Share

4. Tycoon Husband

"Ano?! Ano,ano,ano nga ulet sinabi mo? Pakiulit kuya?!" Biglang napasigaw na tanong ni Danae.

Halos parang hindi na makasagot sa gulat si Alex. Habang si Villamor lalong-lalo na si Fianna ay pilit na iniintindi ang sitwasyon.

Alex was taken aback pero pumunta ang tingin niya kay Danae at nagtatakang tinanong, "saan po banda miss?" 

"Yung pangalan!" Sigaw ulit ni Danae. Na parang pinapagalitan lang na bata si Alex. 

Kaya sabay na hinawakan nina Villamor at Fianna si Danae upang pakalmahin dahil parang siya ang may problema at pakay ng lalaki.

"Beh kalma, ano bang koneksiyon mo sa kanila?" Sabay bulong ni Fianna kay Danae. Na ang pag-aakala ay si Danae ang pakay niya dito at napagkamalan lang siya. 

Tumigil saglit bago nag-aalanganing  sumagot si Alex. "S-si sir Marcellus?" 

"Oh my goodness! Yung buo, yung buo nga?!" Dagdag pa na pagsisigaw ni Danae na hindi malaman kung  nasisiyahan ba o nabibigla sa narinig.

Mejo nairita pero hindi pinahalata at sinagot nalang ng deretso ni Alex si Danae. "Marcellus Morgan." Bago napansin si Fianna na kumunot ang nuo. 

'Parang ganun din tinawag saakin ng guard sa may gatehouse ah. Evander naman ako hindi ba? Baka nagkamali lang.' Tugon ni Fianna sa sarili nang marinig ang sinabi ni Alex.

Samantala, ang kanina pang nagtatanong tungkol sa pangalan ay napatingin bigla ng matang kasing-laki ng mga tarsier kay Fianna. 

"Fianna Evander. Anong. Ibig. Sabihin. Neto?" Palapit na tanung ni Danae na parang tinatakot si Fianna. 

At doon lang natanto ni Alex ang nangyayari. Kaya agad niyang naisip na baka tinatago pa ni Fianna ang tungkol sa kasal niya. Biglang natakot ang ekspresyon niya sa mukha ngunit pinilit na nag-isip ng paraan. 

Maya-maya ay pakunwari niyang kinuha ang kanyang selpon sa bulsa at papekeng tinignan ang message. 

"Ah! pasesya na po sa inyong lahat. Nagkamali po pala ako ng pinasukang bahay. Pasesya na po talaga mga miss at sir. Aalis na po ako." Pangiti-ngiti niyang sinabi habang nagnanakaw ng tingin kay Fianna. Ngunit hindi mawari kung galit ba siya o nasiyahan sa sinabi. 

Pagkatapos humingi ng tawad ay yumuko bago patakbong umalis. Hindi na tumingin pabalik pa.

Ang naiwang tatlo ay natatarantang nagkatinginan sa isa't-isa ng ilang minuto.

"Akala ko pa naman eh ikaw ang tinutukoy ni kuya Fin!" Napasigaw ng nadidismayang si Danae. 

"Ano? Akala ko nga ikaw yun eh. Ikaw tong nagreact na parang may kasalanan sa kanila tapos ako sisisihin mo?" Sagot naman ni Fianna na iniwan na sa kalye ang nangyari. 

"Oo ng anak. Sinu ba yung sinasabi ng binata na sir niya. Halos parang mahimatay kana sa pagpapaulit sa kanya." Dagdag na tanong ni Villamor. 

Hindi rin niya pinakialaman ang pangalan dahil madali siyang nakakalimot ng mga eto. Kaya kahit kabusiness ay hindi naaalala minsan.

Dahil matagal na silang nakatayo, umupo muna si Danae na hindi makapaniwalang hindi kilala ng kanyang mga kasama kung sinu ang tinutukoy ni Alex kanina. Sumunod naman sa kanya ang dalawa.

Naglabas muna si Danae ng malalim na buntong hininga bago tumingin sa mga hindi updated, o kaya'y mga nakalimot na kaharap niya. 

Magsasalita sana siya nang nakaramdam si Fianna na parang kailangan na niyang magpalit ng damit, dahil parang nangangamoy na siya.  Kaya sinabihan siya ni Danae kung saan ang mga damit at nauna nang umalis sa kanila.

"My dear dad, if you didn't know. Mr. Marcellus Morgan is one of the top boys in the world who was voted for having a very attractive and well-toned face. But that's not main reason here, dahil isa siyang sikat na italyanong bilyonaryo na kakatira lang dito sa Pilipinas last year. Siya ang may-ari ng pinakasikat na luxury fashion company ngayon dito na sumisikat na sa ibang bansa! Isa siyang business tycoon dad! Pero guess what's the matter?...Wala pa siyang naging asawa kahit kailan?! Kaya nga nabigla ako nung sinabi ni kuya yung pangalan niya eh. Kasi diba sinabi kay Fin na kailangan niyang umuwi para isagawa ang dapat gawin niya bilang asawa? Pero yun,.. nabasag na.. nagkamali lang pala. Paasa si kuya." Ang napakahaba niyang pagpapaliwanag. Natapos ang pagpapaliwanag niya kasabay ng pahina-hina niyang boses at sumimangot na buong mukha na parang nawalan siya ng isang milyon. 

Natapos ang ilang minuto ay nagreact naman ng konting pagkabigla ang ama ni Danae. Dahil naalala na niya ang sikat na pangalang iyon sa mundo ng business. 

Kaya napatanong sa anak niyang nakadekwatro na sa gilid. "Anak siya ba yung pinagbabalakan natin hilingin ang kontrata sa pakikipag-ugnayan?"  

"Yes dad! A hundred percent correct. Pero diko alam kung tatanggapin tayo kasi sisiw lang ang ating kumpanya sa mga malalaking inahing jan na nag-aagawan sa kontratang yun. Kaya kalimutan na natin yung nagyari. Sobrang nakakadismaya talaga. Akala ko pa naman paraan niya yun para manligaw saakin or kay Fin." Biglang naidagdag ni Danae sa sagot niya. Makikita na parang nagdadasal na babalik ang lalaki.

"Pfft! Beh ikaw lang ang di makamove-on sa nagyari. Kami ni uncle eh kanina pa nakauwi noh." Patawang sumbat ni Fianna na katatalos lang nagshower at narinig ang pagkadismaya ni Danae. Wala talagang alam na kinalaman sa nangyari kaya tinatawanan ang napaasang kaibigan.

"Ang bilis mo nagshower ah! Sigurado kabang natanggal lahat ng dumi sa katawan mo ha?" Pabiro naman na binalik ni Danae.

"Ahahahah!" Napahalakhak bilang sabay. 

Pagkatapos magkwentuhan, asaran at tawanan pa ng ilang oras ay nagdesisyong na silang matutulog. Natulog na din si Fianna sa kwarto ni Danae kahit pilit na sinasabing sa guest room nalang siya dahil sa pagpupumilit na pagmamakaawa ni Danae. Na para bang nanay niya si Fianna. 

Bumangon ng napaka-aga si Fianna upang bumalik sa office niya. Feeling niya ay ilang araw  na din siyang nagpapakalma sa kanyang mga emosyon, at napasobra pa ito dahil nanakawan na siya.

Kaya ngayon ay kailangan na niyang mag-umpisang mag-isip ng plano at paraan upang maibunyag at maipakulong ang kanyang hayop na ama-amahan. 

Nauna siyang kumain, pagkatapos ay sumakay sa ipinahiram na kotse ni Danae. Ang sinabi ni Fianna na naalala niya ay iniwan niya ang kotse niya sa bahay nila. Kaya hindi na niya ito kukunin pa, kahit kailan.

Dumeretso siya sa kanyang office place na mejo malayo-layo din doon. Pumasok siya sa building at binati siya ng napakasayang ngiti ulit ng isang guard doon.  

Dito, kilala niya ang mga tao kaya ibinalik niya ang mga bati ng tango. Isa siyang sikat na pangalan dahil maykaya at matalino siya. Marami-rami na din ang naipanalong niyang mga kaso. Kaya nirerespeto siya ng mga mangangawa sa malaking building na iyon pati nadin ang mga nakatataas na posisyon doon.

Nang pumasok sa office niya ay nandoon na ang secretary niyang si Savanna Miller na naghihintay at nakukugod siyang binati. Tinanong agad ni Fianna sa kanya ang Debit card na tapat namang ibinigay ni Savanna kasi nakitang nahulog sa baba ng table ni Fianna. 

Sincerely, Fianna was touched by Savana's honestly. Kaya taos-puso siyang nagpasalamat habang umuupo. "Nakalimutan ko sigurong ilagay sa loob ng purse ko. Salamat talaga Savanna ha." 

Hindi na niya gusto pang maalala ang nangyari kahapon sa kanya kaya hindi na siya magkukwento. 

Napatawa naman si Savanna at sinagot ng pabiro ngunit tapat si Fianna. "Nako wala ho yun ma'am, mas nagpapasalamat nga po ako sa inyo dahil sa buong puso ninyong pagtulong  sa aking kaparid noon eh."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status