Nasa labas na ng gate ngunit gulong-gulo padin ang isip ni Fianna. Hindi niya maalala kung anong kinalaman niya sa lugar nato. Pag pinilit niyang ukitin sa kanyang isip, sumasakit na parang may tumutusok na karayom o kung ano mang matalim na bagay sa utak niya. Pagkatapos ay nagugulo ang mga iniisip niya.
Nagtataka din siya kung bakit parang napakabait at parang close ang mga mangangawa sa kanya. Kasi habang lumalabas siya kanina ay binabati ng nakangiti at tinatanung nila kung saan siya pupunta ng napaka-aga. Ni isa ay walang pamilyar na mukha sa kanya kaya wala siyang magawa kundi tumahimik nalang at magpapatuloy sa kanyang paglalakad.
Pinabayaan at isinantabi muna niya ang mga ito upang mapakalma ang kanyang kakaibang pagkabalisa. Pagdating sa main gate ay ngumiti na parang nakakita ng anghel at binati ng guard si Fianna. Napakaganda ng ngiti niya na hindi matanggihan ni Fianna kaya ibinalik ang pagbati sa kanya at pinilit ngumiti ng konti.
Napatigil nalang siya nang magsalita ulit ang guard,
"Mrs. Morgan saan po kayu pupunta ng napaka-aga. Gusto po ba ninyong ihatid ko kayu?" Magiliw niyang tinanong.
Si Fianna na narinig ang kakaibang tawag sa kanya ay napatingin sa paligid hangang sa guard na nakataas ang kilay.
Dahil wala silang ibang kasama."Manung guard, ano pong sinabi ninyo?" Kanyang itinanung pagkatapos humarap sa kanya.
Nagtaka ang guard ngunit hindi ipinahalata at sasagutin na sana nung biglang tumunog ang cellphone niya.
Napansin naman ni Fianna kaya sinenyasan nalang niyang okay lang.Hindi na naghintay pa at umalis na si Fianna. Dahil hindi sa mismong highway ang kalsadang linabasan niya, wala siyang nakitang mga sasakyan.
Habang sa kabila, lumingon ang guard sa kinaroroonan ni Fianna kanina. Ngunit nung wala na siya,napabuntong hininga nalang siya at sinabi sa kausap sa cellphone na si Alex "ser, pasesnsiya umalis na po si ma'am nang hindi ko natatanung kung saan pupunta."
Nagtaka naman sa kabila si Alex dahil hindi manlang gumamit ng sasakyan si Fianna, oh kung hindi ay nagpahatid. Ngunit pinaapaw niya ang dahilan na baka nag-away sila ni Marcellus. Kaya naaawa si Alex sa kanyang ma'am dahil una na niyang nakita bago sila ikasal na may ibang kasamang babae si Marcellus. Ngunit wala siyang magawa dahil baka mawawalan siya ng trabaho habang buhay.
Pagkatapos ng tawag ay ipinagbigay-alam niya ang mga nakuha niyang impormasyon tungkol sa mga pinuntahan at kinasama ni Fianna kay Marcellus. Nagtataka si Alex dahil ang kasama lang niya ay si Ms. Cynth Lee na kanyang kapatid. At wala silang ibang pinuntahan kundi nanatili sila sa villa.
'eh bakit hinahanap ni sir si ma'am kagabi?' napatanung sa utak si Alex.
Pero bigla rin niyang naisip ang sagot, 'ay! Baka miss na kasi ni sir si ma'am. Sana mapabago na ni ma'am si sir.' Sabay dasal pa niya habang tinatago ang ngiti sa gilid.Hindi umimik si Marcellus sa mga report at napangisi na parang may binabalak na mali tsaka ibinulong,
"How dare you refuse me. If that's how you're going to act, then let's see who's going to give in first."Nataranta si Alex na nakatayo sa gilid kaya lumingon sa likod niya kung may iba pa silang kasama. Ngunit sila lang dalawa kaya dahan-dahan niyang tinanong,"sir who are you talking to-"
Hindi nakikinig si Marcellus at biglang tumingin kay Alex at nagsalita,"let her avoid me however she wants, she will come back begging me for help maybe even this afternoon."
'Begging him for help this afternoon?' inulit na tanung ni Alex sa sarili niya. Bago nanlaki ang mga mata at dinagdag, 'may problema nga talaga sila.'
Samantala, si Fianna na kanina pa naglalakad sa kalsada at papalapit na sa highway ay hindi maalala kung saan ang bahay. Ngunit alam niya na umalis at nag-iba ng tahanan dahil sa nalaman. Ayaw na niyang makasama pa at makita ang pagmumukha ng mamamatay-tao niyang ama-amahan.
After 11 hours of walking and sitting
"Anong big sabihin nito?! Isa na pala akong palaboy? Kailan pa ako nawalan ng bahay?!" Nagagalit at nagtatakang tanung ni Fianna na parang pinilisil ang ulo.
Halos kaninang umaga pa siya naghahanap at nag-iisip kung saan ang bahay ngunit wala pala siya nun. Nakaupo siya ngayun sa isang children's park kaya ang mga nakarinig sa sigaw niya ay magkahalong awa at taka sa kung ano ang nangyayari sa kanya.
Ngunit walang naglakasloob na lumapit dahil nahihiya o natatakot sila.
Gutom na si Fianna dahil hindi pa siya kumakain mula umaga hanggang ngayon. Hinanap-hanap din niya sa bulsa at halos maghubad pa sana siya para lang makita kung meron yung wallet at phone niya, lalong-lalo na yung kwentas na huling ala-ala ng kanyang namayapang ina. Halos hilingin niya na kahit yun ay maibalik sana kung may nanghold-up sa kanya,pero wala talaga. Lahat wala,kaya wala siyang ibang mahinuha na ibig-sabihin ng sitwasyon niya kundi, nanakawan nga talaga siya. Pinagdadasal nalang niya na buhay at walang ginawa sa kanya.
Halos maiyak na sa kaiisip si Fianna kung bakit eto nangyayari sa kanya. Ngunit hindi siya ang babaeng ganun kahina na iiyak lang sa gilid hanggang mapagod. Kaya tumayo siya ng dahan-dahan at tumingin sa papadilim na langit.
"Nasisira nadin pala ang buhay ko."
Malungkot na bulong niya. Ngunit ngumiti ng pilit at dinagdag,
"Pero may mga kaibigan at trabaho pa maman ako. Pinaghirapan kong inabot ang aking pagka-abogada, kaya kahit alisin niyo lahat ng ibinigay ninyo saakin, sila ang maiiwan saakin." Maluha-luha ngunit hindi niya hinahayaang tumulo ang mga ito.Hindi niya sigurado kung alam na ni Chua ang nalaman niyang pagkatao niya. Ngunit ang sigurado niya ay, hinding-hindi na siya babalik pa sa kanila.
Inayos niya nag kanyang damit saka naglakad papunta sa isa niyang malapit na kaibigan simula pa nung highschool sila. Danae Neville ang pangalan niya na bagay na bagay dahil katulad ni Fianna ay may itsura din siya. Sa katunayan, marami ang nanliligaw sa kanilang dalawa ng sabay pa kung minsan,na parang nagbalak magkasabay ang mga nanliligaw.
Pero dahil hindi pinapansin at pinapakialaman ni Fianna ay nauunang nawawalan ng pag-asa kaya lumalayo nalang ang mga may gusto sa kanya.
Iba naman si Danae, dahil sinasagot niya sila kung nagugustuhan niya. Pero sa kalaunan ay hindi sila nagtatagal.
Pinindot ni Fianna ang doorbell ng bahay nila Danae kaya binuksan ng ama ni Danae na si Villamor. Kilala at tinuturing na rin na anak niya si Fianna kaya dali-dali siyang pinapasok at kinamusta.
Magiliw naman na sumagot si Fianna kahit masakit na ang tiyan niya. Pagkatapos ay pumasok na sila at tinawag ng ama si Danae.
"Oh kamusta Fin, masaya ako't nakadalaw ka! Hindi kita makontak-kontak sa mga nagdaang linggo. Akala ko ayaw muna saakin... Oh! lalong gumaganda pero haggard ah! Ganu ka ba kabusy sa trabaho ha?"
Ang masayang ngunit nag-aalalang bati ni Danae habang bumababa sa hagdanan. Fin ang palayaw nila kay Fianna.
Pagkatapos maubus ang huling wine na may laman sa minibar niya, walang-imik na ibinato ni Marcellus ang bote sa kaharap na pader saka naupo. Maya-maya ay may dumadaong na ingay na nangangaling sa pinto niyang naka-lock ngunit matamlay lang niya itong binalingan ng tingin ng halos kalahating oras na halatang walang balak buksan. Napakunot lang siya dahil hindi naman siya dinidistorbo ng ganito noon,kahit pa manatili siya doon ng isang linggo . Siguro dahil nasabi niya kay Alex na siya na ang mamamahala sa mga kompanya niya at ang lahat ng mga successor niya sa ibang kumpanya nalang ang katulungan niya kaya nahalata niyang may balak siyang gawin. Napasimangot siya sa pagkaisip non. Pero nang tumahimik ang pagkakabog sa pinto,nawala ang simangot niya at siya naman ang gumalaw na halos nahihilong pinatay ang pulang ilaw ng buong minibar. Saka pasimpleng binunot ang isang 9mm pistol sa kanyang drawer. Hindi na niya matiis. Hindi na niya talaga kaya ang sakit na nararamdaman. Parang sa ba
Mula sa gabing na iyun hangang sa ikadalawang-linggo nila sa islang iyun ay puno ng kasiyahan at pagmamahalan ang kanilang mga pinagsamahang araw. Mula sa paglalakbay sa umaga at pablalakbay naman sa kama kapag gabi. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang nakarating kay Marcellus kaya naman napgpasyahan niyang itago muna ang asawa at iwanan sa isla upang makakpagpokus siyang patalsikin ang kanyang nag-iisang tunay na kalaban. Ang kanyang tiyuhin,na kalaunan ay ipinagtapat din niya kay Fianna. Ngayon ay puno ng pag-aalalang namama-alam si Fianna sa asawa. “Please be careful.” Maluha-luha niyang pag-uulit. Napangising aso naman ang asawa na parang hindi siya nag-aalala sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya. “Oh darling,you know how much your kiss could make me kill any asshole enemy in the world right?” Marahang napatawa si Fianna sabay tinapik ng balikat ng asawa. “Watch your language. At saka sino naman ako para makapag-bigay sayo ng ganong lakas?”“My gorgeous Goddess.” Se
Mamikit-mikit is Fiannang bumangon kinaumagahan. Dahil sa pagod ay wala itong maalalang buo sa kanyang memorya. Kung meron man, parang mga kalat nalang ang mga itong maliliit. “Good morning darling, have you slept well?" Halos mapatalon si Fianna sa pagkabigla pero dahil wala siyang nararamdamang enerhiya,napasingap nalang siya. “M-marcelus? When did you arrive?” Ang malapad na ngiti ng asawa niya ay naglaho ng marinig ang tanong ni Fianna. “Shouldn’t you ask how did you end up here first?”“What do you mean?”Nang mahalatang walang alam sa nangyayari sa mundo ang asawa niya, napabuntong-hininga nalang si Marcellus saka mabilis na hinila ito palapit sa kanya. “I’m really sorry darling. It’s all my fault. I let my guard down because I never thought anyone would dare to do that but, it seems there are still those who has loose screw within them. I just hope that didn’t affect your love for me. I wouldn’t ever know what to do if you leave me again. ” Hindi na napigilan ni Fianna ang
Hindi na namalayan ni Fianna kung kailan siya nakatulog ngunit sa oras na nagising siya, nagpapasalamat nakang siya dahil maigalaw pa niya ang kantang katawan. 'Goodness! He said he isn't a monster but he's even beyond a monster!' Sigaw ni sa sarili matapos mag-inat. At nang biglang lumabas na naman sa utak niya ang kababalaghang nangyari sa kanila kagabi, tinapik niya ang kanyang ulo. Saka pinilit nia binaling ang iniisip sa ibang bagay. At yun ay kung saan nagpunta ng napaka-aga ang kanyang asawa. Nang magising kasi siya ay napaka-kalmadong katahimikan ang aumalubong sa kanya. Hindi katulad ng gabi niya. Kaya nagtaka siya kung nasaan ang nagpaingay sa kanya ng lubos. Nang bumaba siya, naoasigaw nalang siya nang hindi niya inaasahang napahandusay siya sa baba. Para bang sirena na nagkaroon ng paa sa kauna-unahang pagkakataon ang itsura niya. Ngunit nang pinilit niyang tumayo saka naghawak-hawak sa mga mapagkakapitan, matagumpay siyang nakapunta sa bathroom. At doon ay naligo siya n
Halos Hindi maipaliwanag ni Fianna ang halu-halong nararamdaman at kahit napansin niyang kung gaano karami ang mga papuring natanggap ng bahay ng asawa niya ay ganun din ang natanggap niya, hindi padin iyun nakatulong na iangat ang pag-iikot ng kombinasyon ng mga nagdadakilaang emosyon sa utak at puso niya. Kung dati ay ikinasal na siya, hindi padin niya maiwasang mabalisa sapagkat parang siyang dalaga na ikakasal palang sa pinaka-unang pagkakataon kaya ang mga nararamdaman niya ay linulunod siya. Isang saglit, napakasaya niya na parang naglalakad sa mga ulap habang isang saglit naman, natatakot siya na parang nahuhulog siya mula sa ulap.Ngayong nakatayo na siya sa harap ng napakagandang simbahan, naghihintay na ito'y mabuksan, binigyan niya ang sarili na magkaroon ng saglit na katahimikan upang mapakalma ang lahat ng pag-aalala. Pagkatapos non, ay huminga siya ng napalamabuluhang hinga saka ibinuka ang mata sa nakabukas na pinto at dineretso niya ang nakatayong lalaki sa altar. Ngum
"So then do I look presentable now?!" Nababalisang taking ni Fianna kina Danae at Cyrylle habang nanginginig na inaayos ang ehem ng kaniyang napakagrandeng dress na lace tattooed. "Don't mind me but I think you have defeated every bride out there who spent half of their year planning their dress. You absolutely look like a goddess Fin. I'm sure Chua wouldn't be able to take your magnificent sight because he never deserve to have you as his daughter." Exaggerated na tugon ni Danae habang kinukunan siya ng litrato sa kung saan-saang anggulo. Napangiti ng marahan si Fianna saka nagpasalamat ngunjt maya-maya ay hindi niya namalayang nakasimangot na siya. "Anak, nakasimangot ka na naman, dahil ba ulit ito kay Cynth?" Hindi naiwasang natanong ni Cyrylle matapos makitang napasimangot siya pagkatapos sabihin ni Danae si Chua. Alam niya na hindi kailan man magsisisi o maaawa si Fianna kay Chua sapagkat malala talaga ang kasalanan at kalupitang ginawa niya. Kaya naisip niyang baka ang nangy