HE WAS missing her so much. Gayunpaman ay hindi niya hinamak na makipagkita o magkaroon ng komunikasyon sa babae. Sa totoo lang, gusto niyang hagkan si Aiha pero tiniis niya ito. Ayaw niyang mapahamak ang babae. He knew that Aiha might get hurt even more if he will confront the Toresses. Handa na siya ngayon na tumungo sa Andromeda. Nagulat ang mga stakeholders ng kompanya dahil bigla na lang siyang nagpatawag ng meeting. Nang nalaman niya ang plano ng nga Torres ay agad siyang nakapagdesisyon na magpa-emergency meeting. Hindi niya hahayaan ang mga ito na maisakatuparan ang masama nilang balak. Nasa loob pa rin siya ng kaniyang kotse kahit na nasa building na siya ng Andromeda. Kaniyang tinanod ang pagdating ng bawat stakeholders niya. He breathed heavily. Gusto niyang pakalmahin ang sarili niya. He was feeling deep anger towards the Torreses. Sa tingin niya nga kung hindi niya makontrol ang sarili niya ay masapak niya agad ang ama ni Kloudette. Pumitik ang ugat sa gilid ng ulo niy
ITO ANG alam niyang tama. Hindi niya kakayanin na mawala sa kaniya nang tuluyan si Aiha. Ginawa niya ang lahat para lang makarating sa lugar na ito. Bago sa kaniya ang paligid at hindi niya man lang alam kung makakalabas pa ba siya rito nang buhay. Tinuro lang sa kaniya ng ale sa daan kanina ang daan patungo kuno sa tinutuluyan nila Aiha ngayon. "Fuck the hell! Ano bang lugar ito?" tanong niya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay nawawala siya. Napatitig na lang siya sa kaniyang puting damit na puno na ng putik. Katatapos lang kasi ng ulan kaya masyadong maputik ang daan. Nagtanong siya kanina sa daan kung makakapasok ba ang sasakyan sa loob pero pinagtawanan lang siya ng mga tao. He sighed. Napatingala siya. Para siyang maiiyak dahil sa takot na naramdaman niya.Kabaliktaran ng pagkatao niya ang nangyayari sa kaniya ngayon. Hinamak nita talaga ang sarili niya para lang makita si Aiha at makasama itong muli. Hindi pa nakauwi galing sa Morocco si Cleint kaya si Joseph ang ginawa niy
IN A beautiful and historic land of Spain, many churches stood wonderfully that mesmerized hearts and satisfies the eyes of people. The land has a lot to offer; love, acceptance and hope. Kaya siguro naisipan ng kaniyang kapatid na pakasalan ang napangasawa nitong si Mina rito sa Basilica of Santa Maria del Mar. According to the advertisement he had read, 'located in the district of La Ribera, in the center of Barcelona and widely considered culturally interesting, this basilica is from the XIVth century and is notable thanks to its gothic Catalan style. The building has a robust feel and its facade stands out thanks to its octogonal towers. On the inside of the church there are three naves, very high ceilings and narrow windows that give it a unique charm.'Sabi ng kapatid niya ay gusto niyang iparamdam kay Mina ang pagmamahal na walang-humpay at walang-katulad. Minsan natatawa na lang ang lalaki sa mga turan ng kaniyang kapatid. Weiss didn't expect his brother to recover from his sa
NAKATANAW SA niyugan ang dalaga habang nakasandal siya sa bangkong dinikit sa ding-ding. Nasa tabi niya ang isang puting tasa na may lamang kapeng-barako na binayo mismo ng kaniyang ina at sinala upang maiwan ang malalaking butil na hindi na kayang dugmukin pa. Inabot niya ang tainga ng tasa at sumimsim siya ng kape. Kahit na mayroong magaspang na teksturang nararamdaman ang kaniyang dila at gilagid ay talaga namang kay sarap ng kapeng-barako.Madilim na ang kapaligiran. Nag-iingay na ang mga palakang-bukid na para bang sinusunog ang kanilang tahanan kaya sila humihingi ng saklolo. Malungkot na inangat ni Aiha ang kaniyang sulyap sa taong tumabi sa kaniya. "Papang?" aniya. Huminga ng malalim ang kaniyang Papang at suminghot ito. "Umayos ka roon, Aiha. Tumatanda na kami ng Mamang mo. Ikaw lang ang pag-asang pinanghahawakan namin. Pares kaming hindi nakapag-eskuwela ng iyong Mamang. Alam ko naman na ilang beses mo na ring narinig paano kami maliitin ng mga tiyuhin at ibang tiyahin mo
NAAWANG ANG kaniyang mga labi habang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang natunghayan. Mula pa sa Davao hanggang ngayong nasa Maynila na siya ay hindi niya maiwasang sambahin ang matatayog na mga gusali. "Ito na ba ang Maynila?" tanong niya. "Oo, Miss Aiha! Nandito na po tayo sa Maynila!" Kanina pa niya ito naririnig mula sa kasama niya. Hanggang ngayong nagt-taxi sila papunta sa bahay ng kaniyang tiyahin ay iisa lang ang tanong niya. 'Ito na ba ang Maynila?' Ilang milya na rin ang layo nila mula sa airport subalit parehong tanong pa rin ang binubungat ng kaniyang bibig. "Kurutin mo nga ho ako, manong!" utos niya pa sa sundo niya. Tumingin sa kaniyang gawi ang ginoo at napailing na lang ito. "Miss Aiha, kahit na hindi po kita kurutin. Totoo po ang nakikita mo! Nasa Maynila na tayo," anang ginoo. Tumigil ang kaniyang sulyap sa isang matayog at napakalaking gusali. Bagay na bagay sa gusali ang pangalang nakaukit sa taas na bahagi nito. Mabuti na lang at medyo traffic
MAGKAHALONG KABA at pananabik ang nararamdaman ni Aiha ngayon. Maaga siyang naligo at nag-ayos para naman ay maging prisentable siya kapag nakita siya ng kaniyang amo. Hindi pa sumilip ang araw ay naka-abang na si Kanor sa tapat ng gate ni Sabel. "Aiha, ang mga bilin ko sa iyo ay pakatandaan lagi. May tiwala ako sa iyo, Aiha. Alam ko na kakayanin mo kung ano man ang mga kahaharapin mo sa mansyon at sa buong Maynila!" anang Tiya Sabel niya. Yumakap saglit si Aiha sa kaniyang tiya. "Iisipin ko po at hindi ko hahayaan na mapunta lang sa wala ang malaking oportunidad na ito, Tiya Sabel. Maraming salamat po!" aniya. "Sige na! Umalis na kayo ni Kanor. Baka naghihintay na ang amo mo. Gusto ka raw makapanayam no’n," anang Sabel. Ngumiti si Aiha at kumuway na lamang bilang hudyat na siya'y aalis na. Nang nakalabas na siya mula sa residensiya ng kaniyang tiya ay tinulungan na siya ni Kanor na ipasok sa van ang mga dala niyang gamit. "Maraming salamat, Manong Kanor," ani Aiha nang maka-up
SINARADO NIYA ang pintuan at nanatili lamang siyang nakatayo pasandal sa pinto. Lubos ang kaniyang hiya marahil sa mga sinabi ng amo niya. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ang amo niya. Nagpasalamat lang naman siya kanina. Huminga siya ng malalim bago niya tinungo ang higaan niya. Niligaw niya ang tingin niya sa buong paligid. Sa bango at linis ng silid ay hindi mo aakalain na tulugan ito ng isang working student. Naisipan niyang tawagan ang kaniyang mga magulang. Kinuha niya ang kaniyang lumang keypad phone at dinial niya ang numero ng kaniyang Mamang Kanda. "Eneng! Kumusta na? Nandiyan ka na ba sa mansyon?" agad na tanong ng Mamang niya kay Aiha. "Oo, Mamang! Nandito na po ako sa mansyon," tugon nito. Inabot niya ang unan at at niyakap niya ito sabay higa patakilid. "Kumusta naman ang mansyon, Aiha!? Kumusta ang pakitungo nila sa iyo?" tanong ng kaniyang Mamang. "Okay naman ang mansyon. Pati ang mga butlers at mga katulong. Mababait sila. Ang problema lang ay ang amo
ANG BILIS ng oras. Napatitig si Aiha sa kaniyang cellphone at nakita niya na ilang minuto na lamang at dadako na sa Alas Quattro. "Lord Weiss, akala ko ba aalis ka? Kanina pa natin nakita ang susi ng kotse mo. Tapos na rin po ako sa paglilinis ng kuwarto mo," anang Aiha. Parang walang narinig ang lalaking abala sa pagtutok sa screen ng laptop nito. Umirap na lang si Aiha. "Guwapo sana, kaso bingi," pamimintas niya sa kaniyang amo. Inangat ng lalaki ang titig nito sa kaniya. Biglang kinabahan si Aiha marahil sa titig na iyon ng kaniyang amo. "I heard you," maikling sabi ng amo niya. "Iyon naman pala, Lord Weiss. Bakit hindi ka sumasagot?" usisa niya. "Friends ba tayo? Belong ka ba sa family ko?" pambarang tanong ng amo niya. Ngumiti si Aiha at nilakasan niya ang loob niya para titigan sa mga mata ang kaniyang amo. Isang malagkit at mapagnasang titig ang binato niya sa kaniyang amo. "Hindi. Pero malay mo, ako pala ang future wife mo!?" Napailing na lang ang amo niya marahil sa