon nito ang mangkok.

“Bakit ba ganiyan ka?!” Kahit gusto na niyang mainis, nagtimpi na lang siya. Ang nasa isip niya lang ay ang perang makukuha niya rito. “Kung iniisip mong habol ko ang kayamanan mo, let’s have an agreement. Wala akong gagalawin sa kahit ano sa ’yo.”

Tinitigan siya ni Gideon, saka bahagyang iniangat ang baba niya.

“I will,” malamig na tugon nito. “Everything about me has nothing to do with you.”

Pero bakit parang iba ang tibok ng puso niya nang sabihin ni Gideon ang mga katagang iyon?

“Kung gano’n… pwede ba kitang mahalin?” Kahit siya nagulat sa kaniyang tanong.

Natigilan naman si Gideon. Napangisi ito. Sa isip nito: Kakahiwalay lang ni Mariette kay Jude, nagpakasal sa lalaking halos hindi niya kilala, tapos ngayon—tatanungin niya ako ng ganito?

Bahagya itong yumuko, halos magtapat na ang kanilang mga mata. “How many faces do you have?”

Nanigas si Mariette. Hindi siya agad nakasagot.

“Kung ayaw mong magpa-annul or divorce ng kasal, fine. Pero kahit anong plano mo, you’re just a woman that has no name to me. Nothing more.”

Nanginig ang dibdib niya, hindi niya alam kung dahil sa takot o sa tibok ng puso. Saka ito tumalikod. “Keep your identity a secret. Hindi ka parte ng Masterson.”

Napapikit si Mariette, at huminga nang malalim. Hindi na siya nakipagtalo. Para sa kaniya, sapat na iyon. Hindi rin naman niya planong ipagsigawan ang kasal nila. Ano siya, baliw?

“Kung gano’n…dito na muna ako. Gusto ng mama mo na magsama tayo sa isang silid.”

Hindi siya nilingon ni Gideon. “You can sleep anywhere… but not on my bed.”

Pagpasok ni Gideon sa banyo, hinaplos ni Mariette ang leeg niya. Halos hindi pa rin siya makapaniwalang muntik na siyang sakalin nito kanina. Kung puwede lang siyang maglaho, ginawa na niya. Pero ngayong nakaupo siya sa madilim na sulok ng kuwarto, pakiramdam niya unti-unting naglalaho ang pangarap niyang yumaman.

Kinuha niya ang phone niya at nag-chat sa kaibigan, alam niyang nag-aalala na ito. Nag-click siya ng picture na nakangiti at sinabing dito siya matutulog sa silid ni Gideon. Napuno naman siya ng mahabang text ni Flora at sobrang OA ng reaksyon nito. Eksaktong magrereply sana siya nang mapansin niya ang aninong nakatayo sa kaniyang harapan.

Pag-angat niya ng tingin, nakita niya si Gideon. Sobrang gwapo nito kahit naka-gray pants at simpleng T-shirt lang. Para tuloy siyang natutunaw sa kinauupuan. Kung kagwapuhan lang ang labanan, siguradong panalo ito.

“Alam mo, dapat sa ’yo ay matulog nang maaga,” aniya. Napapansin kasi niya ang pamumutla nito, pero kahit gano’n, hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan.

Hindi siya nilingon ni Gideon. Diretso itong naglakad papunta sa kama, hinila ang kumot, at humiga. At hindi lang iyon—kaagad itong pumalakpak at biglang namatay lahat ng ilaw.

Muntikan na siyang mapasigaw.

Sobrang dilim! Tanging lampshade lang ni Gideon ang nagbigay ng mahina’t dilaw na liwanag. Pakiramdam niya para siyang pusang naliligaw sa malaki’t malamig na kuwarto nito.

Nag-isip siya kung saan matutulog. Pwede na siguro rito sa tabi ng pader. ‘Malayo sa kay Gideon. Baka bigla siyang magising at sakalin ulit ako, at baka sa susunod masapak ko na talaga siya.’

Maya-maya, ipinikit niya ang mga mata. Napangiti siya nang mapagtanto ang kabaliwan ng sitwasyon. Sa kagustuhan niyang makatakas sa ama, heto siya ngayon, ginagawa ang lahat para sa pera.

'Pera ang basihan ng lahat. Ginusto ko ’to, paninindigan ko. At mas okay pa ’to kaysa kay Jude.'

Hindi niya namalayan ang oras at  tuluyan siyang nakatulog. Nakakatuwa pa dahil sa panaginip niya, hinahaplos ni Gideon ang kaniyang pisngi at marahang pinisil.

“Mariette...”

Ngunit nang magising siya, halos mangisay siya sa lamig. Wala man lang siyang kumot! Wala ring unan, jacket, o kahit nilipat man lang siya sa sofa.

Napanguso siya. Literal na walang puso talaga itong si Gideon.

Habang siya’y nanginginig, ito nama’y mahimbing na natutulog kagabi, preskong-presko at bagong paligo na ngayon at amoy aftershave pa.

“May malinis na damit sa banyo. Magpalit ka. Don’t let people think I’m bullying you,” malamig nitong sabi. Kakalabas lang nito ng banyo.

Napairap siya. Bullying? So iniisip pa rin niya ang sasabihin ng iba?

Wala siyang choice kundi dahan-dahang tumayo, halos kumakapit na siya sa pader para makakuha ng lakas. Namamanhid ang buong katawan niya sa lamig at sa buong magdamag na nakaupo.

“Sino ba namang matinong tao ang matutulog na nakaupo? Ako lang siguro.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   11 - Huwag na Huwag Mahuhulog!

    Pero kinaumagahan, nagising siya na sobrang sakit ng kaniyang ulo at parang mabibiyak. At hindi lang ‘yon, nahihilo rin siya at sinisipon. Mukhang nilagnat siya sa pagpapaulan niya kagabi. Mabilis siyang nagsuot ng jacket at pumara ng taxi sa labas papuntang ospital. Kaagad naman siyang inasikaso ng mga nurse at nilagyan ng dextrose. Kinuha niya ang cellphone para sana itext si Flora pero baka mag-aalala lang ito kaya mas pinili niyang ipikit ang mata at huwag na lang.Mayamaya’y napatingin siya sa paligid… lahat sa mga pasyente, may bantay—may pamilya, may kaibigan. Samantalang siya? Mag-isa lang.Napakagat siya ng pang-ibabang labi at lihim na napabuntong-hininga. Gustuhin man niyang ‘wag sakupin ng lungkot pero—hayop! Kinakain siya ng lungkot ngayon. Ganito ata talaga kapag may sakit ‘yong tao.Pansin din niya ang mabagal na paglipas ng mga oras at kahit gustuhin niyang matulog... Parang may sariling utak ang mga mata niya. Ayaw ng mga ito ng umidlip man lang. Hanggang sa may nah

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   10 - Get Out

    Kaagad siyang natigilan at napalingon sa bintana. “Nandito ka?”“Malamang,” matabang na sagot nito.Napanguso siya sa naging sagot nito. Gusto niya tuloy tanungin ito kung may period ba ito today at masyadong mainitin ang ulo pero gano'n pa man, masaya siya dahil dumating ito para iligtas siya sa nakakailang sitwasyon.Kung ‘di lang kabastusan, baka nga kanina pa siya umalis pero siyempre… hindi siya gano’n.Binaba niya ang tawag at humarap sa mga kasama. “Um, guys, nandito na ang asawa ko… Aalis na ako.”“Samahan ka na lang namin palabas,” alok ng isa.Kimi siyang ngumiti at umiling. Natatandaan niya ang kasunduan nila ni Gideon na ayaw na ayaw nitong makilala ito sa labas na mag-asawa sila, kaya nakakapagtaka na sinundo siya nito.Napansin niyang mas lumakas lalo ang ulan kaya mabilis siyang lumabas at doon niya nakita ang isang itim na Maybach ang nakaparada sa gilid, at naka-hazard lights. Biglang naningkit ang kaniyang mga mata at nag-isip kung kay Gideon ba ang sasakyan na ‘yon

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   9 - May Asawa Na Ako

    Halos matawa si Mariette nang maaalala iyon. Ang pinakamahalagang rule ni Gideon? Ay huwag siyang mahulog dito kundi may napakabatang parusa. Kapag nalabag niya iyon, kailangan niyang mag-squat at mag-hop sa city square habang tumatahol na parang aso. Nakakatawa, oo, pero sobrang linaw kung gaano siya kinasusuklaman ni Gideon. Matapos siyang idrop ng driver sa lokasyon, nagpaalam muna siya kay Flora at pabirong inirapan ang kaibigan saka ito umalis.Huminga muna siya nang malalim bago pumasok sa restaurant. Narinig pa niya ang malakas na tawanan mula sa private room, at agad siyang kinawayan ng isa. “Mariette, dito! Kanina ka pa namin hinihintay!”Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa kanya. Kaya napilitan siyang ngumiti. “Pasensya na, inabot ako ng antok, may sakit pa kasi.”“Ayos ka lang?” agad na tanong ni Kelvin. Kulang na lang sabihin nito ay gusto mo ibili kita ng gamot.“Sipon lang ito, maliit na bagay. Hindi pa naman siguro nakakamatay,” pabirong sagot niya.Nagsitawanan nam

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   8 - Kasunduan

    Kaagad namula ang magkabilang teynga ni Gideon at iniwas ang tingin. Napangiti naman si Mariette sa cute na reaksyon nito. Bigla tuloy siyang nagkaro’n ng intrusive thoughts na hilain ito at hagkan. Shet naman!“Isang titig pa at papalayasin na kita.”“Oo na, hindi na nakatingin.”Mabilis na sinuotan siya ni Gideon ng undies at pantalon. Kung kahihiyan lang ang pag-uusapan, lubog na lubog na siya kaya bahala na lang si Lord. Tutal, asawa naman niya ito.Matapos nitong maisuot sa kaniya ang lahat-lahat, biglang may kumatok sa pintuan. Mabilis na binalot ni Gideon ang kumot sa kaniya.“Come in,” anito.Biglang bumukas ang pintuan at bumungad do’n ang Personal doctor ng Masterson at kasunod nito ay ang Donya. Kaagad na lumapit ang doctor sa kaniya.“Nadulas siya sa banyo,” kaagad na sabi ni Gideon, “Tingnan mo kung malala.”Sinuri naman siya ng doktor. Pisil dito at pisil doon bago tumango. “Pilay lang 'to, Señorito. Mabilis lang ‘to gagaling. Hindi naman delikado at wala pang sinusugo

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   7 - Ang Pechay ko!

    Sinundan siya ng malamig na tingin ni Gideon habang papalayo siya at paika-ikang pumasok sa banyo. Pero sa ilalim ng titig nito, nakita niya ang gulat. Siguro iniisip nito na aatras siya agad nang hindi siya nito pinatabi sa kama at hinayaang sa sahig matulog.Inisa-isa niyang tinanggal ang kaniyang mga saplot at sinimulan buksan ang shower. Mabuti na lang at may heater kaya medyo kumalma ang kaniyang puso at utak.“Kuuh! Kung hindi ko lang habol ang perang ibabayad ng mga Masterson, at hindi ka lang gwapo… hinding hindi ako—ay!” Hindi niya namalayang may sabon pala sa sahig. Naapakan niya ito at bigla siyang nadulas.“Aray!” napangiwi siya.Bakit naman ganito, Lord?Pinilit niyang bumangon pero hindi niya magawang igalaw ang katawan. Kung minalas nga naman, mukhang nabalian pa nga siya ngayon.Gusto niyang umiyak.“Are you okay there?” Si Gideon.“K-kung okay ang pagbabasihan ng tanong mo, of course hindi!”“Dalian mo diyan maligo at nang makaalis ka na.” Malamig naman nitong sagot.

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   6 - Magsama

    Biglang hinila ni Gideon ang braso niya papasok. At bago pa siya makasigaw, isinara nito agad ang pinto at isinandal siya nang malakas sa pader. Nagkalat tuloy ang ilan sa mga ubas sa sahig.“G-Gideon!”Agad niyang naramdaman ang kamay nitong pumilipit sa kaniyang leeg at parang wala itong pakialam kung nasasaktan ba siya o hindi.“Why are you going through all this trouble? Anong binabalak mo?” malamig nitong tanong.Napaigik siya sa sakit. Siraulo ba ‘to?! Gusto niyang isigaw iyon kay Gideon, pero ang nagawa na lang niya ay pilit itong itnutulak papalayo habang nag-uunahan ang luha sa kaniyang mga mata.Nang makita ni Gideon ang mga luha sa kaniyang mga mata, bigla itong kumalas. Awtomatiko siyang napaubo nang sunod-sunod, at hingal na hingal.Nanginginig ang kamay niya nang iabot ang plato ng prutas, buti na lang at may natira pang dalawang ubas. “S-sabi ng mama mo… kumain ka raw ng prutas.”“I don’t need that shit!” Tinapon nito ang mangkok.“Bakit ba ganiyan ka?!” Kahit gusto na

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status