Share

TWO

Author: AsteriaLuna
last update Last Updated: 2024-03-26 14:32:03

"I'm pregnant..."

 

Tulala at tila nawawalan sa sarili si Divine habang tinititigan ang sarili sa salamin. Hawak-hawak niya pa rin ang ultrasound result na natanggap niya sa ospital kanina. Nakauwi na siya sa apartment at ilang oras na siyang parang statwa habang nakaupo sa tapat ng salamin. 

 

Dalawang buwan na ang lumipas simula nang una niyang malaman na nagdadalang-tao siya ngunit hindi niya pa rin ito matanggap. Kapansin-pansin ang maliit na bukol sa kaniyang tiyan pero parang panaginip pa rin ito sa kaniya.

 

"My boss impregnated me when he doesn't even remember that night. At ang mas malala, kambal pa talaga ang nasa isinapupunan ko ngayon..." Huminga siya nang malalim at hinawakan ang ulo niyang sumasakit dahil sa labis na pag-iisip.

 

She is already 25 years old but she's not yet ready to become a mother! Hindi pa sapat ang naipon niyang pera para buhayin ang dalawang bata. Ayaw niya namang lumaki ang mga anak niya nang naghihirap. If she is going to have children, she must work hard to give them the best life possible.

 

Lumaki siya sa bahay ampunan, walang kinilalang mga magulang kaya hindi niya alam kung paano niya magagawang mapalaki ang mga bata. She has no idea how to become a good mother. Kaya niyang pagsikapan ang kahit na anong trabaho ngunit hindi niya alam kung makakayanan niyang magpalaki ng sariling anak.

 

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Iisa lamang ang kaibigan niya, si Zion, na siyang kapatid naman ni Ziancio kaya hindi niya maaring sabihin dito ang pinagdadaanan niya. Ano na lang ang sasabihin ng kaibigan kung malalaman nito na nabuntis siya ng nakatatandang kapatid nito? She has no one to seek advice from.

 

Hindi niya namalayan na sa sobrang pag-iisip ay nakatulog na siya sa kama. It was already 11:04 p.m. when she woke up. Ramdam niya ang gutom kaya agad siyang nag-order ng pagkain online.

 

Madalas siyang nagpapalipas ng gutom para magtipid pero hindi niya na 'yon puwedeng gawin. O kahit ang pagpupuyat na palagi niyang nagagawa, hindi na rin maaring ipagpatuloy.

 

To survive, she has to fix her bad habits first. Oo, hindi pa siya handa maging ina pero wala na siyang magagawa. Ito ang bunga ng pagkakamaling hinayaan niyang mangyari.

 

Kinabukasan, sinuot niya ang damit na makakapagtago ng maliit na umbok ng kaniyang tiyan. Hindi siya umalis sa trabaho kahit noong nalaman niyang buntis siya. Kailangan niya mag-ipon ng pera hanggang kaya niya pang itago ang pagbubuntis. Ang kompanya ni Ziancio ang mataas magpasahod at wala naman siyang oras para maghanap pa ng puwedeng pasukan dahil ilang buwan na lang ay manganganak na siya.

 

Bumili muna siya ng vegetable salad at avocado shake bilang breakfast bago pumasok sa trabaho. Hindi naman siya madalas na nag-uumagahan pero kailangan niya nang bantayan ang diet niya. 

 

Pagdating niya sa trabaho, dumeretso siya sa office ni Ziancio at nagulat siya nang makita ito sa opisina habang nakaupo sa swiver chair. Sanay si Divine na mas maaga siyang pumapasok kaysa sa boss niya kaya hindi niya inaasahan na nandito na ito.

 

"Sir..." 

 

Umangat ang tingin nito sa kaniya. "Oh, you're here,"

 

"Ang aga niyo po ngayon," Naglakad siya palapit dito.

 

"I just want to start the day early." Ngumiti ito.

 

Napansin ni Divine na mayro'n itong hawak na picture frame at umawang ang labi niya nang makita ang litrato ni Ziancio at ng ex girlfriend nito na si Marielle. Siya ang kumuha ng litratong iyon at doon niya rin unang nakita na ngumiti ang lalaki dahil sa sobrang saya. He kept that picture frame in his office, and he's still keeping it even though they've already broken up.

 

"Sir, I know this is a personal question, but do you still love your ex-girlfriend?" biglaan niyang tanong.

 

She's bold enough to ask that question because she knows that Ziancio will never be mad when she asks something. 

 

"I do," he answered without second thoughts.

 

Para siyang yelo na nanigas nang marinig ang sagot nito. She could see the honesty in his eyes.

 

"I love Marielle so much. You might think that I'm stupid for loving someone who replaced me, but it's true. She was the reason why I was able to live again, kaya hindi siya mawawala sa isipan at puso ko kahit hiniwalayan niya na ako ngayon."

 

Divine looked away and bit her lower lip. Why did she even expect that he already moved on? Alam niya kung paano kamahal ni Ziancio ang ex nito, kaya bakit pa siya humahangad ng ibang sagot?

 

"That's so stupid..." she can't help but blurt out.

 

She thought that Ziancio would be offended by what she said, but he let out laughter instead. Minsan lang tumawa ang boss niya kaya natutuwa siya kapag naririnig ang halakhak nito pero iba ang naramdaman niya ngayon. Himbis na tuwa... naiinis siya. Nagagalit siya hindi kay Ziancio kundi sa kaniyang sarili dahil umaasa pa rin siya na maari siyang mahalin ng lalaki kahit obvious naman na mahal na mahal nito ang ex-girlfriend. 

 

"I know..." Mapait na tumawa ang lalaki. "That's why you must never be like me. Piliin mo nang mabuti ang mamahalin mo at huwag mong hahayaan na maging tanga ang puso mo."

 

Divine found what he said ironic. Binibigyan siya nito ng advice tungkol sa pag-ibig, not knowing that he is the reason why she is being stupid in love right now. Wala itong kaalam-alam na nadudurog ang puso niya sa bawat salitang inilalabas ng bibig nito.

 

"Paano... Ayaw mo bang mag-asawa? Don't you want to have children... or build your own family? Hindi ka ba natatakot na maging matanda nang mag-isa?" She asked out of the blue.

 

Hindi niya inaasahan na maitatanong niya 'yon sa lalaki nang harapan. She wants and needs to know his answer for her to make the biggest decision of her life. Isang sagot lang ang kailangan niya para magkaroon ng lakas loob na sabihin sa lalaki ang katotohanan. Isagot lang nito ang gusto niyang marinig at ipapaalala niya na ang gabing nalimutan.

 

He just needs to say that it's okay for him to have a family... Then she will kneel in front of him just to beg for his love. Gusto niyang magkaroon ng buong pamilya ang mga anak niya.

 

"I don't want to build a family if Marielle is not in the picture. Hindi ko gugustuhin ang magkaroon ng anak kung hindi siya ang ina."

 

Doon na tuluyang nawarak ang puso niyang minamahal si Ziancio nang halos mahigit dalawang taon. Bumagsak ang balikat niya at nawarak na rin ang pag-asang pilit niyang kinakapitan. Tumulo na ang luha na kaniyang pinipigilan pero mabilis siyang tumalikod at agad itong pinunasan.

 

Nagulat si Ziancio. "Hey, what is happening? Ayos ka lang ba? Did I say or do something that offended you?"

 

Concern was evident in his voice. Gustong matawa ni Divine dahil wala itong kaalam-alam kung ano ang epekto ng mga salitang binitawan nito sa kaniya.

 

"Something just got in my eye..." pagdadahilan niya habang nananatiling nakatalikod. "I'm so sorry. I have to go to the restroom."

 

Mabilis nang naglakad palabas ng opisina si Divine bago pa makapagtanong ang lalaki. Mabibilis ang mga hakbang niya dahil gusto niya na kaagad makalayo.

 

Kasalanan niya ito! Kung hindi niya hinayaan na magpadala sa init ng gabing iyon, edi sana hindi siya namromroblema ngayon. Sana ay kaya niya pang ipagpatuloy ang trabaho nang walang inaasahan mula sa boss niya.

 

Nagtungo siya sa restroom at agad na sinara ang pinto. Mabuti na lang walang tao ang nandoon kaya tuluyan niya nang napakawalan ang luhang namumuo sa kaniyang mga mata. She put her eyes down on her stomach as she bit her lips.

 

"Mga anak... pasensya na." Mahinahon niyang hinimas ang tiyan. "Hindi ko kayang ipakilala kayo sa ama niyong hindi tayo kayang mahalin." Humihikbi niyang saad. Ipinikit niya ang mga mata habang ipinapaalala sa sarili na kailangan niyang maging matatag kahit kailangan niyang lumaban nang mag-isa.

 

Kahit wala si Ziancio, sisiguraduhin ni Divine na maibibigay niya sa anak niya ang pagmamahal at aruga ng isang magulang na kailanman ay hindi niya natanggap.

 

Kumuha ng ilang buwang leave si Divine sa pagdadahilan na nais niyang mag-focus sa isang personal na bagay. Malaki ang tiwala ni Ziancio sa kaniya at batid nito ang walang humpay na pagsisikap niya sa trabaho kaya pumayag agad ito at hindi na nagtanong pa.

 

Divine spent every hour of her days learning how to take care of her own children. Nanood siya ng videos sa internet at nagbasa ng mga libro na makakatulong sa kaniya matuto na maging isang ina. Sa bawat buwan na lumilipas, mas na-excite siya sa palabas ng kambal at nawawala na ang takot na ilang araw na bumabalot sa kaniya. She finally learned how to accept her fate and love her unborn twins.

 

Ginamit niya ang naipong pera para sa mga check-ups at bumili ng gamit ng mga baby. Mabigat sa bulsa pero mabuti na lang, malaki ang naipon niya sa dalawang taon na pagtatrabaho. 

 

Ilang buwan ang lumipas at dumating na ang due na pinaghahandaan niya. Bitbit ang mga gamit, mag-isa siyang pumunta sa ospital na pagpapanganakan niya.

 

Agad siyang inasikaso ng mga doktor at nurses kaya naman hindi na siya masyadong nahirapan nang makarating siya doon. Naramdaman niya na ang labis na pananakit ng tiyan kaya idineretso siya sa emergency room. Pagkahiga niya, napaluha na agad siya sa sobrang hirap. Malakas siyang napasigaw nung dumating na ang oras na kailangan niya nang umire.

 

"Ayan na ang unang bata! Be stronger, Mommy! Malapit mo na makapiling ang kambal mo!" sigaw ng doktor niya.

 

Pakiramdam niya ay hinuhugot ang lakas at hininga niya pero hindi siya nagpatalo sa hirap. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya bago umire. Ilang saglit lang, isang malakas na iyak ng sanggol na babae ang sumabay sa sigaw niya.

 

"The girl one is safe and healthy!"

 

Nanlalabo na ang kaniyang paningin pero nagawa niya pa ring silipin ang babae niyang anak na hawak ng doktor. Napangiti siya, pero muli siyang napasigaw nang muli siyang umire para ilabas ang anak niyang lalaki.

 

"You're doing good, Divine. Push harder! Nakikita ko na ang baby boy!" Her doctor cheered.

 

Kinagat niya ang labi at huminga nang malalim. Gusto niya nang mawalan ng malay at pawis na pawis na rin siya pero kailangan niya pang lakasan ang loob para sa baby niya. She used her remaining strength to make a stronger push. Ilang saglit lang, iyak naman ng sanggol na lalaki ang narinig niya. The cries of her twin children played in her ears like a lovely music.

 

"Congratulations, Divine. Naisilang mo ang kambal nang ligtas! They are both beautiful and healthy!” maligayang sabi ng doktor. Napaiyak siya dahil sa sobrang saya.

 

"My babies..." She smiled.

 

Gusto niya pa sanang mahawakan ang dalawa niyang anak na sabay at patuloy ang pag-iyak pero tuluyan nang nanghina ang katawan niya. Her eyes wanted to appreciate the beauty of the twins she gave birth to, but they slowly turned blank when she lost consciousness.

 

Pagkagising niya, ang puting kisame ng ospital ang bumungad sa paningin niya. Sinubukan niyang igalaw ang katawan pero sobra pa rin siyang nanghihina.

 

Ang kambal agad ang pumasok sa isipan niya. She wants to look at her twins and make sure that they are safe and sound. Gusto niyang makabisado ang hitsura ng dalawa niyang anak na matagal niyang hinintay at pinaghandaan na makilala. Bumibilis agad ang tibok ng puso niya dahil sa saya.

 

Pinilit niyang galawin ang ulo para tingnan ang paligid, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang lalaki ang nahagip ng mga mata niya. Tahimik itong nakaupo sa gilid at deretsong nakatingin sa kaniya kaya nataranta siya. Nanlalabo pa rin ang paningin niya dahil kagigising niya pa lang pero parang pamilyar ang taong iyon. 

 

Her eyes widened and her heart dropped. Si Ziancio?! Ano ang ginagawa nito dito?!

 

"Nasaan ang ama ng bata?" Narinig ni Divine ang pamilyar na boses ng isang lalaki. 

 

Umaliwalas ang mga mata niya at napagtanto na hindi si Ziancio ang nasa harapan niya. Si Zion, ang kapatid nito. Magkamukha kasi ang magkapatid kaya hindi na rin nakakagulat na maraming nalilito sa dalawa.

 

"Z-Zion..." Hindi niya alam ang dapat maramdaman. Dapat ba siya maging masaya dahil nandito ang nag-iisa niyang kaibihan, o dapat siyang mabahala dahil kapatid ito ng lalaking pinaglilihiman niya?

 

"Sinamahan ko ang kaibigan ko for checkup dito sa ospital tapos nalaman kong nandito ka. Nataranta ako kasi akala ko kung ano na 'yung nangyari sa'yo tapos nakita kitang walang malay dito. Akala ko naaksidente ka or something, pero laking gulat ko nang malaman na kaya ka pala nandito sa ospital ay dahil nanganak ka!"

 

Hindi siya nakapagsalita at yumuko na lang. She wanted to hide her pregnancy from him, but the destiny didn't let her. Malalaman at malalaman talaga ng best friend niya ang lahat na tungkol sa kaniya.

 

Kitang-kita ang pag-aalala nito sa kaniya. "Div, I thought we were best friends. You know I can support you no matter what situation you're in. Pero bakit mo inilihim sa akin ito? I was so worried. Hindi ko pa malalaman ang pinagdadaanan mo kung hindi kita nahanap ngayong araw. Ang sabi mo sa akin, ilang buwan kang mananatili sa Cebu para sa personal na dahilan at dahil may respeto at tiwala naman ako sa'yo, hindi na ako nagtanong o naghinala pa."

 

Divine couldn't speak a word. Nararamdaman niya na disappointed ito sa kaniya.

 

"Hindi mo naman kailangan pagdaanan 'to nang mag-isa. I can always respect your decision as long as you will give my trust to me. Hindi ako malungkot dahil naglihim ka sa akin, nalulungkot ako kasi akala ko pinagkakatiwalaan mo ako pero hindi pala."

 

Yumuko siya at hinayaan ang sarili na umiyak. "Natatakot ako... baka kasi husgahan mo ako. Takot na takot ako, Zion. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko gawin noong oras na nalaman ko na magiging ina na ako."

Katahimikan ang bumalot sa buong silid. Akala niya ay magagalit si Zion pero tumayo at lumapit ito sa kaniya para hawakan ang kamay niya.

 

"Malakas ka and I'm so proud of you. Kaloka! Nanay ka na at isang karangalan 'yan. I am still in disbelief, but I am happy for you!"

 

Her lips parted when she saw Zion’s genuine smile. Ramdam na ramdam niya ang saya at suporta ng kaibigan para sa kaniya kaya napawi ang takot niya.

 

"T-Thank you! Hindi ko alam kung paano sila papalakihin, pero I will do my best for them. I will give them the utmost love."

 

"You don't have to worry. Tutulungan kita— pero teka, anong 'sila'?" Kumunot ang noo nito dahil sa pagtataka. Oo nga pala, he doesn't know that she got pregnant with twins.

 

She smiled. "Kambal ang anak ko. Babae at lalaki. At Zion, ang kapatid mo ang ama ng kambal na isinilang ko." 

 

Alam niyang kayang itago ni Zion ang sikreto niya. Ito lang ang taong mapagkakatiwalaan niya kaya hindi na dapat niya itago pa ang totoo.

 

Ilang beses napakurap at saglit na natahimik si Zion. Unti-unting nawala napalitan ng gulat ang ngiti nito.

 

His eyes widened when he finally comprehended her words. "What the f—"

 

"Huwag kang magmumura." paalala niya kaya saglit nitong itinikom ang bibig na nakaawang. Huminga pa nang malalim para kumalma at makabawi .

 

"Nakakagulat na nga na nanganak ka, nakakagulat rin na kambal ang anak mo, pero mas nakakagulat na Kuya ko pa ang ama nila! This is so insane! Pero ang mas mahalaga, Tita na ako!" tili nito at tumalon-talon pa. 

 

Kaya sila naging matalik na kaibigan dahil alam ni Divine ang tunay na pagkatao ni Zion. Lalaking lalaki ang tindig nito at maangas palagi tingnan pero babae naman ang puso. Walang pinagsasabihan si Zion tungkol dito dahil dahil sa mahigpit nitong mga magulang. Tanggap ni Divine kung sino si Zion kaya naman talagang pinagkakatiwalaan nila ang isa't isa.

 

Magtatanong pa sana kaibigan kung paano nangyari na anak ni Ziancio ang kambal pero pumasok na ang dalawang nurse buhat ang kambal. Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa labi niya nang ilapag ang dalawang sanggol sa tabi niya. Sa labis na saya ay agad siyang napaluha.

 

Mestiza ang dalawang bata tulad niya, pero pagdating sa kulay ng buhok, hugis ng mga mata at tangos ng ilong, parehong-pareho kay Ziancio. Magkamukhang-magkamukha ang dalawang bata pero agad nakilala ng kaniyang puso ang anak niya. She could immediately tell who is the son and the daughter.

 

"Oh my God! Mga pamangkin ko!" Zion exclaimed as he put his palms to his mouth. Naluluha rin ito tulad niya. "Kuhang kuha ang ganda mo at guwapo ni Kuya! Hindi ko in-expect na magkakaroon ako ng pamangkin this day but I love them already!”

 

Divine chuckled. His reaction was so genuine. "Sasabihin ko sa'yo kung ano ang nangyari. Pero sana huwag mong sasabihin kay Ziancio ang tungkol sa kambal. Nakikiusap ako, Zion."

 

Muling sumeryoso ang tingin nito. "Hindi alam ni Kuya? How could he not know about your pregnancy when you were together?!”

Umiling siya. “Wala kaming relasyon. It was an accident… a mistake. Isang gabi na nawala sa alaala niya.” Yumuko siya nang maramdaman ang pait ng mga binitawang salita.

Nalaglag ang panga nito. “I don’t understand…. I have so many questions. Sasabog na ang isip at heart ko dahil sa sobrang pagkabigla. Hindi ko rin maintindihan kung paano nangyari ito, pero makakaasa ka. I will wait until you're ready to explain, Bestie!"

 

Nandito ang kaibigan niya alam niyang maasahan niya ang tulong niya. Hindi dapat siya matakot. Palalakihin niya ang kambal nang buong puso.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forgotten Night With My Boss   TWENTY NINE

    The rustling of tape being pulled and the thud of boxes filled the quiet apartment. Sunlight streamed through the open windows, making the dust particles dance in the air like glittering motes. It was a strange mix of warmth and melancholy, one Divine wasn't quite sure how to name. Ilang taon nilang tinirhan ang apartment na ito at dito niya napalaki ang kambal, kaya may panghihinayang sa dibdib niya habang iniiwan nila ang lugar. If she only had a choice, mas gugustuhin niyang manatili rito. Ito ang nakasanayan nilang tahanan, saksi sa bawat hirap, saya, lungkot, at tuwa ng kanilang buhay. But she knew—life required changes. At matapos ang insidente, hindi na niya maipagkakatiwala ang kaligtasan ng kanyang mga anak. Their safety had to come first. At isa pa, basta't kung nasaan ang kambal, doon ang tahanan niya. She turned away from the half-sealed box she was taping and saw Zaurus staring quietly out the window, clutching his favorite stuffed toy. "Mommy, talaga po bang lilipat

  • Forgotten Night With My Boss   TWENTY EIGHT (PART 2)

    Divine sat quietly on the small couch after calling the nurse. Exhaustion weighed her down, and before she knew it, unti-unti na siyang nakatulog habang pinapanood ang mag-ama niya. When she woke up, a soft warmth draped over her shoulders. A blanket. Blinking away the last traces of sleep, she glanced down at it, her fingers brushing against the fabric. It wasn’t there before. Slowly, she lifted her gaze and found Ziancio still seated across from Zaurus, who had also drifted off to sleep. Siguradong si Ziancio ang nagpatong sa kaniya ng kumot. She felt emotional. Kahit galit na galit ang lalaki sa kaniya, hindi pa rin siya nito pinapabayaan. That thought gave her hope. "Kumain ka na," Napalingon si Divine sa nobyo nang magsalita ito. He's still not looking at her but his voice was soft compared to earlier. "Ikaw, kumain ka na ba?" Tumingin siya sa orasan na nakadikit sa pader ng silid. She had been asleep for three whole hours, and now, sunlight streamed through the hospi

  • Forgotten Night With My Boss   TWENTY EIGHT (PART 1)

    "Maayos na po ang lagay ng bata. He will soon wake up after a long rest."Agad na naglaho ang bigat sa dibdib ni Divine nang marinig ang sinabi ng nurse. Napangiti siya, saka huminga nang malalim, ramdam ang matinding ginhawa. Pumikit siya sandali at taimtim na nagpasalamat sa Diyos dahil maayos na ang kalagayan ng anak niya."Maraming salamat, nurse."Tumango ang nurse bago siya pinaalalahanan tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin kapag nagising na ang bata. Matapos no’n, tahimik itong lumabas ng silid.Pagkaalis nito, muling ibinaling ni Divine ang tingin sa anak niyang nananatiling walang malay. Ziancio payed for a very wide and quiet private room so Zaurus would be comfortable. Natutuwa siyang makita ang effort na binibigay ng nobyo sa anak nila.And speaking of Ziancio, hindi niya na ito muli pang nakita simula nang kuhanan ito ng dugo. She assumed that he has something important to do she didn't question him about it. Marami pa kasi itong kailangan asikasuhin sa opisina, at

  • Forgotten Night With My Boss   TWENTY SEVEN

    Divine's sobs echoed through the hospital corridor as she paced back and forth. Her steps were restless and filled with worry. The news of what happened to her son made her world crumble. When Ziancio told her what happened, she almost fainted and lose her mind.Ang may mangyaring masama sa anak ang pinakamasakit na bangungot na maaring matanggap ng isang ina— isang bangungot na kailanman ay hindi ginustong maranasan ni Divine. Ngunit ngayong nangyari na ito, talagang hindi matigil ang pagbuhos ng luha niya dahil sa labis na pag-aalala. She could endure any hardship, but seeing her children suffer was a pain she could never bear.Pakiramdam niya ay naging pabaya siyang ina. Masyado siyang napanatag at nag-focus sa paghahanda ng birthday party na matagal na kinasabikan ng mga anak niya kaya hindi niya na naisip ang ibang mga delikadong bagay na mangyari. If something were to happen to Zaurus, she knew she would carry the weight of guilt and pain for the rest of her life."Ate, tulog si

  • Forgotten Night With My Boss   TWENTY SIX

    "Ziancio... nawawala ang mga anak natin!"Namilog ang mga mata ni Ziancio dahil sa labis na gulat. He immediately took his phone out from his pocket and dialed the driver's number who is supposed to take the kids to the place. Ilang ring lang ay sinagot na ni manong ang tawag."Manong, where the hell is Aurora and Zaurus?!"Divine wasn't able to hear Manong's response but she could already tell what he heard base on his expression. His face paled, his jaw clenched, and a flicker of sheer fear and panic flashed in his eyes."Fvck!" he shouted, slamming his hand on the table in frustration.Mas lalong namutla si Divine. Tears streamed down her cheeks, and her body trembled as she confirmed her worst fear—something terrible had happened to Aurora and Zaurus while they were on their way."Divine." Ziancio grasped her trembling hands firmly. "Don't worry. I'll make sure we find them. I won't let anyone harm our kids."But his words did little to ease the heavy weight pressing on her chest.

  • Forgotten Night With My Boss   TWENTY FIVE

    "OMG! AHHHH!"Halos mabitawan na ni Divine ang hawak niyang phone dahil sa lakas ng tili ng kaibigan niyang si Zion habang naka video call. Kasalukuyan itong nasa China at sa kasamaang palad, hindi ito makakadalo sa birthday celebration ng kambal kinabukasan. Tumulong na lang ito gumawa ng plano para sa party at nangakong babawi sa mga pamangkin pagkauwi niya."Huwag kang maingay diyan! Hindi ba't nasa public place ka? Ayaw pa naaman ng mga chino sa mga maiingay,"Nasa loob siya ng employee's lounge para sa ilang minutong break niya. Siya lang ang mag-isa dahil abala ang iba niyang mga katrabaho sa mga gawain sa opisina."Wala akong pake, mas importante 'to! I mean, I already expected it to happen, pero iba pala talaga kapag naging totoo na! So, are you finally going to tell him the truth?"Napangiti siya at tumango. She is planning to tell Ziancio the truth after the twin's birthday celebration tomorrow. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito pero hinanda niya na ang sarili sa ma

  • Forgotten Night With My Boss   TWENTY FOUR

    "Ayan na si Miss Hermona!"All eyes immediately turned to Divine when she stepped into the office. Ramdam niya ang tingin ng mga kasamahan pero nagpanggap siyang walang napapansin at dumeretso sa puwesto niya. Nang makaupo siya sa swivel chair, agad siyang pinaligiran ni Anna at ng iba pa para salubungin siya ng maraming katanungan."Girl! Long time no see! Super na-miss kita Kamusta ang Barcelona?" nasasabik na tanong nito."Ang OA mo. Isang linggo lang kami doon." natatawa siyang umiling-iling nang lingunin ang mga ito. "Everything went smoothly and the partnership was successful. I got to do some sightseeing too, napakaganda ng lugar na 'yon.""Sana all na lang talaga!" sabay-sabay nilang saad kaya napangiti siya.She placed her bag on the table and took out the keychains she bought from Barcelona. Mayroon kasi siyang nadaanan na souvenir shop kaya naisipan niyang bilhan ang mga katrabaho. "Oh heto, mga souvenir na binili ko para sa inyo. Alam ko namang magtatampo kayo kung wala a

  • Forgotten Night With My Boss   TWENTY THREE

    "I missed you so much, Zian! I can't believe I got a chance to meet you here!" matinis at nasasabik ang boses ni Marielle habang tuwang-tuwang niyayakap si Ziancio.Maraming taon na ang nagdaan subalit hindi pa rin nakakalimutan ni Divine kung sino ang babaeng ito. Kulay pula at maikli na ang dating mahaba nitong itim na buhok. Mas lalo ring pumuti ang balat at mas naging marangya ang pananamit. She has become even more beautiful over time.Divine felt her heart clenching and her blood boiling. Ikinuyom niya ang kamao habang pinipigilan ang sarili na sabunutan ang babae at hilain ang buhok nito palayo sa manliligaw niya. Her mind suddenly got clouded with dark and negative thoughts that she could never express in reality because she is not that kind of woman.She observed Ziancio to see his expression. Halata pa rin na nagulat ito nang labis at halos hindi makagalaw dahil sa sobrang pagkabigla. It was as if he is suddenly reminiscing on their beautiful love in the past.Tila bigla rin

  • Forgotten Night With My Boss   TWENTY TWO

    Today is their last day in Barcelona. Sobrang abala nila sa trabaho ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng oras para pumasyal kasama ang kambal. The twins have grown closer to Ziancio, and Divine is appreciating how kind and loving he is to them. Palagi itong pagod mula sa business meetings pero palagi pa rin itong nakikipaglaro sa mga bata. The more she looks at it, the more she sees him as a good father to the children.Kasalukuyan siyang nag-aarrange ng mga importanteng papeles nang pumasok si Ziancio sa hotel room. Halata na bagong ligo pa lang ito at may hawak na tasa ng kape."Good morning, Divine. What do you want for breakfast?" bungad nito nang may matamis na ngiti. "Coffee or me?"Ipinaikot niya ang mga mata at tumawa. "Coffee makes me awake, while you say cheesy lines that make me feel sleepy. So, I choose the coffee."It was just a joke she always tells around as his secretary. Hindi na bago sa kanila ang ganoong klaseng asaran kahit noong nasa opisina pa sila dahil palagi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status