Share

3. Unknowingly married

"Oh siya sige, hayaan ko muna kayung mag-usap diyan at may gagawin lang ako. Babalikan ko kayu pagkatapos." Ang paalam ni Villamor na tinganguan naman ng dalawa.

"Tara sa kusina tayo mag-usap. Nagugutom na kasi ako eh." Alok ni Danae na ipinagpasalamat naman ni Fianna sa Diyos. 

Dahil kanina pa kumukurot ang tiyan niya.

"Sure, medyo gutom narin ako eh." Sagot niya habang sumusunod.

"So ano, hindi mo ba sasabihin saakin ang sekreto mo?" Pangiting tanung ni Danae nang sila'y makaupo.

Itinaas lang ni Fianna ang kanyang kilay tsaka sinubo ang honeydew na kanyang hiniling kay Danae. Ito ang pinakapaborito niyang prutas. At dahil minsan nakakain niya ang dalawang buo, iniisip ng iba na pinaglilihian niya ito.

"Ano ba, wag ka ngang magmaang-maangan diyan. Kahit haggard ka pa, kitang-kita ko na blooming ka. Anong sikreto?" Napakindat pa na tanung ulit ni Danae. May naiisip siya na pinakadahilan na kababasa lang niya,ngunit alam niyang imposible dahil wala namang boyfriend si Fianna.

Sa katotohanan, gutom na gutom si Fianna kaya hindi ganun pinansin ang mga tanung at kakaibang tingin ni Danae sa kanya. 

"Wala akong sikreto. By the way, Danae pwede ba tayung mag-usap pagkatapos nating kumain?" Seryosong sagot ni Fianna habang patuloy sa pagkain.

Napabuntong hininga nalang si Danae saka pinaikot ang mata sa kaseryosohan ng kanyang kaibigan kaya sumuko na siya at tumango bago kumain narin, 'kung sasabihin kong nag-uusap naman na tayo ah, eh baka mas lalo pa siyang sumeryoso pa na parang nagmemeeting na kami.' Nakangiting bulong niya sa sarili.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta na sila sa kwarto ni Danae upang doon mag-usap.

Pumunta agad sa punto si Fianna dahil marami pa siyang kailangang ayusin pagkatapos neto. 

"Danae, pwede ba akong tumuloy muna dito ng isang linggo habang naghahanap ako ng bagong lilipatan?" Pakiusap niya. Alam niya na papayag na papayag si Danae pero gusto parin niyang ikumpirma, dahil.minsan ay namimiss niya ang pagmamahal ng kanyang kaibigan.

Nanlaki ang mga mata ni Danae, halos mailabas ang iniinom na tubig.

"Ano ba yan Fin, of course pwedeng-pwede kang tumira dito kahit kailan mo gusto. At kahit habang buhay pa! Alam mo naman na ilang beses na kitang inimbita na matulog dito but you're always blocking because of how busy you are. Kaya ngayon na tinatanung mo yan, sa tingin mo aayaw pa ko?" Patanong na sagot ni Danae. Hindi makapaniwala na tinatanung pa ni Fianna ang mga ganung bagay. 

Ngunit makikita na masayang masaya siya sa kauna-unahang request ng kaibigan niya na tumuloy sa kanila.

"Ah teka, bakit ka nga pala naghahanap ng bagong titirhan? May nangyari ba sa bahay ninyo?" Agad niyang dinagdag nang mapaisip kong bakit biglang gusto ni Fianna na tumuloy sa bahay niya.

Napayuko si Fianna bago nahanap ang lakas na magsalita, "I left the house for some reasons. I am not feeling fine today pero ipapaliwanag ko din sayo kung bakit,sa tamang panahon. Ang worst pa kasi ay nanakawan ako. My wallet, phone and my mother's very last memory was taken. Kaya walang-wala ako ngayun. Hindi ko sure pero ang alam ko ay iniwan ko yung isang debit card ko sa aking office. Yun nalang muna ang gagamitin ko sa ngayon."  

Tumango si Danae sa unang pagpapaliwanag ni Fianna pero nung narinig niya na nanakawan siya ay napanganga ang mga mata at bunganga niya sa gulat.

"Ano?!.. Nanakawan ka?! Kailan pa, okay ka lang ba?! May ginawa ba sila sayo?!" Tuloy-tuloy niyang sigaw kaya napatingin si Fianna ng kalma lang na titig sa kanya.

"Okay lang ako, mabuti nga't wala silang ginawa saakin eh." Kalmadong sagot ni Fianna.

"Mabuti nalang! Pero hindi ka ba magrereport? Alam mong justice and kailangan dito. Ikaw mismo ang nagsasabi na dapat ipaglaban ang mga naaapi hindi ba?" Galit na tanung pero halos parang idenedemanda na ni Danae kay Fianna.

"Hindi na, hayaan mo na . At saka may iba pa akong mas kailangang asikasuhin." Patayong sinumbat ni Fianna. 

Nabigla si Danae kaya napatayo na din siya at hinawakan ang braso ni Fianna. "Oh, saan ka pupun-" 

"Anak, may naghahanap kay Fianna. Bumaba muna kayu dito." Sigaw ng ama ni Danae na pumutol sa salita niya. 

Napatingin ang dalawa sa isa't-isa na parang may kakaiba, bago kinibit ni Fianna ang balikat niya.

Kaya bumaba sila at napakulubot ulit ang ekspresyon ni Fianna ng makita ang naghahanap sa kaniya. Naalala niyang nakita niya ang lalaking iyon sa may villa kung saan siya bumangon. 

Napatingin din si Danae kay Fianna na parang hindi kilala o galit sa bisita kaya tinignan ulit ang lalaki. Napangisi ang kanyang mga bibig at mata nang makitang may hitsura at parang nasa batang edad pa. May tumatakbo nang idea sa utak niya.

Yumuko muna bago nagsalita si Alex ng mabanayad, "Ma'am good evening. Sir is requesting you to come back now and perform your duty as his wife." 

Lumaki ang mga mata ng tatlong nakarinig kay Alex. At nagkatinginan sina Fianna at Danae. Pati ang ama na si Villamor eh hindi mapigilang mapataas ang nuo. 

Confusion and astonishment was evidently written in their faces. Lalong-lalo na si Fianna, na mausisang tinignan kung siya ba ang kausap o si Danae.

Hindi naman ito lumampas sa paningin ni Alex kaya pati siya ay napaquestion. 'May mali ba sa sinabi ko.' Patagong tanung niya sa sarili.

Tumahimik ang buong bahay ng ilang segundo bago papeke na umubo si Fianna. 

"Ahem, ahem... Sir, what are you talking about? I suppose you've mistaken?" Sumbat niya na talagang kitang-kita ang pagtataka sa kanyang mukha.

Alan niya na nanggaling siya sa villa kaya iniisip niya na hinanap siya ng lalaki para singilin kung meron mang ginawa na hindi binayaran sa villang iyon. Ngunit nung narinig niya ang sinabi ay napahinga nalang siya ng pagpapasalamat. Kahit na hindi niya maintindihan ang pinagsasasabi ng lalaki.

Nagulat si Alex sa naging reaction ni Fianna. Pero naalala niya na baka ganito siya dahil sa hindi nila pagkakaintindihan o pag-aaway ni Marcellus. Kaya lininaw niya ang kanyang boses at sinagot ng may pagka-awa sa mukha.

"Ma'am alam ko ho na naging malamig ang trato ni sir Marcellus sa inyo. Pero alang-alang po sa pamilya at business ninyo, kailangan mo pong gawin ang iyong duty bilang kanyang asawa." 

Tinapos niya ang kanyang sagot na parang nagmamaka-awa. 

Ang dahilan ay maghapong hindi gumanda ang kalagayan ni Marcellus, dahil hindi padin umuuwi si Fianna. Ibig-sabihin, maghapong hindi natahimik at umiikot si Alex para hanapin siya. Nahanap lang niya ito nung may nagsabing nakita nila si Fianna na pumasok sa bahay ng mga Neville. 

Alam niya na secreto ang kasal nila dahil pinakaunang  utos eto ni Marcellus, kaya hindi ganon kilala si Fianna kaysa kay Marcellus. 

Ngunit binanggit niya ang pangalan ni Marcellus sa bahay na to dahil nalaman niya na malapit na kaibigan sila ni Fianna. At ang akala niya ay alam nila ang tungkol sa kanila. 

Pero ang katotohanan ay wala man lang kaalam-alam kahit ang mga masisipag na chismosa sa kanilang lugar.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status