Share

Kabanata 39

ISANG BAGAY ang kumuha ng atensyon niya. Ito ay ang isang wallet na nasa upuan. Inabot niya ito at agad niyang nakita ang mukha ng ama ni Kloudette sa loob nito.

"Nakakainis. Bibigyan ka pa nila ng obligasyon," reklamo niya at piniga pa niya ang pitaka.

Nagmadali siyang lumabas sa bahay at agad siyang bumaba. Hinanap niya ang ama ni Kloudette pero hindi niya ito nakita. Tumawag siya sa security personnel at nagtanong siya tungkol sa taong nakasuot ng kulay black na suit. Sinabi nila sa kaniya na na nasa labas ito ng banyo sa ikalawang palapag.

Nagduda siya kung ano ang ginawa ng lalaki sa lugar na iyon. Tumungo siya kung saan tinuro ng mga security personnel kung nasaan si Mister Torres.

Didiretso sana siya pero nabitawan niya ang wallet kaya nahulog ito sa sahig.

"Ayaw ko na magkaroon ng bakas ang pinapatrabaho ko sa iyo. Dapat ay malinis mong gagawin ang trabaho mo nang sa ganoon ay walang magiging problema."

Nalito si Aiha sa kaniyang narinig. Tiyak siya na boses iyon ng ama ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status