Share

4 - Bruha, Hindi Biktima

Penulis: Li Ashrienne
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-26 15:03:58

Tumingin si Gideon sa kanya mula ulo hanggang paa at hindi lang basta tingin, kundi parang hinuhubaran siya gamit lang ang mga mata. Alam na agad ni Mariette kung saan hahantong iyon.

Mabilis niyang inangat ang laylayan ng suot niyang blusa, at lumitaw ang maliit niyang bewang. Kasabay niyon, bahagyang sumilip ang gilid ng kaniyang puting bra.

Pero bigla na lang siyang itinulak ni Gideon nang malakas, na para bang sukang-suka ito sa presensya niya. Napaatras siya at muntik matumba. Sa totoo lang, gusto na sana niyang sigawan ang lalaki, pero nagkunwari na lamang siya at umarte na sobrang nasaktan sa ginawa nito.

“UMALIS KA.” Mariing tumagis ang bagang nito.

Napangiti siya nang lihim. Oo, aalis siya—ngayon din. Pero bago iyon, nagpakita muna siya ng kunwang pagkadismaya.

“Pero Gideon—”

“ANG SABI KO, ALIS!”

Kaagad siyang bumaba sa kama, inayos ang gusot na damit, at dinampot ang cardigan na itinapon kanina. Hindi na siya lumingon pa at mabilis na lumabas.

Pagkalabas niya ng kwarto, nakahinga siya nang maluwag. Ang lakas ng epekto ng lalaki sa kaniya, pero hanggang doon na lang iyon. Wala na siyang balak pang makita si Gideon Amir. Pero bakit parang lalong bumibilis ang tibok ng puso niya ngayon?

***

KINABUKASAN, niyaya niya si Flora na mag-dinner sa isang sikat na resto. Hindi pa man sila nakaka-order, agad na tinira siya ng tanong nito tungkol sa nangyari kagabi. Nang ikwento niya ang lahat, napanganga ang kaibigan at muntik na siyang sabunutan.

 “Hoy, jusko! Ang kapal ng mukha mo!”

Ngumisi lang si Mariette at nagkibit ng balikat. “Hindi dumarating ang pera kung walang kaunting risk, di ba?”

“Hindi ka ba natatakot? Paano kung—”

“Alam mo, Flora, sa itsura at katawan ni Gideon, plus kayamanan, hindi na nakapagtataka kung bakit nahuhulog ang kahit sino sa kaniya.”

Napangiwi si Flora.

“At saka,” dagdag pa ni Mariette, pabirong tono, “hindi rin siguro masama kung magkaroon ako ng anak sa kaniya. Imagine kung gaano kaganda ’yon. Aba, instant aunty ka agad!”

“Hoy, bruha ka!” halos mapasigaw si Flora.

Tawang-tawa si Mariette sa reaksyon nito. Pero matapos ang tawanan, mariin siyang binalaan ng kaibigan. Kapag nag-suhestyon ulit si Gideon ng divorce or annulment, tanggapin na lang niya. Mas mabuti raw iyon kaysa pumasok sa isang lason na relasyon.

“Oo na, gets ko na, lola.”

Isang nakakamatay na irap ang binato sa kaniya ni Flora.

***

Pagkatapos ng hapunan, saka lang kumalma si Flora siguro dahil busog. Nagtatawanan pa silang naglalakad sa mall, hanggang sa biglang tumigil si Mariette. Umasim bigla ang kaniyang sikmura.

“Ano’ng problema?” tanong ni Flora. Sinundan nito ang direksiyon ng tingin ni Mariette at agad ding napakunot ang noo. “Hayop! Pati rito, makikita ko pa ang pangit na lalaking ’yon?”

Nabuntong-hininga si Mariette at pinilit kumalma. Nasira tuloy ang gabi niya nang makita ang mukha ni Jude. “Tara na. Ayokong masira pa lalo ang mood ko.” Hinila niya ang kaibigan palayo.

“Ha? Bakit tayo aalis? May atraso pa sa atin ’yong gagong ’yan!” Tinanggal ni Flora ang braso mula sa pagkakahawak niya at itinaas pa ang manggas na parang mandirigmang handang makipagsabunutan. Pinigilan lang ito ni Mariette.

“Kumalma ka nga. Ayokong madungisan ang kamay ko sa lalaking ’yon. Wala namang kuwenta.”

“Tama ka naman. Basura ang bwesit na ’yon. Tara na nga!” si Flora na mismo ang humila sa kaniya, pero huli na, nasa harap na nila si Jude.

Galit ang nakaukit sa mukha nito. “Mariette!”

Agad umeksena si Flora para protektahan siya, pero hinila ni Mariette ang kaibigan. Siya mismo ang humarap kay Jude.

“Kilala ba kita?” malamig niyang tanong.

“Mag-usap tayo.”

“Mag-usap?” Umangat ang kilay niya. “At sino ka para pag-aksayahan ko ng oras? Isa kang basura.” Tatalikod na sana siya nang tangkain siyang hawakan ni Jude, pero mabilis siyang nakaiwas.

Nagtagis ang bagang ni Jude, saka bigla siyang hinila sa pulsuhan, mariing kinaladkad papalapit dito.

At doon, tuluyang sumabog ang pasensya ni Mariette. Itinaas niya ang kamay at malakas na sinampal si Jude. Sa sobrang lakas, halos mabali ang kamay niya… at napalingon lahat ng tao sa paligid.

Nanigas si Jude, hindi makapaniwala sa ginawa niya. “Puta! Sinampal mo pa talaga ako?!”

Tiningnan niya ito nang diretso. “Magpasalamat ka na lang at wala akong kutsilyo ngayon, Jude. Dahil kung meron man, baka sa morgue ang bagsak mo.” Matalim ang kanyang titig. “Subukan mo ulit akong guluhin at pupuntahan kita mismo sa bahay mo para pagsasaksakin.”

Napasinghap ang mga tao sa paligid at kanya-kanyang bulungan laban sa kaniya. Pero wala siyang pakialam. Sa tabi niya, si Flora ay halos proud na proud sa ginawa niya.

Matagal na siyang ganito. Hindi siya ipinanganak para gawing kawawa. Hindi siya martyr, at lalong hindi siya papayag na apihin ng kung sinu-sinong anak ni Adan.

Nagulat si Jude. Para bang ngayon lang nito nakilala ang babaeng kaharap. Akala siguro nito noon, mahinhin siya, laging masunurin, at ang alam lang na gawin ay ngumiti sa tuwing tatawag ito nang dis-oras ng gabi sa kaniya. Hindi man lang pumasok sa isip nito na kaya rin niyang makipagbasagan ng mukha.

Samantala, nagsimula na ang bulungan ng mga tao. Ramdam ni Mariette ang bigat ng mga matang nakatutok sa kanya. At gaya ng nakasanayan, babae ang unang hinuhusgahan sa ganitong eksena.

“Grabe naman ang babaeng ‘yon. Ang gwapo kaya nung lalaki, para lang sampalin niya.”

“Oo nga. Kung ayaw niya, sa atin na lang!”

“Masyadong brutal. Mukha lang inosente, pero ang ugali hindi.”

Napairap siya sa mga narinig at agad siyang hinila ni Flora. “Tara na, Marie.”

Habang papalayo sila, hawak pa rin ni Jude ang namumulang pisngi at pilit na ginamit ang victim card para pagtakpan ang kahihiyan.

Habang sa kalayuan, nakatayo si Gideon sa gilid ng mga usisero. Tahimik niyang pinanood ang lahat, mula sa pagsigaw hanggang sa sampal, hanggang sa titig na naglalagablab sa mga mata ni Mariette.

Tsk.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   11 - Huwag na Huwag Mahuhulog!

    Pero kinaumagahan, nagising siya na sobrang sakit ng kaniyang ulo at parang mabibiyak. At hindi lang ‘yon, nahihilo rin siya at sinisipon. Mukhang nilagnat siya sa pagpapaulan niya kagabi. Mabilis siyang nagsuot ng jacket at pumara ng taxi sa labas papuntang ospital. Kaagad naman siyang inasikaso ng mga nurse at nilagyan ng dextrose. Kinuha niya ang cellphone para sana itext si Flora pero baka mag-aalala lang ito kaya mas pinili niyang ipikit ang mata at huwag na lang.Mayamaya’y napatingin siya sa paligid… lahat sa mga pasyente, may bantay—may pamilya, may kaibigan. Samantalang siya? Mag-isa lang.Napakagat siya ng pang-ibabang labi at lihim na napabuntong-hininga. Gustuhin man niyang ‘wag sakupin ng lungkot pero—hayop! Kinakain siya ng lungkot ngayon. Ganito ata talaga kapag may sakit ‘yong tao.Pansin din niya ang mabagal na paglipas ng mga oras at kahit gustuhin niyang matulog... Parang may sariling utak ang mga mata niya. Ayaw ng mga ito ng umidlip man lang. Hanggang sa may nah

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   10 - Get Out

    Kaagad siyang natigilan at napalingon sa bintana. “Nandito ka?”“Malamang,” matabang na sagot nito.Napanguso siya sa naging sagot nito. Gusto niya tuloy tanungin ito kung may period ba ito today at masyadong mainitin ang ulo pero gano'n pa man, masaya siya dahil dumating ito para iligtas siya sa nakakailang sitwasyon.Kung ‘di lang kabastusan, baka nga kanina pa siya umalis pero siyempre… hindi siya gano’n.Binaba niya ang tawag at humarap sa mga kasama. “Um, guys, nandito na ang asawa ko… Aalis na ako.”“Samahan ka na lang namin palabas,” alok ng isa.Kimi siyang ngumiti at umiling. Natatandaan niya ang kasunduan nila ni Gideon na ayaw na ayaw nitong makilala ito sa labas na mag-asawa sila, kaya nakakapagtaka na sinundo siya nito.Napansin niyang mas lumakas lalo ang ulan kaya mabilis siyang lumabas at doon niya nakita ang isang itim na Maybach ang nakaparada sa gilid, at naka-hazard lights. Biglang naningkit ang kaniyang mga mata at nag-isip kung kay Gideon ba ang sasakyan na ‘yon

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   9 - May Asawa Na Ako

    Halos matawa si Mariette nang maaalala iyon. Ang pinakamahalagang rule ni Gideon? Ay huwag siyang mahulog dito kundi may napakabatang parusa. Kapag nalabag niya iyon, kailangan niyang mag-squat at mag-hop sa city square habang tumatahol na parang aso. Nakakatawa, oo, pero sobrang linaw kung gaano siya kinasusuklaman ni Gideon. Matapos siyang idrop ng driver sa lokasyon, nagpaalam muna siya kay Flora at pabirong inirapan ang kaibigan saka ito umalis.Huminga muna siya nang malalim bago pumasok sa restaurant. Narinig pa niya ang malakas na tawanan mula sa private room, at agad siyang kinawayan ng isa. “Mariette, dito! Kanina ka pa namin hinihintay!”Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa kanya. Kaya napilitan siyang ngumiti. “Pasensya na, inabot ako ng antok, may sakit pa kasi.”“Ayos ka lang?” agad na tanong ni Kelvin. Kulang na lang sabihin nito ay gusto mo ibili kita ng gamot.“Sipon lang ito, maliit na bagay. Hindi pa naman siguro nakakamatay,” pabirong sagot niya.Nagsitawanan nam

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   8 - Kasunduan

    Kaagad namula ang magkabilang teynga ni Gideon at iniwas ang tingin. Napangiti naman si Mariette sa cute na reaksyon nito. Bigla tuloy siyang nagkaro’n ng intrusive thoughts na hilain ito at hagkan. Shet naman!“Isang titig pa at papalayasin na kita.”“Oo na, hindi na nakatingin.”Mabilis na sinuotan siya ni Gideon ng undies at pantalon. Kung kahihiyan lang ang pag-uusapan, lubog na lubog na siya kaya bahala na lang si Lord. Tutal, asawa naman niya ito.Matapos nitong maisuot sa kaniya ang lahat-lahat, biglang may kumatok sa pintuan. Mabilis na binalot ni Gideon ang kumot sa kaniya.“Come in,” anito.Biglang bumukas ang pintuan at bumungad do’n ang Personal doctor ng Masterson at kasunod nito ay ang Donya. Kaagad na lumapit ang doctor sa kaniya.“Nadulas siya sa banyo,” kaagad na sabi ni Gideon, “Tingnan mo kung malala.”Sinuri naman siya ng doktor. Pisil dito at pisil doon bago tumango. “Pilay lang 'to, Señorito. Mabilis lang ‘to gagaling. Hindi naman delikado at wala pang sinusugo

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   7 - Ang Pechay ko!

    Sinundan siya ng malamig na tingin ni Gideon habang papalayo siya at paika-ikang pumasok sa banyo. Pero sa ilalim ng titig nito, nakita niya ang gulat. Siguro iniisip nito na aatras siya agad nang hindi siya nito pinatabi sa kama at hinayaang sa sahig matulog.Inisa-isa niyang tinanggal ang kaniyang mga saplot at sinimulan buksan ang shower. Mabuti na lang at may heater kaya medyo kumalma ang kaniyang puso at utak.“Kuuh! Kung hindi ko lang habol ang perang ibabayad ng mga Masterson, at hindi ka lang gwapo… hinding hindi ako—ay!” Hindi niya namalayang may sabon pala sa sahig. Naapakan niya ito at bigla siyang nadulas.“Aray!” napangiwi siya.Bakit naman ganito, Lord?Pinilit niyang bumangon pero hindi niya magawang igalaw ang katawan. Kung minalas nga naman, mukhang nabalian pa nga siya ngayon.Gusto niyang umiyak.“Are you okay there?” Si Gideon.“K-kung okay ang pagbabasihan ng tanong mo, of course hindi!”“Dalian mo diyan maligo at nang makaalis ka na.” Malamig naman nitong sagot.

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   6 - Magsama

    Biglang hinila ni Gideon ang braso niya papasok. At bago pa siya makasigaw, isinara nito agad ang pinto at isinandal siya nang malakas sa pader. Nagkalat tuloy ang ilan sa mga ubas sa sahig.“G-Gideon!”Agad niyang naramdaman ang kamay nitong pumilipit sa kaniyang leeg at parang wala itong pakialam kung nasasaktan ba siya o hindi.“Why are you going through all this trouble? Anong binabalak mo?” malamig nitong tanong.Napaigik siya sa sakit. Siraulo ba ‘to?! Gusto niyang isigaw iyon kay Gideon, pero ang nagawa na lang niya ay pilit itong itnutulak papalayo habang nag-uunahan ang luha sa kaniyang mga mata.Nang makita ni Gideon ang mga luha sa kaniyang mga mata, bigla itong kumalas. Awtomatiko siyang napaubo nang sunod-sunod, at hingal na hingal.Nanginginig ang kamay niya nang iabot ang plato ng prutas, buti na lang at may natira pang dalawang ubas. “S-sabi ng mama mo… kumain ka raw ng prutas.”“I don’t need that shit!” Tinapon nito ang mangkok.“Bakit ba ganiyan ka?!” Kahit gusto na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status